Panuto: Basahing Mabuti Ang Bawat Katanungan. Bilugan Ang Titik NG Tamang Sagot

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Araling Panlipunan VI

Unang Markahan
Sumatibong Pagsusulit 1

Pangalan:_____________________________________________________________ Iskor: ________________

Baitang at Seksyon:____________________________________________________ Petsa:________________
Lagda NG Magulang : __________________________________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anu-anong mga kaisipang liberal ang pumasok sa Pilipinas nang mabuksan ang Suez Canal?
A. Pagkakaisa at marahas na pakikipaglaban
B. Pagkakapantay-pantay at pakikipagdigma
C. Kalayaan at pagkakapantay-pantay
D. Kapayapaan at paghihimagsik

2. Sinu-sino sa mga sumusunod ang nakilalang mga repormista o propagandista?

A. Graciano Lopez-Jaena, Mariano Ponce, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar at Andres Bonifacio
B. Graciano Lopez-Jaena, Mariano Ponce, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar at Jose Rizal
C. Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora
D. Gobernador-Heneral Carlos Maria de la Torre at Apolinario Mabini

3. Anong pahayagan ng Kilusang Propaganda ang naitatag noong Pebrero 15, 1889?
A. Diaryong Tagalog
B. B. Kalayaan
C. Katipunan
D. La Solidaridad

4. Sino ang may akda sa mga Nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo?

A. Andres Bonifacio
B. Apolinario Mabini
C. Jose Rizal
D. Mariano Ponce
5. Sino ang nagtatanag ng La Liga Filipina?
A. Andres Bonifacio
B. Apolinario Mabini
C. Jose Rizal
D. Mariano Ponce
6. Paano masasabi na ang isang mamamayang Pilipino ay kabilang sa panggitnang-uri ng lipunan?
A. may maunlad na pamumuhay
B. nakapag-aral sa Europa
C. nakapa-aral sa Maynila
D. Lahat ng nabanggit

7. Paano nagsimula ang kilusang sekularisasyon?

A. Naibalik sa mga paring Espanyol ang kapangyarihang pamahalaang-muli ang mga simbahan sa bisa ng
Patronato Real
B. Nabigyan ng kapangyarihan ang mga paring Pilipino na pangasiwaan ang simbahan.
C. Pang-aalipin sa mga katutubong Pilipino.
D. Paggarote sa Gomburza.

8. Bakit itinuring na mga martir ang tatlong pari na sina Gomez, Burgos, at Zamora?
A. Namatay sila sa pagtatanggol ng karapatan ng mga Pilipino
B. Magaling silang humikayat ng magsisimba sa simbahan
C. namatay silang hindi nakikipaglaban
D. Namatay silang lumalaban

9. Noong 1872, maraming manggagawang Pilipino ang nag-aklas laban sa mga Espanyol ngunit marami
ding mga Pilipino ang namatay. Kung ikaw ang nasa panahong iyon, ano ang iyong susunod na gagawin?
A. Ipagpapatuloy ang pag-aaklas para labanan ang mga Espanyol upang makamit ang kalayaan.
B. Pagsisilbihan ang mga Espanyol at gawin lahat ang kanilang gusto
C. Makipagkaibigan na lamang sa mga Espanyol.
D. Lumayo na lamang para manatiling buhay.

10. Ang La Solidaridad ay ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda. Kung ikaw ay isang
manunulat sa pahayagang ito, paano mo ipapakita ang iyong pagtutol sa mga Espanyol?
A. Magsusulat ng mga balita na nagpapakita ng mga maling gawain ng mga Espanyol.
B. Magsusulat ng panawagan na tapusin na ang maling gawain ng mga Espanyol
C. Pagkaisahin ang mga Pilipino upang labanan ang mga Espanyol.
D. Lahat ng nabanggit.

11. Ang La Liga Filipina ay itinatag ni Jose Rizal noong 1892. Ngunit nang maghinala ang mga Espanyol na
ang Liga ay kilusang pangrebolusyon, siya ay dinakip at ipinatapon. At noong Disyembre 30, 1986, siya
ay binaril ng mga Espanyol sa Bagumbayan. Ano ang nararapat mong gawin upang ipagpatuloy ang
nasimulan ni Rizal?
A. Pagtutol sa lahat ng uri ng karahasan
B. Pagkaisahin ang mga Pilipino
C. Pagtataguyod ng edukasyon
D. Manahimik na lamang.

12. Ang kauna-unahang reporma sa edukasyon na ipinagkaloob ng Espanya sa mga Pilipino ay ang
Dekretong Edukasyon ng 1863. Sa tingin mo, naging mabuti baa ng layunin ng Espanya sa pagkakaloob
nito sa mga Pilipino?
A. Oo, dahil sa edukasyon ay naging mabuti ang mga tao.
B. Oo, dahil naging malaya at madali ang pag-aaral sa lahat.
C. Hindi, dahil ang totoong layunin nito ay kontrolin ang kolonya sa pamamagitan ng relihiyon.
D. Hindi, dahil habang nag-aaral ang mga Pilipino ay ginawa silang alipin at pinahirapan sila ng mga
Espanyol.

13. Bakit nagkaroon ng pagtatalo sa Kilusang Propaganda?

A. Hindi sapat ang pondo ng kilusan upang ipagpatuloy ang paglaban sa Espanya.
B. Napagtanto nilang hindi makikinig ang mga Espanyol sa kanilang panawagan.
C. Iilan lamang ang mga propagandistang may talino at kakayahan.
D. Magkaiba ang estratehiyang nais gamitin ng mga pinuno nito.

14. Bakit napamahal sa mga Pilipino si Heneral Carlos Maria de la Torre nang siya ay nanungkulan bilang
Gobernador-Heneral sa bansa?
A. May pagpapahalaga sa liberalismo at may mahusay na pakikitungo sa mga tao
B. May pagpapahalaga at suporta sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino
C. Nagpamalas ng suporta sa mga nagwewelga
D. Nagpakita ng pagmamahal sa mga Pilipino

15. Sa paanong paraan mo pahahalagahan ang pagbitay sa GomBurZa?

I—Pagsali sa mga forums na may kinalaman sa kanilang pakikibaka para sa mga Pilipino
II—Pagbuo ng mga sanaysay, tula o kwento bilang alay sa kanilang kabayanihan
III—Panonood at pagbabahagi ng mga video clips tungkol sa kanilang buhay.
IV—Pagsali sa pagdiriwang sa Araw ng mga Bayani

A. I, II, at III lamang

B. I, II, at IV lamang
C. II, III, at IV lamang
D. I, II, III, at IV

PERFORMANCE TASK (15 puntos)

Ipaliwanag:

Sa iyong sariling kaisipan o opinion sagutin ang katanungan. Sa kasalukuyan, sa paanong paraan
mo pahahalagahan ang kalayaan?
(Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang gabay sa pagbuo ng kasagutan.

_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Rubrics sa Paggawa
Krayterya 5 4 3 Marka
Nilalaman
Ang nilalaman ay nakita sa kabuuan ng output,
gayundin ang nilalaman ay makabuluhan
Pagkamalikhain
Ang kabuuan ng output ay makulay, masining at
natatangi.
Istilo
Ang ginamit na istilo ay malinaw, masining at
nababasa.
Tema
Ang kabuuan ng output ay may kaisahan at
kaugnayan.
KABUUAN ISKOR:

Inihanda ni:

MARITES L. OLANIO
Guro

You might also like