Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MODYUL 5

Ang wikang Filipino at Kasarian ng Wika

1.0 Mga Layunin

1. Matalakay ang konsepto ng kasarian ng wika.


2. Matukoy ang pagakaiba ng wikang ng lalaki at babae sa konteksto ng wikang
Filipino.
3. Masuri kung paano nagkakaroon ng baryasyon ang wika ng babae sa lalaki.

2.0 Paksa ng Pag-aaral

May kasarian ba ng wika?


*Artikulong sinaliksik ni Ryan Lescano sa paggabay ni Christian George Francisco

Ayon sa Encyclopedia Britannica, ang pagkakakilanlang pangkasarian ay "pagkakakilala


ng isang indibidwal sa pagiging lalaki o babae, na kaiba sa tunay na kasariang
biyolohikal." Bagaman ang salitang kasarian ay karaniwang ginagamit din bilang
katumbas ng salitang seks, karaniwang itong tuwirang tumutukoy sa pagkakaibang
panlipunan sa loob ng mga agham panlipunan, na tinatawag na papel na pangkasarian
sa mga agham biyolohikal. Layunin ng artikulong ito na maiugnay ang wika sa kasarian
at mailahad ang pagkakaiba ng paggamit ng wika ng isang babae at lalaki. Nais din
linawin sa artikulong ito ang mga dahilan ng hindi pagkakapantay-pantay pagdating sa
kasarian ng wika.

Ang bawat salita ay may katumbas na kasarian (Velez-Lukey, 2000). Ayon sa


imbentaryo ni Velez-Lukey na hinati niya sa dalawang kategorya, ito ay maaaring
positibo o negatibong aspekto. Ayon pa sa kanyang pag-aaral na pinamagatang
“Pagkababae at Pagkalalake (Femininity and Masculinity): Developing a Filipino
Gender Trait Inventory and Predicting Self-Esteem and Sexism” sinasabing ang
‘maprinsipyo’ ay katangian daw ng lalaki; ang ‘magpakimkim’ ay sa babae; ‘maasikaso’
sa babae at ‘mayabang’ sa lalaki. Makikita ang kaibahan ng wika na tumutukoy sa
pagkababae at pagkalalaki sa aspektong positibo at negatibo. Nangangahulugan lamang
na may malaking papel na ginagampanan ang kasarian sa wika na babagay sa kanila. Ito
ay batay sa kung paano kumilos ang isang babae at isang lalaki. Maaaring ito ay dahil sa
ang wika ay naituturo at natutuhan na siya namang konektado sa ating kultura.

Ang kamalayan sa kasarian ay naiimpluwensiyahan ng kultura na konektado sa wikang


gagamitin ng isang babae at lalaki. Naniniwala ako na ang wika ng isang babae at lalaki
ay maaaring nakasalig sa kanyang kinagisnang kultura. Ang impluwensya nito sa
kanilang kasarian ay magiging repleksyon sa kanilang pagkatao na makikita sa kanilang
mga kilos kung kaya’t ang imbentaryo na ginawa ni Velez – Lukey ay maaaring isang
kaganapan sa pagkakaroon pagkakakilanlan kapag sinabing kasarian ng wika. Ang
kultura ng isang tao ay kumakatawan sa wika ng isang lugar na siyang magiging
repleksyon ng kanilang pagkakakilanlan (Elmes, 2013). Nangangahulugan lamang na
ang kultura at ang wika ay maaaring maging susi sa pagkakakilanlan ng isang tao at dito
papasok ang pagkakaiba ng wika batay sa kasarian. Ang wika ng isang babae at lalaki ay
maaari rin na nakasalig sa kulturang kanilang kinagisnan at ito ay patuloy na
mahuhulma dahil sa ang wika ay matutuhan sa natural na paraan.

Magkaiba ang wika ng mga lalaki at babae sa paggamit ng wika. Magkaiba rin silang
mag-isip kung paano natututuhan ang wika. Magkaiba rin sila sa paggamit ng mga
estratehiya sa pagkatuto ng wika. Kung pag-aaralan ang pagkakaiba ng paggamit wika
ng isang babae at isang lalaki makikita rito ang malaking pagkakaiba nila sa paggamit
ng wika. Ayon sa teorya ni Deborah Tannen na “Genderlects Styles”, ang mahusay na
komunikasyon ng isang babae at lalaki ay sa pamamagitan ng kanyang tinatawag na
cross-cultural format. Mayroon siyang inilatag na pagkakaiba ng wika ng isang lalaki at
babae, ito ay kanyang ibinatay sa mga sumusunod na kategorya; (1) koneksiyon vs
estado, mas nais ng mga babae na magkaroon ng koneksyon o pakikipag-ugnayan sa iba
na sila ay kabilang sa isang grupo na maaari nilang mapalagayan ng loob samantalang
ang lalaki ay mas nanaisin na magkaroon ng kalayaan na gawin ang kaniyang nais na
hindi naaapektuhan ang kanyang pagkatao. Gusto ng lalaki na may laya siyang gawin
ang nais niya ng walang sinoman ang kumokontrol sa kanya. Sa sitwasyong ito takot ang
babae na mawalan ng kasama kung kaya’t pinananatili niya ang pakikipag-ugnayan sa
iba na maaari niyang maging kasama samantalang ang lalaki ay pinatutunayan ang
kaniyang pagiging mag-isa na hindi nangangailangan ng tulong ng iba, marahil ay
paraan niya ito upang patunayan ang kanyang ego bilang isang lalaki. (2) Rapport Talk
vs Report Talk, ayon kay Tannen, ang rapport talk ay para sa mga babae, sila ay
gumagamit ng pakikipag-usap upang mapalapit sa iba at ang report talk ay para sa mga
lalaki, ang pakikipag-usap ay upang makakuha ng impormasyon. Sa pananaw na ito na
inilahad ni Tannen na mas gusto ng lalaki na makipagkomunikasyon upang makakuha
ng ideya, opinyon at pagkakakilanlan. Ang pagsasalita para sa kanila ay solusyon sa mga
problema upang makabuo ng mga estratehiya sa pagbuo ng solusyon at ang kanilang
sariling pananalita ay siyang daan upang mapukaw ang kanilang atensyon sa
pagsolusyon sa problema. Samantalang sa babae ang pakikipagkomunikasyon ang
bumubuo upang mapanatili ang ugnayan sa iba at kanilang isinasama ang ideya ng iba
para masolusyunan ang kanilang mga problema at sa huli malahaga para sa mga babae
ang sensitibidad o pakiramdam ng iba sa gagawin nilang pakikipag-usap. Sabi nga mas
madaldal si babae kaysa kay lalaki. Pinipili ni lalaki na manahimik samantalang si babae
ay nagpapatuloy sa kanyang sinasabi. Ayon kay Brizendine, ang isang babae ay
nagsasalita ng 20, 000 salita sa isang araw samantalang ang lalaki ay 7,000 salita
lamang sa isang araw. Sa datos na ito lumalabas lamang na sa dami ng salita na
naibubulalas ng isang babae mapapatunayan na higit na nais nilang makipag-ugnayan
at makipag-interak sa iba sa halip na manahimik na lamang. Subalit kung susuriin,
kahit na madaming naisasalita ang isang babae mas nananaig pa rin ang wika ng mga
kalalakihan o mas dominante ito sa iba’t ibang larangan sa ating lipunan. Ito ay
maaaring masuportahan sa ilang mga teorya na pagiging dominasyon ng wika ng
kalalakihan sa lipunan.

Sa kabilang dako, ang teorya ni Sandra Harding at Julia Wood sa kanilang Standpoint
Theory, binanggit nila na mas makapangyarihan ang wika ng lalaki kaysa sa wika ng
babae. Pinatutunayan lamang sa teorya na ito na ang wika ng isang lalaki ang siyang
mas higit na namamayani sa ating lipunan. Makikita ito sa ilang eksena sa ating lipunan
na napakadominante ng wikang panlalaki o mas natatangi ang wikang ito. Halimbawa
na lamang sa ilang mga katawagan na namamayani ang wikang panlalaki. Sa politika
mas binibigyang-diin ang congressman kaysa sa congresswoman, ang chairman kaysa sa
chairwoman, ang mayor kaysa sa mayora, ang konsehal kaysa sa konsehala. Ang politika
ang isa sa pinakamakapangyarihang sektor ng lipunan ay nadidiktahan ang lahat
maging wika ay nadodomina ng lalaki. Ang dominasyon ng wikang panlalaki sa lipunan
ay litaw na litaw na maaari pa nating masaksihan sa iba pang sektor ng ating lipunan.
Ang adbentahe ng isang lalaki sa lipunan ay sumasalamin din sa perspektiba ng
kapangyarihan. Ang pagiging malakas ng isang lalaki ay sasalamin din sa kaniyang wika
na siya ring kokontrol sa lipunang kanyang ginagalawan. Sa akdang pampanitikan litaw
na litaw din ang dominasyon ng wika ng lalaki. Batay sa artikulo ni Lilia Santiago sa
kanyang “Wika at Kasarian: Seksismo at Kritisismo”, mas litaw ang paggamit ng imahe
ng lalaki sa akda kagaya ng manggagawa, mangingisda, magsasaka. Ang hindi
makatwirang paghahati ng papel sa lalaki at babae ay mapapatunayan sa ilang akda
tulad ng kapag lalaki tinatawag na Juan de la Cruz samantalang ang babae ay maybahay.
Ang karakter ng babae sa akda ay kalimitang pagtuya sa kanilang imahe na kadalasang
katulong, kabit, at puta o mga babaeng pakawala. May ilang akda rin na ang mga wikang
pambabae ay panlalaki rin, ito ay makikita sa tulang “Anino ng Magsasaka ni De Vera”.
Ang hindi pantay na imaheng ito sa akdang pampanitikan ay patunay na may dibisyong
namamayani sa paggamit ng wika kung kaya’t ang pagkamulat na mayroong tamang
paggamit ng kasarian ng wika ay isang malinaw na hindi katanggap-tanggap. Sabi nga
ni Ernestine Fried, ang hindi pagkakapantay-pantay sa kasarian at ang dominasyon ng
lalaki ay isang natural na pangyayari sa lipunan.

Ang isang problema na nakikita rito sa teorya ni Harding at Wood ay hindi lahat ng
miyembro ng isang lugar ay nararanasan ang tinatamasang kultura. Ito ang dahilan
kung bakit ilan lamang sa mga ito ang nakikita ang kanilang ginagampanang posisyon
sa kanilang lipunang ginagalawan. Kaya’t ang mga katawagan na dapat na pambabae ay
tinatawag pa rin sa katawagang panlalaki. Ang lipunang ginagalawan ang siyang
humulma ng wika na ating gagamitin upang magkaunawaan natin ang ating sarili, ang
iba at ang mundo. Ang lipunang tinutukoy ay pinaghaharian ng mga kalalakihan kaya’t
nasa kanila ang adbentahe at ang babae ay walang kapangyarihan na tumaliwas dito
sapagkat wala silang kapangyarihan na ito ay salungatin kaya’t magiging sunud-sunuran
sa hinulma ng lipunan na ang lalaki ang naghahari. Ito ay maaaring suportahan ng
teorya ni Cheris Kramarae sa kanyang Muted Group Theory binanggit niya na ang mga
babae ay walang kalayaan na hindi katulad ng isang lalaki pagdating sa pagsasalita. Ang
pananahimik ng isang babae ay dahil sa kawalan ng kapangyarihan dahil ang wika at
mga paniniwala, kultura ay binuo ng mga lalaki kaya’t ang isang babae ay mananahimik
na lamang at hahayaan ang posisyon ng lalaki ng siyang dominante sa lipunan. Malaki
ang kinalaman ng dominasyon ng lalaki sa paggamit ng wika. Ito ay maaaring magdikta
sa gagamiting wika sa ating lipunan na kahit ang kasarian ay pwede rin nilang kontrolin.
Kaya’t kahit masasabing may kasarian ang wika namamayani pa rin ang posisyon ng
mga lalaki sa kung anong wika ang gagamitin o anong kasarian ang aangkop sa ilang
terminolohiya.

Isa pang nakikita kong suliranin hinggil dito ay ang kawalan o kakulangan ng mga
pananaliksik at pag-aaral hinggil sa kasarian ng wika. Ito ay pinatotohanan ni Portia
Padilla, isang propesor sa UP-Diliman. Ayon sa kanya, sa nakaraang sampung taon,
walang pag-aaral na ginawa sa bansa tungkol sa pag-aaral ng wika at kasarian. Kung
walang pag-aaral na nagawa maaaring hindi magkaroon ng karampatang solusyon ang
problemang ito na kinahaharap sa hindi pagkakapantay-pantay sa usapin ng kasarian
ng wika. Sa bagong kurikulum (K-12 Curriculum), wala ring natatanging tuon sa papel
ng kasarian sa salik ng pagkatuto ng wika. Pero sa pagtaya at pagpili ng mga materyal
panturo, kagaya ng teksbuk o supplementary materials, kasama ang kasarian sa social
content guidelines. Marahil sa paraang ito unti-unting mamumulat ang mga mag-aaral
hinggil sa tungkulin ng kasarian sa wika subalit malayo pa ang lalakbayin upang
maisulong ang agarang pagkamulat at pagkakapantay-pantay pagdating sa usapin sa
wika at kasarian.

Maaaring ang wika ay may kasarian at ang wikang ito ay nakabatay sa kasarian subalit
malaki ang epekto ng katayuan sa lipunan ng isang lalaki kung kaya’t nawawala ang
pagkakapantay-pantay sa paggamit nito. Maraming mga dahilang inilahad kasama na
ang kawalan ng pag-aaral dito kaya’t walang tiyak na balangkas kung paano ito
gagamitin. Sa pagpapaunlad ng wika kailangang isama rito ang kasarian upang sa gayon
kasabay ng pag-unlad ng wika ay ang pagbabago rin sa hindi pagkakapantay-pantay sa
paggamit ng wika na nakasalig sa kasarian nito. Magkaroon ng kursong pangkasarian
upang mamulat at magkaroon ng malay sa kasarian ang mga mag-aaral ng gabay sa
paggamit ng wika. Maraming paraan upang maisulong ang pagkakapantay-pantay sa
usapin ng kasarian ng wika kailangan lamang tayong maging bukas sa paggamit nito at
ito ay magsisimula sa ating mga sarili babae man o isang lalaki.

Mga Reperensiya:
Elmes, D. (2003). The Relationship between Language and Culture.
Kramarae, S. (1991). Women and Men Speaking.
Tannen, D. (1990). You Just Don’t Understand. New York: Ballantine.
Santiago, L. (2013). Wika at Kasarian: Seksismo sa Pagtula at Kritisismo
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kasarian

3.0 Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Naniniwala ka bang may kasarian ang wika? Magbigay ng mga halimbawa.


_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

2. Sa usapin ng wikang Filipino, mas eloboratibo bang maituturing ang mga babae
kaysa sa mga lalaki? Kung oo ang iyong sagot, ano ang mga patunay mo ukol
dito?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

3. Ang mga lalaking Pilipino ba ay matipid at tuwiran sa paggamit ng wika? Magtala


ng hindi bababa sa limang obserbasyon mu ukol dito.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

4. Ano ang nais ipahiwatig ni Tannen ukol sa kanyang teorya sa Genderlect Style?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

5. Panindigan ang iyong sagot:

Magtala ng mga salitang Filipino na nagpapakita ng lakas (bilang wika ng


kalalakihan)
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________

You might also like