Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 36

Kalikasan at Katangian

ng Wika
Ang tao ang bumubuo sa lipunan.
Esensiyal ang tao sapagkat kung walang
tao ay hindi magkakaroon ng lipunan.
Ang bawat pangkat ng mga tao o ang lipunang may
sariling kultura at kabihasnan ay lumilikha at
lumilinang ng wikang angkop sa kanilang
pangangailangan.
Mga Kalikasan
ng Wika
Kung babalikan ang kahulugan ng wika ayon kay Henry Gleason,
narito ang sumusunod na katangiang taglay nito:
1. PINAGSAMA-SAMANG TUNOG (combination of sounds)

Ang wika ay pinagsama-samang tunog na nauunawaan ng mga


tagagamit nito na kapag tinuhog ay nakabubuo ng salita.

PONEMA - tawag sa pinakamaliit na makabuluhang yunit ng tunog


Hal:
baha - bahaY
maestro - maetrA
manananggol - manananggAl
11. MASISTEMANG BALANGKAS (systematic)

Kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ang


mga makabuluhang tunog (ponema) ay makalilikha ng
mga salitang nagbibigay kahulugan.

Morpema - Pinakamaliit na makabuluhang yunit ng


salita

Ponema Morpema Salitang-Ugat +


Panlapi + Morpema

Diskurso Pangungusap
11. MASISTEMANG BALANGKAS (systematic)

Sumusunod ito sa gramatikal na istruktura.


pagsasama-sama ng tunog upang bumuo ng salita
(ponolohiya)

pagbubuo ng mga salita (morpolohiya)

pagsasama-sama ng salita upang makabuo ng


pangungusap (sintaks)

kahulugan ng mga salita sa pangungusap


(semantiks)

pagpapaliwanag sa pagkakasunod-sunod ng
pangungusap (pragmatiks)
111. PINIPILI AT ISINASAAYOS SA PARAANG
ARBITRARYO

Ang wika ay nabubuo batay sa napagkasunduang


termino ng mga tao sa isang komunidad o
pinagkakasunduan ang anomang wikang gagamitin ng
mga grupo ng tao para sa kanilang pang-araw-araw
na pamumuhay.
1V. KABUHOL NG KULTURA

Madali nating makilala ang isang tao sa pamamagitan ng wikang


kaniyang ginagamit. Sumasalamin sa salitang ginagamit ang kultura
ng tao sapagkat malaki ang ugnayan ng dalawang ito.
V. SISTEMANG ORAL-AWRAL (oral-aural system)

Sistemang sensura sa paraang pasalita (oral), at pakikinig (awral).


Ang dalawang mahalagang organo na binubuo ng bibig at tainga ang
nagbibigay-hugis sa mga tunog na napakinggan. Ang lumalabas na
tunog ay binibigyang kahulugan ng nakikinig.

*Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon.


V1. NAGBABAGO AT
NAWAWALA

Dinamiko ang wika. Sumasabay sa


pagbabago ng panahon ang wika
at malaya itong tumatanggap ng
mga pagbabago upang patuloy na
yumaman at yumabong.

*Ang wika ay maaari ring mawala


kapag hindi ginagamit o walang
gumagamit.
V11. IBA-IBA, NATATANGI,
INDIGENOUS

Bawat wika ay may kani-kaniyang


katangian na ikinaiba sa ibang wika. Walang
wikang parehong-pareho. Ika nga, “no two
individuals are exactly alike.”
Mga Teorya ng
Pinagmulan ng Wika
Maraming teorya ang nagpapaliwanag hinggil sa pinagmulan
ng wika. Bagama’t hindi lahat ay may sapat at kongkretong
batayan, nagsisilbi pa rin ang mga ito bilang gabay sa atin
para magkaroon ng kabatiran tungkol sa pinagmulan ng
wikang ginagamit.
TEORYANG BIBLIKAL - batay sa Bibliya, ang wika ay kaloob ng Diyos
sa tao na siyang instrumento upang pangalagaan ang iba pang nilikha
Niya. Hango ito sa mga pangyayaring nagpakita ng kapangyarihan ng
Diyos upang magkaroon ng kaayusan sa mundo at maipalaganap ang
mabuting balita.
I. Tore ng Babel

Kilala rin sa tawag na Teorya


ng Kalituhan. Hango ito sa
aklat ng Genesis na
nagsasabing noon ay may iisang
wika lamang na ginagamit ang
tao, iyon ang wikang Aramaic.
II. PENTECOSTES

Ito naman ay hango sa Bagong tipan na


nagsasabing sa pamamagitan ng biyaya ng
Espiritu Santo, natuto ang mga apostol ng mga
wikang hindi nila nalalaman.

speak in tongues - speak in an unknown language


during religious worship, regarded as one of the
gifts of the Holy Spirit
TEORYANG SIYENTIPIKO - Huling bahagi ng ikalabindalawang
siglo nang simulang mag-usisa ng mga iskolar sa pagkakaroon ng
iba’t ibang wika sa mundo at maghanap ng mga sagot sa
katanungang, Paano nagkaroon ng wika?
1. TEORYANG BOW-WOW
Pinaniniwalaan sa teoryang ito na
nagmula ang wika sa panggagaya ng
tao sa tunog ng kalikasan.
II. TEORYANG DING-DONG
Kilala rin ito sa tawag na teoryang natibistiko
na ayon sa mga haka-haka ay may
misteryosong ugnayan ang mga tunog at ang
katuturan ng isang wika.

Ito ay hango sa mga tunog na nalilikha ng mga


bagay sa paligid.
III. TEORYANG POOH-POOH
Mula sa masidhing damdamin, nakabubulalas tayo ng tunog at
iyon ang pinupunto ng teoryang ito. Natuto raw tayo
mangusap dahil sa damdaming ating nais ipahayag tulad ng
galit, tuwa, lungkot, takot, pagkabigla, at iba pa.
IV. TEORYANG YO-HE-HO
Ito ay nabuo ni Noire, isang iskolar noong ika-19 na daantaon.
Naniniwala siya na ang wika ay nagmula sa mga ingay na
nalilikha ng mga taong magkakatuwang sa kanilang
pagtatrabaho gaya ng pag-aangat ng malaking bato. Ibig
sabihin, ang teoryang ito ay nakatuon sa puwersang pisikal ng
tao.
V. TEORYANG TA-TA
Ang ta-ta ay salitang Pranses na
nangangahulugang goodbye o paalam.
Pinaniniwalaan na sa kumpas ng kamay ng
tao ay sinusundan ng paggalaw ng dila at
naging sanhi upang matutong makabuo ng
salita ang tao.
VI. TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
Ang wika ay nag-ugat sa mga tunog na nalilikha ng mga
sinaunang tao mula sa ritwal at dasal. Likas sa mga sinaunang
tao ang paggamit ng ritwal sa lahat ng kanilang gawain tulad
ng pagkakasal, pakikidigma, pagtatanim, pag-aani,
panggagamot, pagluluto, at iba pa.
VII. AYON KAY CHARLES DARWIN

Nabuo ang wika dahil sa pakikipagsapalaran ng tao upang


mabuhay. Ang mga pakikipagsapalarang ito ang nagtutulak sa
tao upang makalikha ng iba’t ibang wika.
VII. AYON KAY RENE DECARTES

Likas na gumamit ang tao ng wikang naaangkop


sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato
ang tao sa kaniyang utak upang magamit ang
mataas at komplikadong antas ng wika upang
mabuhay at magampanan ang mga tungkulin niya
sa buhay.
IX. AYON KAY PLATO

Nalikha ang wika dahil ito ay pangangailangan ng


tao. Katulad ng mga damit, pagkain, at tirahan,
kailangan ng tao ang wika kaya niya ito naimbento.
X. AYON KAY HARING PSAMMATICHOS
Si Haring Psammatichos ay hari ng Ehipto. Nagsagawa
siya ng isang eksperimento upang malaman kung paano
nga ba nakapagsasalita ang isang tao.
Sa mga pananaliksik naman na ginawa sa larangan ng sikolohiya, ang
sumusunod na teorya ay may malaking impluwensya sa proseso ng
pagkatuto:

A. TEORYANG BEHAVIORIST
Batay sa teoryang ito, ang bata ay ipinanganak na may sapat na
lakas na kakayahan sa pagkatuto. Ang gawi at kilos ay maaaring
hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanyang kapaligiran.

Batay kay Burrhus Frederic Skinner (1968), higit na pinagtutuunan


ng pansin sa teoryang ito ang “pag-aalaga” kaysa sa pag-unlad ng
intelektwal. Maaaring mapatibay ang kakayahan sa pamamagitan ng
pagganyak (motivation).
A. TEORYANG BEHAVIORIST
Para kay B.F. Skinner, ipinagpapalagay na ang bawat isa sa atin ay
may kakayahang matuto ng wika. Ang konseptong ito ay itinatakda
ng mga panloob at panlabas na salik (factors).

Panloob na salik: dila, ngipin, atbp. para makapagsalita.


Panlabas na salik: mga tunog na naririnig o ipinakikinig sa mga bata.

Ang pag-uugali ng bata, dagdag pa ang mga salik pangkapaligiran, ay


siyang nagiging pundasyon ng pagkatuto ng wika.
B. TEORYANG INNATIVE

Ito ang teoryang nagsasabi na ang pagkatuto ng


wika ng bata ay batay sa kaniyang likas na
kakayahan. Nagsisimula ang ganap na pagkatuto ng
wika ng isang bata sa gulang na lima o anim na taon.

Binigyang-linaw ni Noam Chomsky ang “Language


Acquisition Device” (LAD). Ang nasabing instrumento
ay isang aparato sa isip na taglay ng isang bata. Ito
ay tumatanggap ng mga impormasyon mula sa
kapaligiran sa anyo ng wika.
C. TEORYANG COGNITIVE
Ang pagkatuto ng wika ay nagaganap matapos maunawaan ang isang
bagay o pangyayari. Kailangang nauunawaan ng tao ang mga
impormasyon o kabatirang natanggap upang makabuo ng isang orihinal
na pangungusap. Ang kamalian sa paggamit ng wika ay palatandaan ng
pagkatuto.
C. TEORYANG COGNITIVE

Sa pamosong haypotesis ni Benjamin Lee


Whorf (1956, sinasabi na:…the categories and
relations that we use to understand to world
come from our particular language, so that
speakers of different languages conceptualize
the world in different ways. Language
acquisition, then, would be learning to think,
not just learning to talk.)
Ayon kina Page at Pinnel (1979), ang Teoryang Cognitive at
Teoryang Innative ay halos magkatulad. Ang tanging pagkakaiba ng
dalawang teorya ay ang implikasyon ng mga ito sa paraan ng
pagkatuto ng bata:
Pinaniniwalaan ng mga “Innativist” na ang suporta sa pagtatamo ng
wika ay hindi kinakailangan dahil likas na niya itong natutuhan.
Pinaniniwalaan naman ng mga “cognitivist” na upang mabilis na
matuto ng wika ang bata, kailangan ang pakikipag-ugnayan sa
kapaligiran.
Sa konsepto ni Lev Vygotsky (zone of proximal
development), malaki ang papel na ginagampanan ng
kamalayan ng bata sa kaniyang kapaligiran, na siya namang
nagtatakda ng kanyang pagkatuto. Hindi magsasalita ang
isang bata ng isang salita kung hindi niya ito naririnig o hindi
ito iparirinig. Ang kanyang kamalayan sa wika at diwa nito ay
naiimpluwensyahan ng kaniyang kapaligiran.
TALASANGGUNIAN:
Peña, Romeo P. et. al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Malabon City: Jimczyville Publications.

Taylan, Dolores R. et. al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Pilipino. Quezon City: Rex Book Store.

You might also like