Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Depresyon, Pigilan at Aksiyonan

By: Raiven Andrei R. De Sagun

Marami sa mga kabataan at estudyante sa Pilipinas at Mundo ay nakararanas ng depresyon, ito’y


Isang karaniwang kondisyon sa pag-iisip kung saan nakararamdam ng labis na kalungkutan ang isang tao.
Sabihin mang ito ay na-aaksiyonan at na so-solusyonan di pa rin maitatanggi na mataas at tumataas pa
ang mga kaso niyo.

Isa sa mga ikinababahala ng paaralang President Jose P. Laurel National High School ay ang
depresyon, sapagkat masama ang epekto nito sa kalusugang pangkaisipan at pag-aaral ng mga
estudyante at maaari pa itong mag dulot Ng iba pang masasamang Bagay tulad ng patuloy na
pagkapagod, pagka wala ng gana sa pagkain, sakit ng ulo, masakit na katawan, at ang pinaka masama
pagpapakamatay.

Ayon sa Manila Times, sa isang survey na isinagawa sa mga kabataang Pilipino, 35 porsiyento ang
nagsabing nakaranas sila ng depresyon, na mas mataas sa global average na 27 porsiyento. Samantala,
16 na porsiyento ang nagsabing sila ay nakakaranas ng anxiety, na mas mataas kaysa sa 12 porsyentong
global average.

Ayon naman sa lawmaker in the House of Representatives, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may
pinakamataas na kaso ng depresyon sa Southeast Asia na Kung saan halos 3.3 milyong Pilipino ang
dumaranas nito at Ayon naman sa Paaralan ng President Jose P. Laurel National High School may ilang
mga kaso Ng suicide attempt ang nangyari sa loob Ng School year 2022-2023 at Marami ring mga
estudyante ang naaapektuhan na Ang pag-aaral dahilan Ng depresyon.

Ang depresyon ay Isang nakakapangilabot at nakakatakot na bagay sapagkat may kakayahan itong
kumuha ng buhay ng isang inosenteng tao, kaya naman kawawang kawawa ang mga kabataan at
estudyante lalong lalo na sa panahon ngayon dahil marami pa rin sa kanila ang nahihirapang bumalik sa
lipunan at sa normal nilang pamumuhay dahilan ng mahigit dalawang taong pagkaka lockdown kung
kaya't nag bunga ito ng depresyon.

Ang Paaralan ng President Jose P. Laurel National High School ay nag sagawa ng psychological
assessment sa unang linggo ng pasukan upang hindi muna mabigla ang mga estudyante at para na rin
matulungan ang mga estudyante na makabalik o ma welcome sa lipunan at new normal. Pinayuhan din
ng mga guro ng Paaralang ito na maging open sa kanila ang mga estudyante dahil karamihan sa mga
dahilan ng depresyon ay ang pamilya. Isa pang ginawa ng Paaralan ay ang hayaan ang mga estudyante na
maglaro sa school grounds sa oras nang kanilang recess upang malibang at ma relax ang isip nila at hindi
lang ma stress sa mga gawain sa paaralan. Nais ng Paaralan na matangal kung hindi ay bawasan ang
depresyon na nararanasan ng mga estudyante dahil Sabi nga nila “A human being can survive almost
anything as long as she sees the end in sight. But depression is so insidious, and it compounds daily, that
it’s impossible to ever see the end.”

You might also like