Pagsusulit Liham

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan : ______________________________ Petsa : _____________

Kurso at Taon: ______________________________ Marka : _____________

PANUTO : Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa nakalaang patlang ng bawat bilang.

1. Sek. 7 11. Ang Lagda


2. Linya ng paksa 12. magalang
3. Pagsulat ng liham 13. Linya ng tagapamagitan
4. Pambungad na liham 14. Makalumang pamuhatan
5. Bating panimula 15. Sek.9
6. Katawan ng liham 16. Liham pagtatanong
7. Linya ng panawag-pansin 17. Resume na kronolohikal
8. Konstitusyon ng 1987 18. Buo ang kaisipan
9. Makabagong pamuhatan 19. mapitagan
10. Kombersasyonal 20. Atas Tagapagpaganap
Blg.335
_________________________ 1. Ito ay nag-aatas sa lahat ng mga Kagawaran/ Kawanihan /Opisina/
Ahensiya/ instrumentality ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning
magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon at korespondensiya.
__________________________2. Nagtatadhana na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
__________________________3. Sa katangiang ito, hindi dapat mabakas sa sulat ang pagkabigla,
pagkamagalitin, o pagkawala ng kagandahang asal.
__________________________4. Sa katangiang ito, upang maging kasiya-siya ang tugon ng sinusulatan,
dapat nakasisiya o sapat ang isinasaan ng liham ng sumusulat.
__________________________ 5. Sa katangiang ito, sabihin sa natural na pamamaraan ang nais iparating
nang sa gayon ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan.
__________________________ 6. Dito, maaaring sikaping maging mapagbigay sa lahat ng pagkakataon
nang sa gayon ay maipadama ang pagtitiwala at kabutihang-loob.
__________________________ 7. Ayon sa batas na ito, dapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng
wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino.
__________________________ 8. Isinasaad sa konstitusyong ito ang mga wikang panrehiyon ay pantulong
na mga wikang panturo at dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
__________________________ 9. Sa aspetong ito, higit itong mainam kaysa ipadala ang liham sa
mismong tao gayong hindi siguradong agad itong matatanggap sanhi ng kanyang pagdesti-destinong trabaho
sa iba’t ibang pook.
___________________________10. Ang paggamit nito ay nakababawas sa tungkuling ipaliwanag sa unang
panimulang talata ang dahilan ng pagkakasulat ng liham.
___________________________11. Isinasaalang-alang dito ang tsanel bilang protokol o sunud-sunod na
daluyan ng komunikasyon.
___________________________12. Ito ay binubuo ng ulong-pagkilala ng petsa.
___________________________ 13. Ito ay tuloy-tuloy na pagkakaayos ng mga datos sa resume mula sa
pinakabago o kasalukuyan at pabalik sa dati o nakaraan.
___________________________ 14. Ito ay liham na tumutukoy sa mahalagang kakayahan at kahandaan sa
gawain ng isang aplikante.
___________________________15. Tinatawag din nito ang pansin ng sinusulatan sa mahalagang isyu ng
gustong hingan ng tulong ng sumulat.
___________________________16. Ito ay nagsisimula sa 3 o 4 na espasyo mula sa pinakaitaas ng
istesyuneri sag awing kanan.
___________________________17. Ito ay maaaring iniencode sa dalawang espasyo mula sa huling linya
ng patutunguhan.
__________________________ 18. Ito ay nagsisilbing kalatas na ipinahahatid sa sinusulatan.
__________________________ 19. Ito ay isang paraan ng pakikipagtalasalitaan na isinasagawa sa
pamamagitan ng limbag na mga salita.
__________________________ 20. Ito ay naglalayon na magpatunay sa lahat ng pahayag na napapaloob sa
isang liham .

Ikalawang Bahagi
Panuto : Kilalanin ang uri ng Liham.

__________________ 21. Ito ay magsisilbing paalala sa nakalimot o hindi pagtugon sa kanilang


obligasyong pananalapi.
__________________22. Ito ay liham na pinakagamitin lalo na sa mga kabataang katatapos lamang sa
kolehiyo na naghahanap ng trabahong mapapasukan.
__________________23. Ito ay maikli lamang na may layuning magbigay ng paunang salita hinggil sa
resume.
__________________24. Ito ay liham na humihingi ng opinyon o mag-aanyaya. Tinatawag din nito ang
pansin ng sinulatan sa mahalagang isyu na gustong hingan ng tulong sumulat.
__________________25. Ito ay ang liham na naglalahad ng palagiang paghingi ng kumpirmasyon upang
lalong magkaroon ng bisa ang hinihinging reserbasyon ng sumulat.
__________________26. Ipinapahayag dito ang pagsang-ayon, kumpirmasyon o desisyong magsimulang
magtrabaho bilang empleyado sa isang establisyemento.
__________________27. Pinakamahalaga sa liham na ito ang dahilan ng empleyado kung bakit siya aalis sa
pinaglingkurang establisyemento.
__________________28. Sa liham na ito, hindi nararapat makasakit ng damdamin ang anumang salitang
bibitiwan ng sumulat, sa halip, ang damdamin ng kasiyahan ang dapat iwan ng babasa upang mapanatili ang
magandang palagayan sa pagitan ng kawani at ng pinuno.
__________________29. Sa liham na ito, iwasan ang maligoy na pananalita at mahahabang pangungusap.
__________________30. Labis na pormal ang liham na ito.

You might also like