172-Article Text-468-1-10-20220116

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Gramatikal na Kakayahan ng mga

Mag-aaral sa Pagsulat sa Filipino


MARJORIE R. RESUELLO1, ROMELYNN D. FUNCLARA2, MAED.
1Speaker Eugenio Perez National Agricultural School
2PSU- School of Advanced Studies

marjorieresuello20@gmail.com
romelynn.funclara0919@gmail.com

ABSTRAK

Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang gramatikal na kakayahan ng mga mag-aaral


na may kabuuang 116 na kalahok sa baitang 9 ng Speaker Eugenio Perez National
Agricultural School sa pagsulat sa Filipino. Kaakibat ng pag-aaral na ito ang mga
mungkahing gawain sa pagpapaangat ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral.
Sa pananaliksik na ito, deskriptibong paglalarawan ang ginamit. Gumamit ang
mananaliksik ng talatanungan upang malaman ang propayl ng mga kalahok. Gayundin,
ang pag-eevalweyt sa gramatikal na kakayahan ng mga mag-aaral na may kaugnayan
sa ponolohiya, morpolohiya, at sintaksis. Sa tulong ng frequency at percentage, natukoy ng
mananaliksik ang propayl ng mga mag-aaral. Sa tulong naman ng frequency, percentage
at mean nalaman ang kabuoang gramatikal na kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat
sa Filipino.Karamihan sa mga kalahok sa isinagawang pag-aaral, nasa 14 – 15 ang edad
ng mga mag-aaral sa Grade 9, mas marami ang bilang ng babae kaysa sa lalaki, bibliya
ang uri ng babasahin na mayroon sa bahay, 10,000 pababa kadalasang buwanang kita
ng magulang at nasa 81 – 85 ang pagitan ng grado sa Filipino ng mga kalahok.
Natuklasan ang gramatikal na kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat sa Filipino ay
mayroong katatamtamtamang kakayahan. Natuklasang hindi pa ganap na nalilinang ang
kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral; magkakaiba ang kanilang gramatikal
na kakayahan sa iba’t ibang larang sa Filipino; at mayroong makabuluhang kaugnayan
ang gramatikal na kakayahan mga mag-aaral sa kanilang kasarian at natamong grado
sa Filipino. Ang naging resulta ng pag-aaral na ito ay ang magkaroon ng mungkahing
gawain upang mapaangat ang kakayahang komunikatibo sa Filipino. Kung kaya, ang
pagtuturo sa mga mag-aaral ng mga tuntunin ng wika ay tungo sa malinaw at maayos na
pagsusulat at pagsasalita. Gayundin ang pagbibigay ng mga pagsasanay sa gramatika
upang ganap na matutuhan ang mga tuntunin ng wikang pinag-aaralan.

Mga Susing Salita:


Gramatikal, Kakayahan, Pagsulat

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Resuello at Funclara, 2021

ABSTRACT

The purpose of this study was to determine the grammatical ability of the students with a total of 116
participants in grade 9 of Speaker Eugenio Perez National Agricultural School in writing in Filipino. This
study is accompanied by suggested activities on enhancing the communicative ability of students.
In this research, descriptive description was used. The researcher used a questionnaire to determine the profile
of the participants. Also, evaluating students ’grammatical ability in relation to phonology, morphology, and
syntax. With the help of frequency and percentage, the researcher determined the profile of the students.
With the help of frequency, percentage and mean, the overall grammatical ability of the students in writing
in Filipino was determined. Most of the participants in the study were 14-15 years old, the students in Grade
9, there are more women than men, the bible is the type of literature available at home, 10,000 or less is
the average monthly income of the parents and the Filipino grade range of the participants is 81 - 85.
It was found that the student's grammatical ability to write in Filipino was moderate. It was found that the
grammatical ability of the students was not yet fully developed; their grammatical skills differ in different
fields in Filipino; and there is a significant relationship between students' grammatical ability and their gender
and grade achieved in Filipino. The result of this study was to have a suggested activity to improve
communicative ability in Filipino. Thus, teaching students the rules of the language leads to clear and orderly
writing and speaking. Also providing grammar exercises to fully learn the terms of the language being
studied.

PANIMULA
Ang gramatika ay lubhang mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito ang mga tao sa iba’t ibang
panahon ay nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ang mga aspekto ng ating kultura ay napapanatiling buhay
sa pamamagitan nito. Sa pamamagitan ng gramatika, natutuhan natin ang kasaysayan ng ating lahi, ang
mga paniniwala at matatayog na kaisipan ng ating mga ninuno at mga pagbabago at pagsulong ng ating
bayan. Marahil kung hindi natutong gamitin ang gramatika ng sangkatauhan ay walang pag-unlad na
magaganap sa daigdig. Lahat ng mga pangyayaring naganap noong nakalipas na panahon ay naitala sa
pamamagitan ng pasulat. Ang mga iba’t ibang tuklas sa siyensya ay kailangang nakasulat upang huwag
mabaon sa limot. May mga nilikhang pinagkalooban ng biyayang magkaroon ng kakayahan sa sining na
ito. Mahalagang matutuhan ang wastong pagpili ng mga salita, mabisang pagbubuo ng mga pangungusap
at maayos na pagkasunod-sunod ng mga kaisipan.
Dapat maging maingat sa paggamit ng gramatika sapagkat napapansin maging ang pinakamaliit
na pagkakamali. Higit na mahirap ang pagpapahayag sa pamamagitan ng pasulat kaysa sa pagsasalita
sapagkat sa pagsasalita ay maaaring hindi gaanong mapansin ng mga nakikinig ang ilang kamalian sa
gramatika ngunit ang mga naturang kamalian ay maaaring hindi mapuna kapag ang sinasabi ng nagsasalita
ay nakasulat.
Sinuportahan ito ni Lachica(1999) sa pagsasabing mahalaga ang ginagampanan ng gramatika sa
pagpapahayag. Hindi sapat ang tamang pagpili ng mga salita lamang sa pagpapahayag bagkus
kailangan ding nasusunod ang wastong kaayusan ng mga salita. Kanyang binanggit na napakahalagang
magsama ang tamang pagpili ng mga salita na siyang sakop ng retorika at ang tamang kaayusan ng mga
salita na siya namang sakop ng gramatika. Samakatuwid, kailangang masanay ang mga mag-aaral sa
tamang pagpili at tamang pagsasaayos tungo sa masining nilang pagpapahayag. Ang paglinang ng
kakayahang panggramatika at kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral ay nakasaad sa Binagong
Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon.
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
2
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Resuello at Funclara, 2021

Ang bawat wika ay may mga tuntuning sinusunod na tinatawag na balarila o gramatika. Ang isang
mag-aaral kung gayon ay dapat na marunong sa mga tuntuning ito upang magamit niya nang tama ang
wika sa pagpapahayag, pasalita man o pasulat. Samakatuwid, kailangan ang paglinang sa kakayahang
panggramatika ng mag-aaral dahil mahalaga ito sa pagkakaroon ng kakayahang komunikatibo ng mag-
aaral.
Ayon kay Resuma(2007) ang isang nagsasalita ay madaling makaakit sa mga nakikinig sa
pamamagitan ng kanyang tindig, katauhan, tikas, kumpas ng mga kamay at kakayahang magbigay-diin sa
kanyang sinasabi ngunit ang isang manunulat ay walang gaanong magagamit upang makatawag pansin.
Ang mga katangian ng isang manunulat na dapat makilala ay nakatago at siya’y maaring umasa lamang
sa kanyang kakayahan sa pagsulat ng diwang nais niyang ipabatid sa mga mambabasa sa pamamagitan
ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan, malinaw at mabisang pagpapahayag at kawastuhang
panggramatika.
Ang pagsulat ay isang kasanayang pormal na natututuhan ng isang tao. Hindi tulad ng pagsasalita
na natural na natututuhan ng bahagi ng normal na pag-unlad ng tao. Ang pagsulat ay isang mabagal at
kompleks na proseso, isang sining na nangangailangan ng malalim na pag-iisip at pag-unawa.
Kinakailangan na ang tagapagturo ay may sapat na kaalaman sa aralin. Lubusang makatutulong
ang maingat na paggamit ng gramatika sa pagsulat ng isang banghay-aralin sa ikatatagumpay ng
pagkatuto ng mga mag-aaral. Villafuerte at Lakandupil(2010) Napakahalaga ang responsibilidad ng isang
guro sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan ng pag-iisip, pandamdamin at
pagsasagawa. Kinakailangan niya ang masusi at maiangat na paghahanda at ang kakayahang iangkop
ang sarili sa mga pagbabago. Ayon kay Cruz(2011) at kay Abad(2010) ang wika ay ang simbolong salita
na kumakatawan sa mga bagay at mga pangyayaring nais ipahayag ng tao sa kanyang kapwa. Ang mga
simbolong salitang ito ay maaaring simbolismo o katawagan sa mga kaisipan at saloobin ng tao o mga tao.
Ayon kay Santiago at Tiangco(2008), ang paglinang at pagpapaunlad sa wika ay maisasagawa
ng paaralan sa pamamagitan ng dalawang prinsipal na paraan: sa pamamagitan ng pagtuturo ng panitikan
at balarila nito. Naging kalakaran sa pagtuturo ang paglangkapin, lalo na sa mababang paaralan at hay-
iskul, ang pagtuturo ng panitikan at gramatika dahil sa paniniwalang sa gayong paraan ay maituturo ang
gramatika ng wika sa paraang natural at kawili-wili.
Pinagtibay pa ito ni Almario(2009) na malaki na ang ipinagbago ng Filipino mula sa batayang
Tagalog. Namodernisa ang abakada upang tanggapin ang mga bagong titik na kailangan ng nagbagong
wika. Dahil dito, nawalan ng kapangyarihan ang Balarila ni Lope K. Santos. Nawalan ng awtoridad sa wika.
Ito mismo’y nagdulot at patuloy na nagdudulot ng malaking kalituhan sa panig ng mga gumagamit ng wika.
Sa isang panig, may patuloy at panatikong nagpapairal sa mga pahayag ni Lope K. Santos. Sa kabilang
panig, at sa pangunguna ng mga bagong sibol na eksperto sa lingguwistika, lumitaw naman ang mga radikal
na panukala palayo sa gramatika. Ang dalawang banggaang panig na ito ang tinutulay ng mga panukalang
tuntunin na talagang kailangang rebisahin ang gramatika upang itugma sa mga bagong saliksik at
pagbabago ng wika.
Idinagdag pa niya, dumaraan ngayon ang wikang pambansa sa isang makulay at masalimuot na
panahon ng pagsulong. Sa gayon, para na rin itong pinatay kapag binigkis sa iilang pangkalahatang
tuntunin. Kailangan ang pana-panahong lagom sa mga nangyayaring pagbabago at mga panukalang
tuntunin upang bumilis at at maisaayos ang kodipikasyon ng ating lengguwahe sa paglalapat ng tuntunin sa
gramatika at retorika ng pormal na gamit ng ating wika-yaong may kagyat na gamit sa pagtuturo sa
paaralan, mga opisyal na dokumento, at sa mga ugnayang pangmadla.
Halimbawa sa pagbabagong ito ang baybay na sarisari ay anyong binaybay na ngayong “sari-
sari”. Sapagkat natuklasan sa mga lumang diksiyonaryo na may salita palang sari at nangangahulugang
“paghahalo ng iba’t iba”. May karapatan sa gitling ang pag-uulit ng sari at dapat ituring na isang paraan
ng pagdidiin sa naturang katangian ang sari-sari. Sa salitang natutunan na gumagamit ng isang hindi
lehitimong hulapi na –nan, higit na maipapayo ang paggamit ng anyong natutuhan.
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
3
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Resuello at Funclara, 2021

Dagdag pa nila kailangan ng mga aklat na hindi lubhang huli sa kasalukuyang kakanyahan ng
wikang Filipino, mga aklat na nabibihisan ng mga makabagong kaalamang linggwistika ngunit “karugtong”
pa rin ng matandang Balarila na siyang “kinatatamnan” ng karamihan ng guro ng wikang Filipino.
Iilang guro lamang ang may kakayahang magpasok ng mga pagbabago ukol sa Gramatikang
Filipino. Kaya kailangan ngayon ang mga makabagong kaalamang pambalarilang tutugon sa mga
pangangailangan ng guro ng wika at mga mag-aaral.
Sa paglalahad ng gramar ng Filipino, unahin natin ang estuktura ng batayang pangungusap. Ito ang
pangungusap na pinakasimple, pinakakaunti ang mga bahagi, nakatuon sa isang proposisyon (isang
kahulugan ng pangungusap na maaaring totoo o hindi, tama o mali) at ginagamit upang bumuo ng mas
mahaba at komplikadong pangungusap. Malicsi(2013)
Ayon kay Bisa(2008) kapag binanggit ang tawag na gramatika, pumapasok agad sa isip ang
tungkol sa mga tuntunin ng wastong paggamit ng mga bantas at salita, bahagi ng pananalita, pagbuo ng
mga parirala, sugnay at pangungusap. Kabuuan ng mga tuntunin ang balarila kaya nagiging gabay naman
ito para sa maayos at wastong pagbuo ng mga pangungusap at sa organisasyon ng mga talata.
Ayon naman kina Batnag, Fortunato at Reyes(2011) ang gramatika o balarila ay ang pag-aaral ng
wastong paggamit ng mga salita ayon sa mga tuntunin ng isang wika.
Maraming nag-aakala na hindi mahalaga sa pasalita man o pasulat na komunikasyon ang kaalaman
sa gramatika. Malayo ito sa katotohanan. Kalituhan o hindi pagkakaunawaan ang maaaring ibunga ng hindi
angkop na gamit ng salita, maling bigkas, hindi angkop na panlapi at hindi tamang pagkasunod-sunod ng
mga salita sa pagbuo ng pangungusap. Maaaring sa pasalita at pang-araw-araw na komunikasyon ay
“puwede na” ang kaunting kaalaman sa gramatika, ngunit sa mabisa at masining na pagpapahayag,
mahalaga ang papel ng malawak na kaalaman sa gramatika.
Ang pagkakamaling naitala ng guro na siyang nakita ng mga mag-aaral sa pag-aakalang tama
ang mga nakasulat ang siyang gagayahin at magiging bahagi na ng pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Pokus ng pangkasalukuyang kurikulum ng Filipino ang paglinang ng kakayahang komunikatibo ng
bawat mag-aaral. Upang matamo ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral, isa ang kakayahang
panggramatika sa mga aspektong dapat malinang sa kanila. Mahalaga kung gayon ang pagsipat sa
kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral upang umagapay sa naturang layunin ng kurikulum sa
Filipino.
Sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng mga tuntunin ng wika tungo sa malinaw at maayos na pagsusulat
at pagsasalita, nararapat na gumawa ang guro ng pagtataya sa kanilang kakayahang panggramatika
upang matukoy niya ang mga kahinaan ng mga mag-aaral sa gramatika at mabigyan ito ng diin at lunas
sa kanyang pagtuturo. Kailangan din ang mga pagsasanay sa gramatika upang ganap na matutuhan ng
mga mag-aaral ang mga tuntunin ng wikang pinag-aaralan.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay matukoy ang gramatikal na kakayahan ng mga mag-
aaral sa pagsulat sa Filipino. Ito ay naglalayong malaman ang: una, ang demograpikong pagkakakilanlan
ng mga mag-aaral batay sa edad; kasarian; mga babasahin sa bahay; buwanang kita ng magulang; at
grado sa Filipino. Pangalawa ay ang antas ng kakayahang panggramatika sa pagsulat sa Filipino ng mga
mag-aaral sa Grade 9 na may kaugnayan sa: ponolohiya o palatunugan, morpolohiya o palabuuan at
palaugnayan o sintaksis. Pangatlo, kung mayroon bang makabuluhang kaugnayan ang propayl ng mga
mag-aaral sa kanilang gramatikal na kakayahan; at pang-apat ay ang mungkahing gawain upang
mapaangat ang kakayahang komunikatibong pagsulat ng mga mag-aaral sa Grade 9.
Batay sa inilahad na suliranin, ang haypotesis ay kinuha sa makabuluhang kaugnayan sa 0.5 na
kabuluhan. Walang makabuluhang kaugnayan ang gramatikal na kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagsulat sa Filipino sa kanilang propayl.
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
4
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Resuello at Funclara, 2021

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


Ang isinagawang pananaliksik ay ginamitan ng deskriptibong paglalarawan. Ang unang bahagi na
ginamit sa pag-aaral ay sa pamamagitan ng talatanungan upang malaman ang propayl ng bawat mag-
aaral batay sa edad; kasarian; mga babasahin sa bahay; buwanang kita ng magulang; grado. Ang
ikalawang bahagi ay ang ipinasang sulatin ng mga mag-aaral ng na nasa anyong paglalahad tungkol sa
paksang ibinigay ng mananaliksik. Ang sulatin ay tinaya sa pamamagitan ng kakayahang panggramatika
na nahahati sa tatlong bahagi: ponolohiya o palatnugan, morpolohiya o palabuuan at palaugnayan o
sintaksis.
Ang mga naging respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral na nasa ikasiyam na
baitang ng Speaker Eugenio Perez National Agricultural School.

PAGLALAHAD , PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


Talahanayan 1. Propayl ng mga Mag-aaral
n=116
Variables Categories Frequency Percentage
Edad 14-15 taong gulang 93 80.17
16-17 taong gulang 23 19.83

Kasarian Babae 81 69.83


Lalake 35 30.17

Mga Babasahin sa Bahay* bibliya 93 80.17


entertainment books 79 68.10
sangguniang aklat 43 37.07
encyclopedia 15 12.93

Buwanang Kita ng
Magulang Mababa sa 10,000 54 46.55
10,000 - 20,000 48 41.38
20,000 - 30,000 9 7.76
Mahigit sa 30,000
5 4.31
Grado sa Filipino 80 pababa 26 22.41
81-85 50 43.10
86-90 36 31.03
91 Pataas 4 3.45
*Higit sa isa ang sagot ng mga mag-aaral

Ang natuklasan sa pag-aaral batay sa kanilang propayl, ang karaniwang edad ng nasa ika-9 na
baitang ay nasa gulang 14-15 na may 93 (80.17%). Ang nasa gulang 16-17 na may 23 (19.83%). Sa
kasarian ng mga mag-aaral, ang mga babae ay may bilang 81 (69.83%) samantalang ang bilang ng mga
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
5
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Resuello at Funclara, 2021

lalaki ay 35 (30.17%). Sa mga babasahin sa bahay, lumabas sa datos na ang pinakamaraming babasahin
ng mga mag-aaral ay bibliya na may 93 (80.17%), entertainment books (magasin, komiks, dyaryo at
wattpad) na may kabuuang 79 (68.10%), sangguniang aklat, 73 (37.07%), encyclopedia, 15 (12.93%). Sa
buwanang kita ng magulang, lumabas na 54 (46.55%), ang kumikita ng 10,000 pababa, 48 (41.38%), ang
kumikita ng 10,000-20,000, 9 (7.76%) naman 20,000 - 30,000 at 5 (4.31%) naman ang kumikita ng 30,000
pataas. Sa grado sa asignaturang Filipino, 50 (43.10%), may gradong 81-85, 35 (31.03%), may gradong
86-90 gradong, 26 (22.41%), may gradong 80 pababa at 4 (3.45%), may gradong 91 pataas.

Talahanayan 2. Gramatikal na Kakayahan ng mga Mag-aaral sa Pagsulat sa Filipino na may


Kaugnayan sa Ponolohiya

Ponolohiya PK MK KK MNK PNK WM DE


1. Pagkokontrast ng ponema sa
5 22 57 21 11 3.09 KK
pagbabago ng kahulugan ng salita
4.31 18.97 49.14 18.10 9.48
2. Pagbabaligtad ng mga patinig
13 26 52 22 3 2.79 KK
11.21 22.41 44.83 18.97 2.59
3. Pagkakaltas ng titik o pantig sa
12 42 34 15 13 2.78 KK
loob ng salita.
10.34 36.21 29.31 12.93 11.21
4. Paggamit ng salita na magkaiba
ang kahulugan ngunit magkatulad ang 19 21 46 17 13 2.86 KK
bigkas
16.38 18.10 39.66 14.66 11.21
5. Paggamit ng gitling sa salita sa
16 26 50 15 9 2.78 KK
pagbabago ng kahulugan.
13.79 22.41 43.10 12.93 7.76

Mean 2.86 (Katamtamang Kakayahan)

Note: Boldface means highest frequency.


Legend: 1.00-1.50: Pinakamababang Kakayahan (PK), 1.51-2.50: Mababang Kakayahan (MK),
2.51-3.50: Katamtamang Kakayahan (KK), 3.51-4.50: Mataas na Kakayahan (MNK), 4.51-5.00:
Pinakamataas na Kakayahan (PNK)

Batay sa mga datos, ang mga mag-aaral ay may katamtamang kakayahan sa pagsulat sa Filipino
na may kaugnayan sa ponolohiya. Ito ay may Mean na 2.86. Inilalahad sa talahanayan ang pinakamataas
na bahagdan sa bahagi ng ponolohiya. Makikita ang kakayahan sa pagkokontrast ng ponema sa
pagbabago ng kahulugan ng salita ay may kabuuang bilang na 57 (49.14%). Sa pagbabaligtad ng mga
patinig ay may kabuuang bilang na 52 (44.83%). Sa paggamit ng gitling sa salita sa pagbabago ng
kahulugan ay may kabuuang bilang na 50 (43.10%). Pang-apat ang paggamit ng salita na magkaiba ang
kahulugan ngunit magkatulad ang bigkas ay may kabuuang bilang na 46 (39.66%). At ang mababang
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
6
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Resuello at Funclara, 2021

kakayahan ay pagkakaltas ng titik o pantig sa salita na may kabuuang bilang na 42 (36.21%). Mula sa
sulatin ng ilang mga mag-aaral nahihirapan sila sa sumusunod: 1)Pagkakaiba ng kahulugan sa pagkagamit
ng salita: mesa sa halip na misa, oso sa halip na uso 2) Pagkakaltas sa titik o pantig: nung – noong, wag –
huwag, dhil - dahil

Inilahad sa talahanayan na may mababang kakayahan sila sa pagkakaroon ng pagkakaltas ng pantig


o titik sa sulatin, mahihinuha na ang mga mag-aaral ay nadadala sa kanilang pagsulat ang paraan ng
kanilang pakikipagkomunikasyon sa text o chat. Nagiging balbal ang dating ng mga salita na masasabing
hindi akma sa pormal na sulatin. Ang pagkilala sa mga nabubuong salita na may pagsusuri sa artikulasyon
ng bibig at ilong ay nagsilbing malaking tulong sa pagsulat. Anupa’t magiging madali at malinaw ang pag-
aaral alinmang bahagi o antas ng Filipino kung magkakaroon muna ng sanligang kaalaman sa ponolohiya
o palatunugan.

Talahanayan 3. Gramatikal na Kakayahan ng mga Mag-aaral sa Pagsulat sa Filipino na may


Kaugnayan sa Morpolohiya
Morpolohiya PK MK KK MNK PNK WM DK
1. Aspekto ng Pandiwa 14 25 49 16 12 2.89 KK
12.07 21.55 42.24 13.79 10.34
2. Wastong gamit ng salita 7 30 49 23 7 2.94 KK
6.03 25.86 42.24 19.83 6.03
3. Pagbabagong morpoponemiko 8 35 49 15 9 2.84 KK
6.90 30.17 42.24 12.93 7.76
4. Pagbabaybay ng mga salita 12 36 41 17 10 2.80 KK
10.34 31.03 35.34 14.66 8.62
5. Gamit ng panlapi at salitang 7 40 48 15 6 2.77 KK
ugat
6.03 34.48 41.38 12.93 5.17
Mean 2.85 (Katamtamang Kakayahan)

Note: Boldface means highest frequency.


Legend: 1.00-1.50: Pinakamababang Kakayahan (PK), 1.51-2.50: Mababang Kakayahan (MK), 2.51-
3.50: Katamtamang Kakayahan (KK), 3.51-4.50: Mataas na Kakayahan (MNK), 4.51-5.00:
Pinakamataas na Kakayahan (PNK)

Lumabas sa datos na ang mga mag-aaral ay may katamtamang kakayahan sa pagsulat sa Filipino.
Ito ay may Mean na 2.85. Sa bahaging ito, makikita na may katamtamang kakayahan ang mga mag-aaral
sa aspekto ng pandiwa na may kabuuang bilang na 49 (42.24%), gayundin sa wastong gamit ng salita na
may kabuuang bilang na 49 (42.24%) at sa pagbabagong morpoponemiko na may kabuuang bilang na 49
(42.24%). Sumunod ang gamit ng panlapi at salitang ugat na may kabuuang bilang na 48 (41.38%). At ang
huli ay sa pagbabaybay ng mga salita na may kabuuang bilang na 41 (31.34%).

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


7
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Resuello at Funclara, 2021

Sinang-ayunan ito sa pag-aaral nina Bisa, Concepcion at Medina(2008) ang dahilan sa pagbaba
ng antas sa kasanayang pambalarila ay ang kakulangan ng kaalaman sa balarila, suliranin sa paggamit ng
bantas, pagpapantig o silabikasyon at pagbuo ng pangungusap.
May kaugnayan ito sa pahayag nina Canale at Swain(1980) na kailangang magtaglay ang mga
mag-aaral ng kaalaman sa kayarian ng salita at pangungusap upang maipahayag ang kahulugan nito.
Dapat nilang maunawaan kung paano nabubuo ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng
mga salita.
Ang pagkakaiba naman batay sa resulta ay sa mga mag-aaral ay mataas na ang kanilang
kakayahan sa mga bahagi ng pananalita sa pagbuo lohikong ugnayan. Napakahalaga ang ginagampanan
ng mga pangatnig sa pagpapahayag dahil ito ay nag-uugnay sa isang salita, parirala sugnay o
pangungusap.
Sumalungat ito sa pag-aaral na isinagawa nina Lartec at Perey(2011) tungkol sa kakayahang
panggramatika. Natuklasan na mas mataas ang kakayahan ng mga mag-aaral sa gamit ng mga panghalip
at pang-uri na may antas na mataas kumpara sa pangngalan, pandiwa, at pang-abay na pawang nagkamit
lamang ng antas na katamtaman.

Talahanayan 4. Gramatikal na Kakayahan ng mga Mag-aaral sa Pagsulat sa Filipino na may


Kaugnayan sa Sintaksis
Sintaksis PK MK KK MNK PNK WM DK
13 31 40 24 8 2.85 KK
1. Balangkas ng pangungusap
11.21 26.72 34.48 20.69 6.90
2. Paggamit ng paningit o ingklitik sa 17 28 45 20 6 2.74 KK
pagpapalawak ng pangungusap. 14.66 24.14 38.79 17.24 5.17
3. Kasanayan sa mga bahagi ng
9 20 52 28 7 3.03 KK
pananalita upang makabuo ng
pangungusap. 7.76 17.24 44.83 24.14 6.03
4. Pagsasaayos sa mga balarilang
8 43 44 15 6 2.72 KK
angkop sa pagbuo ng pangungusap.
6.90 37.07 37.93 12.93 5.17
5. Pagbuo ng pangungusap na may
14 37 35 22 8 2.77 KK
tamang ugnayan ng simuno at

panaguri 12.07 31.90 30.17 18.97 6.90

Mean 2.82 (Katamtamang Kakayahan)

Grand Mean 2.84 (Katamtamang Kakayahan)

Note: Boldface means highest frequency.


Legend: 1.00-1.50: Pinakamababang Kakayahan (PK), 1.51-2.50: Mababang Kakayahan (MK),
2.51-3.50: Katamtamang Kakayahan (KK), 3.51-4.50: Mataas na Kakayahan (MNK), 4.51-5.00:
Pinakamataas na Kakayahan (PNK)

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


8
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Resuello at Funclara, 2021

Lumabas sa datos, ang mga mag-aaral ay may katamtamang kakayahan sa pagsulat sa Filipino na
may kaugnayan sa sintaksis. Ito ay may Mean na 2.82. Sa bahaging ito, makikita na may katamtamang
kakayahan ang sumusunod: pagbuo ng pangungusap na may tamang ugnayan ng simuno at panaguri na
may kabuuang bilang na 52 (44.83%); paggamit ng paningit sa pagpapalawak ng pangungusap na may
kabuuang bilang na 45 (38.79%); pagsasaayos sa mga balarilang angkop sa pagbuo ng pangungusap na
may kabuuang bilang na 44 (37.93%); balangkas ng pangungusap na may kabuuang bilang na 40
(34.85%). Ang kasanayan sa mga bahagi ng pananalita upang makabuo ng pangungusap ay nasa
bahagyang mababa ang kakayahan na may kabuuang bilang na 37 (31.90%).
Ito ay nangangahulugan na ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa pagsulat sa
Filipino kaugnay ng sintaksis ay nasa katamtaman. Samantala, bahagyang mababa ang kasanayan sa mga
bahagi ng pananalita upang makabuo ng pangungusap upang mas madali nilang maintindihan ang isang
pangungusap. Ang pag-aaral ay nagiging madali sa kanila dahil nagkakaroon ng mas malalim na pag-
unawa. At napupukaw ang interes na kilalanin at siyasatin ang isang pangungusap. Ayon nga kay
Huldelson(1996) ang mga mag-aaral ay minsan lang kung pumasok sa oras ng pagsusulat. Dahil sa walang
malawak na kaalaman sa pagkilala sa sintaks. At hindi rin maikakaila ang katotohanang napakaraming
mag-aaral ang nahihirapan sa wastong paggamit ng sintaks. Kung kaya’t ito ay hamon sa guro na upang
maging kapanapanabik ang pagkilala sa sintaks ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsasanay sa
pagsusulat.
Ayon kina Kowles at Sasaki(2001) ang pagsusulat ay mas nakikitaan ng mga maraming kamalian
habang ang pagsasalita naman ay mas napapainam ang imahinasyon. Kaya’t maaring ibalik ng guro ang
naiwastong papel na ginawa ng mag-aaral. Dahil dito mas masusuri ng mag-aaral ang mga maling istruktura
ng pangungusap. Kapag patuloy na babantayan ng guro ang kanilang pag-unawa at pag-aaral mas
makabubuti ito. Sa kabuuan, ang gramatikal na kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat sa Filipino
kaugnay sa Ponolohiya ay may mean na 2. 86, morpolohiya 2.85 at sintaksis ay 2. 82. At may grand mean
na 2.85, ito ay nasa katamtamang kakayahan.

Talahanayan 5. Makabuluhang Kaugnayan ng Propayl ng mga Mag-aaral sa Kanilang Gramatikal na


Kakayahan
Propayl ng Mag-aaral Ponolohiya Morpolohiya Sintaksis
Edad r - value -.167 -.127 -.164
p - value .073 .176 .079

Kasarian* r - value .213* .198* .188*


p - value .022 .033 .043

Buwanang Kita r - value .057 .051 .051


p - value .544 .584 .586

Grado sa Filipino* r - value .927** .943** .936**


p - value .000 .000 .000

*. Correlation is significant at the 0.05 level (2-tailed).


Note: a. Pearson correlation, b. Spearman Correlation
Some variables have multiple responses
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
9
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Resuello at Funclara, 2021

Gamit ang Pearson at Spearman, natuklasan na ang edad (ponolohiya, r-167 significance level .073,
morpolohiya, r- 127 significance level .176, sintaksis, r-164, significance level .079 ). Sa buwanang kita ng
magulang (ponolohiya, r- 0.57, significance level .544, morpolohiya, r- .051 significance level .584, sintaksis,
r-.051, significance level .586 ). Ito ay mga walang kabuluhang pagkakaugnay sa gramatikal na kakayahan
ng mga mag-aaral sa pagsulat sa Filipino.
Nakakuha ng makabuluhang kaugnayan ng gramatikal na kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagsulat sa Filipino ang kasarian at grado. Sa kasarian ito ay may (ponolohiya, r-213 significance level,
.022, morpolohiya, r-.198 significance level .033, sintaksis, r- 188, significance level .043). Grado sa Filipino
(ponolohiya, r-.927, significance level .000, morpolohiya, r-.943, significance level .000, sintaksis r-.936,
significance level .000).
Ang nakalkulang value ay nangangahulugang mas mataas ang gramatikal na kakayahan ng mga
babae kaysa lalaki. Gayundin ang makabuluhang kaugnayan ng grado sa Filipino na may katamtamang
kakayahan ang mga mag-aaral.
Nangangahulugang ang natamong grado ay may kaugnayan sa kanilang kakayahan. Tumataas
ang gramatikal na kakayahan ng mga mag-aaral habang tumataas ang kanilang grado.
Pinatunayan ito sa pag-aaral ni Cerami() Kasanayan ng mga Mag-aaral sa Pagsulat ng Sanaysay,
karamihan sa mga mag-aaral na may gradong 91- 95 sa Filipino ay mataas ang kaganapan upang matukoy
ang kagalingan sa pagsulat ng sanaysay.
Batay sa lumabas na resulta, ang mga mag-aaral ay may katatamtamang kakayahang
panggramatika sa pagsulat sa Filipino na may kaugnayan sa ponolohiya, morpolohiya, at sintaksis. Ang
mananaliksik ay bumuo ng mga mungkahing gawain sa pagpapaangat sa kakayahang komunikatibong
pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino.

KONGKLUSYON
Batay sa mga natuklasang nailahad, nabuo ng mananaliksik ang sumusunod na kongklusyon:
1. Karamihan sa mga mag-aaral na nasa ikasiyam na baitang, ang karaniwang edad ay nasa 14-15, at
mas marami ang babae kaysa sa lalaki. Lumalabas na bibliya ang pinakamataas na bilang ng babasahin
sa bahay. 10,000 pababa ang buwanang kita ng pamilya, at 81-85 ang may pinakamaraming bilang ng
natamong grado sa Filipino.
2. Lumalabas din na ang mga kalahok na babae ay mas mataas ang kakayahang panggramatika kaysa
sa lalaki, gayundin ang natamong grado sa Filipino.
3. Nagkaroon lamang ng katamtamang kakayahanang panggramatika na may kaugnayan sa ponolohiya,
morpolohiya at sintaksis.
4. Mayroong makabuluhang kaugnayan ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa kanilang
kasarian at grado.

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


10
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Resuello at Funclara, 2021

REKOMENDASYON
Batay sa mga natuklasan at kongklusyong inilahad, iminumungkahi ngmananaliksik ang sumusunod:
1. Pagbibigay ng mga guro ng marami pang pagsasanay sa mga bahagi ng pananalita na mahirap para
sa kanila at pagsulat kaugnay ng pagbuo ng talata.
2. Ang pagwawasto at pagsasagawa ng incidental teaching sakaling nagkamali ang mga mag-aaral ay
malaking tulong upang maiwasto ang kanilang mga kamalian sa gramatika.
3. Paunlarin ang kakayahang panggramatika mga mag-aaral sa pagsulat ng sa Filipino tungo sa
pagkakaroon nila ng ganap na kakayahang panggramatika at komunikatibo.
4. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo, upang maging kawili-wili at aktibo ang mga
mag-aaral sa pag-aaral.
5. Makakatulong din ang pagbibigay ng mga karagdagang kagamitang pampagkatuto gaya ng mga
modyul tungkol sa mga bahagi ng gramatika na nahihirapan sila.
6. Hinihikayat din ang paggamit ng iba-ibang pamaraan at teknik sa pagtuturo upang masanay na
magpahayag ang mga mag-aaral at nang malinang ang kanilang mga kakayahan sa wika.

BIBLIOGRAPIYA
Abad, Marietta A. (2010). Pagbasa at Pagsulat Bilang Tanging Gamit sa Iba’t

Almario, Virgilio S. (2009). Filipino ng mga Pilipino. Anvil Publishing, Inc.,

Batnag, Aurora E., Fortunato, Teresita F., Reyes, Alvin Ringgo C. (2011). Sayusay: Sining ng
Mabisang Pagpapahayag: C and E Publishing, Inc., Lungsod Quezon

Bisa, Simplicio P. (2008).Masining na Pagpapahayag: C and E Publishing, Inc., Lungsod Quezon

Bisa, Simplicio P., Bisa, Paulina B., Concepcion, Lourdes Q., Medina, B.S Jr. (2008). Masining na
Pagpapahayag (Dulog Modyular). C & E Publishing, Inc. Quezon City

Canale, M., & Swain, M. (1980). Theoretical Bases of Communicative Approaches to Second
Language and Testing. Applied Linguistics. Volume I, Issue 1, Spring 1980, Pages 1–4

Cruz, Gloria R. (2011).Classroom Management. Phoenix Publishing House. Lay Formation Center,
Dagupan City

Filipino ng mga mag-aaral sa University of Cordillera. University of the


Filipino: Rex Bookstore, Inc., Sampaloc, Manila

Hudelson S. (1996). Write on Children, Writing in English as Second Language. New Jersey:
Prentice Hall, Inc. https://books.google.com.ph/books/about/Write_on.html?id=eo-
AQgAACAAJ&redir_esc=y

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


11
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Resuello at Funclara, 2021

Ibang Disiplina. SLA Publishing House. Dagupan City

Kowles and R. Sasaki. (2001) Story Squares Fluency in English as a Second Language.
Massachusetts: Winthorp Publishers, Inc.

Lachica, Veneranda (1999). Wika at Retorika. Manila.MK Imprint. Lungsod Quezon

Lartec, Norbert C., Perey Gemma M. (2011). Kakayahang Panggramatika sa Lungsod ng Pasig

Malicsi, Jonathan C. (2013) Gramar ng Filipino. Lungsod Quezon: UP Sentro ng


Philippines, Baguio City

https://www.academia.edu/34737551/Kakayahang_Panggramatika_sa_Filipino_ng_mga_Mag-
aaral_sa_University_of_the_Cordilleras Publishing Inc., Lungsod Quezon
Resuma, Vima M. (2007). Sangguniang Gramatika ng Wikang Filipino.C& E

Santiago, Alfonso O., Tiangco, Norma G. (2008).Makabagong Balarilang

Villafuerte, Patrocinio G., Garcia, Lakandupil C. (2010). Makabagong Kalakaran sa Pagtuturo ng


Filipino. Rex Bookstore, Inc., Sampaloc, ManilaWikang Filipino

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


12

You might also like