Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

ANG PAMAMAHAYAG

LAYUNIN
a. Nabibigyang pagpapakahulugan at kaunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng Pahayagan;
b. mauunawaan kung paano nagsimula ang Pahayagan sa Pilipinas;
c. matutuklasan kung gaano umusbong ang Pahayagan sa bawat nagdaang Panahon hanggang
kasalukuyan sa Pilipinas.
 KAHULUGAN NG PAMAMAHAYAG
 Ang pamamahayag o peryodismo ay isang estilo ng pagsusulat ng tuwirang pag-uulat ng
mga kaganapan. Ito ay proseso ng pangangalap, paglikha at paglalahad ng balita at
impormasyon. Ito rin ay lipon ng iba't ibang impormasyon na may kinalaman sa ating
kapaligiran. Maari itong ilathala ng may nakakaengganyong titulo o pamagat. Nailalahad
rin ang mga importanteng pangyayari sa ating lipunan, maaring ito ay patungkol sa
politika, isports, showbiz at iba pa. Ang pamamahayag ang nagsisilbing daluyan ng
komunikasyon sa pagitan ng mamamayan.
 KAHALAGAAN NG PAMAMAHAYAG
 Mahalaga ang pamamahayag dahil nagbibigay ito sa ating lipunan ng mga impormasyon
at balita na naayon sa ating panahon.
 Ito ang nagsisilbing pahayagan ng mga saloobin ng mga tao.
 Mahalaga ang pamamahayag dahil napagkukuhanan ito ng impormasyon sa pagiging
handa lalo na sa oras ng sakuna. Mas nagiging handa tayo sa anumang hindi magandang
darating.
 Ito rin ang magpapaunawa at magiging gabay ng mga tao ukol sa kung ano ang naganap
o magaganap
 Maari din nitong libangin ang mga tao sa pamamagitan ng pagsasalaysay na maaring
saliwan ng katatawanan.
o Unang- una mahalaga ang pamamahayag dahil nagbibigay ito ng impormasyon at
balita sa ating lipunan na naayon sa ating panahon. Dahil ang mga nakalimbag na
mga balita sa isang pahayagan ay bunga ng mga pangyayari sa lipunang ating
ginagalawan.
o Higit pa doon hindi tayo maaring magbigay ng balita na matagal ng natapos bagkus
kinakailangang ito ay mainit, totoo at kaakibat ng panahon kung kailan ito maiilathala
sa mga pahayagan.
o Isa rin sa mga kahalagahan ng pamamahayag ay nagiging handa tayo sa mga
nangyayari sa ating lipunan katulad nalang ng mga sakuna. Sa pamamagitan nito
nakakapag-isip tayo ng mga alternatibong paraan upang maiwasan ang mga darating
pang hindi kanais-nais.
o At nagiging gabay na natin ang mga balita sa pahayagan mapa telebisyon, radyo, o
diyaryo man ito.
o Maliban doon hindi lamang patungkol sa mga seryosong usapin o bagay ang
inilalagay sa mga pahayagan kundi nakapagbibigay rin ito ng kasiyahan at
katatawanan na papatok sa mga mambabasa.
 KASAYSAYAN NG PAHAYANGAN SA PILIPINAS
A. PANAHON NG KASTILA
SUCCESOS FELICES (1637) – nagsimula ang pamamahayag sa Pilipinas sa paglalahathala ni
Tomas Pinpin, isang Pilipinong manlilimbag ng Succesus Feklices isang polyeto (newsletter) sa
Maynila niya sa Kastila ang pangunahing mga kuwento ukol sa mga tagumpay ng La Naval
laban sa mga Dutch sa ternate. Nagtagal ito hangang 1809.
 TOMAS PINPIN isang Pilipinong Manlilimbag o tinaguriang “Father of Filipino
Printing” natutuhan niya ang sining ng mga paglimbag buhat sa mga prayle at instik.
AVISO AL PUBLICO (1799) – isa itong Hojas Volantes o flying sheets (notices to the public)
na lumitaw noong Pebrero 27, 1799.
 Sinabing ang sukat nito ay isang malaking kwaderno. Ito ay tungkol sa kampanya kaban
sa mga Muslim at pagkabihag ng mga Kastila sa pangunguna ni Jose Gomez.
DEL SUPERIOR GOVIERNO (1811) - Ang kauna-unahang pahayagan sa Pilipinas na lumabas
ng palagian sa patnugot ni Governador-Heneral Manuel Fernandez de Folgueras noong Agosto
8, 1811. Dahil sa higit ng sensura ng mga Kastila hinggil sa mga lathalaing nakasisira sa kanila,
ang pahayagang ito ay umiral lamang sa maikling panahon at pagkatapos ng labinlimang labas
ay kusa nang namatay.
GACETA DE MANILA (1861) –Mula sa dating Boletin de Official ay muling nirebisa ang mga
nilalaman ng pahayagang ito at pinangalanang Gaceta de Manila.
 Ilang opisyal ng pamahalaan ang inobligang magsobkrayb dito, kabilang na dito si
Heneral Blanco; ang mga batas militar para saw along lalawigan ng Luzon, mga
patalastas ng gobyerno, opisyal na kautusan, mga court orders at iba pang mahahalagang
impormasyon.
 Nanatili ito hanggang Agosto 8, 1895 limang araw bago tayo sakupin ng mga
Amerikano.
 Itunuring ito na pinakatagumpay na pahayagan sapagkat nagtagal ito tatlong po’t walong
taon.
LA ESPAFIA OCEANICA (1862) – Una itong pinangalanan na Revisa de Noticias y Anuncios
noong 1861 na di kalaunan ay naging La Espafia Oceanica.
EL CATOLICO FILIPINO (1862) – ito ang kauna-unahang relihiyosong pahayagan mula sa
patnugot ni Mariano Sevilla.
EL PASIG – Pahayagang Kastila na minsa’y nasasamahan ng mga artikulong Tagalog upang
magbigay edukasyon sa mambabasa.
LA ESPERANZA (1846) – Disyembre 1, 1846 – ay kinilalang unang pahayagang pang- araw-
araw maliban lamang sa araw ng Lunes ang La Esperanza sa patnugot nina Felipe Lacorte at
Evarisco Calderon bahagi nito ay mga talakayang pampilosopiya, panrelihiyon at
pangkasaysayan.
BOLETIN DEL EJERCITO (1864) – Ito ay pahayagang nakatutok sa mga sandatahang lakas at
di gaanong binigyang interes ng publiko kaya tuluyan na rin naglaho.
LA ESTRELLA (1848) – nahinto na ang publikasyon noong 1849.
EL POVENIR FILIPINO (1865) – Labindalawang taon na nakipagsapalaran ang pahayagan na
ito na laging muntik-muntikan nang bumagsak dahil sa hindi pagkakasundo ng mga patnugot.
Naging babasahin ito ng mga mambabasang tumututok sa linguhang bull fighting na
pinangungunahan ni Lorenzo Sanchez (isang bantog na toreador) na nagsimula noong June 10,
1871.
DIARIO DE MANILA (1848) – sa patnugot ni Felipe del Pan at tumagal hanggang 1852.
EL INSTRUCTOR FILIPINO EL DESPERTADOR (1849) - tumagal lamang ng ilang araw at
ilang buwan.
BOLETIN OFICIAL DE FILIPINAS (1852) – mula sa dating diario de manila isinaayos itong
muli at pinangalanang BOLETIN OFICIAL DE FILIPINAS opurtinadad nito ang kanilang mga
sabskrayber na mailathala ang kanilang patalastas nang hanggang anim na linya lamang. Ito ay
tumagal hanggang 1860.
EL COMERCIO (1858) – isang pahayagang paghapon mula sa patnugot ni Ulpiano Fernandez at
kalaunan ay pinamunuan ni Gobernador Heneral Soler y Ovejero.
ILUSTRACION FILIPINA (1859) – unang nailathala noonh march 1, 1859 at naglabas ng
dalawang bese na isyu kada buwan. Ito’y tumagal lamang hanggang Disyembre 15, 1860.
B. PANAHON NG HIMAGSIKAN (1865)
REVISTA MERCANTIL – Isang linguhang pahayang pang-komersyo ni Joaquin de Loyzaga na
di kalaunan ay nakipagsanib sa El Commercio bilang kontributor.
PEVISTA DE ADMINISTRACION (1866) – Si Joaquin de Loyzaga rin ang nagpasimula ng
pahayagang ito na kung saan lahat ng patnugot at mga kontributor ay pawang empleyado ng
pamahalaan.
El DIARIO DE AVISOS (1868) – Unang nakapaglathala ng sipi noong Pebrero 1, 1868 at
naging huli na noong Oktubre 11, 1869
EL COMERCIO (1869) –Isang pahayagang panghapon ang muling binuo ni Joaquin de Loyzaga
at Francisco Diaz Puertas gamit ang kaparehong pangalang (EL Comercio) ng pahayagang unang
lumabas noong 1858.
EL TRAVADOR FILIPINO (1874) – Naglathala ng mga tula ng isang beses sa loob ng isang
linggo.
REVISTA DE FILIPINAS (1875) – Linguhang pahayagan na naglalathala ng mga kaalamang
may kaugnayan sa agham at mga literaryong gawain.
EL ORIENTE (1875) – Linguhang pahayagan na naglalathala ng iba’t ibang mga rebyu at
ilustrasyon.
BOLETIN DE LA REAL SOCIEDAD ECONOMICA FILIPINA DE AMIGOS DEL PAIS – ito
ang pahayagang nakaukol sa Agrikulturang mga sulatin at anunsiyo buwan-buwan na tumagal
hanggang 1899.
LA OCEANIA ESPAÑOLA
•1877
•Ito ay nagtagal hanggang 1899 pagkatapos ng Treaty of Paris
•Patnugot: Wenceslao Retana
o LA OCEANIA ESPAÑOLA Ito ay itinatag ni Wenceslao noong 1877 na nagtagal
lamang hanggang 1899 sapagkat nagkaroon ng Treaty of Paris. Si Wenceslao Retana ay
isang manunulat at editor na taga-Espanya. Bilang siya ay isang manunulat, marami na
siyang naisulat na artikulo na nagtatanggol sa pamamahala ng Kastila laban sa mga
panawagan ng mga reporma sa ekonomiya at pulitika sa Pilipinas. Nagtagal lamang ito
ng 22 years sapagkat nagkaroon ng Treaty of Paris. Ito ay kasunduan ng bansang Spain at
Amerikano na itigil na ang digmaan. Pagkatapos ng kasunduang iyon, gustong angkinin
ng Amerikano ang Pilipinas, sa huli ay tinanggap ng Spain ang alok ng Amerikano ngunit
dapat silang magbayad ng $20 million . Isa rin sa dahilan kung bakit huminti sa pagsulat
si Retana ay dahil nagkaroon sila ng alitan ni Jose Rizal noong panahong ito sa
kadahilanang ang pamilya raw ni Rizal ay hindi nagbabayad ng utang. Nang mabasa ito
ni Rizal, hinamon niya si Retana ng duwelo ngunit ito ay hindi natuloy at humingi na
lamang siya ng tawad kay Rizal sapagkat alam ni Retana na magaling siya sa larangang
iyon.
o

C. PANAHON NG PAGBABAGO (1882-1898)


LA OPINION
•Abril 1, 1887
•Kauna-unahang pahayagang kumondena sa mga prayle, pagpapaalis sa arsobispo, at paghingi
ng reporma sa pamumuno ni Benito Quiroga.
o LA OPINION Ito ay pahayagang tumututol at naglalantad sa mga pang-aabuso ng mga
paring Espanyol sapagkat talagang tinatapaktapakan ng mga Espanyo ang karapatang ng
nga Pilipino.
o Si Benito Quiroga ay isang Director Civil na ang hinahangad ay ang pagbabago sa
pamamahala ng mga arsobispo. Dahil hangad ni Benito ang pagbabago sa pamamalakad
ng mga Espanyol, itinuturing siyana isang pakialamerong tao kayat naging kakontra siya
ng pamahalaang Espanya.
DIARIONG TAGALOG
•1882
•Naglathala tungkol sa pag-ibig sa bayan at ang masamang kalagayan ng bansa subalit hindi
nagtagal ang pahayagang ito.
•Itinatag ni Marcelo H. del Pilar
o DIARIONG TAGALOG Itinatag ito ni Marcelo H. del Pilar na isang manunulat,
abogado, at siya ay kilala sa pangalang "Plaridel". Ang pahayagang ito ay nag-uudyok ng
reporma sa pamahalan at tumutuligsa rin sa pang-aabuso ng mga Prayle. Hindi ito
nagtagal dahil ang mga taga-suporta at mambabasa nito ay pinaghihinalaang kontra sa
pamahalaang Espanyol at dahil din sa kawalan ng pondo.
EL RESUMEN
•Hulyo 1, 1890
•Naging popular ang peryodiko sapagkat ito ay ginawang makatugon sa katutubong damdamin
ng Pilipino
•Patnugot: Pascual Poblete
o EL RESUMEN Ito ay pahayagan sa Madrid na sumusuporta sa adhikain ng mga Pilipino
sa patnugot ni Pascual Poblete, isang manunulat na may layuning gisingin ang
damdaming makabayan ng mga Pilipino at siya ay tinaguriang "Ama ng Pahayagang
Tagalog"a. Ginamit niya ang pahayagang ito upang tuligsain ang mga katiwalian at oang-
aaping ginagawa ng mga Kastila na naging dahilan uoang ipatapon siya sa Africa. Siya
rin ang sumulat ng dulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa na siyang dahilan ng kanyan
pagkakakulong.
LA SOLIDARIDAD
•Pebrero 15, 1889
•Ang pinakabantog na pahayagan ng mga Pilipino sa Espanya
•Patnugot: Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar
o LA SOLIDARIDAD Ang pahayagang ito ay naglalayong magparinig sa gobyernong
Kastila ng masaklap na kalagayan ng mga Pilipino at nagnanais ng kalayaan sa
pamamahayag at pagsasalita. Ang naging patnugot dito ay sina Graciano Lopez Jaena at
Marcelo H. del Pilar, sila ay naging malaking bahagi ng Rebolusyong Pilipino sa
kagustuhang maging malaya ang bansang Pilipinas. Si Dr. Rizal na kasali sa kanilang
partido ay huminto sa pagsusuporta sapagkat nagpokus siya sa pagsulat ng El
Filibusterismo at nagkaroon din sila ng suliranin at iyon ay ang kakulangan sa pondo para
ipagpatuloy ang operasyon kayat hindi nakamit ang reporma sa ilalim ng Espanyol.
KALAYAAN
•Ang pahayagan ng mga katipunero na nasa katutubong wika na lihim na itinago
•Patnugot: Emilio Jacinto
•Ang unang labas nito ay nagpasilakbo ng damdamin ng bayan ngunit ang pangalawa ay hindi
natuloy sapagkat natiklo na ang katipunan.
o KALAYAAN Nagtatag si Andres Binifacio("Ama ng Katipunan") ng isang lihim na
samahan na tinatawag na KKK (Kataas-taasang Kagalang-galang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan. Kasali rito sina Emilio Jacinto kilala bilang "Utak ng Katipunan" at
Emilio Aguinldo kilala bilang "Pilipinong Rebolusyonaryo". Ang pahayagan ng
katipunan ay naghahayag ng mga kasamaan at kasakiman ng mga prayle at may layuning
palayain ang bansa. Nabunyag ang pahayagang ito dahil kay Teodoro Patiño na siyang
umamin sa samahan na KKK. Ang naging dahilan niya sa pag-amin ay dahil sa hindi
pagkakaunawaan sa suweldo, dahil nga siya ay isang sugarol gusto niya na maraming
pera ang mapunta sa kanya.

LA INDEPENDENCIA
•Setyembre 3, 1898
•Itinatag nina Heneral Antinio Luna at Joaquin Luna
•Itinuring ang pahayagang ito bilang pinakabantog na
pahayagang pribado.
o LA INDEPENDENCIA Itinatag ni Antonio Luna kilala bilang pinakamahusay na
Heneral sapagkat siya ang lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano at katuwang niya
rito ang kanyang kapatid na si Joaquin Luna na kasalinrin sa rebolusyong Pilipino. Ang
nilalaman ng aritkulo ay sumasalamin sa damdaming nasyonalismo at pagmamahal sa
bayan. Naging kasapi rin dito si Jose Palma at nakapaglathala ng tula na pinamagatang
"Filipinas" na nilapatan ni Julian Felipe ng musika na ngayong ay tinatawag ng "Lupang
Hinirang". Nang sumiklab ang Digmaang Filipino-Americano noong 1899, hindi na
maasikaso ni Heneral Luna ang pahayagan kung kayat kinuha niya si Rafael Palma
bilang kapalit niya. Dahil nga kasalukuyan ang digmaan, napagdesisyunan ni Rafael
Palma na ilibing ang palimbagan at mga materyales bago siya tumakas sapagkat ayaw
niyang mahuli.
THE NEWSPAPER LA REPUBLICA FILIPINA
•Itinayo sa Mandaluyong, Rizal noong Setyembre 15, 1898
•Patnugot: Pedro A. Paterno
o NEWSPAPER LA REPUBLICA FILIPINA Ang pahayagang ito ay naging mahalagang
bahagi ng kampanya sa kalayaan ng ating bansa. Nakapaloob dito na dapat lahat ay
igalang ang batas at dapat may pantay-pantay na karapatan. Si Pedro Paterno ay
tinaguriang tagapamagitan sa mga Kastila at Pilipino upang makamit ang mapayapang
pakikitungo sa mga Kastila. Ayon sa kanya, dahil sa Espanyol ay kulang-kulang ng isang
daang taong may pagkakaugnayan sa Pilipinas. Subalit ito ay mahigpit na tinutulan ng
mga tao sapagkat nais nilang ipaglaban ang tunay na kalayaan ng bansang Pilipinas.
EL HERALDO DE LA REVOLICION FILIPINA
•Setyembre 29, 1898
•Inilathala sa Malolos Bulacan
•Ito ay naging opisyal na publikasyong pahayagan sa
panahong may rebolusyon sina Heneral Emilio Aguinaldo.
o EL HERALDO DE LA REVOLICION FILIPINA Ang pahayagang ito ay naglalathala
ng mga balita sa paghihimagsik na pawing gumigising sa damdaming makabayan. Si
Emilio Aguinaldo ay sali sa Nacionalista Party na pinamumunuan ni Sergio Osmeña, ito
ay samahang sumusuporta sa kalayaan ng Pilipinas. Gaya ng KKK, ang Nacionalista
Party ay may layuning magtaguyod ng sariling pamamahal.
D. PANAHON NG AMERIKANO (1899)
COLUMNAS VOLANTES
•Inilathala noong Marso 24, 1899 sa Lipa Batangas.
•Ito ay naglalaman ng mga artikulo ukol sa pulitika at mga sandatahang lakas.
•Patnugot: Gregorio Aguilera Solis
o COLUMNAS VOLANTES Sai Grogorio Aguilera Solis ay isang galing sa isang
mayamang pamilya, pinag-aral sa ibang bnasa, at isa siyang manunulat. Ang pahayang
ito ay nagpapakita ng damdaming makabayan na siyang dahilan ng pagkakaroon ng
determinasyon ni Gregorio na labanan ang mga Americano. Sa bawat isyu niya,
inihahayag niya ang kanyang intensyon na ipagpatuloy ang pakikibaka para sa kalayaan
hanggang kamatayan. Sa kasawiang palad, natigil ang pahayagang ito sapagkat
kinumpiska ng mga Amerikano ang mga materyales at palimbagan nito.
BOUNDING BILLOW
•1899
• inilathala rin ang kaunaunahang pahayagang Amerikano kung saan inihahayag ang
pagkapanalo ni Heneral Dewey at pagsaupo niya sa pwersang Amerikano sa Manila Bay.
o BOUNDING BILLOW Ito ay naglathala lamang maikling artikulo sapagkat ito ay
tungkol lamang sa mga buhay ng mga mandaragat sakay ng USS Olympia na sinakyan ni
Heneral Dewey. Dahil nga nanalo ang Amerikano noon kontra sa Spain, naglathala sila
ng maraming kopya bilang alaala sa pagkapanalo ni Heneral Dewey.
THE MANILA TIMES
•Unang pang araw-araw na pahayagan sa panahon
ng mga Amerikano na ang namamahala sa bansa
•Patnugot: Thomas Cowan at George Sellner
o THE MANILA TIMES Pagkatapos ng digmaan ng Kastila at Americano, nabuo ang
pahayagang ito at naging paksa dito na ang Amerikano na ang namamahala sa Pilipinas
sa paglalathala nina Thomas Goward at George Sellner.
EL NUEVO DIA
•Unang pahayagan na bumabatikos sa mga Amerikano
•Itinatag rin ni Sergio Osmena noong 1900.
o EL NUEVO DIA Ito ay pahayagang bumabatikos sa mga Amerikano at ito ay
naglalaman ng nasyonalistikong sulatin. Itinatag ito ni Sergio Osmeña, nagtatag ng
Nacionalista Party, ngunit ito ay ipinatigil at binantaan siya ng mga Amerikano dahil
kanyang mga sulatin. Hindi nagtagal, kinumpiska ng mga Amerikano ang kanyang
sulatin kung kayat inilaan na lamang niya ang oras sa Cebu dahil siya ay Gobernador
doon.
MANILA DAILY BULLETIN
•Isa rin sa mga pangaraw-araw na pahayagan noong
1900 na tinatangkilik natin magpahanggang ngayon.
•Itinatag ni Carson Taylor
o MANILA DAILY BULLETIN Ang pahayagang ito ay nagtataglay ng tama at maasahang
impormasyon tungkol sa pagbabarko, kung kailan aalis o dadaong ang barko, at kalakal
ng mga kumpanya.Ito ay pagmamay-ari ni Carson Taylor isang sundalo na nakisali sa
digmaang Kastila-Amercano.
EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang)
•Itinatag ni Rafael Palma noong 1900.
o EL RENACIMIENTO Ito ay naging kilalang pahayagan sapagkat ang mga isyu gaya ng
corruption ay inilantad ni Rafael Palma. Dahil dito, nagsampa ng kaso si Dean Worcester
(naniniwalang hindi kaya ng Pilipinas na pamunuan ang sariling bansa) laban sa
pahayagan ni Palma. Natalo si Palma dahil na siya ay napatunayang nagkasala,
kinailangan niyang magbayad sa pinsalang kanyang nagawa kung kayat napilitan siyang
ibenta ang mga materyales ng kanyang pahayagan.
PHILIPPINE FREE PRESS
•Itinatag ni HUKOM KINCAID noong 1907
•Patnugot: McCoullough Dick
o PHILIPPINE FREE PRESS Ang inilalatha rito ay mga maikling kwento at mga editorial
cartooning na nagpapakita ng kultura at pulitika sa Pilipinas. Isa sa kilalang cartoon na
naiguhit ay ang Juan de la Cruz ni McCoullough Dick. Ayon sa kanya, inilarawan niya
ang Juan dela Cruz na isang karakter na nagpapakita ng isang tipikal na Pilipino.
Inuugnay niya ito sa imahe ng isang lalaking nakasuot ng salakot, katutubong pantalon at
tsinelas. Ipinapakita niya sa karakter ni Juan de la Cruz na siya ay isang biktima sa
pamamahala ng mga Amerikano at ang cartooning na ito naglalayong ipakita sa mga
Pilipino ang pang-aabuso ng mga Amerikano.
E. PANAHON NG HAPON (1941-1945)
Sa panahong ito tatlong pahayagan lamang ang umiral.
 The Daily Tribune
•The Daily Tribune- ang kadalasang nilalaman nito ay tungkol sa pamumuhay, balita sa mundo,
negosyo, at sports.
 Manila Bulletin
•Manila Buletin- sa pananahong ito, nahirapan ang mga manunulat na maglabas ng mga balita
dahil sa Martial Law kayat nagsikap ang pahayagang ito na makapagpalabas ng balita na
makabuluhan at unti-unti itong napansin ng publiko kaya nagkaroon ng masusugid na mga
mambabasa at napanatili uto hanggang ngayon.
 Daily Herald.
•Daily Herald- Ang nilalaman nito ay mga litrato tulad ng digmaan sa Spain. Naging
matagumpay ang bulletin sa pagtulong sa mga unyon ng manggagawa kaya naging pang-araw-
araw na pahayagan ang papel.

 Nakabuo rin ang TVT o mas kilala bilang Taliba-La Vanguardia- Tribune at DMHM o
bilang Debate-Mabuhay--Herald-Monday Mail kasabay ng patuloy na pagusbong na rin
ng Magasin at Komiks na Liwayway na lumutang bago pa man manakop ang mga Hapon
sa bansa.
o TVT Taliba- ang wikang ginamit ay Tagalog
o La Vanguardia- ang wikang ginamit ay Espanyol
o Tribune- ang wikang ginamit ay English
o Ang pinakamahigpit na kakompitensiya ng T-V-T ay ang DMHM (El Debate, Mabuhay,
The Philippine Herald, at Monday Mail) ng angkan ng Elizalde, ngunit hindi nito
makayanang labanan ang T-V-T, kaya naman ang mga kritiko ay sinasabing ang
kahulugan ng DMHM ay “Dito Muna Hanggang Meron,” pagkutya laban dito kung
ikukumpara sa lakas at kasikatan ng T-V-T.
o LIWAYWAY ay isang magasin na naglalaman ng mga maikling kuwento at sunud-sunod
na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga
Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa
man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga
namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at naging dahilan rin ng kanilang
pagtitipon upang magbasa lamang, lalo na ang mga nobela. Isa sa naging tanyag na
sulatin dito ay ang "Kwento ni Lola Basyang" ni Severino Reyes.
 Lumabas ang Magasin na Yank, Daily Pacifican, The Stars and Stripes at pinaikling
edisyon ng Times at Newsweek
 Lumabas din ang iba't ibang pahayagan tulad ng Free Philippines sa Leyte. Ang mga
peryodikong patagong nailambag ay lumitaw din upang maghayag. Gaya ng Bagong
Buhay, Voz de Manila, Filipino Observer, Guerilla, Freedom, Philippine Press, Comet at
Courier.
 Nanalo si Manuel Roxas bilang pangulo noong Abril 19. Ang natalong dating pangulo ng
Commonwealth na si Sergio Osmeña ay nagtatag ng Morning Sun.
F. PANAHON NG LIBERALISASYON (PEBRERO 1945)
 Lumabas din ang iba't ibang pahayagan tulad ng Free Philippines sa Leyte. Ang mga
peryodikong patagong nailambag ay lumitaw din upang maghayag. Gaya ng Bagong
Buhay, Voz de Manila, Filipino Observer, Guerilla, Freedom, Philippine Press, Comet at
Courier.
Abril 19, 1946
 Ang natalong dating pangulo ng Commonwealth na si Sergio Osmeña ay nagtatag ng
Morning Sun.
 Nagtatag naman si Manuel Roxas ng Daily News at Balita bilang pahayagan ng Partido
Liberal.
 Nagpatuloy naman ang paglalathala ng mga pahayagang pangaraw-araw sa wikang Ingles
tulad ng Business World, Malaya, Manila Bulletin, Manila Standard Today, Philippine
Daily Inquirer, Philippine Star, The Daily Tribune at Manila Times.
 Gayundin ang mga tabloid na abot-kaya ng masa tulad ng Abante, Balita, Bulgar,
People's Journal, People's Taliba, Tempo, Philippine Star Ngayon, at Saksi Ngayon.
o PANAHON NG LIBERASYON
o Bagong Buhay, Voz de Manila- Lihim na umusbong ang mga pahayagang ito sa
kadahilanang nais ng mga mamamayan ang nahihinggil sa loob at labas ng bansa.
o Morning Sun- Nang matalo si Sergio Osemeña, umuwi siya sa Cebu at doon
nilaan ang oras bilang isang gobernador.
o Daily News at Balita- ito ay pahayagan ng partido liberal na kung saan ang paksa
nito ay tungkol sa sakripisyo ng mga Pilipino upang makalaya ang bansa.
o Business World, Malaya, Manila Bulletin- Ang mga pahayagang ito ay hindi na
bago sa ating pandinig sapagkat ang mga pahayagang ito ay nagbabahagi rin ng
mga impormasyon sa pamamagitan ng pagpo-post sa social media. Saklaw nito
ang tungkol sa pamumuhay, entertainment, isports, negosyo, pulitika, krimen,
sakuna, at iba pa.
o Abante, Balita, Bulgar- ang mga tabloid na ito ay naglalaman ng mga balita,
tsismis, isports, literatura, 'di kaya'y mga palaisipan tulad ng sudoku at crossword
na matatagpuan sa loob ng tabloid. Ito ay mainam na pampalipas oras ng mga
taong walang ginagawa at itinuturing din itong dyaryong pangmasa sapagkat ito
ay nakalathala sa wikang Tagalog
LAYUNIN:

a. Nabibigyang kahulugan ang pagkakaiba ng pahayagan sa pahayang pangkampus;


b. nauunawaan ang katuturan, saklaw, layunin, at tunkuling ng pamamahayag;
c. nagkakaroon ng simulaing kaalaman sa mga seksyon at bahagi ng isang
pahayagan.

 PAGKAKIBA NG PAHAYAGAN AT PAHAYAGANG PANGKAMPUS

PAHAYAGAN
 Ang pahayagan, diyaryo o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag nanaglalaman ng balita,
impormasyonat patalastas, kadalasang naimprenta sa mababang halaga. Itoay maaring
pangkalahatan o mayespesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o
lingguhan.
PAHAYAGANG PANGKAMPUS
 Ay isang publikasyon sa isang naturang paaralan na maaaring nakamimyograp o
nililimbag. Ang mga balita ay tinipon ng mga kasaping pamunuan na ang kanilang
panagalan ay makikita sa kahon ngeditorial. Ito ay may layuningmagpasigla sa mga mag-
aaral namagkaroon ng hilig at panlasa lugod sa pagbabasa.
PAGKAKAIBA NG DALAWANG PAHAYAGAN
 Ang pahayagang inilalathala sa araw – araw ay tinatawag na pang araw-araw na
pahayagan. Ang pahayagan naman na inilalathala kada linggo aytinatawag na lingguhang
pahayagan na ang pangunahing mga lamang balita ay ang mga napapanahong isyu sa
loob at labas ng bansa.
 Samantalanang ang pahayagang pangkampus naman ay ang pahayagang inilathala sa mga
paaralan na siya namang pinamatnugutan ng mga guro at mag-aaral. Ito ay may layuning
maisulat ang mga impormasyon na nauukol din sa mga kaganapan sa isang naturang
kampus at matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kawilihan sa panunulat at
pagbabasa ngperyodiko.
o Ang pahayagan ay sakop ang lahat, mapalipunan man, komyunidad, sports, mapa
local man o international at iba pa samanatalang sa pahayagang pangkampus
nakatuon lamang sa loob ng kampus kung ano ang mga kaganapan na maaring
ipahayag.
KATUTURAN, SAKLAW, LAYUNIN, TUNGKULIN NG PAMAMAHAYAG
KATUTURAN NG PAMAMAHAYAG
 Ang pamamahayag ay nangangahulugang isang proseso ng paglalahad ng paksa at
impormasyon sa mapanuri at maayos na pahayag gamit ang mga salitang mapanuring
sanaysay. Ang paglalahad at pagpapakalat ng impormasyon ay isang sining ng
pamamahayag.
o Katuturan Ng pamamahayag
o Kung Ikaw ay isang tagapamahayag, dapat totoo ang iyong ibinabalita. Maging
responsable sapagkat ang iyong ginagawa ay isang sining ng pamamahayag.
SAKLAW NG PAMAMAHAYAG
1. Pasulat - Tulad ng pagsulat ng mga pahayagan, magasin at iba pa.
o Ang pasulat o print media, ito yung mga naisatitik na balita na nakikita natin sa
pahayagan,dyaryo, polyeto at iba pa.
2. Pasalita - Karaniwang nagaganap saradyo sa pamamagitan ng pagbabalita at pamumunao
pagbibigay komentaryo.
o Ang pasalita o broadcast media naman ay mga yaong naririnig natin sa mga radio
o komentaryo.
3. Pampaningin - Pagbabalita sa television ng mga on-the-spot- telecast na pagbabalita,
komentaryo, pagaanunsiyo at iba pa.
o At panghuli ay ang pampaningin o visual media, ito ay ang nakikita natin o
napapanood na balita sa tv.
LAYUNIN NG PAMAMAHAYAG
1. TULONG SA MAG-AARAL
 Magbigay ng pagkakataon sa pagsasanay sa nakawiwiling panulat.
 Magpasigla sa mga mag-aaral na magkaroon ng hilig at panlasa at lugod sa pagbabasa.
 Luminang ng kakayahan sa pagmamasid at sa wastong pagpapahalaga sa mga babasahin.
 Magpasigla sa lalong maningning at mabungang pag-aaral.
 Magsanay, hindi lamang pang akda at pasulat kundi sa pamamahala, pagtuturo,
paghahanap-buhay, pakikitungo sa kapwa, pagsusuri sa kasiningan at kaaghaman ng mga
bagay-bagay
 Maturuan ng wastong pagbasa ng mga pahayagan at ng mga aklat.
 Maglinang ng mataas na pamantayan ng pagtutulungan, katapatang- loob,
pagpapaumanhin, pagkamaginoo, pananagutan, pagkukusa at pagpapasunod.
o Bilang mga kabataan napakalabong maisip natin kaagad ang mga layunin sa ibat
ibang aspeto ng Pahayagan katulad ng tulong nito sa mga mag-aaral, paaralan at
pamayanan. Dahil hindi natin maitatanggi na ang bukod tangi nating naiisip ay
ang pahayagan ay tumatalakay lamang sa mga pangyayari sa loob at labas ng
ating bansa. Ngunit kung ating pag-aaralang mabuti ito ay nakakatulong rin sa
mga mag-aaral sa paraang hinihikayat nito ang mga mag-aaral na gamitin ang
mga isip sa mga kapaki pakinabang na mga gawain at ito ang pagsulat.
Nabibigyang pagkakataon ang isang mag-aaral na ipamalas ang kanyang galing sa
pagkuha ng mga impormasyon na magagamit niya sa paggawa ng pahayagan.
2. TULONG SA PAARALAN
 Ipaalam sa bayan ang mga Gawain ng paaralan.
 Maglathala ng mga balitang pampaaralan
 Magtaguyod ng pagkakaisa sa tahanan at paaralan.
 Tumulong sa paglinang ng mabuting pamantayan ng pag-uugali.
 Lumikha at pagpahayag ng kuru-kuro ng paaralan.
 Magbigay daan sa pagkakaisa ng buong paaralan.
 Magpasigla at magbunsod ng mga gawaing kapaki-pakinabang.
 Mag-ukol ng pitak ng mga mungkahi ng mga mag-aaral at ng kanilang mga magulang sa
lalong ikabubuti ng paaralan.
 Tumangkilik ng pakikipag- unawaan at pakikipag- tulungan sa iba’t-ibang paaralan.
 Magpahayag at magpalaganap ng diwa ng ideyalismo na higit kaysa materyalismo.
 Lumikha ng maagang pagtutulungan ng mga magulang at mga guro.
3. TULONG SA PAMAYANAN
 Nagpapabatid sa pamayanan ng tungkol sa gawain ng paaralan.
 Naglalathala ng balitang pamayanan.
 Nagpapaunlad ng pagkakaunawaan ng pamayanan at paaralan
 Nagpapaunlad ng diwang makapamayanan
 Nagpapasigla ng mahalagang gawain ng pamayanan
TUNGKULIN ng PAHAYAGAN (Functions of a Newspaper)
 Maging mata at tainga ng mga mambabasa (Information function)
 Maging Tagapagturo (Education function)
 Pumuna ng mga balita sa pamamagitan ng mga tudling at pitak (Interpretation function)
 Tagapaglahad ng mga kuru-kuro (Opinion moulder)
 Maging Tagapaglibang o tagaaliw (Entertainment function)
 Gumanap bilang Tagapag-alaga ng Karapatan ng mga mambabasa (Watchdog function)
 Bilang talaan sa mga mahahalagang pangyayaring naganap (Documentation function)
o Napakalaking bagay ng Pahayagan sa buhay ng isang paaralan at pamayanan
dahil ang pahayagan ang nagsisislbing talaan ng mga pangyayari sa mga paaralan
at pamayanan. Ang pahayagan ang kadalasang nagbibigay pagkakataon sakanila
upang makilala at makatanggap ng tulong sa iba pang mga institusyon .
IBA’T IBANG SEKSYON NG PAHAYAGAN AT BAHAGI NITO
1. Pangunahing Balita o Mukha ng Balita.
 Ito ang unang pahina ng isang pahayagan kung saan mababasa ang panagalan na
pahayagan, petsa kungkailan ito naimprenta at ang pangunahing balita na nakasulat sa
malalaking letra.
o Mababasa sa unang pahina ng pahayagan ang pinakamalaki at pinakamahalagang
balita; Nakasulat ang ulo nito sa malalaking titik.
2. Balitang Pandaigdig
 Dito nakapaloob angmga balitang nagaganap sa iba’t ibang panig ng mundoat maging
mga balitang may kaugnayan sa labasng ating planeta.
o Kapag ang balita ay naganap sa labas ng bansa ito ay nauuri bilang balitang
pandaigdig. Sa pahinang ito mababasa rito ang mga iba’t ibang nagaganap sa
labas ng ating bansa.
3. Balitang Panlalawigan
 Sa pahinang ito ngpahayagan inilalahadang mga balitang nakalap mula sa iba’t ibang
lalawigan sa bansa na kung saan nalimbag ang pahayagan.
o Kapag ang balita ay naganap sa loob ng ating bansa nauuri itong balitang local o
panlalawigan. Dito mamababasa ang mga iba’t ibang nagaganap sa loob ng ating
bansa sa iba’t ibang lalawigan.
4. Pahinang Editoryal o Pangulong Tudling
 Naglalaman ng opinyon ng editor ng pahayagan tungkol sa napapanahon o mahahalagang
isyu at balitang naipalathala. Matatagpuan din ang bahaging ito ang mga pitak o kulom
na naglalaman ng mga kuro-kuro tungkol sa iba't ibang isyu.
o Ito ay tinatawag na Tinig ng Pahayagan sapagkat isang mapanuring
pagpapakahulugan ng kahalagaan ng pangyayari upang magbigay-kaalaman,
makapagpaniwala o makapagliabang sa mga mambabasa. Sinasabing kaluluwa ito
ng pahayagan.
5. Pahinang Panlibangan
 Ang mga balita o lathalain tungkol sa mga artistang lokal o banyaga at palabas sa
telebisyon at pelikula ay matatagpuan sa pahinang ito, gayundin ang iba't ibang gawaing
mapaglilibangan, tulad ng crossword, horoscope at komiks.
6. Anunsiyo Klasipikado
 Ang pahinang ito sa pahayagan ay higit na nakalaan para sa mambabasang naghahanap
ng trabaho at naghahanap ngmabibiling ari-arian. Makikita rito ang mga anunsyo para sa
iba’t ibang uri ng hanap buhayo kaya ay mga binebentang bahay, lupa, sasakyan at iba
pang kagamitan.
o Mababasa rito ang mga anunsyo o palathala tungkol sa trabaho, gayun din sa
pinagbibiling mga produkto, lote, bahay, sasakyan at iba pa.
7. Obitwaryo
 Nakalaan ang pahinang ito para sa mga anunsyo tungkol sa mganamayapa na. Dito
makikita ang impormasyon kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang namayapa.
o Nababasa rito ang anunsyo tungkol sa pagkamatay ng isang tao ibig ipabigay-
alam sa kanyang mga kamag-ana at mga kaibigan.
8. Pahinang Pangsports at Palakasan
 Sa bahaging ito, mababasa ang mga kaganapan sa iba’t ibang larong pampalakasan na
nasa loob at labas ng ating bansa.
9. Lifestyle
 Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa pamumuhay,tahanan,
pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan.
10. Balitang Komersyo
 Ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng mga ulat na may kaugnayan sa
industriya, kalakalan, at komersyo. Mababasa din dito ang kasalukuyang estado ng
palitan ng piso kontra sa pera ng ibang bansa.

You might also like