Pang Ugnay 190930093248

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

•Ipaliwanag ang

pakikipagtalastasan.
•Ano ang tatlong uri nito?
•Ipaliwanag ang Berbal.
•Ipaliwanag ang Di berbal.
•Ipaliwanag ang Pasulat.
•Ibigay ang mga uri ng Di-Berbal.
•Ipaliwanag ang Chronemics.
•ang Proxemics
•ang Kinesics
•ang Haptics
•ang Iconics
•ang Oculesics
•ang Pictics
•ang Vocalics
PANG-UGNAY
•Nagamit ang pang-ugnay sa
pagsisimula, pagpapadaloy ng mga
pangyayari, hanggang sa
pagwawakas ng pagsasalaysay
Tatlong uri ng Pang-ugnay:

•Pang-angkop
•Pang-ukol
•Pangatnig
PANG-ANGKOP
•Tagapag-ugnay ng dalawang salita na
karaniwan ay panuring at salitang
tinuturingan
•Ito’y ginagamit upang maging madulas ang
pagbigkas ng mga magkakasamang salita
•Tatlo ang pang-angkop: na, ng, g
Paggamit ng “na”
•Ginagamit kapag ang sinundang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa “n”
•Mga Halimbawa: masarap na pagkain
maliit na bata
matunog na balita
Paggamit ng “ng”

•Ginagamit kapag ang salitang


sinusundan ay nagtatapos sa patinig
•Mga halimbawa: masamang panaginip
totoong mahirap
ngiting kayganda
Paggamit ng “g”

•Ginagamit kapag ang sinusundang salita


ay nagtatapos sa “n”
•Mga halimbawa: salaming malinaw
hanging malamig
Sultang malupit
Magbigay ng sariling halimbawa!

•Pang-angkop
•Gamit ang “na”
•Gamit ang “ng”
•Gamit ang “g”
PANG-UKOL
•kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang
pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap
•Mga ginagamit bilang pang-ukol:
Alinsunod sa / Laban sa / laban
alinsunod kay kay
Ayon sa / ayon kay Para sa / para kay
Hinggil sa / hinggil Tungkol sa /
kay tungkol kay
•Alinsunod sa batas ang ginawa
niyang hakbang.
•Para kay Gng. Santos ang
bulaklak na ito.
•Ayon sa balita, masama raw ang
panahon ngayong araw.
Gamitin sa sariling pangungusap!
• Pang-ukol
Alinsunod sa / Laban sa / laban
alinsunod kay kay
Ayon sa / ayon kay Para sa / para kay
Hinggil sa / hinggil Tungkol sa /
kay tungkol kay
Kay / kina Ukol sa / ukol kay
PANGATNIG
• Mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala, sugnay o payak na
pangungusap
Mga Pangatnig:
at kapag ngunit Samakatwid
Sa madaling
anupa kaya O
salita
bagaman kundi pagkat upang
palibhas
bagkus kung sanhi
a
Bago habang pati sapagkat
Dahil sa Maliban Sakali Subalit
Mga Uri ng Pangatnig
1. PAMUKOD - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng:
o, ni, maging, at man.
Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger
man ang piliing lider natin.
c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa
paligsahan.
d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.
2. PANUBALI - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya
ng: kung, kapag, pag, sakali, disin sana.
Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating
palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi
nang maaga ang tatay.
c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling
lumitaw ang buwan.
3. PANINSAY - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng
pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng: ngunit,
datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na)
maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang
sa palengke ang kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang
bomoto sa kalaban niya.
d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.
4. PANANHI - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran
para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil
sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa:
a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.
d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.
5. PANAPOS - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan
ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa di-
kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa:
a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.
b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong
promosyon sa trabaho.
c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang
paghuhusga.
6. PANLINAW - ginagamit ito upang
ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang
banggit.
Halimbawa:
a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung
gayon magsasama na silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya
makakawala na si Berto.
7. PANIMBANG - ginagamit sa paghahayag ng
karagdagang impormasyon at kaisipan, gaya ng: at -
saka, pati, kaya, anupa’t.
Halimbawa:
a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para
makaahon sa kahirapan.
d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.
8. PAMANGGIT - gumagaya o nagsasabi lamang
ng iba, tulad ng: daw, raw, sa ganang akin/iyo,
di umano.
Halimabawa:
a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
b. Siya raw ang hari ng sablay.
c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.
d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.
9. PANULAD - tumutulad ng mga pangyayari o
gawa, tulad ng: kung sino…siyang, kung ano…siya rin,
kung gaano…siya rin.
Halimbawa:
a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring
mangyayari ngayon
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya
sa iyo.
Maikling Pagsasanay!
• Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap.
Isulat sa linya kung ito’y pang-ukol o pangatnig.
__________ 1. Nagalit ang guro mangyari napakaingay ng mga
mag-aaral.
__________ 2. Madali ang magmahal ngunit mahirap ang
mabigo.
__________ 3. Ayon sa ating guro, ang pagsusulit ay hindi
matutuloy.
__________ 4. Tayo’y dapat magtulungan alinsunod sa ating
tuntunin.
__________ 5. Hindi siya nakatupad sa usapan sapagkat siya’y
maysakit.

You might also like