Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“WIKA MO, AY WIKA KO!

Sandali lang, teka lang, Nakaririndi, nakabibingi


Ano ito? Bakit ganito? Sa pagkakaalam ko…
Ikaw, ako, lahat tayo rito,
Ay pare-parehong mga Pilipino

Ngunit bakit? Bakit tila sa wika tayo ay nagkakagulo?


Hindi magkasundo,
Hindi magkaintindihan,
Hindi magkaisa.
Nakakalito, nakakasakit ng ulo.

Bakit? Bakit ang sambayanan na dapat nagsasama-sama


ay tila nagkakahiwahiwalay na,
Nagkakalayo,
Nagsisiraan,
Nagkakatalo,
Napaka hirap pakisamahan.

Bakit?
Bakit tayo ganito?
Saan mang sulok ng bansa
Samu’t saring mga salita

Marhay na aga!
Maayong buntag!
Na unsa na ka?
Kumusta kana?

Haan ko ammo ag
Unsa imong giingon
Wala koy masabtan
Sambit nila

Tama pa ba to?
Gulong gulo na ako

Oo, batid ko,


Hindi lang isa, dalawa, o tatlo
Ang mga wika na mayroon tayo,
Kundi higit pa, Higit pa sa isang daang dayalekto.
Transforming ourselves, Transforming our world.
Isang daang diyalekto,
Na naging dahilan ng puwang sa puso ng bawat mga Pilipino
Isang daang diyalekto,
na naging dahilan ng gulo.

Sandali lang, Teka lang,


Ano ba itong wika na ating pinagkakaguluhan?
Tunay namang pinag uusapan ng karamihan.

Wika?

Oo Wika.
Sa pakikipagtalastasan ito ay sandata,
Susi sa pagpapahayag ng mga salita,
Minsan nga lang ay nakaka pampilipit dila

Wika.
Nagsisilbing yaman ng ating bansa
Na sa atin ay ipinamana
Kung kaya’t tunay na mahalaga

Wika.
Oo tama
Wika na siyang dapat ay daan
Upang makamtan ang pagbubuklod
At pagkakaisa na ating inaasam.

Wika na dala sa atin ay kapayapaan


Seguridad at inklusibong katarungan para sa lipunan,
Na siyang magpapatatag sa ating bayan.

Ngunit paano?
Paano kung ang wika ko ay Ilocano
Habang ang wika mo ay Cebuano
Paano kung ako ay Bicolano
Habang ikaw ay Chavacano

Paano?
Paano tayo magkakaisa
Kung ang wika sa loob ng bansa
Ay magkakaiba?

Transforming ourselves, Transforming our world.


Paano na ang inang bayan
Kung tayo ay hindi magkaintindihan?

Paano?
Hindi ko na rin alam.

Ngunit, sa kabila nito


Batid kong alam nyo,
Na tayo’y pare-parehong mga Pilipino
May iisang ninuno, magkakadugo
Sa isip man o sa puso

Marahil may pagkakaiba sa ating lenggwahe


Subalit hindi ito dahilan, upang masira ang ating samahan
Bagkus ang pagkakaibang ito ang siyang daan
Tungo sa mas maunlad at mas mayamang perlas ng Silangan.

Wika mo ay wika ko
Tayo ay mga Pilipino.

Transforming ourselves, Transforming our world.

You might also like