Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 6

Lagumang Pagsusulit Blg. 2


Unang Markahan
Iskor

Pangalan: ________________________________________________ Baitang at Sekyon: _______________


I. Suriin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang patlang.
________1) Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ang Cavite, Laguna, Maynila, Bulacan,
Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at _______________.
A. Romblon B. Quezon
C. Batangas D. Mindoro Oriental

________2) Sa Kumbensiyon sa Tejeros naihalal si Andres Bonifacio bilang _________.


A. pangulo B. kapitan-heneral
C. direktor ng interior D. direktor ng digmaan

________3) Ano ang ginawa ng mga Katipunero matapos na mabunyag ang lihim ng kilusan sa mga Espanyol?
A. Nagtago at humina ang loob para lumaban.
B. Nakipagtulungan sa mga Espanyol at nangakong magbabago.
C. Sumuko at itunuro ang iba pang kasapi ng katipunan.
D. Nagtago at naghanda para sa himagsikan.

________4) Paano tinulungan ni Melchora Aquino ang mga katipunero?


A. Ginamot ang mga sugatan at pinakain.
B. Nagsulat ng mga akdang laban sa mga dayuhan
C. Nagpagawa ng matutuluyan.
D. Itinago ang mahahalagang dokumento ng kilusan.

________5) Ano ang ipinamalas ng mga katipunero dahil buo na ang kanilang loob para isagawa ang himagsikan?
A. Pagkamaunawain at kaisipang liberal.
B. Katapangan at damdaming makabayan.
C. Pagkakaisa at pananalig sa Diyos.
D. Pagkamasigasig at kasipagan.

________6) Saan nagtungo si Aguinaldo at ilang pinuno ng kilusan pagkatapos mapairal ang kasunduan na pansamantalang
nagdulot ng kapayapaan?
A. Tsina B. Estados Unidos
C. Hong Kong D. Hapon

________7) Magkano ang halaga na pinangako ng Espanya na ibigay sa Pilipinas upang mahinto ang labanan?
A. Php1,500,000 B. Php1,700,000
C. Php1,600.000 D. Php1,800,000

________8) Kailan ang kasarinlan ng Pilipinas?


A. Mayo 19, 1898 B. Mayo 8, 1898
C. Hunyo 12, 1898 D. Hunyo 23, 1898

________9) Saang labanan nagtagumpay si Emilio Aguinaldo at pinabagsak ang hukbo ng mga Espanyol?
A. Labanan sa Biak na Bato B. Labanan sa Tejeros
C. Labanan sa Alapan D. Labanan sa Cavite Viejo

________10) Siya ang unang babaeng miyembro ng Katipunan na tumulong para madagdagan ang mga babaeng kasapi ng
kilusan.
A. Marina Dizon Santiago B. Teresa Magbanua
C. Marcela Agoncillo D. Trinidad Perez Tecson

II. Piliin ang tamang sagot sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (√) sa kahon.
11) Sino ang gobernador-heneral na nag-utos para hulihin ang lahat ng mga Katipunero matapos na mabunyag ang lihim
nito?
 Rafael Izquierdo  Ramon Blanco
12) Ito ang pinunit ng mga Katipunero na naging hudyat sa kanilang paghihimagsik.
 sertipiko sedula
13) Saan naganap ang Unang Sigaw ng Himagsikan?
 San Jose del Monte, Bulacan  Balintawak, Kalookan
14) Sino ang itinuturing na Utak ng Himagsikan?
 Antonio Luna  Emilio Jacinto
15) Sino ang nagsabing hindi karapat-dapat sa kaniyang posisyon si Andres Bonifacio?
 Daniel Tirona  Agapito Bonzon
16) Ano ang dokumentong nagpapawalang bisa sa mga desisyong naganap sa Pulong sa Tejeros?
 Kartilya ng Katipunan  Acta de Tejeros
17) Ano ang ipinalit sa Pamahalaang Katpinunan?
 Pamahalaang Rebolusyonaryo  Pamahalaang Republika
18) Sino ang naging tagapamagitan ng mga rebolusyonaryo at ni Gobernador Heneral Fernando Primo de Rivera?
 Pedro Paterno  Mariano Trias
19) Siya ang naging punong-tagapayo ni Emilio Aguinaldo at nakilala bilang “Ang Dakilang Lumpo.”
 Julian Felipe  Apolinario Mabini
20) Sino ang pinuno ng plotang Amerikano sa Silangan na nakausap ni Emilio Aguinaldo at tumulong para makabalik siya sa
Pilipinas?
 Spencer Pratt  George Dewey

II. Lagyan ng tsek (  ) ang patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at ekis ( X ) kung mali.
________21) Ang anim na lalawigan na nag alsa laban sa Espanya ay sumasagisag sa sinag ng araw sa watawat.
________22)Dahil sa pangambang maging mabigat ang epekto ng alitan sa panig ni Andres Bonifacio sa pagtaguyod ng himagsikan
nagsawalang kibo na lamang si Aguinaldo.
________23)Ang Sigaw sa Pugad Lawin ay ang hudyat ng himagsikan laban sa mga Español.
________24)Inihanda ni Aguinaldo ang salaping tinanggap para gamitin sa iba pang pakikipaglaban sa mga Español.
________25)Si Andres Bonifacio ay hinatulan ng kamatayan dahil sa kasong pagnanakaw sa kaban ng bayan.

III. Basahin at kilalanin kung sino ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang wastong sagot.
A. Melchora Aquino E. Marina Dizon Santiago
B. Gregoria de Jesus F. Marcela Agoncillo
C. Josefa Rizal G. Teresa Magbanua
D. Trinidad Perez Tecson

________26) Kilala bilang “Lakambini ng Katipunan.” asawa ni Andres Bonifacio; nagtago ng lihim na mga dokumento ng
Katipunan.
________27) Siya ang nanguna sa pagtahi sa unang bandilang Pilipino na ginamit ng Pangulong Emilio Aguinaldo noong Hunyo
12, 1898 kaya tinagurian siyang “Ina ng Watawat ng Pilipinas.”
________28) Bayani ng Himagsikang Pilipino at kilala bilang “Ina ng Biak-na-Bato.”
________29) Tinawag na “Tandang Sora”; nagsilbing mangagamot sa mga sugatan; nagpakain sa mga katipunero at nagpahiram
ng bahay niya upang magsilbing pulungan ng rebolusyon.
________30) Kapatid ni Dr. Jose Rizal; nagplano ng mga sayawan habang nagpupulong ang mga pinuno upang malinlang ang
mga guwardiya sibil.

----GODBLESS and BE SAFE ALWAYS----

Inihanda ni:
Gng. Donna A. Salva
Asignaturang Guro

You might also like