Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Semi-Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan Grade 1

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili bilang
Pilipino gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago,
b. buong pagmamalaking nakapagsasalaysay ng kwento tungkol sa sariling
katangian at pagkakakilanlan bilang Pilipino sa malikhaing Pamamaraan,
c. natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari at pagbabago sa buhay
simula isilang hanggang sa kasalukuyang edad.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Mga Mahahalagang Pangyayari at Pagbabago sa Buhay ng Isang
Sanggol
b. Sanggunian: MELC DepEd
c. Kagamitan: Powerpoint Presentation, larawan, video

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagdarasal
Pagbati ng guro
Pagtatala ng liban

B. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng sanggol na babae at lalaki.
Itanong: Nakarinig na ba kayo ng isang iyak ng bata? Maari mo ba iparinig
sa amin?

C. Pagtalakay
 Basahin ang kuwento ng magkapatid na kambal.
 Itatanong:
1. Ano ang pangalan ng kambal?
2. Ano ang naramdaman ng magulang nila ng sila ay isilang?
3. Ano ang kaya nilang gawin simula una hanggang anim na taong
gulang?
4. May pagbbabago bang naganap sa kambal?

D. Pagpapahalaga
Paano mo pahahalagahan ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sayo?
E. Gawaing Pagpapayaman
Panuto: Basahing Mabuti ang tanong at isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Paano ipinahihiwatig ng isang sanggol sa kanyang magulang na siya ay
nagugutom, inaantok o naiirita?
a. sinisinok b. umiiyak c. tumatawa
2. Ilang taong gulang ang bata para makapasok sa Kinder?
a. dalawa b. tatlo c. lima
3. Kanino umaasa ang sanggol sa kanyang pagkain?
a. s agatas ng ina
b. s agatas ng kambing
c. gatas ng ama

F. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng pag- aaral ng buhay simula ng ikaw ay isilang?

IV. Paglalapat
Panuto: Kung tama ang pangungusap na mababanggit, ngumiti kayo. At kung
ang pangungusap ay hindi wasto, gayahin ang malungkot na mukha.
1. Ang bagong silang na sanggol ay nakalalakad na.
2. Madalas matulog ang bagong silang na sanggol.
3. Ang sanggol ay marunong nang magbasa.
4. Umiiyak ang sanggol kapag siya ay nagugutom o basa ang damit.
5. Marami pang pagbabagong mangyayari sa buhay ng sanggol habang
siya ay lumalaki.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng popsicle stick puppet
Mga Kagamitan:
- Popsicle stick
- Yarn
- Cardboard o lumang karton
- Gunting/ Glue/ Pangkulay
- Bondpaper
Semi-Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan Grade 1

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili bilang
Pilipino gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago,
b. buong pagmamalaking nakapagsasalaysay ng kwento tungkol sa sariling
katangian at pagkakakilanlan bilang Pilipino sa malikhaing Pamamaraan,
c. natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari at pagbabago sa buhay
simula isilang hanggang sa kasalukuyang edad gamit ang mga larawan at
timeline.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Timeline ng Buhay
b. Sanggunian: MELC DepEd
c. Kagamitan: Powerpoint Presentation, larawan, video

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagdarasal
Pagbati ng guro
Pagtatala ng liban

B. Pagganyak
Ayusin ang mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa
pamamagitan ng paglagay sa mga ito ng bilang 1-5.

______ _____ _____ _____ _____

C. Pagtalakay
Timeline ng Isang Bata
- Pagbubuntis ng Ina
- Pag-anak ng Nanay
- Paglaki ng Sanggol
- Pag-aaral ng bata
- Pagtatrabaho
- Pag-aasawa
- Pagbuo ng sariling pamilya
- Pagtanda

D. Gawaing Pagpapayaman

Panuto: Pag-aralan ang larawan. Ano ang dapat mauna at nasa hulihansa
mga larawan? Pagsunod-sunurin ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay
ng letrang A-E.

E. Paglalahat

Ano ang kahalagahan ng pag- aaral ng buhay simula ng ikaw ay isilang?

IV. Paglalapat

Panuto: Batay sa mga larawan tukuyin kung ano ang edad ng mga ito.
Isulat sa kuwaderno ang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang larawan na ngapapakita ng may anim na taong
gulang?

A B C D

2. Batay sa mga larawan, alin sa mga ito ang may anim na buwang
gulang?

A B C D
3. Batay sa mga larawan, alin sa mga ito ang may tatlong taong gulang?

A B C D
4. Alin sa mga larawan sa ibaba ang may edad na limang taong gulang?

5. Batay sa sumusunod na larawan, alin sa mga ito ang may edad na


isang taong gulang?

A B C D

V. Takdang Aralin
Gumupit ng larawan mo simula sanggol hanggang sa kasalukuyan at idikit
ito sa kuwaderno.
Semi-Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan Grade 1

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili bilang
Pilipino gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago,
b. buong pagmamalaking nakapagsasalaysay ng kwento tungkol sa sariling
katangian at pagkakakilanlan bilang Pilipino sa malikhaing Pamamaraan,
c. Nakapaghihinuha ng konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng mgalarawan ayon sa pagkakasunod-
sunod.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Konsepto ng Pagpapatuloy at Pagbabago sa Pamamagitan ng
Pagsasaayos ng mga Larawan ayon sa Pagkakasunod-sunod.
b. Sanggunian: MELC DepEd
c. Kagamitan: Powerpoint Presentation, larawan, video

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagdarasal
Pagbati ng guro
Pagtatala ng liban

B. Balik-Aral
Alin-alin sa mga larawan ang nagpapakita ng mga mahahalagang
pangyayari at pagbabago sa buhay ng isang tao mula nang siya ay isilang
hanggang sa kasalukuyan.
Panuto: Lagyan ng / ang kahon ng iyong sagot at x naman kung hindi.

C. Paglalahad
1. Pagganyak
Ipakita ang mga larawan ng pansariling kagamitan.
Tanong: Nagkaroon ka na ba ng ganitong kagamitan?
2. Pagtalakay
May mga pagbabago sa mga gamit ng bata habang siya ay lumalaki.
Ang gamit mo noong sanggol ka pa ay hindi mo na maaaring gamitin
ngayong paglaki.

3. Papapahalaga
Paano mo papahalagahan ang mga bagay na pansarili?

4. Gawaing Pagpapayaman
Ano-ano ang mga pagbabagong naganap s aiyo mula nang ikaw ay
isilang at patuloy na nagbabago?
Panuto: Kulayan mo ng berde ang kung ito ay nagsasaad ng
pagbabago at kulay tsokolate naman kung hindi.
1. Nagbabago ang taas o tangkad.
2. Nadadagdagan ang edad.
3. Nagbabago ang petsa ng kaarawan.
4. Ang mga damit at sapatos ay hindi na akma sa katawan.
5. Natuto na maghintay ng pagkakataon.

5. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng pag- aaral ng pagbabago sa?
IV. Paglalapat
Halina’t pag-aralan natyin ang pagbabago sa buhay nina Buboy at Mimi.

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa mga larawan. Lagyan ng / ang
kahon ng iyong sagot.
1. Ano-ano ang mga napansin mong pagbabago kina Buboy at Mimi?
Unti-unti silang lumalaki
Unti-unti silang lumiliit.

2. Kailan nagsimula ang kanilang pagbabago?


Mula nang sila ay ipanganak
Mula nang sila ay lumakad.

3.. Bakit kaya nagbabago ang kanilang anyo?


Dahil saila ay lumalaki
Dahil sila ay lumalakad

4. Sa iyong tingin, nakaranas ba ng lahat ng mga bata ng ganitong mga


pagbabago?
Opo
Hindi po

5. Ano-ano naman kaya sa tingin mo ang mga hindi nagbabago sa kanila?


ang kanilang pangalan
ang kanilang edad

V. Takdang Aralin
Gumawa ng isang album na nagpapakita ng pagbabago sa buhay at
nagpapatuloy habang lumalaki.

You might also like