Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY

The National Center for Teacher Education


GRADUWADONG PROGRAMA (LINKING STANDARD AND QUALITY PRACTICE)

KODA NG KURSO: FIL 805


KALAKARAN SA POLISIYA AT REPORMA SA PAGPAPLANONG PANGWIKA

Panukalang Pananaliksik

Ipinasa ni:

MARCO C. USI
Ph.D. (Language Education)- Mag-aaral

Sinuri at Binasang Nilalaman ni:

DR. GARRY ARAÑA – PORTILLO II


PROPESOR

Page 1 of 8
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education
GRADUWADONG PROGRAMA (LINKING STANDARD AND QUALITY PRACTICE)

Panukalang Pamagat ng Pananaliksik:

PAGHABI NG PHIL-IRI SA PROGRAMANG PAGBASA: BATAYAN SA


PAGBUO NG KONTEKSTWALISADONG MATERYAL

Konsepto:

Ang Paghahabi ng Phil-IRI sa Programang Pagbasa: Batayan sa Pagbuo ng


Kontekstwalisadong Materyal" ay nagpapakita ng isang konsepto ng pagsasama
ng dalawang pangunahing konsepto sa edukasyon: ang Phil-IRI at ang
Kontekstwalisadong Materyal.

Ang Phil-IRI ay isang programa sa pagbasa na ginagamit sa mga paaralan


upang matukoy ang antas ng kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Ang mga
resulta ng Phil-IRI ay nagbibigay ng impormasyon sa mga guro tungkol sa mga
kahinaan at kalakasan ng bawat mag-aaral, at kung paano sila matutulungan
upang mapabuti ang kanilang kakayahan sa pagbasa.

Ang kontekstwalisadong materyal ay mga materyal sa pagtuturo na nakaugnay


sa mga karanasan, kultura, at kalagayan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng
paggamit ng kontekstwalisadong materyal, ang mga mag-aaral ay mas
naiintindihan ang mga konsepto at mas naging interesado sa pag-aaral.

Ang konsepto na "Paghahabi ng Phil-IRI sa Programang Pagbasa: Batayan sa


Pagbuo ng Kontekstwalisadong Materyal" ay naglalayong gawing mas epektibo
ang programa sa pagbasa sa pamamagitan ng paggamit ng kontekstwalisadong
materyal. Sa ganitong paraan, magagawa ng mga guro na mas matukoy ang mga
kakayahan at pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral sa pagbasa at
magagawa nilang magbuo ng mga kaukulang materyal na may kinalaman sa
kultura at kalagayan ng kanilang mga mag-aaral. Sa resulta, mas magiging

Page 2 of 8
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education
GRADUWADONG PROGRAMA (LINKING STANDARD AND QUALITY PRACTICE)

interesado at nakakaintindi ang mga mag-aaral sa pagbasa at mas magiging


matagumpay ang programa sa pagbasa.

Research theme/s addressed:

Ang tema ng pananaliksik na pag-uusapan sa pag-aaral ay tungkol sa mga


Inobasyon sa Kurikulum ng Pagtuturo sa Guro dahil ang layunin ng pag-aaral ay
masiguro ang mga karanasan ng mga guro sa paghahabi ng Phil-IRI sa
programang pagbasa na magiging batayan sa pagbuo ng kontekstwalisadong
materyal sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Panukalang Pamagat Paghabi ng Phil-IRI sa Programang Pagbasa:


Batayan sa Pagbuo ng Kontekstwalisadong
Materyal
Susing-salita Paghabi, Phil-IRI, programa, batayan,
kontekstwalisado
Pangunahing Argumento Ang layunin ng Paghahabi ng Phil-IRI sa
Programang Pagbasa: Batayan sa Pagbuo ng
Kontekstwalisadong Materyal ay upang
mapalawak at mapabuti ang programa sa
pagbasa sa pamamagitan ng paggamit ng
kontekstwalisadong materyal. Sa paghahabi ng
Phil-IRI sa programang pagbasa, magiging mas
madali para sa mga guro na matukoy ang mga
pangangailangan sa pagbasa ng kanilang mga
mag-aaral, at magagawa nilang magbuo ng mga
materyal na kawangis ng kultura at kalagayan ng
kanilang mga mag-aaral. Sa ganitong paraan,
magiging mas interesado at nakakaintindi ang

Page 3 of 8
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education
GRADUWADONG PROGRAMA (LINKING STANDARD AND QUALITY PRACTICE)

mga mag-aaral sa pagbasa, at magiging


matagumpay ang programa sa pagbasa. Sa
kabuuan, layunin ng pagsasama ng Phil-IRI at
kontekstwalisadong materyal na ito na palawakin
ang kaalaman sa pagbasa ng mga mag-aaral, na
siyang magiging pundasyon ng kanilang
tagumpay sa buong buhay nila.
Research Gap Ayon kay Tiemensma (2008), marami sa mga
magulang ay kinikilala ang kahalagahan sa
pagbasa sa kanila maging sa mga bata subalit
kulang sila sa oras para matutukan ang kanilang
mga anak sa pagbasa. Gayundin sa pag-aaral ni
Carino, R. R. (2019) na hindi gaanong malalim
ang pagsusuri sa mga hamon sa
implementasyon ng Phil-IRI sa isang multilingual
na silid-aralan.

Batay naman sa pananaliksik ni Ocampo, E. L.


(2020), ang kaniyang pag-aaral ay nagpakita ng
kahalagahan sa pagkakaroon ng sapat na oras
sa pagtuturo ng pagbasa upang maging epektibo
ang Phil-IRI. Gayunpaman, hindi nito napag-
aralan kung paano magiging epektibo ang Phil-
IRI sa pagtuturo ng pagbasa sa mga mag-aaral
na may iba't ibang antas ng pagkatuto at interes
sa pagbasa.

Karamihan sa mga pag-aaral ay hindi nasagot


kung paano naging epektibo ang Phil-IRI sa

Page 4 of 8
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education
GRADUWADONG PROGRAMA (LINKING STANDARD AND QUALITY PRACTICE)

pagtuturo ng mga kasanayan sa pag-unawa sa


pagbasa, tulad ng pagbubuo ng mga tanong at
pagbibigay ng mga kontekstwal na kahulugan.
Teoretikal at/o Balangkas Ayon sa K to 12 Basic Education Curriculum,
Konseptwal layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1)
kakayahang komunikatibo, (2) replektibo /
mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalag ang
pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan
ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa
pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan,
kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang
makaagapay sa mabilis na pagbabagong
nagaganap sa daigdig. Sa ikatatamo ng mithiing ito,
kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga guro
bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa
administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at
publiko, pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba
pang sektor ng lipunan (K to 12 Filipino Gabay
Pangkurikulum Mayo 2016, p.3).
Nakabatay ang konsepto ng pag-aaral sa DepEd
Order No. 014, s. 2018 na kilala ring “Policy
Guidelines on the Administration of the Revised
Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI).
Main and specific questions Nakatuon ang pag-aaral sa paghabi ng Phil-IRI
sa programang pagbasa bilang batayan sa
pagbuo ng kontekstwalisadong materyal sa mga
pansekondaryang paaralan sa Ikatlong Distrito
sa Dibisyon ng Baguio.

Page 5 of 8
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education
GRADUWADONG PROGRAMA (LINKING STANDARD AND QUALITY PRACTICE)

Sisikapin din ng pananaliksik na ito na bigyan ng


kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang lebel ng kakayahan ng mga mag-
aaral sa antas ng pagbasa?
2. Ano ang maaaring mabubuong kagamitan
sa pagbasa na naglalaman ng kompetensi
sa pagtuturo ng pagbasa?
3. Ano ang antas ng balidasyon ng mga
nabuong tekstong naglalaman ng mga
kompetensi dunong sa pagtuturo ng
pagbasa?
Metodolohiya Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng
‘Quantitative Research Design’ tuon paghabi ng
Phil-IRI sa programang pagbasa bilang batayan
sa pagbuo ng kontekstwalisadong materyal sa
mga pansekondaryang paaralan sa Ikatlong
Distrito sa Dibisyon ng Baguio.
Ang pamamaraang ito ay pinili dahil ito ay isang
pamamaraan sa quantitative research kung saan
ang mananaliksik ay mangangasiwa ng isang
pagsusuri gamit ang gabay na manwal at
materyal ng Phil-IRI sa pagkuha ng isang sampol
o sa buong populasyon ng mga tagatugon.

Proseso Magsasagawa ng Phil–IRI na kinapapalooban ng


mga babasahin at pre–test kaugnay ng binasang
akda. Kokolektahin ang naging resulta ng Phil–IRI.
Ang mga mag–aaral na napabilang sa antas ng
kabiguan ang siyang magiging tagatugon ng pag–

Page 6 of 8
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education
GRADUWADONG PROGRAMA (LINKING STANDARD AND QUALITY PRACTICE)

aaral na ito. Magkakaroon ng tracking sheet ang


mga mag–aaral na kalahok ng pananaliksik upang
malaman ang mga pagbabagong nagaganap sa
mga mag–aaral habang isinasagawa ang
pananaliksik. Kokolektahin ang sarbey na ibinigay
sa mga kalahok sa pananaliksik upang matiyak ang
mga dahilan sa pagbaba ng antas ng pagbasa at
komprehensiyon ng mga mag–aaral at siya rin
magiging batayang estratehiya sa pagbuo ng mga
kontekstwalisadong materyal upang matiyak kung
makatutulong ito sa pagpapataas ng antas ng
kasanayan sa pagbasa at pag–unawa sa iba’t ibang
teksto.
Bago ang isasagawang pag-aaral, ang
Pagsusuring Etikal
mananaliksik ay dadaan sa sa mga sumusunod
na pamamaraan upang tiyakin ang etikal na
konsiderasyon sa pagsasagawa ng pananaliksik:
1. Titiyakin ng mananaliksik ang pag-apruba ng
liham pahintulot na mamahala ng isang
instrumento mula sa mga kinauukulan sa
paaralan bago ang pag-aaral.
2. Titiyakin na ang mga impormasyong ibibigay
ng tagatugon ay dapat tratuhin nang buong
kompidensiyal at para sa pagsukat lamang
ng pagiging epektibo ng pagsasanay.
3. Ang mga pagtugon upang maisagawa ang
pag-aaral ay susundin upang maayos na
maisagawa ang pananaliksik. Ang mga

Page 7 of 8
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education
GRADUWADONG PROGRAMA (LINKING STANDARD AND QUALITY PRACTICE)

datos na makukuha ay gagamitin lamang sa


akademikong pagtamo ng katotohanan ukol
sa isang pamamaraan ng pagtuturo.
4. Ang mananaliksik ay titiyakin na ang lahat ng
kagamitan at sanggunian ay wastong
mababanggit at kikilalanin sa pag-aaral na
ito.

Pagsusuri ng Datos Ang mga datos na makakalap mula sa mga


tagatugon ay dadaan sa tematikong pagsusuri.

Page 8 of 8

You might also like