EsP 7-Q4-Module 13

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

pg.

1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-pitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 13: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay sa
Pagtupad ng mga Pangarap
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Ma. Loreta A. Sobremonte
Editor: Irma C. Angkiangco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio,RGC, PhD/Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikaapat na Markahan
Modyul 13
Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay sa Pagtupad ng mga Pangarap
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay sa Pagtupad ng mga Pangarap

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay sa Pagtupad ng mga Pangarap.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN – Sa bahaging ito malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong
makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK – Dito masusukat ang iyong


matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

BALIK-ARAL – Dito masusukat ang dati mo nang


kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa.

ARALIN - Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa


Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY - Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang


pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT - Sa bahaging ito ibubuod ang


mahahalagang konsepto na dapat bigyang halaga.

PAGPAPAHALAGA - Sa bahaging ito ay titiyakin kung


ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay
nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUBOK - Dito masusukat ang mga


natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa


Buhay ay gabay upang matupad ang mga pangarap
Mga Layunin:
Pagkatapos mong aralin ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:
1. nauunawaan ang halaga ng pagbuo ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay;
2. nakatatamo ng kasiyahan sa pagsagot sa mga gawain; at
3. nakabubuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay sa pagtupad
ng pangarap.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at isulat ang ang titik ng pinakatamang sagot
sa patlang.
______1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na pagkilala
sa mga kakayahan?
a. Upang magkaroon ng sapat na paghahanda
b. Upang maitalaga ang sarili sa mga problema
c. Upang matuwa ang mga kapatid at magulang
d. Upang maging masaya at maunlad sa buhay
______2. Ang pagtatagumpay at kahusayan sa anumang larangan
ay bunga ng _____________.
a. masusing pagsasanay c. pagsisikap sa buhay
b. maingat na paggawa d. pagtitiis sa kahirapan
______3. Ano ang idudulot sa iyo kung isasaalang-aalang ang
interes o hilig sa pagpili ng kurso o karera?
a. Mahahasa ang iyong mga talento.
b. Magkakaroon ka ng tiwala sa sarili.
c. Magiging masaya ka sa iyong ginagawa.
d. Mapapaunlad mo ang disiplina sa sarili.
______4. Bakit mahalaga ang pagbuo ng personal na pahayag ng
misyon sa buhay sa pagtupad ng pangarap?
a. Dahil kinakailangan ng tao ang pahayag na susundan.
b. Dahil magsisilbi itong patnubay sa landas na daraanan.
c. Dahil ito ay nagsisilbing gabay upang matupad ang
pangarap.
d. Dahil makatutulong itong magpaalaala sa iyong mga
gagawin.

______5. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat isaalang-alang


sa pagpili ng kurso tungo sa matagumpay na pag-abot ng
pangarap?
a. mithiin at naisin
b. interes at layunin
c. talento at libangan
d. hilig at kakayahan

BALIK-ARAL
1. Isang mabuting giya o gabay sa sa ating mga pagpapasiya.

P S L P H G
na

ng layunin sa B Y

2. Maihahalintulad ito sa personal o


P N R L N

motto.
ARALIN

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftl.cast-prix.net%2Ftrouver-ce-qui-vous-passionne

Mahalaga na masuring mabuti ang iyong mga talento, kakayahan, interes


o hilig, sa pag-abot ng iyong pangarap na kurso.
Sa pagpili ng kursong akademiko kinakailangang matukoy mo ang iyong
sariling kakayahan. Ito ay makakatulong upang magkaroon ka ng sapat na
paghahanda at pagpaplano upang mabigyan mo ng tuon at pagsusumikap
ang ninanais mong kuning kurso.

https://www.youtube.com/watch?v=gV65R9QHRiY
https://news.abs-cbn.com/sports/03/22/19/how-breakdancing-broke-through-2019-sea-games
Ang pagsasanay ng mga potensyal at mga talento ay kinakailangan upang
maging matagumpay ka sa larangang iyong kukunin. Tatandaan na ang mga
taong naging maunlad sa buhay ay dumaan sa puspusang pagsasanay ng
kanilang talento at kakayahan. Lalo kang magiging mahusay at bihasa kung
palaging nagsasanay. Higit na magiging mahusay at produktibo ang
pagkagawa ng mga gawain kung ito ay akma o angkop sa talentong taglay
mo.

Kinakailangan din na hilig o interes mo ang iyong piniling karera. Hindi


ka pinilit o diniktahan ng ibang tao sa kursong pipiliin mo. Mahalaga na
ikaw ang pumili dahil ito ang iyong gusto sa buhay. Ito ang magbibigay sa iyo
ng motibasyon na magsumikap sakali mang may kaharapin kang balakid sa
pag-abot ng iyong pangarap sa buhay. Ang pag-iimbentaryo ng mga sariling
interes ay dapat mong isagawa nang lubusan mong masuri ang mga gawain
na karaniwang kinasasangkutan at alamin kung alin sa mga ito ang
nagagawa mo ng maayos. Si Dr. John Holland ay nagpangkat sa anim ng mga
gawaing kailangang gampanan sa mga propesyon o hanapbuhay sa
hinaharap. Saan ka kaya nabibilang. Suriing mabuti ang iyong katangian,
potensyal at interes.
Ikaw ba ito? Realistic,mahilig sa mga mekanikal na bagay at gumamit ng
makina. Investigative, lumulutas ng mga problemang matematikal at
nakauunawang mga teoryang pang-agham. Artistic, mahilig gumuhit
magpinta, kumanta, sumayaw, magdisenyo at sumulat ng kwento. Social,
magturo sa iba, mamuno sa talakayan at magplano. Enterprising, mang-
impluwensiya ng iba, maghikayat at magbenta. Conventional, gumawa ng
maraming papeles, maghawak ng record, at sumunod sa sistema at
istruktura.

Suriin ang sumusunod na kakayahan sa kaliwang bahagi ng talahanayan.


Sa kanang bahagi ay ilagay ang sariling pagtataya ukol sa pagtataglay ng
bawat kakayahan. Gamitin ang iskalang nasa ibaba.
1- Hindi kaya
2- Medyo kaya
3- Pwede
4- Kayang kaya
5- Maipagmamalaki

Kakayahan Propesyon Pagtataya


1. Magkutingting ng mga makina at Automotive
iba pang gamit(realistic) Engineer
2. Magkumpuni ng mga elektrikal Electrical
na Engineer
bagay(realistic)
3. Gumawa ng mga eksperimento Biologist,
(Investigative) Chemist
4. Manaliksik (Investigative) Research
Analyst
5. Gumuhit, magdrawing, magpinta Architect
(Artistic)
6. Sumayaw(artistic) Choreographer
7. Magturo sa iba (Social) Titser
8. Maglingkod sa iba (Social) Counselor

9.Magbenta ng bagay o ideya Cook/Chef


(enterprising) Sales Manager
10. Tumingin sa mga detalye Accountant
(Conventional) Bookeeper
Ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay makakatulong
ng malaki sa pagtupad ng iyong mga pangarap. Sinimulan mo na ba ang
pagbuo nito?

MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mensahe ng tula, Sagutan ang
mga tanong sa ibaba.

Misyon sa Buhay sa Pagtupad ng Pangarap

Pag-aaral ko sa kasalukuyan
Pagbubutihin ko ng sakdal at lubos
Talinong taglay nasa akin ay pinanday
Pauunlarin pa upang magtagumpay

Mga kakayahan ko’y patuloy na tutuklasin


Patuloy na magsasanay upang magamit sa buhay
Dagdag na pagsisikap aking isasagawa
Dahil alam kong pangarap ko’y abot kamay

Hilig at interes ay isasaalang-alang din


Kailangang maging masaya sa lahat ng ginagawa
Upang ito’y maging motibasyon
Sa pagpapayabong ng kakayahan

Aking pagpapahalaga ay pagtitibayin


Na magiging batayan ng aking pasya
Pangarap ko’y natatanaw na
Lubusan ng mapapasa akin

Lahat ng natutunan, isasa puso lagi


Ipagpapatuloy hangga’t ako’y may buhay
Isip at lakas ko buong pusong ilalaan
Kalakip ang pagtitiwala sa Diyos na lumalang
Mga tanong:
1. Ano ang mensahe ng tula?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Bakit mahalagang magkaroon ng Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay?
__________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Paano mo aabutin ang iyong mga pangarap?
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na personal na pahayag
ng misyon sa buhay sa pagtupad ng mga pangarap

Sisikapin kong makapagtapos ng ___________________________________


____________________________________________________________________
Ang tiyak na hakbang na aking isasagawa ay _______________________
____________________________________________________________________
Maaabot ko ito ______________________________________________________
____________________________________________________________________
Pangarap ko ay matutupad dahil ___________________________________
____________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Isulat ang letrang N kung naniniwala at DN kung hindi
naniniwala sa sumusunod na pahayag ng personal na misyon sa buhay.

_____1. Sa Panginoong Diyos ko dapat unang isangguni at ipagkatiwala ang


aking mga pangarap sa buhay.
_____2. Kinakailangan ko ang masusing pagsasanay upang maging mata-
gumpay sa kursong aking kukunin.
_____3. Dahil hilig ko ang aking ginagawa, higit na magkakaroon ako
ng kakayahan na maipakita o mailabas ang natural kong kaka-
yahan.
_____4. Ngayon pa lang ay dapat ko nang masuri ang mga gawaing aking
kinahihiligan, upang matukoy ko ang angkop na kurso para sa
akin.
_____5. Ang motibasyon ko sa paggawa ay naiimpluwensiyahan ng aking
mga interes o gustong gawain.
PAGLALAHAT
Panuto: Ayusin ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang konseptong
natutunan sa aralin.

Ang
ang pagbuo ng upang
ay gabay
pangarap personal matupad
na
pahayag
ng misyon
sa buhay

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Bumuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay tungo sa
pagtupad ng mga pangarap . Isulat sa bawat baitang ng hagdan. Simulan
sa mababang hagdan (limang pahayag)
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Punan ng angkop na titik ang sumusunod upang mabuo ang
angkop na salita na hinihingi sa bawat pahayag.

1. Mga bagay na gustong gawin na may direktang kaugnayan


sa kurso/propesyon na makakabuti sa tao.

I T R

2. Nagbibigay motibasyon upang patuloy na gawin ang isang Gawain.

H L

3. Abilidad na magampanan ang mga gawain

K A H N
4. Mga talento na taglay ng tao na magbibigay ng kakayahan
na gampanan ang gawain.
P T S L
5. Regalong handog ng Diyos sa tao upang maging mahusay
sa paggawa ng gawain upang matupad ang pangarap.

T L T
SUSI SA PAGWAWASTO
Paunang Pagsubok
5. D
4. C
3. C
2. A
1. A

Paglalahat

buhay ay gabay upang matupad ang pangarap.


Ang pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa

Panapos na pagsusulit

4. potensyal 5. talento 1.interes 2. hilig 3. kakayahan

SANGGUNIAN
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftl.cast-
prix.net%2Ftrouver-ce-qui-vous-passionne-
https://www.youtube.com/watch?v=gV65R9QHRiY
https://news.abs-cbn.com/sports/03/22/19/how-breakdancing-broke-
through-2019-sea-games
Modyul sa EsP7
Kaganapan sa Paggawa 208-217,Punsalan, Caberio, Nicolas, Reyes

You might also like