Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MGA TEORYA NG DISKURSO

1. Speech act theory

 isang teorya ng wika kung saan sangkot ang kilos o galaw sa pag-unawa sa pagpapakahulugan ng isang
diskurso.
 Ito ay tumutukoy sa paniniwalang anuman ang ating sabihin, lagi na itong may kaakibat na kilos.
Aspeto ng Speech Act

 Aktong Locutionary -pagsasabi ng mga tiyak na kahulugan sa tradisyunal na paraan.


 Aktong Illocutionary-may tiyak na pwersa sa salita.
 Aktong Prelocutionary tumutukoy sa magiging reaksyon o pagkilos na gagawin ng tagapakinig o bumasa
mula sa illocutionary act.
2. Ethnography of Communication

 Gumagamit ng mga kasangkapan mula sa antropolohiya upang pag-aralan ang berbal na interaksyon sa
setting nito.
 Ito ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, pattern, at tungkulin ng pagsasalita.

a. participant observation ang pinakasusi ng teyoryang ethnography of communication

3. Pragmatic Theory
 pag-aaral sa mga paraan kung saan ang konteksto ay nakakaapekto sa kahulugan.

4. Interactional Linguistics
 Pinag-aaralan nito kung paanong ang mga tao ay nakalilikha ng kahulugan sa isang berbal na interaksyon,
kung paano tayo nakalilikha ng kahulugan sa pang berbal na interaksyon, kung paano tayo nakikibahagi sa
isang kaalamang kultural.
5. Contextualization Cues
 Ang grammar at ang referensyal na katangian ng grammar ang makapagbigay ng interpretasyon sa bawat isa
upang makabuo ng paghihinuha.
6. Variationist Theory
 ito ay kinapapalooban ng pagkakaiba sa tono, intonasyon, gamit ng salita, gayon din ang istrukturang
panggramatika ng isang tagapagsalita. -Ito ay naniniwala na ang madalas na pagbigkas ng isang tiyak na
salita o mga salita ay tumutugon sa pokus ng diskurso.
 Taong 1971 ng pangunahan ni William Labov.

Ang Mga Modelo ng Proseso ng Komunikasyon

1. Modelo ni David Berlo (1960)


 SMCR (Source Message Channel Reciever)
 Kapag parehong may kahusayan sa komunikasyon ang tagapagsalita at tagapagpakinig, higit na magiging
epektibo ang ang paghahatid at pag-unawa ng mensahe.
 Ang kasanayan ng tagapagsalita ay may malaking gampanin sa kaganapan ng komunikasyon.
2. Modelo ni Claude Shannon at Warren Weaver (1949)
 Mathematical Theory of Communication
 Ang pangunahing pokus ng modelong ito ay ang teknolohiya bilang “source” ng “ingay” sa komunikasyon.
 Ang paghahatid ng mensahe ay nangangailangan ng electronic signal.
 Ang kanilang modelo ay binubuo ng information source na binubuo ng mensahe, ang transmitter, ang
tsanel, ang receiver, at ang destinasyon, isinama na rin nila pati ang noise.
 Ang kaayusan ay tumutukoy sa bits ng impormasyon bawat segundo na naipapasa.
 May Dalawang Oryentasyon; Inhenyeriya ng transmisyon at resepsyon at Konsiderasyon

3. Modelo ni Wilber Lang Schramm (1954)


 Wilber Schramm- tinaguriang “Father of Communication Study” na nagbigay ng kahalagahan sa proseso ng
encoding at decoding.
 Ang teoryang ito ay sinasamahan ng human behavior sa proseso ng komunikasyon.
 Incoder, interpreter, decoder
 Ang mensahe ay maaring denotasyon at konotasyon
4. Iba pang Modelo
A. Symbolic Interactionist ni George Herbert Mead (1910)
 Ang lawak (extent) ng pag-alam (knowing) ay lawak ng pagbibigay ngalan- ang karunungan ay
abilidad na bigyan ng leybel ang mga bagay na ating nakikita.
B. Who say’s what, to whom, in which channel, to whom with what effect ni Harold Lasswell (1957)
 Tumutukoy sa mga elemento ng transmisyon o paghahatid ng mensahe
C. Mediational Theory of Meaning ni Charles Osgood (1976)
 Nagpapaliwanag hinggil sa kahulugan ng anumang impormasyon na maaring tukuyin sa
pamamagitan ng tatlong dimension
 Ebalwasyon- kung ito’y mabuti o masama
 Lakas- (potency) kung gaano ito kalakas
 Gawain- kung gaano ito kabilis
D. Ang teorya ni Braddock (1958)
 nagpalawak sa teorya ni Osgood na nagbigay ng katanungan hinggil sa kaganapan ng komunikasyon.
 Sa anong kalagayan? (circumstances)
 Para sa anong layunin? (purpose)
 Para sa anong epekto? (effect)

You might also like