LAS SHS - Filipino Sa Piling Larang - TVL - Q2 - MELC 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Senior High School

Activity Sheet sa Filipino sa


Piling Larang-Teknikal
Bokasyunal
Kuwarter 2 – MELC 4
Ang Etika sa Pagbuo ng Paunawa,
Babala, o Anunsiyo

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


Filipino sa Piling Larang - Teknikal Bokasyunal
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 7
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino sa Piling Larang - Teknikal Bokasyunal Learning Activity Sheet


(LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6.- Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet sa Filipino sa Piling Larang


Teknikal Bokasyunal
Manunulat: Jaretha Rose P. Villacanas
Editor: Baby Allea S. Mercado, Ida Flor C. Ferraris
Tagasuri: Ida Flor C. Ferraris
Tagaguhit: Anthony M. Cordilla
Tagalapat: Annamor M. Eleccion, Khristine M. Vistar
Llaine Grace B. Coronel
Schools Division Quality Assurance Team:
Baby Allea S. Mercado
Krystine Joyce D. Ledesma
Mariane Duerme
Division of Sipalay City Management Team:
Renato T. Ballesteros
Regie B. Sama
Ronie T. Tababa
Annamor M. Eleccion
Ida Flor C. Ferraris
Julieth V. Acuña
Regional Management Team:
Ma. Gemma M. Ledesma
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Mr. Celestino S. Dalumpines IV

2
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!

Ang Filipino sa Piling Larang – Teknikal Bokasyunal Learning Activity


Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng
Sangay ng Sipalay at Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang
maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na
makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kanikanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino sa Piling Larang-Teknikal-Bokasyunal Learning Activity


Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga
magaaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay
nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pagunlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino sa Piling Larang-Teknikal-Bokasyunal Learning Activity


Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit
na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na
mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-
aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

3
Kuwarter 2, Linggo 7

Learning Activity Sheets (LAS) Blg.7

Pangalan ng Mag-aaral:_______________________Grado at Seksiyon:__________


Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO
SA FILIPINO SA PILING LARANG-TEKNIKAL-BOKASYUNAL
Ang Etika sa Pagbuo ng Paunawa, Babala, o Anunsyo

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naisaalang-alang ang etika sa binubuong teknikal-bokasyunal na sulatin
(CS_FTV11/12PU-0m-o-99)

II. Panimula

Susing Konsepto

Nagiging madali sa atin ang pag-iingat kapag tayo ay nakakakita ng mga


paalala, babala at paunawa sa paligid. Katulad ng mga nauna nang nabanggit
na mga sulatin, ang mga paunawa/babala at anunsyo ay nagbibigay-
impormasyon din sa mga nakababasa nito. Nakatutulong ang mga babala
upang maiwasan ang mga sakuna, aksidente o iba pang hindi kanais-nais na
pangyayari para sa isang indibidwal.

PATALASTAS ang anumang PAUNAWA, BABALA, o ANUNSIYO at


nagsasaad ang mga ito ng mahalagang impormasyon sa tao.

Ang isang PAUNAWA ay isang mensahe na nagsasaad ng mahalagang


impormasyon at mistulan din itong nagsasabi kung ano ang maaari at hindi
maaaring gawin. Maaari ding pumapaksa ang paunawa tungkol sa anumang
pagbabago ng naunang nabanggit na impormasyon.

Halimbawa:
Gaganapin ang pagpupulong ng mag-aaral sa Bulwagan ng Jose Rizal
sa halip na sa Silid ng Marcelo Del Pilar.

Ang BABALA naman ay nagsasaad ng maaaring maging panganib


sa buhay, estado, o mararanasan ng tao. Maaaring sa pamamagitan ng
salita o larawan maisasaad ang isang babala.

Halimbawa:
Madulas ang daanan. Mag-ingat sa paglalakad.
May Malakas na bagyong paparating. Maging handa at alerto.

4
Ang ANUNSIYO ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na
makapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang tao. Maaari din itong
isang panawagan sa ilang importanteng gawain o aktibidad.

Halimbawa:
Ang mga mag-aaral ng Teknikal Bokasyunal ay inaabisuhan na pumunta
sa Opisina ng Kalihim sa Lunes, ika-15 ng Agosto mula ika-8 ng umaga
hanggang sa Ika-12 ng tanghali para malaman ang mga asignaturang
kukunin sa susunod na semester.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng mga Paunawa, Babala, at


Anunsiyo

1. Paggamit ng wika – kinakailangang mapukaw agad ang mambabasa


sa anumang inilagay sa paunawa, babala, at anunsiyo. Simple at madaling
maunawaan ang mga salitang gagamitin. Mahalaga rin na mabilis na
mauunawaan ng nagbabasa ang paunawa, babala, o anunsiyo ang
impormasyon na inilalahad. Iwasan ang maligoy na salita o ang
paglalarawan ng isang pangyayari.

Halimbawa:
“Mag-ingat sa aso”

2. Paggamit ng imahen o simbolo – sa kasalukuyan, ang paggamit ng


imahen at/o simbolo, kalakip ang mahahalagang impormasyon, ay tinatawag
na infographics. Ang paggamit ng infographics ay mas nakapupukaw dahil
sa pagiging malikhain, kakaunti ang tekstong babasahin, malinis ang
pagkakagawa, at nakaaakit sa mata dahil sa kulay. Maliban sa usapin ng
infographics, mahalagang maalala na ang imahen at/o simbolo ay dapat na
may kaugnayan sa ginagawang paunawa, babala, o anunsiyo. Kapag hindi
malinaw ang imahen at/o simbolong ginamit sa patalastas, makalilikha ito ng
kaguluhan.
Halimbawa:

III. Mga Sanggunian


Santos, Corazon L, Schedar D. Jocson, and April J. Perez. 2016 “ BATAYANG
KAALAMAN SA PAGSULAT NG PAUNAWA, BABALA, AT ANUNSYO. “ In
Filipino sa Piling Larang-Tech Voc-Patnubay ng Guro, by Corazon L. Santos,
Schedar D. Jocson, and April J. Perez, 105-111, Pasig City: Department of
Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR)

Santos, Corazon L, and April J. Perez. 2016 “PAUNAWA /BABALA/


ANUNSYO. “ In Filipino sa Piling Larang - Tech Voc – Kagamitan ng Mag-
aaral, by Corazon L. Santos at Schedar D. Jocson, 219-234, Pasig City:
Department of Education – Bureau of Learning Resources ( DepEd – BLR)

5
IV. Mga Gawain
1. Panuto

Pagsasanay 1: Isaalang-alang Mo!

Panuto: Basahin at suriin ang “Babala para sa iyong Kaligtasan” pahina 224-
225,” Anunsyo: Mamasapano, Media, at Wika ng Digmaan” pahina 227, at
“Buwan ng Wika 2014, pahina 232 sa aklat sa Filipino sa Piling Larang Tech-
Voc-Kagamitan ng Mag-aaral. Gamitin ang worksheet sa pagsusuri.

Pagsasanay 2: Gawin Mo!

Panuto: Gumawa ng patalastas. Isaaalang-alang ang mga etika sa pagbuo


ng paunawa, babala, o anunsiyo.

2. Pagsasanay/ Aktibidad

Pagsasanay 1: Isaalang-alang Mo!

Panuto: Pumili ng isa sa mga babasahin. Pagkatapos, suriin ito gamit ang
worksheet sa ibaba.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Mga Patunay


Pagbuo ng Paunawa, Babala, o
Anunsiyo
Paggamit ng Wika
1. Gumamit ng mga
nakapupukaw na mga
salita.
2. Simple at madaling
maunawaan ang salitang
ginamit.
Paggamit ng imahen o simbolo
1. Gumamit ng infographics
na may kaugnayan sa
ginawang paunawa,
babala, o anunsiyo.

Pagsasanay 2 Sulatin Mo!


Panuto: Sumulat ng isang patalastas (Paunawa, Babala, o Anunsiyo. Pumili
ng isa mula sa halimbawa sa ibaba. Isaaalang-alang ang mga etika sa pagbuo
ng paunawa, babala, o anunsiyo.

6
Paunawa:
• Mayroong Pagbabago sa petsa ng pelikulang ipalalabas.
• Dahil sa pandemya, may bagong batas na ipinapatupad sa
mga mag-aaral.
Babala:
• Babala tungkol sa covid-19
• Babala dulot ng labis na paggamit ng cellphone sa
kalusugan
Anunsiyo:
• Panawagan sa donasyon sa mga naapektuhan ng covid 19
• Panawagan na dumalo sa webinar ng TESDA para sa mga
pagsasanay
3. Mga Batayang Tanong
1) Ano ang paunawa, babala at anunsiyo?
2) Ano-ano ang kaibahan nito sa isa’t isa?
3) Bakit kailangang isaalang-alang ang etika sa pagbuo ng
paunawa, babala, at anunsiyo?
4) Paano ito maiparating sa mga mambabasa na lubusang itong
maunawaan?
V. Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik
Upang maisaalang-alang ang etika sa pagsulat ng Paunawa / Babala/
Anunsiyo, narito ang batayan sa pagbibigay ng marka.

Batayan ng Pagmamarka Kaukulang Marka


Puntos
Nakapagsaliksik ng impormasyon tungkol 2
sa paksa. (Paunawa, Babala, o Anunsiyo
Nakapaglista ng mahahalagang 1
impormasyon (Paunawa, Babala, Anunsyo)
Gumamit ng simple at naaayong salita 1
Madaling maintindihan ang patalastas 1
Kabuoang Marka 5 puntos

VI. Repleksiyon
Panuto: Sa pamamagitan ng 3-2-1 Tsart, isulat ang mga natutuhan sa araling
ito. Gayahin ang kasunod na pormat sa sa sagutang papel.
3 – Bagay na natutuhan sa aralin
a. _____________________________
b. _____________________________
c. _____________________________
3 – Bagay na kumuha ng interes sa aralin
a. _____________________________
b. _____________________________
c. _____________________________

V. Susi sa Pagwawasto
Maaaring may magkakaibang sagot
Pagsasanay 1 at 2
7
8

You might also like