Dsis Patrol

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Station ID: DSIS PATROL! Mata tenga na may dalang katotohanan.

DSIS! sa palapihitan ng inyong mga radio.

Voice: miyembro ng kapisanan ng mga broadcaster ng DAAN SUYAN.

Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan ito ang DSIS PATROL!

Anchor 1: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng BRGY.

Anchor 2: Mga balitang tinututukan.

VOICE: DSIS PATROL!

Anchor 1: Sa loob ng limang minuto maghahatid ng balitang siksik sulit na sulit sa DSIS Patrol

Voice: Narito ang DSIS BALITA!

Anchor 2: ang oras natin ngayon ay labintatlong minuto makalipas ang alas 2 ng hapon ng

Sabado, ika-disesais ng abril taong dalawang libo dalawampu’t dalawa at isang pagbati

Para sa anibersaryo ng barangay Daan Suyan.

Anchor 1&2: isang magandang hapon Brgy.Daan Suyan

Anchor 1: ito ang inyong tagapagbantay,RON MARK SALAZAR

Anchor 2: at inyong kaagapay,ZHANDY ROSE BALANDE

Anchor 1&2: at kayo’y nakikinig sa DSIS BALITA!

(sound lalakas)
Voice: Para sa ulo ng mga nagbabagang balita.
Anchor 1:para sa balitang local, Kalsada ng BRGY.Daan Suyan mas pinagandahan.
Narito si JIMS para sa balita. JIMS?
Anchor 2: para sa balitang NATIONAL ,Limited face to face classes sinimulan na sa DAAN SUYAN
Narito si Rhea Salazar para sa balita. Rhea?
(dagling pagputol ng kanta)
Anchor 2:Para sa mga detalye
(continue ng background sound)
Anchor 1: Para sa balitang international,Pitompung porsyento ang nagpabakuna na sa barangay
daan suyan
Narito si LEO JOHN MANTE para sa balita. LEO?
Voice: DSIS Patrol!
JIMS: Upang hindi na mahirapan ang mga residinte sa baliko baliko at maputik na
daanan. ginastusan nila ito sa halagang labindalawang milyong pesos. sinimulan nila itong
gawin
noong Agusto labintatlo taong dalawang libo dalawamput isa.
JIMS: balik sayo RON MARK. Salamat jims.
NEWS PRESENTER: nagsimula na ang limited face to face sa Daan Suyan Integrated school.
noong
Pebrero dalawamput dalawa taong dalawang libo dalawamput dalawa na sa mga baitang siyam
hanggang labindalawa at handa na ang ika-sampong baitang. Na pinangunahan ni Gng.Rezel
Magon at mga kapwa guro,maging ang mga magulang at mga mag-aaral sa pagsimula ng klase.
Pagtitiyak ng pamunuan ng DSIS nasusunod ang mga health protocol gaya ng physical
distancing, palagiang pagsuot ng facemask,at paghuhugas ng kamay kung kinakailangan sa
bawat klase,naglagay rin sila ng temperature check at alcohol station sa kanilang paaralan.
RHEA: balik sayo Zhandy.
Anchor 2: Salamat RHEA. Para sa isang paalala. Mag babalik po ang
Anchor 1&2: DSIS BALITA!
INFORMERCIAL:
Mga pagkain: akala ko ba mahal mo ako? Ehh,bakit hindi mo ako
Pinapansin? Pagkain lang ako nababawasan,naglalaho din.
Ikaw na nga ang nagsabi na dapat pahalagahan natin ang pagkain!
Bakit inuuna mo pa ang social media,mas inuuna mo pa ang kaka ML mo?
Wala ba akong halaga sayo?Tandaan mo tao! Iisipin mo din ang kalusugan mo!
Ito ay mahalagang paalala mula sa National Food Authority (NFA).
(Malakas na pasok ng kanta)
(pasok ng bagong kanta)
Anchor 1: kayo’y patuloy na nakikinig sa ….
VOICE: DSIS…DSS….RADYO NG Brgy…..DSIS
Anchor 1&2: DSIS BALITA
(sounds mag-papalit)
Anchor 2: Para naman sa ating balitang isports, mula sa Taipei, LEO JOHN,ibahagi mo.
Matapos itanghal sa ikalawang pwesto ng William Jones Cup sa Taipei
Ang Gilas Pilipinas na pinamumunuan ng Samahang Basketball ng Pilipinas(SBP) ay naiipit
sa matinding sitwasyon sa pagkuha sa Los Angeles Lakers Guard jordan Clarkson para sa final
lineup na ipapasa ng Gilas hangang ngayong tanghali para sa nalalapit na FIBA sa Asia
Championship. Ang pormal na desisyon para sa paglalaro ni Clarkson ay mag mumula sa SBP
Executive Director Sonny Barios na siyang humiling sa pamunuan ng FIBA sa Geneva, para
makapaglaro ang nasabing LA lakers Head Coach Byron Scott. Ayon kay Gilas Head Coach Tab
Baldwin ang kumpletong lineup ay maipapasa ngayon subalit hindi ipapaalam sa publiko. Lahat
ay gagawin nila para sa Gilas at ang lineup na ipapasa ay maaring baguhin bago mag simula ang
mga laro dagdag ni Baldwin. Ang lineup ay na ipapasa ng Gilas ay ang “Best choice” para
maiwasan ang “penalty roster change” sa nasabing liga.

Mula sa Taipei,LEO JOHN nag uulat.

( sound lalakas)
VOICE: DSIS! Mata taenga na may dalang katotohanan.DSIS

Anchor 1: iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di lamang

Naghahatid ng balitang sariwa kundi balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.

Anchor 2: ito ang inyong tagapagbantay,RON MARK SALAZAR

Anchor 1:At lagi niyong kaagapay,ZHANDY ROSE BALANDE

Anchor 2: balitang sulit.

Anchor 1: balitang siksik.

Anchor 1&2: Lahat ibabahagi,mga balitang tapat

DSIS BALITA..

Voice: DSIS, PATROL.

You might also like