Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Kaligiran at Katangian ng mga Isyu at
Hamong Panlipunan

1
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Kaligiran at Katangian ng mga Isyu at Hamong
Panlipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ariel E. Sastre, Ma. Consolacion R. Gadayan, Salvacion R. Quiqui


Editor: Mary Ann M. Gordoncillo
Tagasuri: Gemma F. Depositario EdD
Tagaguhit: Mark Dave M. Vendiola
Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera


Fay C. Luarez TM, EdD, PhD Maricel S. Rasid
Joelyza M. Arcilla EdD Elmar L. Cabrera
Marcelo K. Palispis EdD
Nilita L. Ragay EdD
Adolf P. Aguilar EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

1
Alamin

Sa bahaging ito ay susuriin ang iyong mga dating katangian at pag-unawa tungkol sa
mga katangian ng isyu at hamong panlipunan. Simulan mo ito sa pamamagitan ng pagtupad
sa susunod na gawain.

Most Essential Learning Competency:


PAMANTAYANG NILALAMAN

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong
pangkapaligiran upang maging bahagi ng mga pagtugon na makapagpapabuti sa
pamumuhay ng tao. AP10PK1-1a-1

•Naipaliliwanang ang konsepto ng kontemporaryong isyu at lipunan.

•Nakagagawa ang mag-aaral ng Photo Essay tungkol sa mga sanhi at


implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran upang maibahagi sa
buhay ng tao at ito’y nag-uugnay tungo sa pagbabago upang mapigil
S ang ganitong isyu sa kapaligiran.

•Napapahalagahan at natutukan ng mag-aaral ang mga epekto, sanhi,


at implikasyon hinggil sa hamong pangkapaligiran upang matuto ang tao
sa paggawa ng kabutihan para sa ikakaunlad sa ating lahat .
A

2
Subukin
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit matukoy ang lawak ng iyon
kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi
masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t- ibang aralin sa modyul na ito.

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong


komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
A. Lipunan B. Bansa C. Komunidad D. Organisasyon

2. Ipinakita sa larawan ang pagpaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito
ay nakapaloob sa anong elemento?

https://www.biography.com’scholar’karl-marx
A. Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo

3. Ito ay tumutukoy sa indibidwal na may malapit at impormal na ugnayan sa isa’t-isa.


A. Primary Group B. Secondary Group
C. Social Group D. Social Status

4. Si Andre ay isang kapitan ng Brgy. Agustin, nang lumikas sila sa baha, siya at ang
kanyang mga kagawad ang nangunguna sa pag-rescue sa mga bata at kalauna’y
nagpapakain sa mga nakatira sa evacuation center. Ang kanilang ginawa ay
___________.
A. Kultura B. Gampanin (Roles) C. Folkways D. Mores

5. Siya ang nagsabi, ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang
mga pangyayari at gawain.”
A. Charles Cooley C. Emile Durkheim
B. Karl Marx D. Floyd Michael

6. Ito ay nakatalaga sa isang indibidwal simula ng siya’y ipinanganak; halimbawa ay


Kasarian.
A. Achieved Status C. Lipunan
B. Ascribed Status D. Social Group

3
7. Ito ay tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayang panlipunan.
A. Social Group C. Primary Group
B. Secondary Group D. Norms

8. Piliin ang naiiba mula sa mga salita.


A. Ginto B. Simbahan C. Tiyanak at kapre D. lumang gusal

9. Mga organisadong sistema ng ugnayan sa lipunan.


A. Lipunan B. Institusyon C. komunidad D. Organisasyon

10. Si Mayor Espinosa ay nakulong dahil kasama siya sa Narco-Politician na nasa drug
watchlist ni Pangulong Duterte. Walang kawala ang mga opisyal ng gobyerno sa
pagkakakulong. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Norms B. Pamahiin C. Pagpapahalaga D. (Laws) Batas

Balikan

Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa


kwaderno.

Subukan mong ilarawan ang iyong lipunan. Ano-anong mga suliranin


ang iyong nakita? Paano ito nakaaapekto sa iyong pamumuhay?
Paano tinutugunan ng inyong komunidad ang mga nabanggit na isyu
at hamon?
Sa aralin na ito ay mauunawan mo ang mga sanhi at bunga ng
mga isyu at hamong nararanasan sa lipunan. Mahalagang maunawan
mo ito upang ikaw ay maging bahagi ng mga pagkilos at pagtugon sa
mga isyu at hamong ito. Hindi lamang mga namumuno sa pamahalaan
at ng mga pangkat na nagsusulong ng kanilang adhikain ang may
tungkulin. Bilang isang mag-aaral at kabahagi ng lipunang iyong
ginagalawan, inaasahang masasagot mo ang tanong na: Paano ka
makatutulong sa pagtugon sa iba’t-ibang isyu at hamong
panlipunan?

4
Tuklasin
GAWAIN 1. Headline-Suri

Suriin ang larawan sa ibaba. Sagutin ang tanong na: Bakit, ito ay maituturing bilang
isyu o suliraning panlipunan?
HEADLINE 1

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fp
artidongmanggagawa2001.blogspot.com%2F2018%2F08 HEADLINE 2
HEADLINE 4 %2Flabor-group-welcomes-300000-new-
regular.html&psig=AOvVaw3WX2svp3scxUwnyuencve4&
ust=1596088652879000&source=images&cd=vfe&ved=0
CAIQjRxqFwoTCMD2x5Lk8eoCFQAAAAAdAAAAABAD

HEADLINE

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F
%2Fwww.neweurope.eu%2Farticle%2Ffirst- HEADLINE 3 https://www.google.com/url?sa=i&url
transgender-member-congress- =http%3A%2F%2Fmanila.gov.ph%2F2
philippines%2F&psig=AOvVaw3AJjXQVGun- 020%2F04%2Fnews-alert-manila-to-
iB0ZYEKW_52&ust=1596088920260000&source=i conduct-mass-covid-19-tests-during-
mages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPivneLk8eo tondo-
CFQAAAAAdAAAAABAK lockdown%2F&psig=AOvVaw3mWk_x
RWyRNMuJrbAiXcEJ&ust=1596089115
500000&source=images&cd=vfe&ved
Philippines elect first =0CAIQjRxqFwoTCKiNocTl8eoCFQAAA
transgender woman to AAdAAAAABAD

Congress

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fww
w.philstar.com%2Fheadlines%2F2017%2F09%2F26%2F17428
69%2F16-senators-call-govt-stop-killings-especially-
children&psig=AOvVaw1c7jYK_5GNKQA0Kgsjhe51&ust=1596
089348077000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwo
TCOCq5Krm8eoCFQAAAAAdAAAAABAD

UN rights expert welcomes halt in


drug killings in the Philippines

5
1. Ano-ano ang pananaw mo sa mga larawang
nakikita ninyo?
2. Maituturing mo bang isyung panlipunan ang
ipinakita ng bawat isa?
3. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t-
ibang isyung panlipunan?
4. Paano kaya natin mapigil ang isyung
pangkapaligiran sa ating lipunan?

6
Suriin
Bilang isang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga
isyu at hamong panlipunan upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa isang lipunan
at sa bansa. Mahalaga ring maunawaan na tayong lahat ay may bahaging ginampanan sa
pagkakaroon ng mga suliraning ito at tayo’y may gampanin sa paglutas nito.

Ano ba ang kontemporaryong isyu? Ito ay tumutukoy sa mga isyu na nangyayari


sa kasalukuyan o tumutukoy sa mga napapanahong isyu. Sa madaling sabi, ito ang
pinag-uusapan sa ating lipunan ngayon. Maaring ito’y maging pampersonal,
pangkapaligiran, panlipunan o pang-ekonomiko.

Paksa: Ang Lipunan

Ang LIPUNAN ayon sa Tatlong Sosyologo

Ang Lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang


organisadong komunidad, na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.

EMILE DURKHEIM

“Ang lipunan ay isang buhay na organism kung saan


nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na
kumikilos at nagbabago.”

https://www.google.com/url?sa=i&
url=https%3A%2F%2Fsociologys
ound.wordpress.com%2Ffamous-
sociologist%2Femile-
durkheim%2F&psig=AOvVaw2VN
_Wa8xccV7mve9tIVuCW&ust=15
96090043105000&source=image
s&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoT
CNils_bo8eoCFQAAAAAdAAAAA
BAJ

7
KARL MARX

“Ang lipunan ay kakitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito


ay nabuo dahil sa pag-aagawan ng tao sa limitadong
pinagkukunang-yaman.”

https://www.google.com/url?sa=i&
url=https%3A%2F%2Fen.wikipedi
a.org%2Fwiki%2FKarl_Marx&psig
=AOvVaw1UIqLUsMd8LdKegZXH
RTBr&ust=1596090260138000&s
ource=images&cd=vfe&ved=0CAI
QjRxqFwoTCJC5o93p8eoCFQAA
AAAdAAAAABAD

CHARLES COOLEY

“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na


ugnayan at tungkulin. Makakamit ang kaayusang panlipunan
sa pamamagitan ng interaksyon.”

https://www.google.com/url?sa=i&
url=https%3A%2F%2Fbreaktheco
deofsilence.wordpress.com%2Fch
arles-
cooley%2F&psig=AOvVaw3rgHhP
Q7-ZY2C3E7Ab-
O51&ust=1596090572526000&so
urce=images&cd=vfe&ved=0CAIQj
RxqFwoTCJiRmfTq8eoCFQAAAA
AdAAAAABAD

Ang lipunan ay may dalawang mukha: A. Istrukturang Panlipunan at B. Kultura

8
A. Istrukturang Panlipunan

Para lubos mong maunawaan, basahin at tingnan mo ang dyagram sa ibaba

1. Social Group – dalawa o higit


pang tao na may magkakatulad
2. Institusyon – ito ay
na katangian na nagkakaroon
organisadong Sistema ng
ng ugnayan sa isa’t-isa at
ugnayan sa isang lipunan.
bumubuo sa isang ugnayang
panlipunan.
4 ELEMENTO NG
STRUKTURANG PANLIPUNAN

4. Status – tumutukoy sa 3. Gampanin (Roles) - karapatan,


posisyong kinabibilangan ng obligasyon at mga inaasahang
isang indibidwal sa lipunan. Gawain ng tao sa lipunan

1. Institusyon - Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon

1. Pamilya

5.
Ekonomiya Mga
Institusyong 2.
Panlipunan Edukasyon

3. Relihiyon
4.
Pamahalaan

9
1. Pamilya – Pinakamaliit na uri ng lipunan. Ito ang pundasyon sa pagbuo ng isang
komunidad.

2. Edukasyon - nagdudulot ng karunongan at pag-unlad sa kakayahan ng mga


mamamayan.

3. Relihiyon - paghahangad sa kaligtasan at pananampalataya sa Poong Maykapal.

4. Pamahalaan - nangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan at kaunlaran ng


lipunan.

5. Ekonomiya - Tinutugunan nito ang pangangailangan ng lipunan.

2. Social Group - Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga social group.

1. Primary Group - malapit at impormal na


ugnayan ng mga indibidwal.
Hal: kaibigan at pamilya
2 Uri ng Social Group

2. Secondary Group- indibidwal na may


pormal na ugnayan sa isa’t-isa.
Hal: Amo at manggagawa

3. Status - Ang mga social groups ay binubuo naman ng iba’t-ibang status.

Nakatalaga sa isang indibidwal


simula ng siya’y ipinanganak;
Ascribed Status Hindi niya ito kontrolado.
Hal: Kasarian

2 Uri ng Status
Nakatalaga sa isang tao sa
bisa ng kanyang
Achieved Status pagsusumikap. Halimbawa:
Kampeon sa palaro,
Nakapagtapos ng kurso

10
4. Gampanin (Roles) – May posisyon ang bawat indibidwal sa social group. Bawat isa ay
may kanya-kanyang tungkulin.

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%
3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F8
07270301937675141%2F&psig=AOvVaw3Z
aURPTLOJIDymWBMNgM7X&ust=1596094
373482000&source=images&cd=vfe&ved=0
CAIQjRxqFwoTCMiZ14b58eoCFQAAAAAd
AAAAABAD

https://www.google.com/url?
sa=i&url=http%3A%2F%2Fcli
part-
library.com%2Fclipart%2Fmal
e-bathroom-
cliparts_5.htm&psig=AOvVaw
11vFdT3dtaMxGAGwBaG5W-
&ust=1596094615703000&so
urce=images&cd=vfe&ved=0C
AIQjRxqFwoTCIij4_f58eoCFQ
AAAAAdAAAAABAJ
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%
3A%2F%2Fwww.123rf.com%2Fphoto_5712
5481_stock-vector-farmer-plow-paddy-field-
design.html&psig=AOvVaw2tnK15kzM0zAlH
lf7awsZK&ust=1596094507508000&source=
images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKiF-
Nv58eoCFQAAAAAdAAAAABAK

Katuturan ng Kultura
Sa pag-aaral tungkol sa lipunan mahalagang pagtu-unan ng pansin ang ugnayan nito
sa kultura. Ano nga ba ang kultura? Tunghayan natin sa mga sumusunod kung ano ang ibig
sabihin ng kultura?

Ang kultura ay isang kumplikadong sistema


ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa “Ito ang kabuuang konseptong
paraan ng pamumuhay ng isang grupong sangkap sa pamumuhay ng
panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa mga tao, ang batayan ng kilos
isang lipunan, binibigyang-katwiran ng at gawi, at ang kabuuang
kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa gawain ng tao”. Panopio
mali at ang mabuti sa masama. Andersen at (2007)
Taylor (2007)

Ang ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang


lipunan. Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay
mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura. Mooney (2011)

11
DALAWANG URI NG KULTURA

Kabilang dito ang batas,


gawi, ideya, paniniwala, at
norms ng isang grupo ng tao.
Binubuo ito ng mga gusali, Hindi tulad ng materyal na
likhang-sining, kagamitan, at iba kultura, hindi ito
pang bagay na nakikita at nahahawakan subalit ito ay
nahahawakan at gawa o nilikha maaaring makita o
ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga maobserbahan. Ito ay bahagi
bagay na ito ay may kahulugan ng pangaraw-araw na
at mahalaga sa pag-unawa ng pamumuhay ng tao at
kultura ng isang lipunan. sistemang panlipunan.
(Mooney, 2011)

MGA ELEMENTO NG KULTURA

Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa


pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. Halimbawa, ang isang
lipunang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao
PANINIWALA
anuman ang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para
sa pag-unlad ng tao.

Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa


paniniwala ng isang lipunan. Maituturing itong batayan ng
isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang PAGPAPAHALAGA
katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung
ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat
at hindi nararapat(Mooney, 2011).

12
Paano kaya
nabubuo ang
isang kultura?

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.yo
utube.com%2Fwatch%3Fv%3DHQ5C4_ETNKU&psig=AOvVaw3
ouWYqHUQPd3TV0EolD_P3&ust=1596095815229000&source=i
mages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJC6t7P-
8eoCFQAAAAAdAAAAABAD

Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay


ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949) Kung walang SIMBOLO
simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin
magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan.
Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas
(gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng mga
miyembro ng isang lipunan. Halimbawa, isang gawi ng mga
Pilipino ang pagmamano.

NORMS

Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at


nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga norm
ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at
pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang
kinabibilangan. Mauuri ang norms sa folkways at mores. Ang
folkways ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao
sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan. Sa kabilang
banda, ang mores ay tumutukoy sa mas mahigpit na batayan
ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng
mga legal na parusa (Mooney, 2011).

13
Pagyamanin

Gawain A. Mind Mapping.

Guess the Pic and Identify!


Alamin kung anong institusyong panlipunan ang mga larawan sa ibaba. sa bilang 5-8
ay isulat ang tamang sagot sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa bawat
pangungusap.

1. 2. 2.

http://2.bp.blogspot.com/-PblABc1M1q4/U-
c4GeOdFaI/AAAAAAAAAG0/3h-
https://www.google.com/search?q=market&tbm=isch&hl=e LsGQADwo/s1600/Malacanang_Palace.png
n&safe=active&chips=q:market,g_1:clipart:3DPYF3NJCIE
%3D&safe=active&hl=en&ved=2ahUKEwiNsIDO7qPqAhU
NHqYKHTmbCNYQ4lYoAXoECAEQFw&biw=1349&bih=6
08#imgrc=RgXHpVET5AI1sM

3. 4.

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2
Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F807270301937675141 https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2
%2F&psig=AOvVaw3ZaURPTLOJIDymWBMNgM7X&u F%2Fwww.clipartmax.com%2Fmiddle%2Fm2i8H7
st=1596094373482000&source=images&cd=vfe&ved=0 Z5G6b1G6H7_family-png-clipart-9-station-cartoon-
CAIQjRxqFwoTCMiZ14b58eoCFQAAAAAdAAAAABAD images-of-nuclear-
family%2F&psig=AOvVaw3duZPZW3UD8BvtkvnK
knGd&ust=1596096510771000&source=images&c
d=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNj6yoyB8uoCFQAA
AAAdAAAAABAO

14
_____5. Ito ay posisyong nakatalaga sa isang indibidwal simula ng siya’y ipinanganak
_____6. Ito ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan
_____7. Ayon sa kanya, “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan
at tungkulin”.
_____ 8. Ito ay Social group na may pormal na ugnayan sa isa’t-isa.

Isaisip

Nabasa mo na at nauunawaan kung ano ang


kontemporaryong isyu at nasuri mo na rin ang iba’t-ibang
istrukturang panlipunan.

Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong


panlipunan ang pag-unawa sa bumubuo sa lipunan. Ang
lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang
naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga. Magkakaiba
man ang pagpapakahulugan sa lipunan, makikita na ang
mga sosyologo ay nagkakaisa na ang lipunan ay binubuo
ng iba’t-ibang institusyon, ugnayan at kultura.

Ang lipunan ay binubuo ng dalawang mukha; ang


istrukturang panlipunan at kultura. Bagamat magkaiba man
ang dalawa sa katangian, mahalaga ang mga ito at hindi
maaring paghiwalayin.

May mga isyu at hamong panlipunan na nag-ugat


dahil sa kabiguan ng institusyon na maipagkaloob ang mga
inaasahan mula rito.

Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan


ng pamumuhay ng isang lipunan. Maaaring ang kultura’y
materyal o di-materyal. Ang paniniwala, pagpapahalaga,
norms at simbolo ay mga elemento ng kultura.

15
Isagawa

Panuto:
Sa iyong kwaderno, ay gumawa ng photo essay na nagpapakita ng iba’t-ibang isyu at
hamong panlipunan na dulot ng mga elemento ng istrukturang panlipunan. Maari ring gumupit
ng mga larawan sa magazine o kumuha sa internet. Gawing batayan ang rubriks sa
pagmamarka bilang gabay sa pagtupad ng gawaing ito.

Rubrik sa Pagmamarka ng Photo Essay

Nakuhang
Pamantayan Deskripsyon Puntos
puntos
Ang mga inilagay sa larawan at paliwanag ay
Kawastuhan tumutugon sa paglalarawan at konsepto ng 7
ang isyu at hamong panlipunan.

Wasto at makatotohanan ang impormasyon.


Nilalaman May pinag batayang pag-aaral, artikulo o 6
pagsasaliksik ang ginamit na datos.

Komprehensibo at malinaw ang daloy ng


photo essay. Maayos na naipahayag ang
Organisasyon 4
konsepto ng isyu at hamong panlipunan gamit
ang mga larawan at datos
May sariling istilo sa pagsasaayos ng photo
essay. Gumamit ng mga angkop na disenyo
Pagkamalikhain 3
at kulay upang maging kaaya-aya ang
kaanyuhan ng produkto.
Kabuuan 20

16
Tayahin
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit matukoy ang lawak ng iyon
kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi
masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t- ibang aralin sa modyul na ito.

1. Tumutukoy ito sa indibidwal na may malapit at impormal na ugnayan sa isa’t-isa.


A. Primary Group C. Social Status
B. Secondary Group D. Social Group
2. Ipinakita sa larawan ang pagpaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito
ay nakapaloob sa anong elemento?

https//.www.google.com.search
A. Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo
3. Ito ay nakatalaga sa isang indibidwal simula ng siya’y ipinanganak; halimbawa ay
Kasarian.
A. Achieved Status C. Lipunan
B. Ascribed Status D. Social Group
4. Piliin ang naiiba mula sa mga salita.
A. Ginto C. Tiyanak at kapre
B. Simbahan D. lumang gusali
5. Ito ay tumutukoy sa indibidwal na may malapit at impormal na ugnayan sa isa’t-isa.
A. Primary Group C. Social Group
B. Secondary Group D. Social Status
6. Ayon sa kanya, ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang
mga pangyayari at Gawain.”
A. Charles Cooley C. Emile Durkheim
B. Karl Marx D. Floyd Michael
7. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
A. Lipunan C. Komunidad
B. Bansa D. Organisasyon
8. Si Andre ay isang kapitan ng Brgy. Agustin, nang lumikas sila sa baha, siya at ang
kanyang mga kagawad ang nangunguna sa pagrescue sa mga bata at kalauna’y
nagpapakain sa mga nakatira sa evacuation center. Ang kanilang ginawa ay__________.

17
A. Kultura C. Folkways
B. Gampanin (Roles) D. Mores
9. Mga organisadong sistema ng ugnayan sa lipunan.
A. Lipunan C. Komunidad
B. Institusyon D. Organisasyon
10. Si Mayor Espinosa ay nakulong dahil kasama siya sa Narco Politician na nasa drug
watchlist ni Pang. Duterte. Walang kawala ang mga opisyal ng gobyerno sa
pagkakakulong. Ang kanilang ginawa ay _________.
A. Norms C. Pagpapahalaga
B. Pamahiin D. (Laws)Batas

Karagdagang Gawain

SHARE YOUR IDEA


Sitwasyon:

May 5 na kaso ang naitalang positibo sa


CoVid-19 sa lalawigan ng Negros Oriental
ayon sa Inter-Agency Task Force. Sang-
ayon ka ba na ibalik pa rin sa Enhanced-
Commmunity Quarantine ang Negros
Oriental? Bakit? Ipaliwanag. Isulat ang
iyong sagot sa kwaderno.

18
19
Pangwakas na Pagtataya
1. A. Primary Group
2. C. Norms
3. B. Ascribed Status
4. C. Tiyanak at kapre
5. A. Primary Group
6. C. Emile Durkheim
7. A. Lipunan
8. B. Gampanin
9. B. Institusyon
10. D. Laws o Batas
Paunang Pagtataya
1. A. Lipunan
2. C. Norms
Gawain A 3. A. Primary Group
1. Ekonomiya 4. B. Gampanin
2. Pamahalaan 5. C. Emile Durkheim
3. Edukasyon 6. B. Ascribed Status
4. Pamilya
7. C. Primary Group
5. Ascribed Status
6. Institusyon 8. C. Tiyanak at Kapre
7. Charles Cooley 9. B. Institusyon
8. Secondary Group 10. D. Laws o Batas
Susi sa Pagwawasto
Glosaryo

Kontemporaryo - minarkahan ng katangian ng kasalukuyang panahon; moderno, uso o


bago.

Sosyologo - Mga taong dalubhasa sa pag-aaral ng lipunan.

Institusyon - Organisadong sistema ng ugnayan sa lipunan.

Norms - mga asal, kilos o gawi na binuo at nagsilbing pamantayan sa sang lipunan.
Kultura - kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa lipunan.

20
Sanggunian

Ang modyul na ito ay gumagamit ng mga karagdagang impormasyon at larawan mula sa


internet.

❑ https://www.biography.com/scholar/karl-marx

❑ https://sociologysound.wordpress.com/famous-sociologist/emile-durkheim/

❑ https://www.google.com/search?q=capitol&tbm=isch&safe=active&chips=q:capitol,g_
1:vector:-
EDxtYkh2RE%3D&safe=active&hl=en&ved=2ahUKEwiQyoC9iqLqAhWvG6YKHRYy
DRAQ4lYoEHoECAEQNQ&biw=1349&bih=608#imgrc=hioLNlA14Pk80M

❑ https://www.google.com/search?q=person&tbm=isch&safe=active&chips=q:person,g
_1:clipart:__eSO3_MnJA%3D&safe=active&hl=en&ved=2ahUKEwjt54iw46PqAhUIB
JQKHZhFBJIQ4lYoAHoECAEQFQ&biw=1349&bih=608

❑ https://www.google.com/search?q=doctor+wearing+ppe&safe=active&sxsrf=ALeKk0
0fiRp3tuKZdhC_1imqHXNLI_Zo0Q:1593410676430&source=lnms&tbm=isch&sa=X
&ved=2ahUKEwih7uWqrabqAhUBFogKHUZdAqYQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1366&
bih=657#imgrc=x0M_BxMYyycheM

❑ https://lrmds.deped.gov.ph/create/

❑ Araling Panlipunan 10 Isyu at Hamong Panlipunan Learners’ Guide

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like