Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PANITIKAN NG

PILIPINAS

REPLEKSIYON
PANAHON NG KATUTUBO

PANAHON NG KASTILA

PANAHON NG AMERIKANO

Inihanda ni:
Robinson T. Felix, LPT

Ipinasa kay:
Prof. Gloria L. Banasihan
PANAHON NG KATUTUBO

MGA UKIT, PASALIN-DILA AT DULANG RITWAL

Mula sa naging talakayan at bilang pagninilay sa panitikan ng mga


katutubo. Masasabi kong ang Pilipinas bago pa amn dumating ang mga
dayuhan ay masasabi ng may mayamang panitikan. Ito ay sumasalamin
sa paraan ng pamumuhay ng mga ito at naging batayan din ito ng mga
historyador bilang hanguang datos upang bigyang katuturan ang
sinaunang kasaysayan ng Pilipinas.

Kung pagbabatayan ang mga sinaunang pag-aaral sa panitikan,


Sang-ayon kay Padre Chirino, ang paraan ng pagsulat ng mga
katutubo’y patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod- sunod
ng mga talata ay buhat sa kaliwa, pakanan. Karamihan sa mga
panitikan ng mga katutubo ay yaong mga pasalin-dila gaya ng mga
bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan
na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong
tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang
pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga


panitikan ring nasulat sa mga pirasong kawayan, matitibay na kahoy at
makikinis na bato, balat ng punong kaho at ang gamit nilang panulat ay
ang dulo ng matutulis na bakal o lanseta. Mayaman sa mga kuwentong-
bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang- yaman ng ating panitikan. Dito
nasasalamin ang naging buhay ng ating mga ninuno.

Mayaman sa panitikan ang Pilipinas sa mga panahong ito na


lalong nagpatingkad ng ating mayamang nakaraan. Lalo nitong
binigyang-buhay ang mga kaisipan ng mga Kanluraning ang Panitikang
Asyano ay barbaro.
PANAHON NG KASTILA

KATOLISISMO, MGA DULA AT BOKABULARYO

Sa yugtong ito nagbago ang mga anyo at paksain ng ating


panitikan. Ang panitikang katutubo ay nahalinhinan at nabihisan ng
bagong anyo, ang Katolisismo bilang pinakaunang layunin ng mga
Kastila sa kanilang pagdating sa Pilipinas. Ang mga panitikang nasulat
sa mga pirasong kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato,
balat ng punong kahoy at ang gamit nilang panulat ay ang dulo ng
matutulis na bakal at bato ngunit ito ay pinasunog at pinasira ito ng
mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay
gawa ng diyablo. Pinahina nito ang impluwensiya ng mga babaylan
(pinunong ispiritwal) na simula pa lamang ay iginagalang ng mga
sinaunang PPilipino.

Ang Animismong pananaw at paniniwala sa mga lamang lupa,


engkanto nat iba pa ay unti-unting binura ng Katolisismo nang
mabinyagan sila bilang Katoliko at maisama sa seremonysa ng misa. Sa
panahong ito ang mga panitikan ay may paksang makarelihiyon kung
kayat ang panahong ito ay tinaguriang Panitikan Pansimbahan tulad ng
nobela bagamat mga salin, tula, oda sa Diyos at mga banal na tao.

Namayani ang mga dulang may kaugnayan sa pagpapalaganap ng


Katolisismo tulad ng moro-moro, pasyon, senakulo at iba pa hanggang
sa ngayon ay makikita pa ring isinasagawa ng mga Pilipino sa tuwing
may mga pagdiriwang tulad ng Mahal na araw.

Gayunding lalong nagpatingkad sa Wikang Filipino ang mga


nailimbag na bokabularyo ng Bicolano, Ilocano, Kapampangan at
Tagalog sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na sinimulan ng mga paring
misyonero, ilan sa mga ito ay ginagamit sa bawat diskurso o usapan.

Ang Panitikang Pilipinas sa panahon ng Kastila bagamat humigit


300 taon tayong nasakop ay lalong nagpalawak at nagbigay ng mga
panibagong paksa sa panitikan, relihiyon, pamilya, pag-ibig (patunay
ang pagkakabuo ng mga awit at korido) ang mga impluwensiyang ito ay
nagbigay sa atin ng titulo upang kilalanin bilang Kristiyanong bansa sa
Asya.

PANAHON NG AMERIKANO

EDUKASYON AT LIBERALISASYON

Mailalagom sa dalawang salita ang naging kontribusyon ng mga


Amerikano ang Edukasyon at kaisipang liberal o kalayaan. Sa panahong
ding ito isinilang ang mga makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at
Tagalog. Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio
Apostol na sumulat ng mga oda para kay Rizal; Claro M. Recto na
naging tanyag sa kanyang natatanging mga talumpati; si Lope K.
Santos na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at nagpauso
ng panitikang sosyalista; si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang
Makata ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na ‘Huseng Batute;’ at si
Jose dela Cruz na may panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw
ang ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig; si
Severino Reyes na sumulat ng dulang “Walang Sugat” at tinaguriang
Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na pinakaunang nobelistang
(A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami pang iba.

Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga


Pilipino na ginamit ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin
ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at
nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.

Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano,


naimpluwensiyahan din ang panitikan sa bansa. Dula ang naging
pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang mga bodabil na
isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na
nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano
ang pelikula sa bans ana hanggang sa ngayon ay labis na
kinahuhumalingan ng mga Pilipino.
Isa sa mga naging kasangkapan ng mga manunulat na Pilipino ay ang
pwersa ng dula. Patunay lamang na mula ng itanghal ang Tanikalang
Ginto, Kahapon Ngayon at Bukas at Hindi ako Patay ay nagising ang
damdamin ng mga Pilipino na lumaya na rin mula sa mga Amerikano.

Sa panahong ito ay tinuturuan tayo ng mga Amerikano sa wikang Ingles


kung kayat lumawak ang kabatiran ng manunulat sa wikang ito at
nakapagsulat ng maraming panitikan gayundin sa Filipino tulad ng
maikling kuwento. Binigyang Kalayaan tayong magsulat hanggang sa
gamitin natin itong midyum sa pagkamit ng ikalawang kalayaan mula sa
mga dayuhan. Sa kasalukuyan, maraming mga obra ang buhay sa
panahon ng Amerikano ang patuloy na kinikilala nito dahil sa hindi
matatawarang husay nito at ginagamit bilang panitikang panturo sa
kurikulum.

***

You might also like