Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
BOSTON NATIONAL HIGH SCHOOL
Banghay-aralin sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11
September 19, 2022

Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng
wika sa lipunang Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng
Wikang Pambansa ng Pilipinas.

I- LAYUNIN
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang kahulugan, kahalagahan, at kalikasan ng wika;
b. nabibigyang halaga ang mga batayang kaalaman sa wika
c. nakasasagot sa kanilang lagomang pagsusulit tungkol sa mga batayang kaalaman sa wika

II- NILALAMAN
a. Paksa: Mga Batayang Kaalaman sa Wika
b. Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Pahina 4-9
c. Mga Kagamitan: Aklat, Manila Paper, Pentle Pen

III- PAMAMARAAN
A. Paunang Gawain:
a. Pagbati.
b. Pagtsek ng Attendance
(Ang guro ay magtatanong sa isang representante ng klase kung sino ang lumiban at kung sino
ang hindi nakasuot ng kumpletong uniforme sa grupo.)

c. Pagbabalik – aral.
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang mga natutuhan sa
kanilang nakaraang sesyon.

d. Pagganyak
Panuto: isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang wika para s aiyo. Tingnan ang una
bilang halimbawa.
e. Pagtatalakay
Ang Unang pangkat ay mag-uulat tungkol sa naiatas sa kanilang mga paksa mula sa mga
Batayang kaalamn sa Wika.

f. Pagbubuod
Bibigyan ang mga tagapag-ulat at kanilang mga kaklase ng pagkakataon upang
magkaroon ng tanong at sagot.

IV- EBALWASYON
a.Pagtataya
Lagomang Pagsusulit
Panuto: Sagutan ang mga katanungan sa isang pahabang kalahating papel.

b. Pagwawasto sa kanilang mga sagot sa lagomang pagsusulit

c. Paglalahat
Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral na sasagot sa mga sumusunod na katanungan.

Mga Tanong
1. Ano-ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika s aiyo bilang mag-aaral?
2. Ano- ano ang naiisip mong kahalagan ng wika sa lipunan?
3. Ano- ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika sa inyong magkakaibigan?

V- TAKDANG – ARALIN
Panuto: Sa isang buong papel, isulat kung ano sa iyong palagay ang naitutulong ng wika sa
mga sumusunod na larangan.
1. Panitikan
2. Negosyo
3. Edukasyon
4. Medisina
5. Batas
6. Siyensiya
7. Media
8. Teknolohiya
9. Musika
10. Sining

Binigyang puna ni:


EULYN P. LINTOGONAN
Head Teacher I

Inihanda ni:
ELYKA L. ALCANTARA
T–I

You might also like