Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Buwan ng Wika 2023 Script

Ako: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!


“ Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda.
Kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng ina sa atin ay nagpala. Ito ay tanyag na katagang
nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa
buhay ng tao.

Emcee: Ngayong umaga ay muli nating masasaksihan ang isang palatuntunan s ating paaralan
bilang pag-alaala sa ating Wikang Filipino na may temang:
FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA
Wika ng kapayapaan, Seguridad, at Ingkusibong Pagpapatupad ng Katarungang
Panlipunan.

Emcee: Tumayo po tayong lahat para sa isang sayaw panalangin na gagampanan ng mga piling
mag-aaral mula sa ika-4 hanggang ika-6 na Baitang sa susundan ng panalangin sa pamumuno
ni Gng. Rowean R. Gulapa at sa pakumpas ng Pambansang Awit ng Pilipinas ni G. Jessie DC.
Sandan at panunumpa sa watawat ni Bb. Mary Ann Pastrana.

Emcee: Para magbigay ng pambungad na mensahe, isang masiglang palakpakan para sa ating
pinakamamahal na punong-guro na si Gng. Amparo J. Mabutol.
( Maraming salamat po sa inyong makabuluhang pagbati sa panimula ng ating Palatuntunan.)

Emcee: Para naman po sa unang pagbati, tinatawagan ko si G. Rafael Herrera, ang bagong
halal bilang pangulo ng Samahan ng mga guro at Mga magulang sa panuruang 2023-2024.
At susundan n gating isa sa minamahal na BOT Chairwoman, Gng. Liza P. Reyes na susundan
namn po ng kanyang kabiyak na si G. Arthur Reyes ( OB Chairman ).
( MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGBIBIGAY INSPIRASYON SA BAWAT ISA NA NARIRITO
NGAYON.)

Emcee: Sa puntong ito, akin pong tinatawagan si G. Jessie Sandan upang ipakilala ang mga
Bagong Halal na PTSF at HPTA officers sa taong 2023-2024.

Emcee: Isang pampasiglang bilang ang ihahandog ng mga guro ng SRILC. Pasalubungan po
natin sila ng masigabong palakpakan.
EMCEE: Ngayon namn po ay dadako tayo sa IKALAWANG BAHAGI NG ATING PALATUNTUNAN.

Isang awiting bibigyang buhay ng mga piling mag-aaral ng SRILC na pinamagatang “BAYAN KO”
Na nagpapakita ng pagmamahal sa ating Inang Bayan.
(MULI MARAMING SALAMAT SA INYO MGA MINAMAHAL NAMING MAG-AARAL )

EMCEE: Katulad ng iba’t ibang wikang matatapuan sa Pilipinas, ang katutubong sayaw ng
bansa ay makikita sa makukulay, sari-sari, at nakakaanyayang indak o tugtugin na makikita sa
halos lahat ng rehiyon sa bansa. Pinakikita sa pamamagitan ng mga katutubong sayaw ng
Pilipinas ang maalab na damdamin, pag-ibig, kasiyahan, kabuuan ng loob, pagkakaibaat
pagkakaisa n gating bansa. Ngayon atingtunghayan ang mga inihandang presentasyon na ating
sisimulan mula sa mga mag-aaral ng :

A. Pre-elementary na Pinamagatang “ Ang Pipit” na nilikha ni Levi Celerio tungkol sa isang


ibong pipit na di pa niya kayang lumipad na may isang Mamang kay Lupit na ang puso ay
di na sa kanya ay nahabag. sa pamumuno ng kanilang guro na si Bb. Kathlyn Balbido.
B. Ang ipapamalas namn sa atin ng mga mag-aaral sa mula sa:
Kindergarten ay isang sayaw na nagsimula sa masiglang sayaw ng Sibay sa saliw ng
musikang Dejado para sa mag bisita sa isang binyagan na sa kalgitnaan ng kanyang
pagsasayaw ay napansin niya ang nakatutuwang galaw ng mga itik sa paligid na kanyang
ginagad kaya naman kanya itong ginaya at pati na rin ang mga bisita at sa tagpong ito
ay iniluwal ang mimetikong sayaw na ITIK-ITIK.
C. Mula sa unang baitang ay iisang sayaw ng pag-aani na nagdiriwang ng masaganang ani
ng gaway - isang halaman ng pamilyang taro na lumago para sa gulay at mga ugat nito. Ang
babaeng mananayaw ay nagtataglay ng isang kungo na kargada habang siya ay sumasayaw.
Ating tunghayan ang mga mag-aaral mula sa unang Baitang sa saliw ng tugtuging
GAWAY-GAWAY.

C. Isang sayaw mula sa probinsiya ng Batangas at orihinal na katutubong sayaw ng Tagalog.


Ang salitang Alitaptap naman ay kumakatawan sa isang maliit na insekto kung saan
kadalasan nakikita natin ito sa gabi na animo’y mayroong dalang lampara. Ito rin
minsan ang nagsisilbing liwanag sa daan. Ating palakpakan ang mga mag-aaral mula sa
IKALAWANG BAITANG SA KANILANG IHAHANDOG SA ATING SAYAW NA
PINAMAGATANG ALITAPTAP.
D. Ang susunod naman ay isang uri ng sayaw na may kahalong awitan sa saliw ng
instrumentong perkusyon na kung saan ang anyo ng mga mananayaw ay nakasubsob at
animo’y bali ang katawan. Ating tunghayan ang mga mag-aaral mula sa ikatlong Baitang
sa kanilang inihandang awiting “SUBLI”
E. Mula sa mga mag-aaral ng nasa ikaapat na baitang, isang sayaw na nangangahulugan
ng kaaya-ayang paggalaw ng mga kamay tulad ng kumintang na ginagamit ng mga
Tagalog na kaugnay sa galaw ng mga kamay. Tunghayan po natin sila sa sayaw na
KUNDAY-KUNDAY

You might also like