Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Division of Zamboanga Del Sur
MOLAVE VOCATIONAL TECHNICAL SCHOOL
Molave, Zamboanga del Sur

ARALING PANLIPUNAN 10
Special Program for Technical Vocational Education Curriculum
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
Abril 20-21, 2023

Pangalan: ______________________ Baitang at Seksyon: _____________ Petsa: __________ Iskor

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang bago ng bilang ang titik ng pinakatamang
sagot.

_____1. Paano nagkakaiba ang kasarian at sekswalidad?


A. Ang kasarian at sekswalidad ay pwedeng palitan ng tao.
B. Ang kasarian at sekswalidad ay parehong gampanin ng isang tao sa mundo.
C. Ang kasarian ay epekto ng kultura samantalang ang sekswalidad ay biyolohikal.
D. Ang kasarian ay biyolohikal samantaalang ang sekswalidad ay base sa kultura ng tao.
_____2. Paano mailalarawan ang mga homosekswal na tao?
A. Si Richard ay may dalawang anak kay Sarah.
B. Si Aiza at Liza ay nagpakasal sa ibang bansa.
C. Si Rustom ay nakipag-isang dibdib kay Carmina.
D. Si Kylie at Aljur ay naghiwalay dahil kay AJ Raval.
_____3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa malalim na damdamin at personal na pangkasarian ng tao na
maaring makatugma o hindi sa sex niya nang siya ay ipinanganak?
A. Sex B. Gender C. Gender Identity D. Sexual Orientation
_____4. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga pangkat ng oryentasyong sekswal, maliban sa:
A. Bisexual B. Heterosexual C. Homosexual D. Intersexual
_____5. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng lalaki sa babae?
A. Sex B. Gender C. Bisexual D. Transgender
_____6. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawain na itinakda ng
lipunan para sa mga babae at lalaki?
A. Sex B. Gender C. Bisexual D. Transgender
_____7. Ang oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim
na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit
sa isa. Alin sa mga sumusunod na mga uri ng oryentasyong sekswal na kung saan ang isang tao ay
nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian?
A. Sex B. Gender C. Bisexual D. Transgender
_____8. Anong batas ang naglalayong itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang
alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao?
A. Magna Carta for Women C. Women discrimination Bill
B. Women for Magna Carta Act D. Act Against Women Discrimination
_____9. Alin sa mga sumusunod na batas ang nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga
anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa lumalabag
nito?
A. Women and Chidren Act C. Anti-Women and Children Act
B. Act for Women and Children in Discrimination D. Anti-Violence Against Women and Children Act
_____10. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito
ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang
larangan. “Marginalized Women”, at “Women in Especially Difficult Circumstances”. Alin sa mga
sumusunod ang kabilang sa “Women in Especially Difficult Circumstances”?
A. Maralitang tagalungsod C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
B. Kababaihang Moro at katutubo D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot.
_____11. Sa Pilipinas, ang LGBT ay binigyan ng pagkakataong makilahok sa mga gawaing nagpapaunlad sa estado,
maliban sa:
A. Hanapbuhay B. Homosexual Acts C. Militar D. Politika
_____12. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong ipinatutupad ang community
quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon?
A. Marginalized Women C. Women in Marginal Society
B. Focused Women of the Society D. Women in Especially Difficult Circumstances
_____13. Ano ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at pulitikal na larangan kundi pati na rin sa aspetong kultural,
pangekonomiya, panlipunan at pampamilya?
A. Conference Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against War
C. Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination Against Women
D. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
_____14. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay sa
karapatan ng mga babae. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng Estado bilang State Party sa CEDAW,
maliban sa:
A. Paggalang sa karapatan ng kababaihan. C. Kondenahin ang pamahalaan dahil dito.
B. Masolusyunan ang laganap na diskriminasyon. D. Ipagtanggol ang karapatan ng kababaihan.
_____15. Paano nagampanan ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa mga kababaihan?
A. Pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.
B. Pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anuman ang layunin nito.
C. Pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga kalalakihang biktima ng karahasan.
D. Pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga kababaihang biktima ng pang-aabuso at
diskriminasyon
_____16. Kapag nakakita ka ng isang babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng
biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, biktima ng prostitusyon at mga babaeng
nakakulong, paano mo siya matutulungan?
A. Ipagtanggol siya sa mga mapanakit na tao gamit ang dahas.
B. Ipakita mo sa kanya ang kahalagahan ng pagtatago para hindi na muling maabuso.
C. Ipamulat mo sa kanya ang kahalagahan ng paglaban gamit ang kanyang mga karapatan.
D. Isumbong sa iyong mga magulang ang iyong nasaksihan para mayroon kayong mapag-usapan.
_____17. Bilang isang mamamayang Pilipino, gaano kahalaga ang “Gender Equality Rights” sa ating bansa?
A. Pagbibigay prayoridad sa mga nakakaangat at may posisyon sa lipunan.
B. Pagsusulong sa mga karapatan ng mga lalaking mapang-abuso pero nagbibigay ng sustento.
C. Pakawalan ang mga nakakulong na miyembro ng LGBT dahil karapatan nilang maging malaya.
D. Pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay alinsunod sa mga Batas ng Pilipinas.
_____18. Alin sa sumusunod ang tawag sa taong walang kinabibilangang kasarian kaugnay ng kaniyang
nararamdaman para sa kaniyang sarili?
A. Asexual B. Intersex C. Queer D. Questionable
_____19. Si Juan dela Cruz ay ipinanganak na may dalawang ari, alin sa mga sumusunod na kasarian siya
nabibilang?
B. Asexual B. Intersex C. Queer D. Questionable
_____20. Ang mga sumusunod ay katangian ng mga kalalakihaan, maliban sa:
A. May bayag C. Nagkakaroon ng adams apple
B. Malapad ang dibdib D. Nagkakaroon ng buwanang regla
_____21. Nakita mong inaabuso ng iyong amain ang mga nakababata mong kapatid. Anong hakbang ang
dapat mong gawin?
A. Makipagsuntokan laban sa kanya. C. Magtago sa lugar na hindi ka niya makikita.
B. Humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan. D. Pumunta sa DSWD at isumbong ang pangyayari.
_____22. “LGBT rights are human rights”, ito ay isang pahayag galling sa isang United Nation Secretary General na si
Ban Ki – Moon. Alin sa mga sumusunod ang mas naglalarawan sa kanyang salaysay?
A. Ang mga miyembro ng LGBT ay mga tao rin.
B. Ang mga LGBT ay may eksklusibong karapatang-pantao.
C. Ang LGBT ay may karapatan na mas mataas sa ibang tao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.
_____23. Bakit kailangang malaman ng lahat ng mamamayan ang mga batas na tumutugon sa mga diskriminasyon at
karahasan sa ating bansa?
A. Upang maipagmayabang ito sa ibang bansa
B. Dahil ito ay popular ngayon sa buong mundo
C. Para malaman ng lahat ang kanilang mga karapatan
D. Sapagkat ito ay matagal na tinatago ng ating pamahalaan
_____24. Paano mo magagamit ang iyong kaalaman sa mga batas laban sa diskriminasyon at karahasan?
A. Maari ko ng hulihin ang mga may kasalanan.
B. Maipagtatanggol ko na ang aking sarili laban sa kasamaan.
C. Pwede na akong tumakbo bilang opisyal ng ating pamahalaan.
D. Pasisikatin ko ang mga bayolente at mga makasalanan sa aming pamayanan.
_____25. Sa inyong komunidad, napapansin mong laganap ang diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBTQIA+.
Bilang isang kabataang sumusuporta sa gender equality, paano mo matutugunan ang isyung ito?
A. Maging miyembro ng LGBT sa inyong lugar.
B. Makipag-away sa mga taong ayaw sa mga bakla at tomboy.
C. Mag-organisa ng rally at maging marahas sa inyong lugar para magising ang mga tao.
D. Makipagtulungan sa mga kinauukulan na itaguyod ang batas na magpoprotekta sa mga LGBT.
_____26. Paano mo maisasabuhay ang gender equality sa inyong pamilya?
A. Ang mga anak ay nagtutulungan sa mga gawaing bahay.
B. Ang mga babae ay hindi maaaring gumala para hindi agad makapag-asawa.
C. Ang mga lalaki ang pinag-aaral dahil sila ang matatalino at magaling maghanap ng trabaho.
D. Ang iyong ama lamang ang dapat na magtatrabaho at magbibigay sustento sa buong pamilya.
_____27. Ikaw ay may matalik na kaibigan, subalit habang tumatagal ang inyong pagkakakilanlan sa isa’t isa ay unti-
unti mong napapansin na ang kanyang kilos ay taliwas sa kanyang kasarian. Paano mo agad malalaman ang
kanyang tunay na pagkatao?
A. Pilitin mo siyang umamin sa kanyang tunay na pagkatao.
B. Hayaang siya ang magsabi sa iyo tungkol sa tunay niyang kasarian.
C. Magtanong ka sa ibang tao at hayaang sila ang maghusga sa tunay na kasarian ng iyong kaibigan.
D. Mag-usap kayo ng masinsinan na may respeto at itanong mo sa kanya ng maayos ang tungkol sa
kanyang tunay na kasarian.
_____28. Isaayos ang sumusunod na mga mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas.
Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
I. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod sa Diyos.
II. Ang kababaihan sa Pilipinas, maging sa kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay pagmamay-ari
ng mga lalaki.
III. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng kababaihan tulad ng
Magna Carta of Women.
IV. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa
paglaban sa mga Hapon.
V. Sa panahon ng mga Amerikano, maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilaan upang mabuksan
ang kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
A. I, III, V, II, at IV B. I, II, III, V, at IV C. I, II, III, IV, at V D. I, II, IV, V, at III
_____29. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng discrimination by association?
A. Hindi nakuha ni Dexter ang trabaho dahil sa kanyang edad.
B. Tinanggal si Ana sa trabaho dahil may galit sa kanya ang may-ari ng kompanya.
C. Hindi tinanggap sa trabaho si Bryan dahil ang kanyang kapatid ay may kapansanan.
D. Hindi pinapasok si Diane sa isang restaurant dahil sa simple lang ang suot niyang damit.
_____30. Bakit mahalaga ang Republic Act 9262? Ang batas na ito ay nagpoprotekta sa mga:
A. kababaihan at LGBT C. kabataan at kababaihan
B. kabataan at kalalakihan D. kalalakihan at kababaihan
_____31. Si Pilar ay isang Human Resource Officer at naniniwala siyang ang mga kababaihan ay magagaling sa
negosasyon dahil sa kakayahan nitong humanap ng mga paraan at kompromiso, kaya nang may nagbukas
na bakanteng posisyon sa pagka-negosyador ay mga babae lamang ang kaniyang binigyan ng pagkakataon
sa interview. Alin sa mga uri ng diskriminasyon ang ipinapakita nito?
A. Direct Discrimination C. Discrimination by Perception
B. Indirect Discrimination D. Discrimination by Association
_____32. Ang Female Genital Mutilation (FGM) ay gawain na impluwensiya ng tradisyon sa Africa at Kanlurang asya.
Paano mo maipapaliwanang ang prosesong ito?
A. Kagustuhan ito ng mga kababaihan. C. Ginagawa ito para maging ganap na babae.
B. Binabago nito ang ari ng kababaihan. D. Ginagawa ito para maging tomboy ang mga kababaihan.
_____33. Batay sa datos ng World health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Sa kabila ng
pagtututol ng mga kababihan ditto, bakit patuloy pa rin itong isinasagawa?
A. Upang maging ganap na babae.
B. Upang hindi makapag-asawa ang mga kababaihan.
C. Upang maging malinis ang mga kababaihan sa kanilang lugar.
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang mga babae haanggang sa siya ay maikasal.
_____34. Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang rape sa mga lesbian (tomboy). Paano mo
maipapaliwanag ang karahasang ito?
A. Kawalan ng respeto sa mga lesbian.
B. Paraan ng pagpaparusa sa mga lesbian.
C. Magbabago ang kanilang oryentasyon matapos gahasain.
D. Pang-aabuso sa mga karapatan ng mga miyembro ng LGBT.
_____35. Sa Pilipinas, ang mga umiiral na mga konsepto tungkol sa LGBTQIA+ ay mula sa magkasamang
impluwensiyang international media at ng lokal na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas na
mangibang-bansa. Sa mga huling bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90, maraming pagsulong
ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBT. Paano nito nabago ang
pananaw ng mga tao sa mga miyembro ng LGBTQIA+?
A. Maraming LGBT ang pumunta sa ibang bansa.
B. Unti-unting natatanggap ng lipunan ang mga LGBT.
C. Patuloy ang diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT.
D. Walang pakialam ang mga tao sa mga miyembro ng LGBT.
_____36. May isang botante na hindi ibinoboto ang mga matatandang politiko dahil sa paniniwalang sila ay
mababagal at hindi na maasahan sa mga trabaho. Aling katangian ang naging batayan sa diskriminasyong
ito?
A. Lahi B. Edad C. Kasarian D. Kapansanan
_____37. Si Mark ay isang guro sa elementarya. Madalas siyang sinasabihan ng kaniyang kasamahan na hindi siya
nararapat doon dahil sa kaniyang pagiging homosexual. Maaari niya raw maimpluwensiyahan ang mga
batang kaniyang nakakasalamuha. Ano ang batayan ng diskriminasyon na tinutukoy dito?
A. Lahi B. Edad C. Kasarian D. Kapansanan
_____38. Iba’t-iba ang gampanin ng mga babe at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Para sa mga
Arapesh, kapwa ang babe at lalaki ay maalaga o mapag-aruga, matulungin, at mapayapa, samantalang sa
mga Tchambili ay:
A. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin.
B. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente.
C. Ang babae ang abala sap ag-aayos ng sarili at mahilig sa kwento, samantalang ang kalalakihan ay
dominanteat naghahanap ng makakain.
D. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain, samantalang ang kalalaakihan ay abala sap ag-
aayos ng sarili, at mahilig sa kwento.
_____39. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa mga ito?
A. Pambubugbog B. Panganganak C. Sex Trafficking D. Sexual Harassment
_____40. Bilang isang miyembro ng Sangguniang Kabataan sa inyong pamayanan, paano mo maisusulong ang
pagtanggap ng mga LGBTQIA+ sa lipunan?
A. Maging tahimik lang at hayaan na ang pamahalaan na tumugon sa isyung ito.
B. Makipagsabayan sa mga taong kinukundina ang mga miyembro ng LGBT sa inyong pamayanan.
C. Hikayatin ang mga kakilala na mga miyembro ng LGBT na magbagong buhay at piliing maging heterosexual.
D. Maging aktibo sa inyong barangay at maging tagapagsalita sa isang symposium na naglalayong ipaliwanang
ang gender equality sa lahat.

Inihanda ni:
TERESA V. MUNAR
Subject Teacher

Iniwasto:
VICENTA P. POCOT
TIII, ArPan Department

Sinuri:
ROAN S. PEDREGOSA
Acting Head, ArPan Department

Inaprubahan:
LUTHER D. CASTELO EdD.
School Principal IV

You might also like