Q4 EsP 8 Week 1-2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI- WESTERN VISAYAS
DIVISION OF ESCALANTE CITY
JAPITAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY BUENAVISTA NHS-JAPITAN EXTENSION)

QUARTER 3 SUMMATIVE TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


March 22-April 2021 (WEEKS 1-2)

PANGALAN: __________________________________ PETSA: ____________ ISKOR: ______

I. WRITTEN TEST
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bawat bilang.

_______ 1. Ang mga sumusunod ay mga salitang pinagmulan ng pasasalamat MALIBAN sa:
A. gratus B. gratia C. grapho D. gratis
_______ 2. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng _________.
A. damdamin B. kalooban C. konsensya D. isip
_______ 3. Ano ang entitlement mentality?
A. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
B. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
C. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat
bigyan ng dagliang pansin.
D. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan
ang kanilang pangangailangan.
_______ 4. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?
A. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyan
pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
B. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa
kaniyang pinanggalingan.
C. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa
kaniyang kalooban.
D. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
_______ 5. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
A. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.
B. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit.
C. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
D. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho
nito.
_______ 6. Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, MALIBAN sa:
A. pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay.
B. pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.
C. pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga
at
pagmamahal sa kaniya.
D. paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may
pantustos ang mga magulang.
_______ 7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng entitlement mentality?
A. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na
serbisyo.
B. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang.
C. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong.
D. Ang kawalan ng utang ng loob sa taong tumutulong.
_______ 8. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, MALIBAN sa:
A. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa
pananaw sa buhay.
B. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa.
C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila.
D. Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapapabuhat sa ibang tao.
_______ 9. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, MALIBAN sa:
A. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
B. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
C. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil
menorde edad
D. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot
ng makakaya
(Para sa bilang 10-15)
Panuto:Basahin ang iba’t ibang sitwasyon sa ibaba. Piliin sa kahon ang akmang paraan ng
pagpapakita ng pasasalamat. Isulat ang titik ng wastong sagot.

A. Pagsasabi ng “Salamat” sa mga taong nagbibigay ng serbisyo.


B. Pagdadasal sa Panginoon dahil sa bagong araw na ibinigay sa iyo.
C. Pagpapasalamat sa Diyos sa mga kabutihan at pagsubok na kaloob sa iyo.
D. Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay sa kabila ng nararanasang
pagsubok.

_______ 10. Guminhawa ang iyong kalooban nang paggising mo isang umaga ay nalanghap mo ang
sariwang hangin at binati ka ng masayang huni ng ibon.
_______ 11. Nakita mo ang isang pulis na tinulungang tumawid ang isang matandang pulubi.
_______ 12. Nagbagong taon kayo sa ospital dahil nagkasakit ang iyong lolo.
_______ 13. Inalagaan ng Mabuti ng Nars sa Ospital ang iyong inang maysakit
_______ 14. Nalampasan mo ang isang pagsubok na akala mo’y hindi mo kaya.
_______ 15. Naging positibo sa COVID-19 ang iyong kapatid na nars.
B. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Punan ng titik ng tamang sagot ang bawat
patlang na makikita sa loob ng kahon sa ibaba.

Ang pagiging mapagpasalamat ay ang ________ na ang maraming bagay na napapasaiyo at malaking
bahagi ng iyong ________ay nagmula sa _______ , na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng _______.
Kabaligtaran ito ng _______ , isang paniniwala o pag-iisip na anomang inaasam mo ay ______ mo na
dapat bigyan ng dagliang pansin. Hindi naglalayong ________ ang kabutihan ng kapwa kundi gawin sa iba
ang _______ ginawa sa iyo.

A. Pagkilala D. Entitlement Mentality G. karapatan


B. Kapwa E. bayaran o palitan H. kabutihang
C. Diyos F. pagkatao

II. PERFORMANCE TASK


PANUTO: Gamit ang art paper o anumang makukulay na papel, gumawa ng isang GRATITUDE CARD
na may lamang mensahe ng pasasalamat sa iyong mga magulang, kapatid, kaibigan, guro, o kahit
sinong nais mong pasalamatan na naging parte ng iyong buhay.
Gamitin ang rubriks sa ibaba bilang basehan ng iyong pagmamarka.

Rubrik sa Pagmamarka:
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Kawastuhan Ang mga inilagay/ginamit ay tumutugma sa paglalarawan at konsepto. 5
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang mensahe ng gratitude letter. 5
Organisasyon Kumprehensibo, maayos, malinaw at malinis ang daloy ng mensahe. 5
Pagkamalikhain May sariling istilo sa pagsasaayos o pagpapakita ng ginawa. Gumamit ng angkop na 5
paglalarawan upang maging kaaya-aya ang kaanyuan ng gratitude letter
Kabuuan 20

“Huwag kang sumuko, ang lahat ay may katapusan.”


Inihanda ni:
Bb. MEAH A. BAJANDE
Guro sa AralPan/EsP/ITWRBS/DIASS
Sanggunian: EsP 8 LAS 1-4

You might also like