Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ernest Rael A.

Roque Setyembre 17, 2023

10-Halley Ginang Lesley Angeles

Sariling Mitolohiya

Nagising sa isang kakaibang lugar si Winston na mayroong mga punona kulay lila at rosas. Siya ay
namangha sa kagandahan ng mundo na kanyang linalakaran. Siya ay pumunta sa gubat at namuhay sa
pagkain na binibigay ng gubat katulad ng prutas, gulay, at karne mula sa ibang hayop. Pagkalipas ng ilang
araw ng pangangaso at pamumuhay sa gubat, nakakita si Winston ng isang maliit pero maunlad na
siyudad. Pinuntahan niya ito at naging magkaibigan sa mga tao na naninirahan sa siyudad. Dito niya
nalaman na ang pangalan ng munting siyudad na ito ay “Narzia”, pinangalan sa isang dragon na tinatawag
nilang “Nazra”. Si Nazra ay pinaniniwalaan ng mga tao bilang ang pulang dragon na gumawa ng mundo na
tinitirhan ng mga tao. Si Winston ay sumali sa mga sundalo ng Narnia, at rinespeto siya ng ibang mga
sundalo dahil sa kanyang lakas at stratehiya. Dahil dito, siya ay ang napili bilang pinuno ng mga sindalo ng
Narzia.

Isang araw, nagising si Winston sa mga pagsabog ng mga bomba sa labas ng kanyang bahay.
Kinuha niya agad ang kaniyang sibat at kalasag at lumabas. Noong lumabas si Winston, nakita niyang
inaatake ang kaniyang mga kaibigan. Tinapon ni Winston ang kanyang pana sa ulo ng kalaban at ito ay
namatay. Nakita nila na may umaatake na mga sundalo sa kanilang siyudad. Ang mga sundalo na ito ay
kabilang sa isang hukbo na tinatawag na “Azolichor”, kilala bilang kalaban ng mga taga-Narnia. Inutusan
niya ang kaniyang mga sundalo na paalisin ang mga sibilyan at sumugod sa mga Azolichor. Kahit sa
sobrang dami ng mga Azolichor, ang depensibong stratehiya ni Winston ay gumagana para pigilan ang
pagsulong ng mga kalabang sundalo. Sa tamang oras, dumating si Nazra at sumali sa laban sa mga
Azolichor. Sobrang lakas ng apoy at kagat ng dragon na naging uling na lamang ang mga umaatakeng
sundalo, at ang iba ay nakain ng buo ni Nazra. Pagkatapos ng nangyari, nagkasiyahan ang lahat ng tao sa
Narzia.

Pero, sa isa sa mga napatay na sundalo, may nakita si Winston na papel. Nakasulat dito na “Ang
mundong ito ay hindi totoo”. Napatanong si Winston sa sarili na bakit mayroong sulat ang isa sa mga
sundalong umatake. Habang mayroong handaan sa gitna ng siyudad, naglalaro sa isip ni Winston na “Bakit
may ganito ang isa sa mga sundalo?” “Totoo ba ang mundo na ito? Nananaginip lang ba ako?” Di rin siya
makatulog dahil sa kaniyang naiisip. Hanggang isang araw, tinanong ni Winston ang mga ito kay Nazra,
pero lumipad lang si Nazra sa ibang direksyon. Hinabol siya ni Winston ng di alam ng dragon hanggang
nakita niya ang mga ginagawa ni Nazra.

Nakita ni Winston ang isang mahiwagang asul na lagusan. Sa tabi nito ay ang maraming mga buto
ng ibang mga tao. Habang tinitignan ni WInston ang lagusan, bigla siyang nagulat ni Nazra. Tinanong ni
Winston ano ang lagusan na ito at bakit may sobrang daming mga buto. Pinakita ni Nazra ang kanyang
totoong kulay. Ang sinabi ni Nazra ay ito ang mga buto ng dating pumunta sa lugar na ito at mga
inosenteng mga tao na kinakain niya at ang lasugan ay papunta sa totoong buhay. Sinabi niya rin na ang
mundo na ito ay panaginip lamang at ang mga Azolichor ay alam ito, kaya gusto nilang sirain ang Narzia at
pataying siya para makawala ang mga tao sa panaginip na ito. Hindi ito alam ng mga taga-Narzia. Nagulat
si Winston sa lahat ng mga ito at gustong patayin si Nazra, at sila ay lumaban ng sampung oras hanggang si
Nazra ay napatay at pumunta si Winston sa lasugan. At siya ay nagising sa totoong buhay. Dito natuto ni
Winston na lumaban para makamit ang iyong gusto kahit parang imposible na manalo at mayroon pa ang
isang nilalang maliban sa kaniyang labas na anyo at paano siya kilala.

You might also like