Professional Documents
Culture Documents
Modyul 1
Modyul 1
Sa tala ni Constantino (1990), umaabot sa mahigit na apat na raan (400) ang mga wika
at wikain ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang bilang na ito ay kumakatawan sa kabuuang
bilang ng mga pulo sa buong bansa. Sa kabilang dako, malaking bahagi ng paglaki at
pagdami ng ating wika ay bunsod ng pandarayuhan, kontak sa iba’t ibang lokal at
banyagang wika, mga pananakop at iba pa.
Sa panahon naman ng mga Amerikano, bitbit nila ang mga gurong Thomasites na
nangasiwa upang magkaroon ng pormal na edukasyon ang mga Pilipino. Natutuhan ng
mga Pilipino hindi lamang ang ilan sa mga kultura at kaisipang kanluranin gayundin
ang wikang Ingles. Dominanteng nagamit ang naturang wika sa pagtuturo ng iba’t ibang
aralin kung kaya hanggang sa kasalukuyan, pinanghahawakan ng mga Pilipino ang
kanilang kasanayan sa wikang Ingles.
Ang wikang Filipino bilang pambansang wika ay maituturing na ring lingua franca sa
buong bansa. Ito ay nangangahulugan lamang na ang wikang ito ay kayang unawain
at salitain ng mga mamamayang naninirahan sa buong bansa.
Sa huli, ang wikang Filipino ay isang buhay at masiglang wika, may kakayahan itong
tumanggap ng pagbabago, makipagsabayan sa mga higanteng wika sa daigdig, at
higit sa lahat, sadyang palawak nang palawak ang gamit nito dahil na rin sa dami ng
mga Pilipinong nangingibang bayan.
3.0 Gawain