Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 10 - Q1 - Mod5
FILIPINO 10 - Q1 - Mod5
FILIPINO 10 - Q1 - Mod5
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com
Filipino 10
Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit ang angkop na pahayag sa pagbibigay
ng sariling pananaw.
PAANO GAMITIN ANG MODYUL NA ITO?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
iyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para makamit ang layunin sa paggamit nito.
BAHAGI NG MODYUL
1
Aralin Mahalaga ang Iyong
Pananaw
1
INAASAHAN
PANIMULANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
Ayon sa pinakahuling datos, 870 milyong katao ang undernourished at may 2,200 ang
namamatay bawat araw dahil sa kahirapan. Samantala 80 bahagdan naman ng mga tao sa
daigdig ang nabubuhay sa halagang mas mababa sa $10 o tinatayang Php 433 bawat araw.
Ang ilang datos na ito ay patunay lamang sa malubhang kahirapan at kagutuman sa
daigdig. Ang pagtuklas sa suliraning ito ang pinakaunang layunin ng UN Millenium
Development Goals (MDG). Upang tugunan ang suliranin sa kagutuman, ang humanitarian
agency na World Food Programme ay tumutulong sa halos milyon na tao sa 75 na bansa sa
pamamagitan ng programang Food For Work. Sa programang ito, ang pagkain ang ibinibigay
na kabayaran sa mga manggagawang tumutulong sa pagbuo ng mahalagang imprastraktura
tulad ng irigasyon.
Ang kahirapan at kagutuman sa buong mundo ay masosolusyunan kung patuloy na
magtutulungan ang mga bansa gamit ang epektibong programa.
https://www.slideshare.net/NinoMandap/mga-isyuatsuliraningpandaigdig
2. Ayon sa pinakahuling datos, 870 milyong katao ang undernourished at may 2,200 ang
namamatay bawat araw dahil sa kahirapan. Ang ginamit na eskpresyong
nagpapahayag ng pananaw ay
A. ayon sa B. katao
B. bawat D. Pinakahuli
2
3. Samantala 80 bahagdan naman ng mga tao sa daigdig ang nabubuhay sa halagang
mas mababa sa $10 o tinatayang Php 433 bawat araw. Ang nais ipahiwatig ng
pahayag na ito ay
A. maraming masasamang tao sa bansa
B. kinukurakot ang mga pagkain maging sa ibang bansa
C. marami ang mahirap na tao sa buong mundo
D. mayayaman ang 80 bahagdan ng mga tao sa mundo
BALIK-TANAW
Burak at Pangarap
Matapos masunog ang kanilang bahay, napilitan ang 12 taong gulang na si Junjun
na sumisid sa isang maruming ilog na may tambak na basura, burak at abopara makahanap
ng kalakal na maibebenta. Peligroso man, hindi niya alintana ang dumi at hirap makatulong
lang sa kaniyang pamilya. Ang kaniyang kuwento ay matutunghayan sa video na ito.
3
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
“Mahirap mabuhay sa mundo”, iyan ang kadalasang sinasabi ng mga nakatatanda.
Napakaraming suliranin ang kinakaharap ng mga tao kumbaga, ang suliranin ay bahagi ng
pamumuhay natin. Ang babasahing akda ay may kaugnayan sa mga suliraning kadalasan
nating nakakasalamuha at nakikipamuhay sa atin.
Matuto sa Karanasan
GAWAIN
Gawain 1 – Itala Mo, Impormasyon Ko!
Panuto: Itala mo ang mahahalagang impormasyon mula sa akdang nabasa . Sundin ang
grapikong presentasyon .
*
4
Gawain 2 – Pananaw Ko, Ibabahagi Ko
Panuto: Ang sumusunod na pahayag ay halaw mula sa binasang akda. Ibigay ang iyong
sariling pananaw sa pahayag. (Mapanuring Pag-iisip at Pakikipagtalastasan)
Pahayag Pananaw
Sa aking pananaw,
Ayon sa matatanda,
papunta ka pa lang pabalik na
ako.
Panuto: Isa-isahin ang mga bahagi ng binasa/pinanood sa youtube gamitin ang link na ito;
https://youtu.be/U5wx-g2YxRc
5
Panimula Katawan Wakas
• Anu-ano ang suliraning • Paano masosolusyunan • Ibigay ang huling
kinakaharap ng bansa? ang mga suliranin ng pangako ng Pangulo
bansa ayon sa Pangulo? bago siya bumaba sa
2022.
TANDAAN
Alam mo ba na may mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw?
1. Mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang: ayon, batay, para,
sang-ayon sa/kay, ganoon din, sa paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat
ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao.
Halimbawa:
a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa
Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may
sariling wika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”
b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay ni/ng
Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating
kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay
sa kanilang kinabukasan.
c. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip
Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng
kaparusahan ang DENR kaya patuloy silang lumalabag sa
batas pangkalikasan.
d. Sa ganang akin, Sa tingin, akala, palagay ko
Palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD
para sa mga batang lansangan na karaniwang sangkot sa
maraming krimen sa kalsada.
2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o
pananaw tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman, mapapansing di tulad ng naunang
mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig
lamang ng pangkalahatang pananaw.
Halimbawa:
a. Sa isang banda, Sa kabilang dako
Sa isang banda,mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan
ang mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang sa
gayo’y masuri nila ang kung sino ang karapat-dapat masuri nila
ang karapat-dapat na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod.
b. Samantala
Samantala, mamamayan mismo ang makapagpapasaya kung
paano nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga
taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang
karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.
6
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Panuto: Balikan ang sanaysay na Matuto sa Karanasan, sipiin ang mga ekspresiyong
nagpapahayag ng pananaw at ekspresiyon sa pagababago ng pananaw. Kopyahin
ang grapikong representasyon sa kwaderno at doon isulat ang sagot.
Ekspresyon sa
Pagbabago ng
Ekspresyon
Pananaw
sa Pananaw
ayon sa sa palagay ko
7
Panuto: Bumuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng sariling pananaw batay sa
napapanahong isyung pandaigdig. Isulat sa kwaderno ang kasagutan.
Sariling
pananaw: _
Sariling pananaw:
Sariling pananaw:
Sariling pananaw:
Sariling pananaw:
8
Sa tingin ko bilang Sa aking paniniwala
kabataan… bilang isang kabataan…
9
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang seleksyong sa loob ng kahon at sagutin ang sumusunod na mga
tanong.
2. Ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar, panukala nila sa Department of Education ang
IBC 13 bilang opisyal na istasyon katuwang ang Philippine Broadcasting Service
upang mai-ere ang mga aralin mula Kindergarten hanggang Grade 12. Ang ginamit
na eskpresyon na nagpapahayag ng pananaw ay
A. sa kabilang banda C. ayon kay
B. sa tingin ko D. batay sa
10
Malapit na ang panahon ng tag-ulan sa bansa. Pinaniniwalaang, parating na
rin ang mga usong sakit kapag panahon ng tag-ulan sa bansa.
Probelma na naman ang dengue, leptospirosis, diarrhea, ubo at trangkaso.
Kaya naman ang Department of Health ay naghahanda na upang mabawasan ang
kaso nito.
PAPEL Pinaghahanda na
SA REPLEKTIBONG rin ng mga gamot
PAGKATUTO at iba pang mga
(Pakikipagtalastasan at kailangan ang mga
Pagtutulungan)
ospital at municipal center upang malabanan ang mga sakit sa tuwing tag-ulan.
Sa hirap ng buhay maraming mga tao ang hindi makapagpapagamot sa mga
pribadong ospital. Ayon nga kay Sec. Duque, ibayong pag-iingat upang hindi
magkasakit. Sa aking palagay, ang pamahalaan ay kumikilos na upang
mabawasan ang kaso ng ganitong mga sakit. Sa isang banda, tayong mga
mamamayan ay magkaroon din ng disiplina sa sarili upang maiwasan ang
magkasakit nang malala.
https://journal.com.ph/editorial/opinion/korapsyon-ang-sumisira-sa-bansa
8. Ayon nga kay Sec. Duque, ibayong pag-iingat upang hindi magkasakit. Ang salitang
nagpapahayag ng pananaw ay
A. Sec. Duque C. ayon kay
B. magkasakit D. pag-iingat
10. Sa hirap ng buhay maraming mga tao ang hindi makapagpapagamot sa mga
pribadong ospital. Ang nais ipahiwatig ng pahayag ay
A. maraming walang kakayahang magpa-ospital
B. umiwas sa doktor at ospital
C. bawal magkasakit ang walang pera
D. mabuhay ng masaya at walang kaaway
11
PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO
Panuto: Dugtungan ang pahayag sa loob ng bawat kahon. Humingi rin ng pananaw mula sa
iyong kamag-aral/kaibigan. Isulat sa kwaderno ang sagot.
Ang aking natutuhan sa araw na ito ay... Lubusan kung naunawaan na...
Natuto Ako!
12
SANGGUNIAN
https://www.slideshare.net/NinoMandap/mga-isyuatsuliraningpandaigdig
https://www.youtube.com/watch?v=V_m2egQWWVU&feature=share
https://youtu.be/U5wx-g2YxRc
https://pia.gov.ph/news/articles/1044081
https://journal.com.ph/editorial/opinion/korapsyon-ang-sumisira-sa-bansa
13