Quarter 1 Summative Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

NAME: DATE:

SECTION: SCORE:
GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN (ASYANO) SUMMATIVE TEST

1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan, at Silangang Asya. Alin sa mga sumusunod na salik
ang isinaalang-alang sa paghahating heograpikal na ito sa Asya?
a. etnisidad at wika b. kasaysayan at lahi c. klima d. pisikal, historikal at kultural
2. Tinatayang ang sangkapat (¼) ng kalupaan sa mundo ay damuhan o grasslands. Alin sa mga uri ng grasslands ang may mga
damuhang mataas na malalalim ang ugat na makikita sa Hilagang Asya?
a. prairie b. savanna c. steppe d. taiga
3. Kung ang vegetation cover sa Timog Silangang Asya ay rainforest, ano naman ang nasa mga lupaing malapit sa baybayin ng Arctic
Ocean na may kakaunting halamang tumatakip at halos walang punong nabubuhay dahil sa malamig na klima?
a. grassland b. savanna c. taiga d. tundra
4. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho.
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay mainit ang panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular o kapuluan ang karamihan sa mga bansa sa Asya.
5. Tingnan muli ang mapa ng Asya. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa Silangang Asya?
a. China at Korea b. Georgia at Armenia c. Indonesia at Pilipinas d. Israel at Jordan
6. Alin sa mga sumusunod na bansa ang pinakamalapit sa Pacific Ocean dahilan upang ang mga ito ay madalas daanan ng bagyo at
mapabilang sa tinatawag na Pacific Ring of Fire?
a. China at Japan b. Japan at Pilipinas c. Malaysia at Singapore d. Nepal at Sri Lanka
7. Kung ang ginto ay yamang mineral, alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng yamang tubig?
a. dalandan b. hipon c. pilak d. troso
8. Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral. Alin sa mga sumusunod na bansa dito ang itinuturing na pinakamalaking
tagapagluwas ng petrolyo sa mundo?
a. Iraq b. Kuwait c. Oman d. Saudi Arabia
9. May malawak na damuhan ang Hilagang Asya. Ano ang mainam na pinagkakabuhayan ng mga tao dito?
a. Paghahayupan b. Pagmimina c. Pagtatanim d. Pagtotroso
10.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan sa likas na yaman ng Asya?
a. Maraming iba’t-ibang likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya.
b. Pinakamayaman sa yamang mineral ang mga bansa sa Kanlurang Asya.
c. Mataba ang lupa sa mga lambak-ilog ng Asya kung saan may sari-saring pananim.
d. Magkakapareho ang mga produkto o likas na yaman ng bawat rehiyon sa Asya.
11.Ang Asya ay binubuo ng iba’t ibang vegetation cover. Bakit paiba-iba ang vegetation cover ng mga bansa sa Asya?
A. Dahil sa lokasyon at klima ng isang bansa.
B. Dahil sa iba’t ibang katangiang pisikal ng isang bansa.
C. Dahil sa iba’t ibang anyong tubig at lupa na nakapaligid dito.
D. Dahil sa paraan ng paggamit ng mga tao sa kanilang likas na yaman.
. 12.Malaki ang naitutulong ng mga Likas na yaman sa buhay ng tao. Kung ikaw ay mag- iisip ng paraan, ano ang iyong gagawin upang
higit na mapakinabangan ang likas na yaman at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa?
A. Kinakailangang i-export ang mga produktong lokal sa ibang bansa upang higit na pakinabangan ng
mamamayan.
B. Gagamitin ng wasto at pagyamanin ang mga likas na yaman upang makatugon sa pangangailangan ng tao.
C. Sasali ako sa mga usaping may kinalaman sa likas na yaman sa social media kagaya ng Facebook.
D. Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman.

13. Kung sa Kanlurang Asya ay may klima na bihira o hindi palagian ang ulan, ano naman ang katangian ng klima sa Timog Silangang
Asya?
A. Ang Timog Silangang Asya ay may mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na
nababalutan ng yelo.
B. Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng mga bansang nakararanas ng sapat na tag-init/tag-araw at
tag-ulan/taglamig.
C. Ang Timog Silangang Asya ay may sobrang lamig na klima kaya’t hindi kayang panirahan ng tao.
D. Ang Timog Silangang Asya ay may paiba-ibang klima na nararanasan sa loob ng isang taon.
14. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang mapangalagaan ang ating mga likas na yaman?
A. Pagtatapon ng basura sa tamang basurahan at pagsunod sa mga alituntunin na may kinalaman sa pangangalaga sa ating
kapaligiran.
B. Hindi pagsusumbong sa awtoridad sa mga namumutol ng puno ng walang permiso.
C. Mag-iimbak ng tubig ulan at gamiting panlinis o pandilig ng halaman.
D. Pagpatay sa gripo na hindi ginagamit.

15. Marami sa mga naninirahan sa Timog Asya ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka. Ano kaya ang ipinapahiwatig nito tungkol
sa lupain sa Asya?
A. Pagsasaka lamang ang alam gawin ng mga tao sa Asya.
B. Mahilig kumain prutas at gulay ang mga tao sa Asya.
C. Mataba at mainam pagtaniman ang lupain sa Asya.
D. Tamad ang mga tao sa Asya
NAME: DATE:
SECTION: SCORE:
16.Ang Kontinente ang pinakamalaking uri ng anyong lupa. Ano ang pinakamalaking kontinente sa daigdig?
A. Afrika C. Hilagang Amerika
B. Asya D. Timog Amerika
17. Base sa larawan na nasa gilid, ano ang tawag sa mga pahiga o pahalang na linya na natutukoy sa hilaga at timog na ekwador.
A. Ekwador B. Longhitud C. Latitud D. Prime Meridian
18. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon: Silangang Asya, Timog Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at
Hilaga/Gitnang Asya. Paano hinati ang Asya sa iba’t ibang mga rehiyon?
A. Isinaalang-alang ang mga aspektong pisikal, kultural, at historikal sa paghahati nito
B. sinaalang-alang ang lawak ng teritoryong nasasakupan ng mga bansa.
C. Pinagbasehan ang lokasyon at klima ng mga bansa.
D. Pinagbasehan ang mga likas na yaman.

19.Ang mapa at globo ay ginagamit sa pag-aaral ng heograpiya. Paano naiiba ang mapa sa globo?
A. Ang mapa ay isang patag na representasyon ng mundo habang ang globo naman ay pabilog.
B. Mas marami ang imahinaryong linya sa mapa kaysa globo.
C. Mas maraming impormasyon ang makikita sa mapa kaysa globo.
D. Ang mapa ay three dimensional na representasyon ng mundo habang ang globo naman ay two dimensional.
20. Malaki ang naitutulong ng mga Likas na yaman sa buhay ng tao. Kung ikaw ay mag-iisip ng paraan, ano ang iyong gagawin upang
higit na mapakinabangan ang likas na yaman at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa?
A. Kinakailangang i-export ang mga produktong lokal sa ibang bansa upang higit na pakinabangan ng
mamamayan.
B. Gagamitin ng wasto at pagyamanin ang mga likas na yaman upang makatugon sa pangangailangan ng tao.
C. Sasali ako sa mga usaping may kinalaman sa likas na yaman sa social media kagaya ng Facebook.
D. Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman.
21.Kung ang Pilipinas ay nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra, alin sa sumusunod ang pangunahing
produkto ng Malaysia?
A. Tanso
B. Liquified petroleum gas
C. Telang silk o sutla
D. Sibuyas, ubas at mansanas
22. Bakit mahalaga ang mga likas na yaman sa isang bansa?

I. Sapagkat ang likas na yaman ang tumutustos sa pangangailangan ng mamamayan


II. Sapagkat ang likas na yaman ay nagbibigay ng karangalan sa isang bansa
III. Ang likas na yaman ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales
IV. Ang likas na yaman ang nagbibigay ng yaman sa bansa.
A. I,II
B. III,IV
C. I,III
D. II,IV

23. Alin ang pinakaangkop na paglalarawan sa taglay na likas na yaman ng rehiyon ng Kanlurang Asya?
A. Ang rehiyon ng Kanlurang Asya ay salat sa likas na yaman.
B. Ang Kanlurang Asya ay mayaman sa langis at petrolyo.
C. Ang Kanlurang Asya ay nagluluwas ng Caviar (itlog) na mula sa Sturgeon.
D. Ang Kanlurang Asya ay mayaman sa yamang mineral kagaya ng langis at petrolyo.
24. . Bukod sa paglaban kontra droga, ipinasara rin ng dating Pangulong Duterte ang Boracay upang maibalik ang ganda at linis nito. Sa
iyong palagay, bakit mahalaga ang naging hakbang na ito ng Pangulo ng Pilipinas?
A. Ito ay mahalaga sapagkat nagpapakita ng pagmamalasakit ang Pangulo sa pangangalaga ng kalikasan.
B. Ito ay nagpapakita ng katapangan ng Pangulo na maisakatuparan ang kanyang mga plano sa
pagpapanumbalik ng ganda ng Pilipinas.
C. Ito ay mahalaga sapagkat muling mapapanumbalik ang kalinisan at kagandahan ng mga anyong tubig natin
na nakatutulong sa pagpapataas turismo ng bansa.
D. Ito ay mahalaga sapagkat nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakaroon ng timbang na ekolohikal ng
bansang Pilipinas.
25. Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay sagana sa lahat ng uri ng likas na yaman. Kung totoo iyon, bakit may mga bansa
pa rin dito na hindi maunlad?
A. Nasa tao nakasalalay ang pag-unlad ng isang bansa.
B. Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa taglay nitong likas na yaman.
C. Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa wasto at tamang paglinang at paggamit ng tao sa
kanilang likas na yaman.
D. Ang mga bansang maunlad ay may masaganang likas na yaman, ang mga bansang hindi
maunlad ay salat sa pinagkukunang yaman.
NAME: DATE:
SECTION: SCORE:

You might also like