Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Filipino 12

Mga Pananaw, Kahulugan, at Kasaysayan ng Komunikasyon Teknikal


Panghihikayat
Aristotle, Retorika

 Nakatuon sa kaparaanan kung papaano maiaangat ang interes ng mambabasa at


tagapakinig.
 Nangungumbinsi batay sa opinyon.
 Subhetibo
Argumentatibo
Aristotle, Retorika

 Wastong pagsasalansan ng mga mapanghikayat na ideya.


 Nangungumbinsi batay sa datos at dahil sa merito ng ebidensiya.
 Obhetibo
Fallacy

 Maling pagrarasom
Tatlong Uri ng Fallacy
Ethos

 Kredibilidad ng nagsasalita
 Karakter
Pathos

 Ginagamit ang emosyon


 Mga pinahahalagahan ng mga makikinig
Logos

 Lohika at mga patunay


 katwiran
Komunikasyon Teknikal
Ito ay nagtataglay ng tiyak na anyo na nakapokus sa pagsulat at pasalitang diskurso.

 Ang mahusay na komunikasyong teknikal ay nararapat na TIYAK, MALINAW, at MASINOP.


 Mahalaga ring maisaalang-alang ang AUDIENCE, LAYUNIN, at KONTEKSTO tungo sa
mabisang komunikasyon.
Sulating Teknikal
Isa lamang ito sa maraming anyo ng komunikasyong teknikal na higit na nagtataglay ng mataas na
antas ng kasanayan mula sa isang disiplina.

 Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o bumuo ng isang pag-aaral upang lutasin
ang isang problema o suliranin.
 Feasibility Study on Construction of Platinum Towers in Makati, atbp.
Propesyonalisasyon ng Pagsulat
1. Sextus Julius Frontinus
 Sumerian
 Cunieform
 Bangka
 Gusali
* Komunikasyong Teknikal – paggamit ng multimedia *
2. Pliny the Elder
 The Natural History
 Kalipunan ng mga natural at siyentipikang kaalaman.

3. Reginald Scot
 Teknikal na manwal paghahalaman.
 Ilustrasyon
4. Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 Proseso ng paggawa ng sandata.
5. Kasalukuyan
Espesyalisadong Anyo ng Komunikasyon

 May tiyak na audience, layunin, estilo, pormat, sitwasyon, nilalaman, at gamit.


Applied

 Ang mensahe ay nakalaan lamang para sa inaasahang tagatanggap nito na nangangailangan


ng agarang pagtugon o paglunas sa isang suliranin.
Sa kabuoan, higit na kinakailangang maging payak ang mensahe nito upang madaling maunawaan
ng mambabasa. Pangunahing binibigyang-diin nito ang pagiging MALINAW, TIYAK, at MADALING
UNAWAIN.
Mga Elemento ng Kumonikasyong Teknikal
1. Audience
o Nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at maaaring siya ay isang tagapakinig,
manonood, o mambabasa.
2. Layunin
o Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang pagpapadala ng mensage.
3. Estilo
o Kinapalolooban ito ng tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung papaanong
mahusay na maipadala ang mensahe.

4. Pormat
o Tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng mensaheng ipapadala.
5. Nilalaman
o Dito nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng komunikasyon.
6. Gamit
o Ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na maipadala ang mensahe.

Mga Katangian ng Kumonikasyong Teknikal


1. Oryentasyong nakabatay sa audience
 ang pangunahing prinsipyo sa pagbuo ng komunikasyong teknikal ay ang pagsulat para sa
audience. Sa katangiang ito, ang mensahe ay kinakailangang mula sa pananaw ng audience
at hindi sa manunulat. Ito ang malaking kaibahan nito sa iba pang uri ng sulatin na
nakasentro ang himig at damdamin sa sumulat.
2. Nakapokus sa sabjek
 sa pagsulat ng komunikasyong teknikal, higit na binibigyang-pansin ang pangunahing paksa
ng usapan dahil dito ibinabatay ang lahat ng impormasyong sangkot sa pagtalakay. Layunin
nitong puspusang matalakay at maisa-isa ang inaasahang proseso na tutulong sa audience
na maisagawa ang inaasahan sa kaniya.
3. Kumakatawan sa manunulat
 ang katangiang ito ang nagpapakilala kung ano at sino ang sumulat o ang kultura ng
organisasyong kaniyang kinabibilangan. Tumutukoy rin ito sa kung anong imahen ang nais
ipakita ng manunulat na sumasalamin sa samahang kabahagi siya. Tinatawag din itong
branding na nagsisilbing pagkakakilanlan o identipikasyon.
4. Kolaborasyon
 maituturing itong proseso tungo sa mahusay na pagbuo ng anumang uri ng komunikasyong
teknikal. Dito nagsasama-sama ang iba't ibang indibidwal na may magkakaibang kasanayan
sa pagbuo ng komunikasyong inaasahan. Halimbawa na lamang, sa pagbuo ng mobile phone
manual, nangangailangan ng paglahok ng maraming eksperto tulad ng system analyst,
layout artist, graphics specialist, technical communicator, at iba pa. Bawat isa sa kanila ay
nagtataglay ng kasanayang lubos na inaasahan upang makabuo ng mabisang manwal.
Mga Susing Patnubay sa Komunikasyong Teknikal sa Modernong Panahon
1. Interaktibo at Angkop
2. Pokus sa Mambabasa
3. Nakabatay sa Kolektibong Gawain
4. Biswal
5. Etika, Legal, at Politikal na Katanggap-tanggap
6. Pandaigdigan at TawidKultural
Ang Awdiyens Bilang Mambabasa at Ang Kahalagahan ng Kolaboratibong Pagsulat
Halaga sa Pag-alam ng Awdiyens bilang Mambabasa

 Binibigyang-tuon ng awdiyens ang mga materyal na kailangan nila at kung ano lamang ang
makatutulong sa kanila.
 Ang pagtukoy at pagkilala sa awdiyens bilang mambabasa at tagatanggap ng mensahe ay
higit na mahalaga upang malinaw mong maiparating ang iyong mensahe.
Pandaigdigang Kumonikasyon

 Teknolohiya (electronic mail, e-mail, at iba pang social networking sites)


Apat na Gabay sa Pagtatasa sa mga Mambabasa ng Komunikasyong Teknikal
1. Karamihan sa mambabasa ng mga komunikasyong teknikal ay nakatuon lamang sa
mahahalagang impormasyong yong ibinabahagi. Hindi nila binabasa ang materyal upang
maglibang, bagkus, inaalam nila kung anong aksiyon o desisyon ang nararapat nilang gawin.
Laging tandaan, nais ng mga mambabasa na basahin lamang ang tekstong kailangan nilang
malaman.
2. Ang mga mambabasa ang nagbibigay ng interpretasyon ng tekstong yong isinulat. Inaasahan
na madali nilang mauunawaan ang paraan ng yong pagsulat lalo at hindi mo ito
maipaliliwanag sa kanila sa lahat ng pagkakataon.
3. Tandaan, kung mas maikli ang teksto, mas binabasa nila ito.
4. Sa kasalukuyan, isa sa preperensiya ng mga mambabasa ang infographics sa halip na puro
teksto lang ang kanilang nakikita.
Kilalanin ang ating Awdiyens

 Interes
 Kailangan
 Kaalaman
 Tugma sa kanilang edad
Primaryang Mambabasa

 Tuwirang pinatutunguhan ng mensahe na umaaksiyon o nagbibigay-pasya.


Sekondaryang Mambabasa

 Mga nagbibigaypayo sa primaryang mambabasa.


Tersiyaryong Mambabasa

 Mga maaaring may interes sa impormasyong matatagpuan sa dokumento.


Gatekeepers

 Namamahala sa nilalaman ng dokumento at estilo nito bago ipahatid sa primaryang


mambabasa.
Salik-Sikolohikal
Pangangailangan

 Mga impormasyong kinakailangang matugunan maaksiyonan ng iyong mambabasa.


Pagpapahalaga

 Mga usapin o adyenda, tunguhin, o mga paniniwala na mahalaga sa mga mambabasa.


Saloobin

 Ito ang nagsisilbing tugon ng mambabasa sa iyong isinulat na makaaapekto sa kanila.


Kabatiran

 Kaalaman
 Kasanayan
 Karanasan
1. Maitama ang mga mambabasa sa posibleng hadlang sa mabisang komunikasyon.
2. Magpasaya
Kolaborasyon
Prinsipyo

 Maipamalas ang kalakasan at konsentrasyon ng bawat indibiduwal na maibabahagi niya sa


grupo.
Bentahe ng Kolaboratibong Gawain

 Nakasentro sa kalakasan ng bawat miyembro.


 Napalulutang ang pagkamalikhain.
 Napalalakas ang paniniwalang pansamahan.

Apat na Yugto ng Kolaborasyon


Forming

 Ang pagbibiga-buhay sa misyon, pagtatakda ng mga layunin, pagtukoy sa mga responsibilidad, at


pagmamapa ng iskedyul.

Storming

 Tumutukoy sa wastong pamamahala ng mga tunggalian, tensiyon sa pamumuno at pamamahala, at


pagkadismaya.

Norming

 Pagtasa sa kaisahan ng grupo, sa napagkasunduan, pagpapakinis ng mga itinakdang layunin,


pagpapatibay ng samahan, at pagpopokus sa papel na ginagampanan ng bawat miyembro.

Performing

 Ang pagbabahagi ng tunguhin, paghahati-hati ng gawain, pagtugon sa mga tunggalian, at pagkakaiba-


iba ng pananawa ng bawat miyembro.

You might also like