Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Madalas nating marinig, lalo na mula sa mga Tagalog, maka-Tagalog, at maging ng inga di-Tagalog na

nagdududa sa pagkakaiba ng Tagalog sa Pilipino at sa Filipino, na “Tagalog din naman ‘yan,” kapag
gumamit ng halimbawang pangungusap sa Filipino gaya ng “burahin mo ng eraser ang blakbord.”

Kadalasan, ang ganitong mga obserbasyon ay bunga ng hindi pagkakita ng pagkakaiba su naririnig o
maging sa nababasang esensiya ng wikang Filipino sa kabila ng pagbabago sa tawag dito.

Mula sa probisyon ng Konstitusyon ng 1935, batay sa isang wika ang wikang pambansa. Tagalog ang
naging batayan nito ayon naman sa Executive Order 134 na pinirmahan ni Pang. Manuel L. Quezon
noong 30 Disyembre 1937. Tinawag itong Pilipino noong 1959, batay sa Department Order No. 7 mi Sek.
Romero ng Department of Education. Sa sumunod na pagbabago ng Konstitusyon, noong 1973, hindi na
isa, kundi lahat ng wika ng Pilipinas, kasama ang Ingles at Espanyol, ang batayan ng Wikang Pambansa
Nilinaw naman at pinatibayan ito na tatawaging

Filipino sa Konstitusyon ng 1987. Politikal ang pangunahing dahilan ng pagbabago ng wikang pambansa.
Sa isang banda, may kawalang kasiyahan ang mga di Tagalog sa pangunguna at pagdodomina ng isang
wika, ang Tagalog, sa atena ng komunikasyon at edokasyon

Sa bansa. Sa kabilang banda, hindi matatanggap ng mga di-Tagalog na hindi bahagi Ng wikang pambansa
ang kanilang wika.

Sa puntong ito, tatalakayin ko ang konseptuwal na batayan ng Filipino dahil higit nitong maipapaliwanag
at mailalarawan ang esensiya at katangian ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Konseptuwal na Batayan ng Filipino

Ang isang konsepto, ayon sa diksiyonaryo ay isang idea o abstraktong prinsipyo kaugnay ng isang
partikular na paksa o pananaw sa paksa.” Iba ito sa depinisyon na “isang pahayag na nagpapaliwanag ng
kahulugan ng salita o ekspresyon.”

Bilang konsepto, dalawang pangunahing idea ang maiuugnay sa wikang Filipino. Ang mga ito ay ang
lingua franca, at ang diyalekto ng wikang Filipino.

Lingua Franca at Karanasang Komon ng mga Filipino

Nakabatay sa konsepto ng lingua franca ang bagong wikang pambansa. Ang lingua franca ay isang
wikang nagagamit ng dalawang taong magkaiba ang unang wika Kaugnay ito ng konsepto ng “language
of wider communication” ni Joshua

Fishman, isang sosyolingguwista.

Sa konseptuwal na batayan ng Filipino, may nagagamit na isang wika (ito na nga ang Filipino) ang mga
Filipinong may sinasalitang sari-sarili nilang wika, Le. Unang wika. Naging posible ito dahil sa tatlong
pangunahing bagay na komon sa mga Filipino: pagkakahawig ng mga wika ng Pilipinas at komon na
katawagan sa mga bagay; karanasang pangkalakalan (Tsino) at kolonyal (Espanyol, Amerikano, Hapon)
mula sa mga banyaga; at pag-unlad ng gamit ng Pilipino (batay sa Tagalog) mula sa pagpapalaganap dito
ng mass media at mga eskuwelahan.

Tingnan ang dayagram na maglalarawan ng konseptong ito:

M-Media eskuwelahan
Lisang Pamilyang Pangwika (Malayo-Polynesian/ Austronesian)

Pangangalakal/ Kolonisasyon Migrasyon

Pilipino (batay sa Tagalog)

Mga Bokabularyong Komon

Mga Wikang Banyaga (Ingles, Espanyol, Tsino, Hapon)

Lingua Franca

Matagal nang isyu ito mula pa noong panahon ng Amerikano. Ipinanukala na nina Eusebio Daluz (1915),
Notherto Romualdez (1918), Maximo Kalaw, dekano ng College of Liberal Arts, Jorge Bocobo, Dekano ng
College of Law ng UP at Secretary of Education at Vice-Governor George C. Butte noong 1931 ang
pagbuo ng wikang pambansa mula sa mga wika sa Pilipinas. Maraming mga balitaktakan sa Philippines
Free Press at hablahan ang naganap noong dekada 60 hanggang 80. Ang huli ang nagbunsod sa mga
delegado ng 1973 at 1987 Constitutional Convention para baguhin ang wikang pambansa.

Horizontal vs. Vertical

Tinitingnan ng ilang mga lingguwista at sosyolingguwistang Filipino na konseptuwal (horizontal) ang


pagbabago sa wikang pambansa. Kung gayon, sosyo sikolohikal, eg, atityud sa wika, ang resulta ng
pagbabago. Ang lingguwistikong resulta ng pagbabago ay hindi agad nagaganap kundi pagkaraan.

Gayumpaman, may mga naniniwala naman na historikal (vertikal) ang batayan ng pagbabago. Mula raw
sa Tagalog, lumaganap at umunlad ito sa pagdaan ng Panahon.

Narito ang dayagram ng pagkakaiba ng dalawa

Konseptuwal (horizontal) na batayan ng wikang pambansa

Filipino wika

Mga wika sa Pilipinas

Mga banyagang wika

Lingua franca

Historikal (vertical) na batayan ng wikang pambansa Konstitusyon

Tagalog
Pilipino (Tagalog +)

Filipino (Pilipino+)

Sa pag-aaral ng mga lingguwista, tinatanggap na halos kalahati ng bokabularyo ng lahat ng katutubong


wika ng Pilipinas ay magkakahawig, kung hindi man magkakapareho.

Halimbawa nito ang salitang tao, bigas, agat

(a)

Tagalog: Maguindanao

Tiboli

Tao

Tao

Tawu : Waray

Binukid Mangyan; Butuanon

Tawo: Abellen Agta, Ambala (Olongapo) Masadiit Abra, Sebwano, Hiligaynon

(b) ugat: Tagalog, Casiguran Agta, Bukid Mangyan, Bikol Adasen Abra, Aklanon

(c) bigas: Tagalog, Biningan Abra, Mangyan, Tiruray

Begas: Batac Palawan, Cuyunen Palawan, Binukid


Tagalog, Casiguran Agta, Bukid Mangyan, Bikol Adasen

Abra, Aklanon

Tagalog, Biningan Abra, Mangyan, Tiruray

Batac Palawan, Cuyunen Palawan, Binukid

Bugas: Dibabawon Davao, Samal, Subanen

Ang mga salitang Tsino na nagagamit ng mga Filipino ay dala ng mga mangangalakal na Tsino noong
panahong bago pa dumating ang mga Espanyol at Tsinoy sa kasalukuyang panahon. Ang mga salitang
gaya ng pansit, siopao, siomai, kikiam, hototay, at iba pa ang halimbawa ng mga salitang tumutukoy sa
pagkain na kadalasang nahihiram natin sa mga Tsino. Ang iba pang salitang banyaga mula sa Hapon,
Espanyol, at Ingles ay naging bahagi na ng ating bokabularyo dahil sa kolonisasyon sa ating bansa at sa
patuloy na migrasyon.

Kaugnay naman nito, malaki ang naging papel ng mass media (radyo, TV,

Print, kasama ang mga pelikula) para ipalaganap ang pinagtibay na wikang

Pambansang Filipino batay sa Tagalog Itinuro at ginamit din ito sa mga eskuwelahan

Kung kaya’t lumawak at lumaganap ang wikang ito.

Ang mga wika at mga salitang mula sa mga nabanggit ang bumubuo ngayon sa tinatawag na lingua
franca kung saan may malaking papel ang mass media at eskuwelahan sa paglaganap nito.

Mga Diyalekto ng Filipino at Pagkilala

Sa mga Katutubong Wika ng Pilipinas

Bilang lingua franca, nadedevelop nang pasalita ang Filipino. Gayundin, isa itong pangalawang wika ng
mga Filipino sa dahilang may kani-kanilang mga katutubong unang wika ang bawat isa, gaya ng Ilokano,
Sebwano, Hiligaynon, Pampango, Bikol, Tausug, Maranao, maging Tagalog. At dahil pasalita, malaki ang
papel ng mga katutubong unang wika sa pagbuo at pag-unlad ng wikang ito.
Sa sosyolingguwistika, tinatawag na interference ang nangyayaring epekto ng unang wika sa
pangalawang wika sa oras na ginamit ito, lalo nang pasalita. Hindi lamang sa aspektong leksikal (salita)
kundi pati morpolohikal, lalo na sa paggamit ng panlapi nagkakaroon ng interferens ang unang wika.
Dahil dito, nagkakaroon din ng codesmitching o pagsasalitan ng estruktura ng katutubong wika (unang
wika)

At lingua franca. Ganito ang nangyayari sa Filipino kaugnay ng mga wika sa Pilipinas.

Dahil dito, nadedevelop ang tinatawag na diyalekto ng Filipino. Halimbawa, katangian ng wikang
Sebwano ang hindi umulit ng mga pantig hindi gaya ng Tagalog, at hindi paggamit ng panlaping am at sa
halip ay ma- Magiging ganito, humigit kumulang, ang anyo ng diyalektong Sebwano ng Filipino o
Cebuano Filipino:

Huwag kang magdali sa laro.

Madali ang pagturo ng Filipino

Puwedeng tanggapin ito bilang diyalekto at varyant ng Filipino

Tingnan naman ang pinaunlad na dayagram na maglalarawan ng pagsasama ng konsepto ng lingua


franca at diyalekto, kaugnay ng pangkalahatang konsepto ng wikang Filipino:

Mass Media Edukasyon Isang Pamilya ng Wika (Malayo-Polynesian/ Austronesian).

You might also like