Debate Moderator

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Magandang gabi mga kapatid at maligayang pagdating.

Ngayon ay matutunghayan natin ang


Debate sa Filipino 2023 ngayong ika tatlumpu’t isa ng Agosto, dalawang libo dalawampu’t tatlo
dito sa Bulwagang San Lorenzo Ruiz.

Upang pormal na umpisahan ang ating palatuntunan ay tinatawagan natin si Seminarista JJ


Abuan upang pangunahan tayo sa pambungad na panalangin. At manatili rin pong tayong
nakatayo para Pambansang Awit ng Pilipinas sa kumpas ni Seminarista Vince Pelenio.
(panalangin at pambansang awit)
Salamat Seminarista JJ at Seminarista Vince. Maaari na po tayong magsiupo. Ngayon po ay tinatawagan
natin ang ating dekano, Reberendo Padre Richard James Babao upang magbigay ng kanyang pambungad
na pananalita.
(mensahe ni Fr. Richard)
Salamat Padre para sa iyong mensahe.

Upang mas maunawaan pa natin ang paksang pag-uusapan at pagtatalunan ngayong gabi ay ating tawagin
si Seminarista Ericson Austria upang magbigay sa atin ng maikling pagpapakilala sa paksa.
(pagsasalita ni Ericson)
Salamat Seminarista Ericson.

Ngayon upang mas malaman natin ang mga mangyayari ngayon gabi ay tinatawagan natin si Seminarista
John Paul Toting upang ipaliwanag ang paraan ng pagtatalo.
(pagsasalita ni JP)
Salamat Seminarista JP.

Hindi makukumpleto ang debate kung hindi natin makikilala ang mga magigiting na tumanggap ng
hamon para sa ating palatuntunan ngayong gabi. Alam kong nagagalak na kayong makilala sila. Upang
ipakilala sa ating ang mga miyembro na bubuo ng dalawag panig na magtutunggalian ay tawagin natin si
Seminarista Roldan Baliano.
(pagsasalita ni Dan)
Salamat Seminarista Roldan.

---
Kapanapanabik ang matutunghayan natin ngayong gabi dahil maririnig nating ang dalawang
panig na magtutunggalian kung ang paggamit ng Artificial Intelligence tulad ng ChatGPT bilang
isang makabagong pamamaraan ng pananaliksik at pagkatuto ay makatutulong sa pagpapaunlad
ng kalidad ng edukasyon.

Alam kong nasasabik na kayong mapakinggan ang pangangatwiran at batuhan ng mga pahayag
at argumento. Kaya’t huwag na natin patagalin pa. Pormal na nating sisimulan ang tunggalian
kung saan ang katotohanan ang puhunan, talas ng isipan ang panglaban - DEBATE 2023.

PANGANGAILANGAN
Umpisahan natin ang tunggalian sa pagtukoy kung ang pinag-uusapang paksa, ang Artificial
Intelligence ay isang Pangangailangan o Hindi Pangangailangan.
Tinatawagan ngayon si Seminarista Adriane Gabito upang maglahad at magpahayag upang
mapagtibay ang usaping Artificial Intelligence ay isang Pangangailangan. Maaari mo nang
simulant.
(paglalahad ni Gab)

Seminarista Jeffrey Barcoma, maaari mo nang simulan ang pagsasagawa ng pagtatanong kay
Seminarista Gab hinggil sa iyong mga narinig.
(tanungan)

Seminarista Jeff, maaari mo nang simulan ang iyong pagpapahayag at paglalahad kung bakit sa
tingin mo ang Artificial Intelligence ay Hindi Pangangailangan.
(paglalahad ni Jeff)

Tinatawagan natin si Seminarista Gab upang magsagawa ng pagtatanong. Maaari mo nang


simulan.
(tanungan)

Maraming salamat Seminarista Gab at Seminarista Jeff sa iyong mga paglalahad. Maaari na
kayong bumalik sa inyong upuan.

PRAKTIKALIDAD
Ang ikalawang tema ng ating talakayan ay ang pagtukoy kung ang pinag-uusapang paksa ay may
Praktikal o Hindi Praktikal.
Tinatawagan ngayon si Seminarista Ryan Bernard Pablo upang maglahad at magpahayag ng
Praktikalidad ng Artificial Intelligence. Maaari ka nang mag-simula.
(paglalahad ni RB)
Seminarista Fernan Angelo Gonzales, maaari mo nang simulan ang pagsasagawa ng pagtatanong
kay Seminarista RB hinggil sa narinig mong paglalahad.
(tanungan)

Seminarista Gelo, maaari mo nang simulan ang iyong pagpapahayag at paglalahad kung bakit sa
tingin mo ang Artificial Intelligence ay Hindi Praktikal.
(paglalahad ni Gelo)

Tinatawagan natin si Seminarista RB upang magsagawa ng pagtatanong kay Sem. Gelo kaugnay
sa tema ng praktikalidad ng Artificial Intelligence. Maaari mo nang simulan.
(tanungan)

Maraming salamat Seminarista RB at Seminarista Gelo sa iyong pagtalakay hinggil sa usapin na


kung mayroon nga bang praktikalidad sa paggamit ng Artificial Intelligence. Maaari na kayong
umupo.

KAPAKINABANGAN
Ang ikatlo at huling tema ng ating talakayan ngayong gabi ay ang pagtukoy kung ang pinag-
uusapang paksa, ang Artificial Intelligence ay may Kapakinabangan o Hindi Kapaki-
pakinabang.
Ating tawagin si Seminarista Arjay Ligamzon upang maglahad at magpahayag ng
Kapakinabangan ng Artificial Intelligence. Seminarista Arjay, maaari ka nang makapag-simula.
(paglalahad ni Arjay)

Tinatawagan si Seminarista Ninonel Setosta, upang simulan ang pagsasagawa ng pagtatanong


kay Seminarista Arjay hinggil sa narinig mong paglalahad.
(tanungan)

Ngayon, Seminarista Nins, maaari mo nang simulan ang iyong pagpapahayag at paglalahad kung
bakit sa tingin mo ang Artificial Intelligence ay Hindi Kapaki-pakinabang.
(paglalahad ni Nins)

Tinatawagan natin si Seminarista Arjay upang magsagawa ng iyong pagtatanong kay Sem. Nins.
Artificial Intelligence. Maaari mo nang simulan.
(tanungan)

Maraming salamat Seminarista Arjay at Seminarista Nins sa iyong paglalahad hinggil sa


kapakinabang o hindi kapaki-pakinabang ng Artificial Intelligence. Maaari na kayong umupo.
Tayo ay nagpapasalamat sa anim na kalahok sa kanilang pagbabahagi ng kaalaman ukol sa
paksang pinag-uusapan ngayong gabi. Alam kong marami tayong natutunan sa ating mga narinig
at alam ko rin na may mga katanungan kayong gusto niyong bigyang linaw. Kaya sa puntong ito
ng ating palatuntunan ay tinatawagan natin ang ating Tagapamahalang Pangkalahatan,
Seminarista Paulo O. Magistrado upang pasimulan ang pagbubukas ng malayang talakayan.

(malayang talakayan)

Maraming salamat po sa inyong mga katanungan. Batid po naming nabigyan ng linaw ng mga
kalahok ang mga gumugulo sa iyong isipan na may kaugnayan sa paksang ating tinatalakay
ngayong gabi.
Kung wala na pong katanungan ay maaari na tayong dumako sa susunod na bahagi ng ating
programa – ito ang paggawad ng parangal. Tinatawagan natin ang ating butihing rektor sa
entablado, Reberendo Padre Roy Rexelle M. Decena upang pangunahan ang paggawad ng mga
parangal.
Ang una po nating igagawad ay ang katibayan sa paglahok. Hayaan niyo po akong basahin ang
nakasaad sa katibayan.
Holy Apostles Senior Seminary, SCPFC, EDSA Guadalupe Viejo, Makati City
Iginagawad itong Katibayan ng Paglahok kay (pangalan ng kalahok) bilang pagkilala sa
kanyang aktibong pakikilahok sa Debate sa Filipino 2023 na may proposisyong
“Pagtibayin: Ang paggamit ng Artificial Intelligence tulad ng ChatGPT bilang isang
makabagong pamamaraan ng pananaliksik at pagkatuto ay makatutulong sa
pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon.” Ngayong ika-31 ng Agosto 2023 sa Bulwagang
San Lorenzo Ruiz ng Holy Apostles Senior Seminary.
Nilagdaan nina SEM. PAULO O. MAGISTRADO, Tagapangasiwang Pang-Akademiko at
Reberendo Padre Richard James M. Babao, Direktor para sa Intelektwal na Paghuhubog.
Pagkakasunud-sunod: Sem. Gab, Sem. RB, Sem. Arjay, Sem. Jeff, Sem. Gelo, Sem. Nins

Isusunod na natin ang paggwad ng parangal sa kalahok na nagpamalas ng higit na galing sa


pakikipagtalastasan at pakikipagtalakayan.
Holy Apostles Senior Seminary, SCPFC, EDSA Guadalupe Viejo, Makati City
Iginagawad itong Gawad-Pagkilala kay (pangalan ng kalahok) bilang pinakamahusay na
pakikipagtalakayan sa Debate sa Filipino 2023 na may proposisyong “Pagtibayin: Ang
paggamit ng Artificial Intelligence tulad ng ChatGPT bilang isang makabagong
pamamaraan ng pananaliksik at pagkatuto ay makatutulong sa pagpapaunlad ng kalidad
ng edukasyon.” Ngayong ika-31 ng Agosto 2023 sa Bulwagang San Lorenzo Ruiz ng Holy
Apostles Senior Seminary.
Nilagdaan nina SEM. PAULO O. MAGISTRADO, Tagapangasiwang Pang-Akademiko at
Reberendo Padre Richard James M. Babao, Direktor para sa Intelektwal na Paghuhubog.
Una muna nating igagawad ang Pinakamahusay sa Pakikipagtalakayan. Iginagawad itong
pagkilala bilang Pinakamahusay sa Pakikipagtalakayan kay Seminarista_____________.

Ang susunod na igagawad ay ang pagkilala bilang Pinakamahusay sa Pakikipagtalastasan kay


Seminarista_____________.
Binabati namin ang mga kalahok sa mga ipinamalas nilang galing at talino.
Salamat po, Padre Roy.

Sa pagtatapos po ng ating palatuntunan ay tinatawagan natin sa harapan si Reberendo Padre John


Barro para sa pangwakas na pananalita at panalangin.
(panalangin)
Sa muli, ito po si Seminarista Bryan Valenzuela, ang guro ng iyong palatuntunan. Maraming
salamat at magandang gabi sa ating lahat.

You might also like