Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

NANAY – Natasha

TATAY – Aaron
BABAENG KAPATID – Pauleen
LALAKENG KAPATID – Ygel
TITO – Roniel
TITA (asawa ni tito roniel) – Paula
PINSAN NILA – Kenji and Joshua
CHISMOSANG KAPITBAHAY – Kylie and Yuan

Gilmore

INTRO
1. Birthday ni Pauleen and sinurprise siya ni Ygel at Natasha (cake – lemon square na may
kandilang maliit)

NATASHA & YGEL: Happy Birthday Pauleen!


NATASHA: Pasensya ka na nak, ito lang nakayanan.
PAULEEN: Ok lang po yun nay, salamat.

2. Dumating yung tito roniel nila at tita paula (nagpapaypay) pinaaalis na sila sa bahay
nilang nakasanla.

RONIEL: Aba nagawa niyo pang magdiwang ng birthday ni pauleen eh di niyo na nga
mabayaran ung bahay niyong nakasanla.
PAULEEN: Pasensya na po tito alam niyo na pong nagkasakit si tatay bago mamatay kaya
kailangan isanla ang bahay.

(FLASHBACK) – Sinasanla nila yung bahay kay tito Roniel tapos habang si Aaron ay nakahiga
kasi mamamatay na.

NATASHA: Kuya kung pwede sana isanla yung bahay sa inyo para pampagamot sa asawa ko.
RONIEL: Hay nako, wala ako ganung kalaking pera, singkwenta mil lang ang mapapahiram ko
sa inyo.
NATASHA: Kuya Malaki ng bagay iyon, salamat.
RONIEL: Ngunit sa isang kondisyon, magtatrabaho yung mga anak mo sa amin.
NATASHA: Kuya bat naman sila madadamay pa?
PAULEEN: Ok lang yun nay, gagawin ko para mapagamot si tatay.

3. Kinakausap ni pauleen at ygel si natasha na wag masyado dibdibin tapos nagpaalam siya
dahil papunta na siya sa trabaho.

YGEL: Nay wag kang magalala, mababayaran din natin ang bahay.
PAULEEN: Kaya nga nay, huwag mo masyadong dibdibin at baka may mangyari pang masama
sayo. Sige na nay, alis muna ako, punta muna ako kila tito roniel, baka hinahanap na nila ako
run.
4. Naglilinis si pauleen habang naglalaro si Joshua ng ML tapos biglang tumawag si ygel
kay Joshua, pinapahanap si ate niya.

JOSHUA: Oh bakit napatawag ka ygel?


YGEL: Anjan ba si ate? Pwede pakausap?
PAULEEN: Oh bakit napatawag ka?
YGEL: Ate, wala na si inay, inatake siya sa puso, siguro kakaisip sa mga problema natin.

5. Natulala si pauleen tapos nagmoment si pauleen.

(FLASHBACK) – Naalala niya yung memory na pinupush siya ng nanay niya na ipursue yung
singing.

*Naguukalele siya tapos nafufrustrate siya dahil hindi maayos ang pagtugtog niya*

PAULEEN: Ano bayan diko makuha yung gusto kong tono!


NATASHA: Ano bang problema jan anak? Ok naman ah.
PAULEEN: Eh may kailangan akong aralin para sa audition ko bukas nay, natatakot akong
magkamali.
NATASHA: Wag kang matakot, di mo ba alam na andito lang ako sa iyong tabi.

6. Naalala ni pauleen yung sinabi sa kaniya ng nanay niya na Wag kang matakot, di mo ba
alam na andito lang ako sa iyong tabi tapos Kakanta si pauleen, ivideo niya tas ipopost
niya sa socmed tapos magtetrending siya.
7. After magtrending, pinuntahan ni ygel si pauleen na sinabi sikat na siya.

YGEL: Ate Nakita mo na ba? Nagtetrending yung video mo!


PAULEEN: Talaga? Sana andito si nanay para makita niya na nakamit ko na yung pangarap ko.

8. Tapos may nagchat or email kay pauleen na yung videong yun may naipong pera.

YGEL: Ano yan ate?


PAULEEN: May nagsend sa akin na email na nakaipon daw yung video ko na malaking pera.
YGEL: Talaga ate?! Pwede na nating bawiin yung bahay.

9. Tapos yung chismosang roniel at paula, habang nagccp sila Nakita nila yung post ni
pauleen.

RONIEL: Si pauleen ba ito?


PAULA: Oo nga noh, siya ba yan?
RONIEL: Kaya nga tinatanong kita eh.

10. Tapos may lumapit sa kanila tapos sinabi na kamusta na pala yung pamangkin niyo, sikat
na pala tapos sasabihin nila sikat nga pero wala namang pambayad sa bahay, narinig ni
ygel.
KYLIE: Kamusta roniel, balita ko sikat na yung pamangkin mong si pauleen.
YUAN: Oo nga eh, nagviral yung video niya, diba malaking pera yung makukuha run.
RONIEL: Hay naku! Sumikat nga wala namang pambayad sa bahay.
(nakikinig si ygel)

11. Pumunta si ygel sa ate niya at sinabi niya yung sinabi ng tito at tita nila tapos sasabihin ni
pauleen na sapat naman na tong pera para mabalik yung bahay.

YGEL: Ate diba may nakuha kang pera sa viral video mo?
PAULEEN: Oo, bat mo naman natanong?
YGEL: Narinig ko kasi silang nagchichismisan sa labas, pinaguusapan ka nila ate, wala raw
tayong pambayad sa bahay.
PAULEEN: Ano?! Sumosobra na sila, bukas na bukas aayusin na natin mga papales ng bahay.

12. Pinuntahan na nila tito at tita na bayaran yung bahay.

PAULEEN: Magandang araw tito, gusto ko lang sana pagusapan ang tungkol sa nakasanla
naming bahay.
RONIEL: Oh bakit? May pambayad ka na ba?
PAULEEN: Gusto ko lang po sanang malaman kung magkano na po ang naabot na interes ng
nakasanla naming bahay.
RONIEL: Ang napagusapan naming ng inyong inay ay may 10% ako kada taon na nakasanla ang
inyong bahay. Sa loob ng apat na taon na nakasanla ang bahay niyo, dalawampung libo na ang
interes nito kaya pitompu’t libo na ang kailangan mong bayaran para matubos ang bahay niyo.
PAULEEN: Salamat sa Diyos at sapat ang aking ipon, mababayaran ko na ang bahay.

(nagpirmahan sila ng kontrata)

13. Na sa puntod sila ng nanay at tatay nila tapos sinabing natupad na nila yung pangako
nilang babawiin yung hawz.

PAULEEN: Nay, Tay, Nabawi ko na yung bahay natin, salamat.


YGEL: Salamat, ginabayan niyo po kami ni ate, pangako, di naming pababayaan ang isa’t isa.

THE END

You might also like