A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sino ang mga makata? Ano ang mga taglay nilang
katangian? Ipaliwanag.
Ang mga makata ang tawag sa mga manlilikha ng tula. Sila ay
maytaglay na kakayahan na magsulat sa masining at madamdaming paraan. Silay ay may taglay na mahika para maimpluwensyahan ang damdamin at isipan ng mga mambabasa. Ang mga makata rin ay maraming alam na mga malalalim na salita at mga simbolismong ginagamit upang maging makulay ang bawat taludtod. Ang mga tulang kanilang isnisulat ay may kapangyarihang maipinta sa puso at isipan ng mambabasa ang kanyang nais ipabatid at iparamdam sa paraan nang pagsusulat ng mga tula.
2. Isa-isahin ang mga anyong patula at ipaliwanag ang bawat
isa.
Tulang Liriko - ito ay naglalarawan ng mga damdamin,
karanasan, guni-guni, kaisipan na maaaring nadama ng mga may-akda o ng ibang tao. May iba-iba itong anyo at ilan sa mga ito ay ang pastoral, soneto, dalit, pasyon, oda, awit o kanta, at elehiya. Tulang Pasalaysay - taglay ng tulang ito ang paglalahad ng makulay at mga mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, kabiguan, tagumpay mula sa kahirapan. Ito rin ay naglalahad ng kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma. Mga halimbawa nito ay epiko, awit, kurido, at balad. Tulang Pantanghalan - ito ay dula-dulaan na patula ang anyo ng mga dayalogo at itinatanghal sa entablado. Nabibilang dito ang sarsuela, moro-moro, senakulo, tibag, at panunuluyan. Tulang Patnigan - ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula at ang sangkot ay nangnangailangan ng matalinong pangangatwiran, may matalas na isip at may sapat na lalilm ng diwa. Ang tatlong halimbawa nito ay ang duplo, karagatan, at balagtasan.
3. Ano-ano ang mga nabibilang sa Tulang Liriko at Tulang
Pasalaysay? Nabibilang sa Tulang Liriko ang pastoral, soneto, dalit, pasyon, oda, awit o kanta, at elehiya habang ang napapaloob naman sa Tulang Pasalaysay ay epiko, awit, kurido, at balad.
B. Panuto: Basahin ang tulang “Aklat ng Buhay” sa pahina 59-
61 ng iyong aklat, pagkatapos basahin ang tula ay sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula? Ipaliwanag.
Ang tula ay naglalahad ng mga payo sa buhay ng matanda na
para sa kanyang kinakausap. Nais ng matanda na ipabatid sa mga mambabasa ang mga pangaral na dapt nating isabuhay. Una na rito ang pananalig sa Diyos. Ilan pa sa mga payo nito ay ang pagiging mabuti sa kapwa at maging responsableng anak o magulang. Dagdag pa niya ay dapat ipagmalaki ang lahing kinabibilangan at taos puso itong kupkupin. Hindi rin daw dapat kaligtaan na panglagaan ang Inang Kalikasan sapagkat tayo ay inilagay sa mundo upang maging tagapangalaga nito. Sa madaling salita, gustong iparating ng matandang makata kung paano dapat natin gagamitin ang buhay na mayroon tayo ngayon.
2. Sa anong tulang liriko ito nabibilang? Pangatwiranan ang
iyong sagot.
Sa aking sariling pag-uunawa, ang tulang “Aklat ng Buhay” ay
isang halimbawa ng tulang liriko na awit. Ito ay sa kadahilanang nagtataglay ang tulang ito ng madamdaming pagpapahayag ng pilosopiya sa buhay. Puno ng malasakit at pag-asa ang matandang nagtutula. Nais niyang maimpluwensyahan ang isipan at damdamin ng batang kanyang kinakausap. Ang tulang ito ay halimbawa ng tulang awit sapagkat napupukaw nito ang damdamin ng mambabasa at nagbibigay ng aral na maaaring baunin ng mambabasa.