Inilahad sa basahing ‘Mga Posisyong Papel ng Iba’t Ibang Unibersidad
Kaugnay ng Filipino sa Kolehiyo’ na: “ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ay matitiyak lamang kung may asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo. ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ay matitiyak lamang kung may asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo.” Isinasaad sa basahing ito na mapapalawak at higit pa nating mapahuhusay ang intelektwasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng asignaturang Filipino kaya’t nararapat lang itong manatili sa kurikulum ng kolehiyo sapagkat ang mga mag aaral ang marami pa ang kailangan linangin at pagyabungan ukol sa aralin ng Filipino.
Isinaad sa Posisyong Papel ng Pambansang Samahan ng
Linggwistikang at Literaturang Filipino (PSSLF) Kaugnay sa Filipino sa Kolehiyo ng kanilang organisasyon hinggil sa wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo, sakanilang mensahe nakalahad na: “Naninindigan ang aming organisasyon na gamitin ang wikang Filipino bilang mandatory na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC), bukod pa sa asignaturang Rizal. Ang ganitong paninindigan ay alinsunod sa patakarang bilinggwal sa edukasyon na ipinatupad sa pamamagitan ng Department Order No. 25, Series of 1974 ng Department of Education, Culture, and Sports (DECS) na hanggang ngayo’y operatibo at may bisa mula Baitang 4 hanggang antas tersyarya. Alinsunod sa nasabing dokumento, ang wikang pambansa ang dapat maging wikang panturo sa “social studies/social sciences, music, arts, physical education, home economics, practical arts and character education.” Katunayan, maraming asignatura sa larangan ng agham panlipunan sa kolehiyo ang matagal nang itinuturo sa Filipino. Iminumungkahi namin na palawakin pa ang saklaw ng Filipinisasyon ng wikang panturo sa kolehiyo sa pamamagitan ng mandatory na paggamit nito sa 12 yunit sa bagong GEC. Ang pagpapalawak sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo ay alinsunod din sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987. Nakahanda ang PSLLF na tumulong sa CHED sa pagsasanay ng mga guro sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa iba’t ibang asignatura sa kolehiyo, at gayundin sa paglikha at/o pagsasalin ng mga materyales na panturo. “
Sa kanilang mensahe kanilang ninanais at ipinagtitibay ang kanilang
kagustuhang gamitin ang wikang Filipino bilang mandatorya sa pagtuturo sa kolehiyo sila ay naglahad at nagbigay ng mga argumento at konsepto upang mapagtibay ang kanilang nais na resolusyon ukol sa nasabing Teksto.
Nakasaad sa Resolusyon ng National Committee on Language and
Translation Kaugnay ng Filipino sa Kolehiyo na:
“Sapagkat higit pa sa kapakanan ng mga gurong nakatakdang mawalan
ng trabaho o mabawasan ng kita, ito ay labag sa Konstitusyong 1987 gaya ng isinasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 na ". .dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon."
Inihahayag sa siping ito ang nagbabadyang suliranin kung ang
asignaturang Filipino ay hindi na isasasagawa at nakasaad din na ito ang labag sa Kontitusyong 1987 sapagkat nakasaad dito na ang pamahalaan ang gumawa ng puspusang hakbang upang mapalawak at mapalawig pang lalo ang pag gamit ng wikang Filipino bilang komunikasyonn at bilang wikang pagtuturo. Sa Resolusyon ng National Commission for Culture and the Arts Kaugnay ng Filipino sa Kolehiyo nakasaad ang tekstong:
“Sapagkat sinasaad sa konstitusyon ng 1987, sa artikulo XIV, seksiyon 6
na “ .dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon."
Similar sa nasabing Teksto ng National Committee on Language and
Translation Kaugnay ng Filipino sa Kolehiyo na nararapat nga lang na magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang mapagyabong at isagawa ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at wikang panturo.
Nakasaad sa Petisyon sa Suprema ng Tanggol Wika na;
“Sa proseso ng pagkatuto sa sapat at tumpak na kaisahan, patuloy ang
pagsasabuhay ng mga kaisahang babawi sa mga tagumpay ng legal na pakikitunggali at magpapatunay sa lakas ng mass movement. Magkakaroon ng serye ng gawain mula sa pagpapalaganap ng protesta at pagkalampag sa Korte Suprema sa epekto ng huling desisyon nito kaugnay ng GEC at K12. Inaasahang sisimulan ng Nobyembre 12 ang black ribbon wearing-black cloth hanging sa kani-kanilang departamento at paaralan/unibersidad. Magkatuwang ang malawak na protesta/people’s outrage ang dramatikong paghahain ng Motion for Reconsideration sa Korte Suprema. Susunod ang isang press forum para sa malawakang paglilinaw n apaninindigan ng iba’t ibang sectoral stakeholders, organisasyong pangwika, departamento ng Filipino, maninindigang administrador at pati mga nasa burukrasya ng pamahalaan.”