Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 7: Pagtukoy at Paghubog sa Iba’t Ibang Antas ng


Pagpapahalaga
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Michael V. Alimario
Editor: Louie C. Duterte, Pedro B. Cenera
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RCG, Ph. D., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat: Ailene D. Ferrer
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan
Modyul 7
Pagtukoy at Paghubog sa Iba’t Ibang
Antas ng Pagpapahalaga
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Modyul
para sa araling Pagtukoy at Paghubog sa Iba’t Ibang Antas ng Pagpapahalaga!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul ukol sa


Pagtukoy at Paghubog sa Iba’t Ibang Antas ng Pagpapahalaga!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga halimbawa ng mga
ito.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahan na:

A. nauunawaan ang tunay na halaga sa pagtukoy ng iba’t ibang antas ng


pagpapahalaga;

B. nahuhubog ang tiwala sa sarili tungo sa pagtukoy ng iba’t ibang antas ng


pagpapahalaga; at

C. naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagtukoy ng iba’t ibang antas ng


pagpapahalaga.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pagsubok sa ibaba. Piliin at i-antas
ang mga nakasulat na pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng pagpapahalaga.
Tandaan mo na habang tumataas ang bahagi ng piramide ay kasabay nito ang
pagtaas ng iyong taglay na mga pagpapahalaga.

Mga Pagpapahalaga:
Diploma Pagkain Pakikipagkapwa Pamilya Pananampalataya

Ang Aking Antas ng Pagpapahalaga:


BALIK-ARAL

Sa nakaraang modyul ay natutunan mo ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga


at birtud na magpapaunlad ng iyong buhay bilang nagdadalaga/nagbibinata.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pagsubok sa ibaba. Kumpletuhin
ang pangungusap sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong pagkakaunawa at
pagninilay sa nasabing aralin.
1. Ang pagpapahala batay sa aking pagkakaunawa ay _____________________________
_________________________________________________________________________________
2. Ang pagpapahalaga na aking naisasabuhay ay _________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Ang birtud batay sa aking pagkakaunawa ay ___________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Ang birtud na aking naisasabuhay ay _________________________________________
_________________________________________________________________________________
5. Bilang nagdadalaga/nagbibinata ay masasabi ko na ang pagpapahalaga ay may
kaugnayan sa birtud sapagkat ___________________________________________________
_________________________________________________________________________________

ARALIN

Michael, bago mo lubos na


maunawaan ang Hirarkiya ng
Pagpapahalaga, kailangan mo
munang maunawaan kung ano
ang mga pamantayan sa
pagpapasiya sa antas nito.
Tiya, ano po ba ang Hirarkiya
ng Pagpapahalaga?
Michael, ang pagpapahalaga o values ay nangangahulugang pagiging malakas o

matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Sumulat si

Max Scheler ng Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga. Ang mga ito ay:

Una, mas tumatagal ang mas mataas na pagpapahalaga kung ihahambing sa

mababang mga pagpapahalaga. Halimbawa ay pananalig sa panginoon dahil sa

paglipas ng panahon ay lalo mo itong napagtitibay.

Ikalawa, mas mahirap mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga. Kahit pa dumarami

ang nagtataglay nito, mas mataas ang antas nito. Halimbawa ay ang pagmamahal ng

magulang na hindi nababawasan ang pagmamahal sa iyo kahit may kapatid ka na.

Ikatlo, mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga

pagpapahalaga. Halimbawa ay ang paggawa mo ng tama dahil noon ay ginagawa ang

tama para sa sarili lamang ngunit ngayong ay ginagawa mo na ito para sa iyong kapwa.

Ikaapat, may likas na kaugnayan ang antas ng pagpapahalaga at ang lalim ng

kasiyahang nadarama sa pagkamit nito. Halimbawa ay kapag binigyan ka ng pagkain

noon ay masaya ka na ngunit ngayon ay masaya kung ibahahi mo ito sa iyong kapwa.

Ikalima, ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito

nakabatay sa organismong nakararamdam nito. Halimbawa ay tuwing tumutulong

ka noon ay nais mong pasalamatan ka ngunit ngayon ito ay hindi na ito mahalaga

dahil ang iyong mithin ay makatulong ng walang kapalit na papuri sa iyong kapwa.

Michael, sa mga susunod na modyul


ay mas
Michael, magbigay ka nga ng apat na may mataas higit mo pang mauunawaan
na pagpapahalaga para sa iyo?
Mga Pagpapahalaga Batay sa Katangian ang mga kaalaman tungkol sa
Nito Ayon Kay Max Scheler Hirarkiya ng Pagpapahalaga.
MGA PAGSASANAY

RUBRIKS BATAY SA KONSEPTO NG ARALIN


PUNTOS INTERPRETASYON
10 Angkop sa konsepto ng aralin at naipaliwanag ng maayos.
8 Angkop sa konsepto ng aralin ngunit kulang pa sa maayos na pagpapaliwanag.
7 May kaugnayan sa konsepto ng aralin at naipaliwanag ng maayos.
5 May kaugnayan sa konsepto ng aralin ngunit kulang pa sa maayos na
pagpapaliwanag.

GAWAIN 1

Panuto: Gumawa ng isang CHECKLIST na kung saan ay iyong tukuyin at


pagsama-samahin ang iba’t ibang mga pagpapahalaga na mayroong
magkakaparehong antas ng pagpapahalaga. Ang iyong pagpapahalaga sa bilang 1
ay ang magsisilbing sagot mo na may pinakamataas na pagpapahalaga.

Mga Pagpapahalaga:
Diploma Pagkain Pakikipagkapwa Pamilya
Pagsimba Tahanan Kaibigan Tubig
Pagdarasal Paglalaro Pag-aaral Damit
Pagpapatawad Pagmamahal Pakikipagkapwa Pagtulong

Ang Aking Mga Pagpapahalaga:

1.

2.

3.

4.
GAWAIN 2

Panuto: Sumulat ng isang SANAYSAY na kung saan ay nahubog mo ang iyong


tiwala sa sarili sa pamamagitan ng iyong pagtukoy sa iyong iba’t ibang antas ng
pagpapahalaga.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

GAWAIN 3

Panuto: Punan ang talaan sa ibaba at suriing mabuti ang sarili upang higit mong
matukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga. Tandaan mo na ang pag-aantas
ng pagpapahalag ay ang huling bahagi ng iyong sasagutan sa talaan na kung saan
ang bilang isa ay ang magtataglay ng pinakamataas na antas.

TALAAN SA PAGTUKOY NG PAGPAPAHALAGA


Aking mga Dahilan Ko sa Taong Aking Antas ng
Pinahahalagahan Pagpapahalaga Pinahahalagayan Aking
Pagpapahalaga

Pamprosesong Tanong:

1. Pagkatapos mong maisagawa ang talaan, naging wasto ba ang iyong pamamaraan
upang iyong tamang matukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga sa iyong
buhay sa panahon ng pandemya? Paano mo ito nasabi?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

Sumulat si Max Scheler ng Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga. Mula sa mga


nabanggit na mga prinsipyo ay dapat mong tandaan na: (A) ang pagapapahalaga ay nasa
mataas na antas kung hindi ito kailanman mababago ng panahon, (B) ang pagpapahalaga ay
nasa mataas na antas kung sa kabila ng pagpasalin-salin nito ay napakaraming henerasyon,
napananatili ang kalidad nito at (C) ang pagpapahalaga ay nagiging batayan ng iba pang mga
pagpapahalaga.

Panuto: Gumawa ka ng Hagdan ng Pagpapahalaga na kung saan ang nasa


pinakaitaas na bahagi ng hagdan ay ang magsisilbing sagot mo na kung saan ito ang
may pinakamataas na antas ng pagpapahalaga para sa iyo. Ipaliwanag ang iyong
batayan sa paggawa sa mga ito.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Gumawa ka ng isang repleksyon tungkol sa iyong natutunan sa modyul na

ito na magagamit mo sa iyong mabuting pagsasabuhay ng aralin.


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pagsubok sa ibaba. Batay sa


konsepto ng aralin ay iyong piliin at i-antas ang mga pagpapahalaga na nagtataglay
ng iba’t ibang antas ng pagpapahalaga. Piliin at isulat ang letra ng pinaka-angkop
na sagot sa patlang bago ang bawat numero.

A. Mataas na Pagpapahalaga
B. Mas Mataas na Pagpapahalaga
C. Pinakamahalagang Pagpapahalaga

_____ 1. Makapagtapos ng pag-aaral.


_____ 2. Makapaglaro at makapaglibang.
_____ 3. Mapaunlad ang aking taglay na talent.
_____ 4. Malinang ang aking taglay na kakayahan.
_____ 5. Makakain ng tatlong beses sa isang araw.
_____ 6. Magdasal upang magpasalamat sa Diyos.
_____ 7. Maipahayag ang sariling opinion at pananaw.
_____ 8. Madama ang pagmamahal ng aking mga magulang.
_____ 9. Makasama ang buong pamilya sa pagharap sa pandemya.
_____ 10. Magkaroon ng sapat na pera na pambili ng aming mga pangangailangan.
NG-PAGPAPAHALAGA-LIMANG-KATANGIAN-NG-MATAAS-NA/, 2020
https://www.coursehero.com/file/p1aorti/MODYUL-10-ANG-MGA-HIRARKIYA-
https://www.slideshare.net/mobile/ArnelSSI/hirarkiya-ng-halaga, 2020
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul, DepEd 2013
SANGGUNIAN
Paunang Pagtataya
Ang sagot ng mag-aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.
Balik-Aral
Ang sagot ng mag-aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.
Mga Pagsasanay
Ang sagot ng mag-aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.
Paglalahat
Ang sagot ng mag-aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.
Pagpapahalaga
Ang sagot ng mag-aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.
Panapos na Pagsusulit
1. B 2. A 3. A 4. A 5. A
6. C 7. A 8. B 9. B 10. A
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like