Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI- WESTERN VISAYAS
D IV ISION OF ESC AL AN T E C ITY
JA P IT AN NA T IONA L HIGH SC HOOL
(F OR ME RL Y B UE N AV IST A N HS-JA P ITA N E XT EN SION )
QUARTER 3 SUMMATIVE TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
April 5-16, 2021 (WEEKS 1-2)

PANGALAN: __________________________________ PETSA: ____________ ISKOR: ______


I. WRITTEN TEST
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bawat bilang.
_______ 1. Ang salitang paggalang ay nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay
__________.
A. Paglingon o pagtinging muli C. Pagsunod
B. Pagtatangi D. Nakalulugod
_______ 2. Ang mga sumusunod ay nagpapakita na ang pamilya ay malapit sa iyo MALIBAN sa?
A. Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod ng pagmamahalan.
B. Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na maaring ikinatutuwa mo o ikinaiinis mo.
C. Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong nagpalaki sa iyo.
D. Ang iyong kabuuang pagkatao ay hinulma ng iyong pamilya.
_______ 3. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng ___________.
A. pagbibigay ng halaga sa isang tao. C. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
B. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan. D. pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
_______ 4. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang naging
lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang
pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos
ni Jay ay nagpapakita ng ____________:
A. katarungan B. kasipagan C. pagpapasakop D. pagsunod
_______ 5. Ang mga sumusunod ay paggalang sa magulang MALIBAN sa,
A. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon C. Paggalang sa kanilang kagamitan
B. Pag-uwi ng hating gabi D. Pagtupad sa itinakdang oras
_______ 6. Ang mga sumusunod ay paggalang sa nakakatanda MALIBAN sa,
A. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap.
B. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging matiisin at
matiyaga sa maraming bagay.
C. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang
mayamang karanasan sa buhay pero hindi susundin ang mga ito.
D. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa
mga karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang.
_______ 7. Paano mo maipapakita ang paggalang at pagpapahalaga sa pamilya mo?
A. pagkakaroon ng diyalogo
B. Huminto sa pag-aaral upang makatulong sa pamilya.
C. Pagsunod mo sa kanilang bilin at utos na mag-aral kang mabuti.
D. Paggalang sa mga personal na gamit at sa karapatang maging pribado (right to privacy).
_______ 8. Wala ng magulang ang magkakapatid na sina Ana, Felix at Dan. Si Dan ang panganay sa kanilang
tatlo. Dahil hindi na masikmura ni Dan na tingnan na nagugutom ang kaniyang mga kapatid ay
naisipan niya na magnakaw kahit alam niyang mali ito. Kung ikaw si Dan, ano ang gagawin mo?
A. Hindi ako magnanakaw sa halip ay manghihingi na lang ako sa mga karenderya ng mga tira-tirang
pagkain.
B. Hihingi ako ng tulong sa DSWD upang mapangalagaan at mabigyan kami ng mga
pangangailangan namin.
C. Gagawin ko ang ginawa ni Dan dahil kahit na masama ang pamamaraan, mabuti naman ang
patutunguhan.
D. Maghahanap ako ng trabaho kahit maliit lang ang sahod.
_______ 9. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang mga
anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang
maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas
mapatatatag nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng ________:
A. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
B. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email kung nasa malayong
lugar.
C. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga.
D. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.
_______ 10. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya
para sa iyo.
B. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
C. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
D. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
_______ 11. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa
dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila
ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
A. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung ano
ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
B. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay
nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.
C. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo na kung
hindi naman ikaw ang naapektuhan.
D. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi
makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito.
_______ 12. Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga
magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na
magkakapatid. Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng
pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At
kapag pinapaalalahanan siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni
Vangie. Ano ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
A. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon.
B. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi nila
ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
C. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos nang ayon sa
mga natuklasang dahilan.
D. Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya
nang walang pagtatangi.
B. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at suriin kung may umiiral na paglabag sa paggalang sa mga
magulang, nakatatanda, at taong may awtoridad. Sa iyong sagutang papel, isulat ang WALA kung walang may
nakitang paglabag at MAYROON naman kung may umiiral na paglabag sa paggalang.
_______ 13. Pagdating ni Mona sa bahay, agad niyang hinanap ang kanyang mga magulang upang magmano.
_______ 14. Mababa ang nakuhang marka ni Ramon sa kanilang pagsusulit. Agad niyang kinausap ang kanyang
guro at minura ito dahil hindi siya makapaniwala na ganoon ang kanyang iskor.
_______ 15. Hiningi ni Lisa ang payo ng kanyang lola tungkol sa masugid nitong manliligaw.
_______ 16. Hindi makalabas si Ana sa kanilang bahay dahil sa pandemya dulot ng Covid19 at sa batas na
bawal lumabas ang mga menor de edad. Isang araw, hinimok niya ang kanyang kaibigan na
lumabas at gumala sa plasa dahil talagang nababagot na siya.
_______ 17. Nakita ni Jose na naiwan ng kanyang kapatid ang cellphone nito sa ibabaw ng mesa. Dahil alam
niya ang password nito, binuksan niya ito at naglaro ng paborito niyang Mobile Legends ng hindi
nagpapaalam.
Para sa bilang 18-20
Mahalaga ba na dapat sundin ang magulang? nakatatanda? at may awtoridad? Palawakin ang iyong kasagutan.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
II. PERFORMANCE TASK
PANUTO: Magsaliksik ng mga larawan at gumawa ng isang photo collage na nagpapakita ng mga paraan ng
paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad. Gawin ito sa isang short bond paper. Maaaring isend sa
aking messenger o email: meah.bajande@deped.gov.ph
Gamitin ang rubriks sa ibaba bilang basehan ng iyong pagmamarka.

Pamantayan Deskripsyon Puntos


Kawastuhan Ang mga inilagay/ginamit ay tumutugma sa paglalarawan at konsepto. 5
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang mensahe ng photo collage 5
Organisasyon Kumprehensibo, maayos, malinaw at malinis ang daloy ng mensahe. 5
Pagkamalikhain May sariling istilo sa pagsasaayos o pagpapakita ng ginawa. Gumamit ng angkop na 5
paglalarawan upang maging kaaya-aya ang kaanyuan ng photo collage
Kabuuan 20

“Life goes on” I Inihanda ni: Bb. MEAH A. BAJANDE I Guro sa AralPan/EsP/ITWRBS/DIASS I Sanggunian: EsP 8 LAS 1-4

You might also like