Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 9

I. Layunin
a. Natutukoy ang mga makatotohanang pangyayari sa kabanata ng nobela sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan.
b. Nakapagpapaliwanag ng sariling konsepto ng pagpapahalaga sa mga pangyayari sa
nobela.
c. Nakapagbabahagi ng sariling repleksyon sa pamamagitan ng pagsulat at birtwal na
pagtatanghal.

II. Paksang Aralin


• Paksa: Noli Me Tangere, Kabanata 15: Ang Dalawang Sakristan
• Sanggunian: Noli Me Tangere nina Espinoza, Teodorica et.al, pahina 69-72.
• Kagamitan sa Pagtuturo: Laptop, Powerpoint Presentation, at Aklat
• Pagpapahalaga: Nabibigyang-halaga ang bawat pangyayari sa kabanata at mga
aral na nakapaloob dito.

III. Pamamaraan sa Pagtuturo


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

(Virtual Classroom Rules) (maghahanda ang bawat mag-aaral)


Hinihikayat ko ang lahat na paki-mute ang
inyong mga mikropono upang hindi
makasagabal ang anumang tunog, buksan
ang inyong mga kamera, at isaayos nang
mabuti ang mga sarili maging ang inyong
paligid upang hindi magkaroon ng sagabal
sa ating pagkatuto ngayong araw na ito.
Kung mayroon mang katanungan ay
pakipindot lamang ang raise hand o i-chat
lamang sa ating chatbox at hintayin na
tawagin ko kayo pagtapos ay maaari
ninyo nang i-unmute ang inyong Panginoon, maraming salamat sa araw
mikropono. na ito. Pinupuri at pinasasalamatan ka
namin bagama’t hindi man kami
(Pagbati at pagsasaayos ng klase)
karapat- dapat na tumanggap nito
Bago tayo magsimula, tayo muna ay
dahil sa mga pagkakasalang
magdasal. Annie, pangunahan mo ang
nagagawa, tuwituwina. Sa araw na ito,
panalangin.
bago po namin simulan ang aming
gawaing-pagkatuto, bigyan mo po kami
ng sapat na talino,

1
kalakasan, at gabay po ninyo. Ito ay
idinadalangin namin sa ngalan
ni Hesus… Amen.

(Pagtatala ng Lumiban)
Monitor, mayroon bang lumiban Wala pong lumiban sa klase ngayong
sa ngayon? araw, Sir.

Mabuti kung ganoon, Grade 9! Isang


masayang umaga sa inyong lahat!
Ngayon, alam at ramdam kong handa na
ang lahat na makinig sa ating talakayan. Masayang umaga rin po, Sir!

A.1 Pagpapakita ng Kompetensi at mga


Layunin

Bago tayo magsimula, narito ang


kompetensi at mga layunin na inyong
matatamo pagkatapos ng ating
talakayan:

a.Natutukoy ang mga makatotohanang


pangyayari sa kabanata ng nobela sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga
larawan.
b.Nakapagpapaliwanag ng sariling
konsepto ng pagpapahalaga sa mga
pangyayari sa nobela.
c.Nakapagbabahagi ng sariling
repleksyon sa pamamagitan ng pagsulat
at birtwal na pagtatanghal.
Opo, Sir!
Nauunawaan ba?

B. Pagganyak
Mayroon akong ipapanood sa inyong
isang video na napatutungkol sa isang
napapanahong isyu. Ang gagawin niyo
lamang ay manood, makinig at unawain
ito nang husto. Handa na ba kayo, Grade Opo, Sir.
9?
(natapos nang panoorin…)
(ibinahagi ng guro ang kanyang screen at
upang ipanood ang video sa klase…)

Ngayon, batid ko na napanood na ninyo


(nagtaas ng mga kamay)
ang video. Sino sa inyo ang maaaring
magbahagi ng kanyang naunawaan?

2
Ito po ay napatutungkol sa isang bata
nagpapalabuy-laboy sa lansangan na
Ano ang pagkakaintindi mo sa napanood napagbigtangan na magnanakaw subalit
na video? ang totoo ay hindi naman siya ang
kumuha ng bagay na iyon..

(nagtaas ng kamay)
Ang video na ito ay tungkol sa
Mahusay! Tama siya, isa itong karanasan kalagayan ng kalunus-lunos na sinapit
ng isang batang badjao na nakaranas ng ng batang namamalimos. Sadyang
panghuhusga sa kanyang kapwa dahil mapanghusga ang tao sa kanyang
lamang sa kanyang panlabas na anyo at kapwa kung kaya’t ganoon na lamang
kalagayan sa buhay ay ganoon na lamang niya tinuring ang batang pulubi.
agad tratuhin ng mga ibang tao.

Magaling! Ang pinanood at tinalakay


nating video ay may malaking kaugnayan
sa kabanatang tatalakayin natin, ang
Kabanata XV: Ang Dalawang Sakristan.

Kabanata 15: Ang Dalawang Sakristan


C. Paglalahad sa Paksa
Ngayon ay dumako na tayo sa ating
paksang tatalakayin. Ano nga kasi ulit ang
pamagat?

D. Pagpapayaman sa Talasalitaan
Batid kong nasasabik na kayong
pagkuwentuhan ang kabanatang ito
subalit kailangan muna nating alamin
ang mga salitang maaaring
makasagabal sa pag- unawa. Ngayon,
gamitin ninyo ang mga salitang
nakasalungguhit sa pangungusap. Ang panaghoy ng isang bata
ay nakababahala.
Talasalitaan:
Panaghoy – daing Napahabol-hininga na lamang siya
Habol-hininga – buntong-hininga habang pinapagalitan.
Tinutulan –hindi sinang-ayunan
Mariing na tinutulan ng pangulo ang
kanyang desisyon.

Mahusay! Isang virtual clap naman diyan!

‘Yan, batid ko na naging maalam na kayo


sa mga salitang maaaring makasagabal
sa pagkatuto niyo sa tatalakaying
kabanata.

D.1 Pagpapakilala sa mga Tauhan

3
Akin namang ipapakilala ang
Opo, Sir!
pinakapangunahing tauhan sa
Opo, Sir.
kabanatang ito. Handana ba
kayong makilala sila?

Pakinggang mabuti at sila mismo ang


magpapakilala sa inyo.
(tatanggalin ang pagkakabalot sa tela ang
mga tauhan)

(voice recorded)
Ako si Crispin. Ang bunsong anak ni Sisa.
Ako’y walong taong gulang pa lamang na
nangangarap na makapiling lagi ang ina.
Ako ay isang bata na ang hangarin ay
isang sama-sama at masayang pamilya
subalit tila ata hindi na mangyayari pa ito
lalo na’t naririto ako ngayon sa isang
madilim na lugar na punong-puno ng mga
sugat at pasa dulot ng pambubugbog ng
kura. Maawa na kayo, iligtas niyo ako.
Wala akong sala. Hindi ako magnanakaw!

Nakilala na ba ang unang pangunahing


tauhan?

Susunod na aking ipapakilala ay ang


ikalawang pangunahing tauhan sa
kabanatang ito, si Basilio.

(voice recorded)
Ako naman si Basilio, ang nakatatandang
kapatid ni Crispin. Ako’y labing dalawang
taong gulang pa lamang subalit maagang
namulat sa kahirapan ng buhay. Simple
lang naman ang pangarap ko, ang
mabigyan ng maayos na buhay ang aking
ina at kapatid subalit tila hindi na ito

4
mangyayari pa lalo na’t hindi ko
nagawang mailigtas si Crispin sa kamay
ng masamang tao na ‘yon. Napakahina
kong tao! Kailangan ko nang makatakas
sa impyernong ito!

Batid kong kilala niyo na ang dalawang


pangunahin nating tauhan ngayong araw,
ngayon, alamin naman natin ang mga
pangyayari sa kabanata sa pamamagitan
ng pagpapakita ko sa inyo ng mga
larawan.

E. Pagtalakay sa Paksa/Akda “Opo!”


Ano nga kasi ang pamagat ng kabanatang
ito?

Mahusay, 9-Cavalieri. Ngayon, sisimulan


na natin ang pagtalakay.
(sabay-sabay na sumagot)
(Magkukwento sa pamamagitan ng mga Kabanata 15: Ang mga Sakristan
larawan sa projector.)

C.1 Pag-unawa sa Akda

Nagtungo si Pilosopo Tasyo sa kumbento


upang sabihin sa dalawang magkapatid
na si Crispin at Basilio ang ipinagbilin sa
kanya ng kanilang ina. Aniya, umuwi sila
kaagad sapagkat mayroong inihain na
masarap na hapunan para sa kanila.
Subalit, hindi alam ng pilosopo na
mayroong hinaharap na suliranin ang
dalawang bata.

(sumunod na larawan)
Sa tingin ninyo, batay sa larawang
nakikita, ano na kaya ang susunod na
pangyayari sa kuwento? Sino kaya ang
makapagbabahagi?

O sige, ibahagi mo nga sa klase.


(nagtaas ng kamay)

5
Mahusay! Bakas sa mukha ni Crispin na
siya ay pagod na pagod na sa kanilang
trabaho at ipinagdarasal nito na sana ay
magkasakit na lamang sila nang sa
ganoon ay makaalis na sila sa kumbento
at makasama ang ina sa pag-aalaga sa
kanila.

(larawan)
Ano na naman ang susunod na
pangyayari sa kuwento? Sino ang
makapagbabahagi?

Sige, ibahagi mo nga ito sa klase.

Abala ang magkapatid sa


pagpapatugtog ng batingaw nang
biglang sabihin ni Basilio na ayusin ni
Crispin ang pagpapatugtog sa kampana
at baka sila ay multahan sa maling
pagpapatugtog at wala ng maiuwing
sahod para sa ina.

(nagtaas ng kamay)

Pagkatapos ay naisipan nilang


magpahinga muna sa sobrang
kapaguran. Kasabay nito, tinanong ni
Basilio kung wala ba talagang
ninanakaw na salapi o dalawang onsa si
Crispin. Ang sagot naman ni Crispin
kahit kapkapin o anu pa man, sinabi nito
sa kanyang kuya na wala siyang
ninanakaw. Nasabi niya tuloy na sana
nga ninakaw na lang talaga niya nang
sa ganoon kung sakaling mamatay
man siya sa palo ng kura ay mayroon
siyang maiiwan sa kapatid at sa ina.
(nagtaas ng mga kamay)

6
Magaling! Napakakumpleto ng
iyong pagkakapahayag.

(susunod na larawan)
Sino na naman ang makapagbabahagi ng
susunod na pangyayari batay sa larawan?
Sige, ibahagi mo nga sa klase.

Susunod, habang sila ay nag-uusap ay


saktong papaakyat ng kumbento ang
sacristan mayor at narinig ang kanilang
pag-uusap. Inihayag ng sakristan mayor
na pinagmumultahan niya ang
magkapatid dahil sa maling
pagpapatugtog ng batingaw at iniutos
din nit okay Basilio na makakauwi
lamang ito sa ganap na ika-sampu ng
gabi samantala hindi rin pupwedeng
makabalik sa kanilang tahanan si
Crispin hangga’t hindi niya ibinibigay
Mahusay! Napakaganda ng ang di umanong ninakaw nitong salapi.
pagkakapahayag mo. Narinig na nga ng
sakristan mayor sina Basilo at
Crispin kung kaya’t isang
napakabigat ng kasalanan ang
(nagtaas ng kamay)
ipinaratang sa kanila. Ano naman kaya
ang susunod na mangyayari ngayong
silang dalawa na ay pinatawan ng
kasalanan at ayaw nang pauwiin si
Crispin hanggat hindi niya ibinabalik ang
ninakaw?

Sige, ikwento mo sa klase.

Nangatwiran pa rin si Basilio sa


sakristan mayor dahilan para siya ay
pauwiin sa ika-sampu ng gabi.
Mapanganib ang oras na iyon
sapagkat mahigpit na ipinagbabawal
ng mga guwardiya sibil na bawal na
bawal na ang paglalakad bago pa man
sumapit
7
Mahusay. Tama ang kanyang binanggit. ang ika-siyam ng gabi.
Hindi matanggap ni Basilio na ganoong
oras siya makauuwi at mas lalong
mayroong naghihintay na ina sa kanilang
tahanan. Sino na naman ang
makapagbabahagi ng kanyang kaalaman
para sa susunod na pangyayari sa (nagtaas ng mga kamay)
kuwento?

Sige, ibahagi mo nga ito.

Pagkatapos po ay agad na kinaladkad


pababa ng sakristan mayor si Crispin at
walang nagawa si Basilio kundi ang
makita at marinig ang kapatid na
Magaling! Dahil, dagdagan ko lamang ang sumisigaw at umiiyak dahil sa pananakit
kanyang sinabi, sa kadahilanang hindi ng sakristan mayor sa kanya.
maipakita ni Crispin ang sinasabing
ninakaw na salapi ay agad na hinugot ang
kamay nito at saka kinaladkad papalayo
kay Basilo. Para sa susunod na larawan?

(nagtaas ng kamay)
Sige, ikwento mo sa klase.

Pagkatapos po, hindi na nga niyang


nagawang mailigtas ang kapatid sa
kamay ng sakristan mayor at wala na
nga itong magawa pa.

8
(nagtaas ng mga kamay)
Mahusay! Tama ang iyong inihayag. Sa
huli, sa pagtila ng ulan ay agad na
Si Crispin at Basilio po.
lumisan si Crispin sa pamamagitan ng
nagpatihulog gamit ang lubid ng kampana
at tuluyan itong umalis.
(nagtaas ng mga kamay)
Ngayon, bilang pag-unawa sa kabanatang
ito, sino na nga ang ating mga
pangunahing tauhan?
Sa kumbento o simbahan.
.O sige nga, ikaw..
(nagtaas ng mga kamay)
Magaling! Saan naman ang naging
tagpuan ng kabanatang ito?

Sila ay pinagbintangan ng
O sige, nak. napakasamang sakristan mayor sa mga
salang hindi naman talaga nila ginawa
kung kaya’t naging kalunos-lunos ang
Mahusay!. Ano naman ang naging
kanilang kinasapitan o
suliranin o kinaharap ng mga
kalagayan sa loob ng
pangunahing tauhan?
kumbento.
Sige, ikaw na ang sumagot.
(nagtaas ng mga kamay)

Ang pinakapaksa ng kabanatang ito ay


napakaraming mga kabataan
noon magpasangayon na
Isang mahusay na pagpapaliwanag! sapalitang pinagtatrabaho dahil
Panghuling katanungan, ano ang sa hirap ng buhay na nauuwi sa
pinakapaksa nito? malaking problema kapag
napababayaan.

O sige nga, ikaw.

Tama ‘yan. Hindi lamang iyan, hindi porke


mahirap ang isang tao at ganoon ang
kaantasan sa buhay ay pupwede na
silang pagmalupitin ng mga tao.
Madalas, magpasangngayon ay
napakahirap nang makamit ang hustisya
lalo na’t kung mahirap ka.

9
F. Paglalapat

Batid kong nauunawaan niyo na nga nang (nagtaas ng kamay)


lubusan ang ating talakayan ngayong
araw. Ngayon atin balikan ang ipinanuod
kong video presentation kanina at ang
kabanatang ito. Ano sa tingin ninyo ang
pagkakatulad nilang dalawa?

Sige, ikaw ‘nak. Ang pagkakatulad po nilang dalawa ay


pareho batang naghihirap kung kaya’t
maaga silang naghahanap ng
ikabubuhay nila. Subalit sa
ikinabubuhay pa la nilang ito ay
magahhatid sa kanila ng
kapamahamakan at maglalayo sa
kanilang pamilya.

Magaling! Tama ang sinabi mo. Nasa (nagtaas ng mga kamay)


murang edad pa lamang silang dalawa
pero maaga na silang minulat sa
kasakitan at kapighatian ng buhay. Sino
pa ang makapagbabahagi ng kanyang
pananaw patungkol sa kabanatang
tinalakay at sa pinanuod na video?
Dito po pumapasok yung Child Force
Sige, ibahagi mo sa klase. Labor at Child Abuse Law pero dahil
kung ang pag-uusapan ay ang sa
nobela, hawak tayo sa leeg ng mga
makapangyarihang kura pero sa
panahon ngayon hindi na pupwede. iyon
sapagkat may karampatang
kaparusahan.

Mahusay! Mayroon ng batas na


poprotekta sa panahon ngayon upang (nagtaas ng kamay)
mas matakot na silang gumawa pa ng
masama sa mas nakababata sa kanila.
Sino pa ang makapagbibigay ng kanyang
sagot?

Nais lamang din ipabatid nito na huwag


Sige, ikaw ‘nak. tayo agad-agad na manghuhusga ng
kapwa natin lalo na’t wala tayong
katibayan na maihahain.

Mahusay! Napakaganda ng iyong sagot.

10
Kailangan na huwag natin gamitin ang
kaantasan natin sa buhay upang
husgahan agad ang pagkatao lalo na ng
mga taong naghihikaos sa buhay.

Ngayon, wala na bang katanungan sa


ating naging talakayan?
Wala na po, Sir!
Mabuti, 9-Cavalieri.

G. Paglalahat

Ngayon, naunawaan niyo na ba nang


lubusan ang ating talakayan ngayong
Opo, Sir.
araw?”

Sino ang makapagbubuod ng nasabing


Kabanata 15: Ang mga Sakristan?
(magtataas ng mga kamay)

Sige, ibahagi mo nga sa klase.


Ito ay tungkol sa dalawang anak ni Sisa
na si Crispin at Basilio na pinaratangan
ng mga kasalanang hindi nila ginawa.
Dagdag pa rito, mas matindi ang
kaparusahan na naghihinatay kay
Crispin sapagkat salipi o malaking
halaga ang ipinababalik sa kanya. Wala
naman nang magawa itong si Basilio
sapagkat pati rin siya ay walang-wala o
napakababa ng sahod nito. Wala na rin
siyang nagawa nang kaladkarin ang
kapatid papalayo sa kanya at puro
paghihinagpis na lamang ang kanyang
narinig.
Napakahusay! Bigyan niyo siya ng isang
Big Hamburger Clap!
(Nagbigay ng Big Hamburger Clap)
Kung kaya’t ang kabanatang ito ay isa sa
mga napakagandang likha ni Rizal
sapagkat napakalaki ng koneksyon lalo na
sa mga kabataang hikaos sa buhay at
pipiliing mawalay sa magulang para
lamang makapagtrabaho o may maiuwing
pera sa kanilang tahanan kahit na ang
kapalit nito ay kapahamakan.
Nagkakaintindihan, 9C?
Opo, Sir.

IV. Pagtataya

Gumawa ng sariling repleksyon o kuro-kuro hinggil sa "Isyung Panlipunan sa


Kalagayan ng mga Kabataan sa Pilipinas ngayon”.
Nakapanlulumong isipin na unti-unting nakalilimutan ng mga kabataan ngayon
ang tunay nilang responsibilidad at obligasyon sa mundong kanilang ginagalawan. Sa
murang edad ay napakarami ng suliranin ang kanilang kinakaharap. Una na rito ang

11

You might also like