Alamat NG Ahas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“SURING-BASA”

Proyekto sa Asignaturang Filipino

Pamagat ng Kuwento: Si Inday at ang kaniyang bagong selpon.


Bansang pinagmulan ng akda: Pilipinas
Mga Tauhan:
Si Inday ay siya ay Protagonista at siya ay bilog dahil nung nag ka selpon siya hindi niya na
madalas kausap nanay niya at lagi nalang siya nakatutok sa selpon. Ngunit siya ay natauhan
noong siya ay nanakawan o nabudol siya ng selpon
Si Aling Peling siya ay lapad dahil andiyan lang siya sumusuporta sa kaniyang anak. Siya ay
mapagmahal, mapag alagang ina.
Si Rico ay Antagonista dahil siya ang nag nakaw o nagbudol sa selpon ni Inday.
Si Fiona ay lapad na tauhan dahil siya ang kaibigan ni Inday at siya ay masuportang kaibigan.

Noon sa probinsiyang tahimik at payapa Makikita mo Si inday siya ay grade 6 kung kaya’t malapit nang
makatapos ng elementarya. Sa katunayan Si Aling Peling halos hindi na makatulog kaka-isip kung ano
ireregalo sa kaniyang anak na si Inday. Isang araw, namasyal si Inday sa bahay ng kaniyang kaibigan na si
Fiona. nagkaroon ng oras si Aling Peling upang bumili ng regalo para sa anak niya. Dali-dali siyang pumunta
sa pamilihan at dahil doon nakakita siya ng isang selpon. Nagkasya ang pera ng Nanay ni Inday para sa
bagong selpon na ireregalo sa anak sa pagtatapos niya sa elementarya.Pagkatapos umuwi, agad niya itong
binalot at itinago sa kanyang aparador. Lumipas ang isang linggo at dumating na ang araw na pinakahihintay
nina Aling Peling at Inday. Naiiyak Si Aling Peling habang isinusuot sa anak ang medalya sa ibabaw ng
entablado. Pagkatapos ng seremonya, nagpakuha ng litrato ang mag-ina. Inabot rin ni Aling Peling ang
kanyang sorpesa kay Inday na agad naman nitong binuksan. Isang gabi, palagi nang nakatutok sa selpon si
Inday. Kahit bakasyon,at di na niya makausap o mapansin ang kaniyang nanay kakaselpon Palagi niya kasing
ka-text si Rico o ‘di kaya ay nagtatawagan sila. Nangagarap si Inday na baka matangkad, at Gwapo si Rico.
Narinig ni Aling Peling ang mga sinabi ni Inday kay Fiona tungkol kay Rico. Tinawag niya ang anak at
kinausap ito. Sinabihan niya ito na Sa selpon mo lang yan nakilala kaya dapat di ka maniwala diyan. Sinabi ni
Inday na magkikita daw sila Ni Rico para mas makilala niya pa si rico sinabi niya ito sa kaniyang inay na
padabog at pumasok sa kaniyang kwarto. Isang araw, pagka gising ni Aling Peling ay wala na ang anak sa
tabi niya. Inisip niya na umalis na siguro si inday. Hindi man lang nagpaalam si Inday sa ina niya. Bumangon
na ang matanda, nagluto ng almusal, at inihanda ang kanyang mga paninda sa araw na iyon. Pagkatapos
kumain ay lumakad na siya dala-dala ang kanyang mga lutong bibingka. Nagbenta si Aling Peling malapit sa
parke. Marami ang bumili sa kanya at noong papaalis na siya para umuwi ay nakita niya si Inday mula sa
malayo. Kahit hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng anak, alam niyang umiiyak ito. Tinanong ng
kaniyang nanay na bakit siya umiiyak sabi ng kaniyang anak na nawawala daw si rico at dala-dala niya daw
ang bag ni Inday. Sabi ni Rico kay Inday bago siya umalis na naiihi lang siya at bigla ng umalis sabi ni Inday
habang umiiyak. Kinuwento ni Inday na nagkita sila ni Rico sa parke at pagkatapos ng Isang oras na pag-
uusap ay sinabi nitong bitbitin ang bag niya. Habang naglalakad sila ay isinabit ng binata ang bag ni Inday sa
kanya kung kaya’t nahiya na siyang kunin ito. Kasama sa nawalang bag ni Inday ay ang bagong selpon na
ipinag-ipunan at binigay ng nanay niya sa kanya. Lubos ang kanyang pagsisisi dahil hindi siya nakinig kay
Aling Peling o sa kaniyang Nanay.

Komento sa estilo ng may akda

Ang may akda ay nagbibigay saatin ng paalala na huwang muna magtiwala sa mga tao na hindi mo pa
lubusang kilala dahil baka may gawin silang masama saatin. Nagpapakita din ito na mag ingat lagi sa mga
gamit na ibinigay ng magulang natin dahil madaming pawis at sikap ang pinagdaanan nila para lang mabili nila
ang gusto natin. Kailangan din natin na makinig sa mga magulang natin dahil sila ang nakakatanda at may
alam.

Kulturang makikita sa akda

Ang kulturang makikita sa may akda ay kaugalian ng sakatauhan na may taong masama at hindi kaya
kailangan nating making sa mga payo sa nakakatanda upang tayo ay magabayan ng tama.

You might also like