Bakit Nilikha Ang Tauhang Si Basilio

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Basilio:

Nilikha ni Rizal si Basilio bilang isa sa mga tauhan ng El Filibusterismo upang


ipakita na sa kabila ng karunungan ang tao ay maaaring maging isang
bilanggo at mawalan ng kapangyarihan.
Kilala si Basilio sa El Filibusterismo bilang isang matalinong mag – aaral ng
Medisina. Isa siyang masipag at matalinong binata kaya naman mas pinili
niya ang maging alila ni kapitan Tiyago kapalit ng pagkakataon na makapag –
aral at maabot ang kanyang pangarap na maging isang doktor. Kaya lamang
tulad ng maraming kabataang mag – aaral, si Basilio ay sinubok ng mga
pagkakataon. Una, ang maagang pagkamatay ng kanyang inang si Sisa na
hindi na matutunghayan ang kanyang pagtatapos. Nakulong siya sa
kasalanang paghihimagsik at walang sinuman ang nais na tumulong sapagkat
siya ay mahirap at hindi naiimpluwensyahan ninuman. Namatay din ang
kanyang kasintahang si Huli sa kagustuhan na matubos siya mula sa piitan.
Pinagsamantalahan ito at nagpatiwakal.
Ang pagkakabilanggo ni Basilio sa El Filibusterismo ay pagpapakita ng
katotohanan na may malaking pagkakaiba ang estado ng pamumuhay ng
mahirap at mayaman. Dahil isa siyang dukha ay hindi niya magawang
ipagtanggol ang kanyang sarili at palayain ito mula sa piitan kahit pa anong
linis ng kanyang konsensya at anong tapat sa pagsasabi na wala siyang
kinalaman sa paghihimagsik. Ang mahirap ay sadyang walang kapangyarihan
noong panahon ni Dr. Jose Rizal. Ang propesyon ni Basilio na lamang sana
ang susi para maiahon niya ang sarili ngunit maging ito ay ipinagkait sa
kanya. Ngunit nanatiling mahinahon si Basilio. Sa kabila ng lahat ng kanyang
mga paghihirap ay hindi sumagi sa isip niya n maghiganti lalo pa nga kung
alam niyang maaaring madamay ang mga buhay ng mga inosenteng tao.
Ganito kabuti ang katauhan na nais ipakita ni Rizal na katangian ng mga
Pilipino. Tulad ng kanyang katangian na sa kabila ng pag – uusig ay
nanatiling mapagkumababa at hindi mapanghimagsik.
Keywords: Basilio, El Filibusterismo tauhan

Ang mga katangian ni Basilio sa El


Filibusterismo
1. Mabait
2. Matalino
3. Mapagmahal
4. Tapat na mangingibig
5. Mapagkakatiwalaan

 Mabait

Si Basilio ay mabait sapagkat wala siyang bisyo,puro pag-aaral ang kanyang


inaatupag,at marunong siyang tumanaw ng utang na loob sa taong nag
ampon sa kanya at nag paaral, matiyaga niyang inaalagaan si kapitan Tiyago,
walang narinig sa kanya ng kahit isang pamana na mula kay Kapitan Tiyago
ay wala sa kanyang ibigay si Padre Irene.

 Matalino

Matalino si Basilio, dahil napagsasabay niya ang pag-aaral at ang paglilingkod


kay Kapitan Tiyago, marami ring siyang nakuhang parangal mula sa
eskwelahan na kanyang pinapasukan at talaga namang lubos siyang
hinangaan ng mga kaeskwela niya na dati rati ay pinagtatawanan lamang siya
dahil sa katayuan niya sa buhay na isang alila lamang at walang maayos na
mga kasuotan, matalino si Basilio dahil natapos niya ang kursong Medisina

 Mapagmahal

Mapag mahal si Basilio Tinubos niya si Juli sa pagpapakaalila nito dahil ayaw
niyang nahihirapan ang dalaga, mahal niya si Kapitan Tiyago kahit sobra
siyang nahihirapan sa pag-aalaga dito ay tiniis niya,sapagkat mahal niya ang
matanda, sobrang mahal niya rin ang kanyang ina sapagkat di siya
nakakalimot na dumalaw sa puntod nito sa kagubatan.

 Tapat na mangingibig

Tapat na mangingibig si Basilio dahil kahit kalian ay hindi siya tumingin sa


ibang babae tanging si Juli lamang ang babaeng minahal niya at nais niyang
makasama habang buhay.

 Mapagkakatiwalaan

Mapagkakatiwalaan si Basilio sapagkat kahit kelan ay hindi niya ipinaalam


kahit kanino ang tunay na katauhan ni Simoun, at ipinaglihim din niya ang
plano nitong pag-aalsa.

Dahilan kung bakit nakulong si Basilio


 Nakulong si Basilio dahil napagkamalan siyang pilibustero, napagkamalan
siya na isa siya sa mga estudyante na nagpasimula ng kagulohan na
nagpaskil ng mga papel na may lamang paghihimagsik, babala, at pagtuligsa
na laban sa mga prayle.
 Bago makulong si Basilio ay maaga siyang gumising ng araw na iyon walang
wala sa hinagap niya na mayroon palang mangyayaring kagulohan, lahat ng
gagawin niya ng araw na iyon ay nakaplano, pupunta siya sa ospital at
bibisitahin niya ang mga pasyente pangalawa ay pupunta naman siya sa
unibersidad upang usisain kung wala bang problema sa natapos na
licenciatura. At ang panghuli ay pupunta siya kay Macaraig upang bayaran
ang anumang pinaluwal na halaga nito sa kanya bilang paglakad sa inaasam-
asam niyang diploma.
 Ngunit ng makarating siya sa bahay ni Macaraig ay nakita na may mga
guwardiya sibil doon at dinadakip si Macaraig ng tanungin ng guwardiya sibil
kung ano ang pangalan niya ay dinakip narin siya nito.
 Sa mga nakulong na estudyante ay tanging si Basilio lamang ang hindi
nakalabas dahil wala siyang padrino wala na si kapitan Tiyago na aasahan
sana niyang tutulong sa kanya.
 Wala lang ring ibang tumutulong at dumadalaw sa kanya kundi tanging si
sinong lamang na isang kutsero na nagbabalita sa kanya sa mga nangyayari
sa labas.
 Nang malaman ni Juli ang pagkakakulong kay Basilio ay nawalan ito ng
ulirat, sa kagustohang matulungan ang binata ay kung kanikanino siya
lumapit, Ngunit ang tanging makakatulong lamang sa kanya ay ang paring si
Padre Camorra na kinatatakutan naman ni Juli sapagkat alam niyang may
pagnanasa sa kanya ang padre, dahil sa kagustohang makalaya si Basilio
napilitan itong lumapit sa pare at iyon na nga ang naging mitsa ng
pagpapatiwakal niya.
Pag-uugnay
Hanggang ngayon pa rin naman ay makikita ang hindi pagkakapantay-
pantay na tingin sa atin ng mga makapangyarihan tulad ng gobyerno na imbis
na tulungan tayo sa ating pag-angat bilang isang bansa ay sila pa itong
pinipilit hatakin tayo pababa.
Ngayon, laganap pa rin ang kapit sa patalim. Dapat ay matuto ang
mga tao, lalong lalo na ang mga kapwa nating Pilipino, na ipaglaban ang
kanilang mga karapatan at huwag kalimutang mayroon din silang sariling
dignidad na dapat pahalagahan. Hindi dapat ibenta ang sarili sa kahit sino
man sa oras ng pangangailangan. Mayroong namang ibang paraan. Kahit na
ba sobrang saklap ng kapalara'y hindi dapat mawalan ng pag- asa at
pananalig sa Maykapal.
Si Huli ay isa sa mga mahalagang tauhan sa aklat ng El
filibusterismo. Siya ay isang babaeng nagmahal ng lubos sa isang lalaking
nakulong. Dahil sa kanilang kalagayan ninais niya na makalaya si Basilio
kaya lumapit siya kay Padre Camorra.Naniniwala si Huli na
makapangyarihan ang Kura dahil tinulungan na siya dati niyo upang palayain
ang kaniyang inkong ngunit may hinihiling itong kapalit kay Huli.
Sinisimbolo ni Huli ang mga kababaihan ng mga inabuso noong
panahon ng Kastilla. Dahil sa mga nangyari ninais na lang ni Huli na
hiramin ang kanyang buhay kaysa magdusa.

You might also like