Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

NOLI ME

TANGERE

Mula sa :
Baitang-9 COURAGE
Ipinasa kay:
Bb. Ma. Cristina Usman Dollente
Mga Tauhan
Crisostomo Ibarra (Kurt Tan)— binatang nag-aral sa Europa, Apo ni Don
Saturnino, Anak ni Don Rafael Ibbarra
2. Elias(Eduardo )— piloto at magsasakang tumutulong kay Ibarra
3. Kapitan Tiago(EI Felix) — Mangangalakal na taga-Binondo, Ama-amahan ni
Maria Clara
4. Padre Damaso(Roger Legaspi) —isang kurang pransiskano na nagpalipat sa
ibang parokya
5. Padre Sal vi (John Carl Tiongco)— kurang pumalit kay Padre Damaso,
Nagkaroon ng lihim na pagtingin kay Maria Clara
6. Maria Clara(Princess Kelly Reynante) — Mayuming kasintahan ni Ibarra; mutya
ng San Diego na nalamang anak ng kanyang inang si Donya Pia alba kay Padre
Damaso
7. Sisa(Jhas) — Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang
pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit
8. Pedro(Eduardo Conquilla)- asawa ni sisa at ama ng dalawang sakristan, pabaya
at lasinggero
9. Basilio (Fiel Mendoza)- mas nakakatandang sakristan na anak ni sisa
10.Crispin(Kenjie Galvez )— bunsong anak ni sisa
I I .Alperes(Roger Legaspi)
12. Donya Consolacion(Lovely Macaraig)- mapangasawa ng Alperes; dating
labandera at may malaswang bibig at ugali
13. Dona Victorina(Nicole Farifias)- babaeng ngpapanggap na kastilang mistisa
kung kaya 't abut-abot ang kolorete sa muka at maling pangangastila
14. Don Tiburcio de Espadafia(James Medina) — isang pilay at bungal na kastilang
napadpad sa pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; Napangasawa ni
Donya Victorina de Espadafia
15.Linares(Fiel Mendoza)- malayong kamag-anak nina Don Tiburcio at Padre
Damaso na napili para ipakasal kay Maria Clara
16.Lucas — taong madilaw na gumawa nang kalong na ginamit sa tangkang
pagpatay kay Ibarra
17. Tiya Isabel(Misca Divina)- hipag ni kapitan tiyago na tumulong sa pagpapalaki
kay Maria Clara
18.1day (Lovely Macaraig)- kaibigan ni Maria Clara
19 .Sinang (Chryzell Belza)-
20.Victoria (Erish Ramos)
21. Andeng(Charise Daligdig)—
22.Mang Pablo (Zaki Cura)- pinuno ng Mga tulisan
23. Tinyente Guevarra(Joaquin Maraña)— tapat na tinyente ng mga guwardiya Sibil
na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama
24. Ang dalawang sepultolero(Zaki & Kenjie)- ang dalawang inutusan upang
hukayin at itapon ang bangkay ng namayapang si Don Rafael
25. Laruja(Kenjie)
26. Ang dalawang kusenerong tinanong ni Sisa(Charise & Erish)
27. Lalaking may mapulang buhok(Fiel)
Maikling buod

Isang salusalo ang inihanda ni Kapitan Tiyago sa kanyang tahanan na dinaluhan ng mga mariringal na tao
tulad nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tenyente Guevarra, at ang mag-asawang Donya Victorina at Don
Tiburcio de Espadaña. Ang salusalong ito ay inihanda para sa pagdating ni Crisostomo Ibarra na nagmula
sa Europa.

Nang sila ay hinainan na ng pagkain ay napunta kay Padre Damaso ang leeg at pakpak ng manok na labis
niyang ikinainis, samantalang kay Ibarra ang mga lamanloob at iba pang

Masasarap na bahagi. Sa kanilang paghaharap ay nagpakilala si Ibarra sa mga naroon, na hinangaan


naman ng lahat maliban kay Padre Damaso na hinamak ang kanyang pagkatao maging ang pagpunta
niya sa Europa.

Habang naglalakad sa Binondo, nalaman ni Ibarra mula sa tenyente ang naging dahilan ng pagkamatay
ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra, na ayon dito’y nabilanggo dahil sa isang maling paratang na
humantong sa pagtawag ditong erehe at pilibustero. Hindi ito alam ni Ibarra sapagkat nang mga
panahong iyo’y nasa Europa siya at kasalukuyang nag-aaral.

Si Maria Clara ay isa sa mga pinapangarap ni Ibarra nang umuwi siya sa kanyang tinutuluyan sa Fonda de
Lala. Si Maria Clara ang kasintahan ni Ibarra. Ang dalaga ay anak ni Kapitan Tiyago, na siyang isa sa mga
mayayaman sa kanilang lugar. Nagmamay- ari siya ng mga paupahan at negosyong ipinagbabawal tulad
ng kalakal na opyo o apyan. Bagama’t naglingkod noon na pinuno si Kapitan Tiyago, hindi siya naging
makapangyarihan sapagkat sunud-sunuran lamang din siya sa mga utos ng Simbahan.

Nang sumunod na araw, hindi mapakali si Maria Clara, na napansin naman ng kanyang ama at naging
dahilan upang magpayong umuwi muna siya sa San Diego upang makapagpahinga. Nasa ganoong ayos si
Maria Clara nang dumating ang kanyang kasintahan na labis niyang ikinasiya. Pumuwesto sila sa asotea
at kanilang napag-usapan ang tungkol sa kanilang pag-iibigan maging ang kanilang mga nakaraan.
Nagpaalam si Ibarra na uuwi na sapagkat siya’y pupunta sa San Diego upang dalawin ang puntod ng
kanyang ama.

Ang San Diego ay isang bayan na puno ng kuwento. Pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay rito. Dito
nagmula ang nuno ni Crisostomo Ibarra na isang Kastila, si Don Pedro Eibarramendia na nagkaroon ng
anak, si Saturnino na ama ni Don Rafael. Dahil sa minanang kayamanan sa ama, nakilala si Don Rafael
bilang isang mayaman subalit salat sa kapangyarihan sapagkat ang nakapangyayari sa bayang iyon ay
sina Padre Salvi at ang alperes na kilala sa kanilang pagpapataasan.

Sa pagdalaw ni Ibarra sa San Diego, napag-alaman niyang wala sa sementeryo ang labi ng kanyang ama.
Mula sa salaysay ng sepulturero ay nabatid niyang isang malaking kura ang nag- utos na ilibing sa
libingan ng mga Tsino si Don Rafael subalit dahil sa kabigatan at umuulan pa nang gabing isinagawa ang
utos ay inihulog na lamang ang bangkay sa ilog. Nagpupuyos ang kalooban na nilisan ni Ibarra ang
sementeryo..

Samantala, si Pilosopong Tasyo, na kilala rin sa tawag na Tasyong baliw dahil sa malawak na kaalaman at
malalim na pag-iisip, ay naglalakad sa lansangan at napagawi sa simbahan. Nakita ng matanda ang mga
anak ni Sisa na sina Crispin at Basilio, na parehong sakristan. Ang magkapatid ay namasukan upang
matulungan ang kanilang ina sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan dahil wala rin naman
silang maaasahan sa kanilang amang sugarol at lasenggero.
Walang kaalam-alam ang kanilang ina na pinagbintangan ng kura si Crispin, ang bunso, na nagnakaw ng
dalawang onsa na may katumbas na 32 piso kaya hindi pa siya pinapayagang umuwi pa sa kanilang
bahay. Nag-uusap noon ang magkapatid sa itaas ng kampanaryo hinggil sa kanilang kalagayan nang
dumating ang sakristan mayor at kinaladkad si Crispin dahil pilit pinababayaran sa kanya ang ninakaw
umano nitong onsa. Walang nagawa si Basilio sa sinapit ng kanyang kapatid kundi ang pakinggan ang
nakaaawang pagpalahaw nito. Tumakas si Crispin mula sa kampanaryo upang umuwi sa kanilang bahay,
sa piling ng kanyang inang nag-aalala sa kalagayan nilang magkapatid. Ang kanyang inang si Sisa ay
larawan ng isang ulirang ina at martir na asawa sapagkat nagtitiis ito sa piling ng kanyang asawang si
Pedro.

Kinaumagahan, pinuntahan ni Sisa si Padre Salvi upang itanong ang kalagayan ng kanyang anak na si
Crispin, na mula sa salaysay ni Basilio ay napag-alaman niyang pinarusahan. Subalit hindi niya nakausap
ang kura. Sa halip ay napag-alaman niya mula sa utusan na tumakas diumano ang kanyang anak at
hinahanap sa kanya.

Sa pagdalaw ni Ibarra sa San Diego, napag-alaman din niya ang mga naging suliranin ng edukasyon.
Bagama’t nalulumbay sa sinapit ng ama ay nangako siya sa gurong nakausap na tutulong siya sa paglutas
sa mga suliraning binanggit dahil nais niyang ipagpatuloy ang nasimulang pagtulong ni Don Rafael sa
larangan ng edukasyon. Dumalo ang dalawa sa pagpupulong sa tribunal tungkol sa nalalapit na
pagdiriwang ng pista ng San Diego, na nawalan naman ng saysay sapagkat hindi rin natupad ang kanilang
napagkasunduan. Bago pa man magsimula ang pulong ay mayroon na palang napagkasunduan ang
kapitan at ang kura.

Itinuon ni Ibarra ang kanyang panahon sa pagnanais na makapagpatayo ng paaralan para sa kabataan ng
San Diego. Sa araw ng pahuhugos sa paaralan ay nangyari ang isang di-inaasahang bagay. Noong unang
araw ng pagpapatayo ng paaralan, nasawi ang isang lalaking madilaw dahil sa kanya bumagsak ang
batong ihuhugos. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag-iingat sapagkat batid nitong may lihim siyang kaaway
Matapos ang pagbabasbas sa paglalagay ng bato sa itinatayong paaralan ay nagbigay ng isang
marangyang pananghalian si Ibarra sa mga kilalang tao sa lipunan. Dumalo rito si Padre Damaso dahilan
upang magkita silang muli ni Ibarra. Sa salusalong iyon ay hindi napigilan ni Ibarra ang kanyang sarili
nang muntik na niyang mapatay ang pari dahil sa panghahamak nito sa kanyang ama. Dahil sa ginawang
ito ni Ibarra, siya ay pinaratangang ekskomulgado, subalit natulungan siya ng kapitan heneral, na
humanga sa kanya dahil sa pagmamalasakit nito sa mga mag- aaral ng San Diego. Pinayuhan ng kapitan
heneral na sumama na lamang si Ibarra sa Espanya, na tinanggihan naman ng binata.

Samantala, nagkasakit si Maria Clara dahil sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso Kinausap ni Padre
Damaso si Kapitan Tiyago na iurong na ang kasunduang pagpapakasal ni Maria Clara sa binata. Bagaman
ayaw pumayag ni Kapitan Tiyago, napapayag din siya ng mga prayle. Nang gumaling si Maria Clara ay
dinalaw siya ni Padre Damaso at napaiyak ito sa naging kalagayan ng inaanak.

Samantala, naging magarbo ang pagdiriwang ng pista ng San Diego subalit ang kasiyahan ay nauwi sa
kaguluhan.

Dinalaw rin si Maria Clara ng mag-asawang sina Donya Victorina at Don Tiburcio kasama ang
pamangking si Linares, Ipinagkasundo ni Padre Damaso si Maria Clara kay Linares, Nang malaman ito ni
Padre Salvi ay hindi siya mapakali sapagkat lihim siyang humahanga sa dalaga.
Isang matandang lalaking nagngangalang Tandang Pablo, na dating kumupkop kay Elias, ang
kasalukuyang nagtatago sa kabundukan sapagkat siya ay naging rebelde laban sa pamahalaang Kastila.
Natagpuan siya ni Elias sa kanyang pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-buhay. Ipinaliwanag ni
Elias na may mapakikiusapan siyang isang mayamang binata tungkol sa karaingan ng mga mamamayang
naaapi sa Pilipinas tulad ng matandang lalaki. Pinagdududahan ni Tandang Pablo kung papanigan ng
binata ang mga naaapi sapagkat siya ay mayaman, at ang mga mayayaman ay walang hangarin kundi
ang lalong magpayaman.

Ipinakita rin ang pagkagumon sa sabong ng mga mamamayan na naging bahagi na ng kultura ng mga
Pilipino. Sa sugal na ito ay makikita ang katangian at kapintasan ng mga Pilipino.

Samantala, namasyal naman sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San
Diego. Mababakas sa anyo ng donya ang pagyayabang sa pagkakahawak sa kanyang ,Hindi naman sila
pinapansin ng mga taong nakakasalubong nila kaya nainis ang donya. Nag-away sila ni Donya
Consolacion asawa. Nang mapatapat silang mag-asawa sa bahay ng komandante. Dahil sa nangyayaring
pagkampi ng komandante kay Donya Consolacion ay pinagbantaan ni Donya Victorina si Linares na
ibubunyag niya ang lihim ng binata kapag hindi niya hinamon ng duwelo ang komandante.

Dumating na muli sa San Diego si Ibarra pagkatapos ng ilang araw na pag-aasikaso sa kanyang kaso.
Napatawad siya sa pagkaeskandalo ng mismong arsobispo. Kaagad niyang dinalaw Maria Clara upang
ibalita iyon, ngunit hindi niya naibigan ang nadatnang pag-uusap nina Maria Clara at Linares.

Samantala, nagkita sina Ibarra at Elias. Sinabi ni Elias kay Ibarra ang tungkol sa karaingan ng mga
mahihirap na Pilipino na nagnanais ng pagbabago sa pamahalaan. Isinalaysay ni Elias ang kalupitang
naranasan ng kanyang pamilya sa kamay ng mga mapagsamantala. Sa kabila ng mga narinig ay tumanggi
si Ibarra, sa pag-aakalang hindi pa napapanahon ang gayong kahilingan.

Palihim namang nagtungo si Lucas, ang kapatid ng taong madilaw na namatay sa paghuhugos sa
paaralan, sa sementeryo upang katagpuin ang ilan pang lalaki para sa kanilang isasagawang pag-aaklas.
Nalaman ito ni Elias, subalit wala siyang nagawa upang pigilan ito. Nalaman din ito ni Padre Salvi mula sa
isang babaeng nangumpisal sa kanya. Ayon sa babae, mayroong isang malaking sabwatan laban sa
pamahalaan at Simbahan. At ang babaeng ito ay napag-alamang walang iba kundi si Maria Clara.
Pinuntahan ni Padre Salvi ang komandante at isinumbong niya ang kanyang natuklasan. Pinagpayuhan
niyang mag-ingat upang matuklasan kung sino ang may pakana nito.

Samantala, sinabihan naman ni Elias si Ibarra na sunugin ang lahat ng mga dokumento nito sapagkat
natunugan nitong may pag- aalsang magaganap at siya, si Ibarra, ang itinuturong pinuno nito.
Kinagabihan, dumalaw si Ibarra kay Maria Clara. Ngunit papasok pa lamang siya sa bulwagan nang
umalingawngaw na ang sunod- sunod na mga putukan mula sa kabayanan. Takot at kalituhan
angnaghari sa mga nasa bahay ni Kapitan Tiyago, maliban kay Ibarra. Nanaog siyang natitigilan. Nang
makabalik siya sa kanyang bahay ay naghanda siya para sa pag-alis, subalit inabutan siya ng mga
guwardiya sibil at dinakip. Nang makalabas ng bahay ay inilagay ni Elias ang mga dokumento sa lagayan,
maging ang larawan ni Maria Clara, at sinunog ang mga dokumentong magdidiin kay Ibarra. Hindi iilang
pala-palagay tungkol sa naganap na putukan ang kumalat sa kabayanan kinaumagahan.

Dalawa sa mga lumusob sa kuwartel ang nahuli nang buhay. Sila ay pinarusahan hanggang sa mamatay.
Si Ibarra ay pinagbabato ng bato’t dumi ng kaanak ng mga bilanggo. Isinisisi sa kanya ang lahat ng
nangyaring kapahamakan.
Ipakakasal ni Kapitan Tiyago si Maria Clara kay Linares, isang kamag-anak ni Padre Damaso, upang
makatiyak siya ng tahimik na pamumuhay. Dahil dito’y naging paksa ng usap- usapan ang dalaga. Pati si
Tenyente Guevarra ay naghinala sa kanya. Ipinaliwanag ni Maria Clara kay Ibarra ang tunay na mga
pangyayari, na siya namang dahilan ng paglalayo nilang magkasintahan.

Nagplano ng pagtakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Ipinayo ni Elias sa kasama na mangibang-bansa, na


ngunit may ibang balak si Ibarra. Nais niyang makapaghiganti sa mga taong nagsadlak sa kanya sa
bilangguan. Hindi sinang-ayunan ni Elias ang gayong balak sapagkat maraming walang-malay ang
maaaring madamay. Ipinasiya ni Ibarra na ituloy ang nasabing balak na hindi kasama si Elias. Nagpahatid
siya sa bundok, pero natuklasan na ang kanyang pagtakas at tinugis sila ng mga guwardiya sibil. Tumalon
sa lawa si Elias at nagpahabol sa mga tumutugis upang makalayo ang bangkang kinalululanan ni Ibarra.

Nabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang balitang napatay si Ibarra sa pagtugis sa kanya sa lawa.
Ipinaalam ni Maria Clara na ayaw niyang magpakasal kay Linares at mas nanaisin pa niyang magmongha
na lamang o kaya’y mamatay. Nadama ni Padre Damaso ang bigat ng pagkakasalang nagawa niya sa
pakikialam sa pag-iibigan nina Maria Clara at Ibarra. Ipinagtapat niya sa dalaga ang tunay na dahilan ng
kanyang panghihimasok.

Nang dumating ang bisperas ng Pasko, nagpasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa
kanya sa kabundukan. Nagpaalam na rin siya upang umuwi sa kanila. Napag-alaman niyang nabaliw ang
kanyang ina at nagpagala- gala sa bayan ng San Diego. Hinanap niya iyon, at nang magkita sila’y hindi
siya kaagad nakilala ni Sisa kaya’t muli iyong tumakas. Nakarating ang kanyang ina sa gubat. Nang noche
buenang iyon ay isa pang wari’y takas din ang dapat gawin ni Basilio.

Iba-ibang klase ng kasawiang-palad ang naganap sa buhay ng tauhan ng nobelang ito. Tanging ang
alperes o komandante mga ng guwardiya sibil sa San Diego ang matagumpay na nagbalik sa Espanya at
gayon din naman si Padre Salvi na nataas ang tungkulin. Samantala, namatay naman si Padre Damaso.
Matapos pumasok sa kumbento si Maria Clara ay wala nang makapagsabi tungkol sa mga nangyari sa
kanya.
Nilalaman
Kapitan Tiyago: Ginoo, pumarito kal Padre Damaso.
Padre Damaso: iba talaga ang mamahala at mamalagi Sa pilipinas,

Padre sibyla: Pero!

Padre Damaso: Gawin ninyo nalang akong halimbawa noong ako ay mapunta sa Pilipinas ay hindi ako gaanong
marunong mag tagalog, ngunit ako ay nagkukumpisal kung kaya't napamahal na sa akin iyon. At nang
ako ay umalis ay nag-iyakan Sila at hinatid pa ako ng banda

Padre Sibyla: Ngunitl Pa?

Padre Damaso: Sa loob ng dalawampung taon kong nanatili sa San Diego ay kilala ko ang mga tagaroon ilan lang
angmga indiong naghatid sa akin, Mga pabaya talaga ang mga Indio

Padre Sibyla: Naniniwala ba kayo na pabaya talaga ang mga indio?

Lalaking may mapulang buhok: Wala nane mas mangmang pa sa kanilal

Padre Sibyla: Kayo'y tumahimik dahil nasa tahanan kayo ng isang indio

"adre Damaso: Mabait si Santiago, huwag kayong mabahala. Kapag natikman ninyo ang kanyang tinola magbabago
ang isip ninyo

Lalaking may mapulang buhok: "adre Damaso Sa tagal ninyo Sa San Diego hindi man lang kay0 nasayahan doon ?

padre Damaso: Hindi dahil walang kalayaan ang mga kura doon

Tinyente Guevarra: Anong ibig mong sabihin?

padre Damaso: Anong ibig kong sabihin? Kapag ipinahukay ng kura ang erehe at ipinatapon kung Saan man ay wala
dapat mangialam kahit pa ang pari.

Tlnyente Guevarra: Tigil! Kung hindi mo babawiin ang iyong sinabi ay makakarating it0 kay kapitan heneral padre

Damaso: Sulong! Wala akong paki-alam!

Lalaking may mapulang buhok: Huminahon nga kayo huwag kayo padadala Sa init ng u10

Tinyente Guevarra: Alam ko ang nangyari! Habang wala si Padre Damaso Sa San Diego, Ang kanyang katulong na
paring pilipino ang naglibing Sa isang ginoo noon. 'sang marangal at mabait na ginoo, mayroon siyang anak na
pinagaral Sa Europa at tulad niya ay may takot Sa Diyos. Nang magbalik si Padre Damaso Sa San Diego ay iniutos
niyang hukayin ang bangkay at ilipat kung saan. Lalaking may mapulang buhok: Paumanhin po Tinyente

(Scene 2)

Kapitan tiyago: (humalik sa mga kura bilang bigay galang) Magandang gabisa inyong lahat, iło nga pala si Crisostomo
Ibarra. Ang anak ng aking yumaong kaibigang si Don Rafael. Galing pa siyang Europa at akin siyang sinalubong

Crisostomo Ibarra: Padre damaso ang kura ng San Diego at matalik na kaibigan ng aking ama

Padre Damaso: 00, pero kailan man hindi ko naging kaibigan ang iyong ama

Kapitan Tiyago: Tayo muna ay maghapunan at ipkilala ang iyong sarili

Laruja: Ginoong Crisostomo Ibarra gaano ka nanatilisa Europa upang mag-aral?

Ibarra: Nasa halos pitong taon


Laruja: Marahil sa iyong pananatili ay nalimutan mo na ang Pilipinas

Ibarra: Malayong malayo naman iyang mangyari marahil Pilipinas pa ata ang nakalimot sa akin, sapagkat hindi ko
manlang nałaman kung kailan at paano namatay ang aking ama

Don Tiburcio de Espadaăa: Si Standnitzki, nakilala mo ba sya?

Ibarra: Hindi ko na matandaan sapagkat nagłatagalog sa ibang bansa

Padre sibyla: Marunong ka ba mag Ingles?

Ibarra: Yesl Nanirahan ako sa Inglatera at iyon ang mga wikang aking ginagamit

Tinyente: Ahl Marami ka palang lugar nang napuntahan. Maari mo bang sabihin samin kung ano ang pinaka
importanteng bagay na inyong nakita?

Ibarra: Ang kanilang kasaysayan, ang pagbabago, pag•unladatî ang kasaganahan ng bansa na kaugnay sa kanilang
kalayaan

Padre Damaso: Yan lang ba ang nakita

Ibarra: Ganyan talaga ang kura namin noon pinasasalamatan ko parin siya sapagkat sinasariwa niya ang mga panahon
na madalas siyang dumalaw sa amin at sumabay maghapunan padre Sibyla: Bakit tila nanginginig ang iyong karnay
padre Damaso?

Padre Damaso: Wala lang ito.

Ibarra: lpagpaumanhin ninyo ako mga ginool Sapagkat ako may lakad pa ako na hindi dapat ipagpaliban

Tinyente: lpagpaumanhin nyo rin ako dahil may lakad din ako

Padre Damaso: Nakita niyo nal Ivan ang ugali ng mga kabataang indio na pinag.aralsa Europa, hindi matanggap na
nupagsabihan ng kura.

(Scene 3)

Tinyente: Ginoo ikaw ay nugingat at sana maging aral sa iyo ang nangyari kay Don Rafael

Ibarra: Maari mo bang ilahad ang totoong nangyarisa aking arna

Tinyente: Hindi niyo po ba alam? Namatay ang iyong ama sa bilangguan atalam na iło ng karamihan.

Ibarra: nabilanggo? Ang aking ama? At bakit?

Tinyente: pinagbintangan ni Padre Damaso na ang iyong ama ay hindi nangungumpisal gayon batid na kto nang kura
sa simula palang nang kanilang pagkakaibigan.

Ibarra: Ganoon po ba? Ganoon po ba talaga ang nangyari? At paano nabilanggo ang aking arna? At paano siya
namatay?

(Scene 4)

Kapitan Tiyago: ako si Santiago de los Santos ang kapitan at Gobernadorcillio ng San Diego, Anak ng may isang
tubuhan sa malabon. Hindi ako nakapag-araldahil sa kakuriputan ng aking ama. Kung kaya’t akc/y pumasoksa isang
butihing dominiko at doon ko nakilala si Pia Alba. Hindi kami biniyayaan na magkaanaksa loob ng anim na taon kaya
natutuhan namin na mamanata sa pintakasi sa Obando at nabiyayaan ng isang anak. Namatay siya sa malubhang
lagnat at iniwan sakin ang napakagandang bata na pinangalanan naming Maria Clara

(Scene S)

Kapitan Tiyago: Marial Papagay kdy tama ang payo ng manggagamot na magbakasyon ka muna sa lalawigan.
Namumutla ka at kailangan mo ng sariwang hangin. Saan mo ba gusto? Sa Malabon o San Diego? Si tiya isabel ang
sasama sa iyo sa kunbento, kukunin ninyo ang mga damit mo at maglaalam ka na sa mga kaibigan mo at hindi ka na
muli babalik roon.

Tlya Isabel: Tiyago mukang mas makakabuti kung sa San Diego siya magbabakasyon at magpapagaling. Abal Si Don
Crisostomol

Ibarra: Kapitan Tiyagol


Tiyago: Don Crisostomol Maupo ka. Kamusta ka?

Tya Isabel: Marial Anong ginagawa mo diyan at hindi ka magbihis?

(Scene 6)

Maria: Lagi mo ba akong naaalala?

Ibarra: Maari ba kitang malimot aking sinisinta.

Maria: Sa tagal mo sa Europa maaring nilimot mo na ako

Ibarra: Kahit gaano man akong katagalsa ibang bansa ay hinding hindi ko malilimutan ang iyong ganda.

Maria: Sinungalingl Parang sinasabi mo lamang ivan.

Ibarra: Naaalala mo pa ba ito? Ito ang ibinigay mosa aking dahpn ng sambong. Ito lang ang tanging ala•alang pabaon
mo sa akin.

Maria: Ako rin ay may pabaong ala•ala sa iyo, ltOang liham na pinakaiingat•ingatan na liham.

Ibarra: Hindi ko na maalala ang nakasulat diyan. Ano ba ang nga Sabi kodiyan?

Mari: Wag na I Kasinungalingan lang naman ang iba

Ibarra: Sinasabi ko pawang katotohanan lang ang nandiyan aking sinta.

Maria: Kagaya ng pag.ibig ko sa iyo Crisostomo.

Ibarra: 00 nga pala. May pupuntahan pa ako. Malapit na ang undas at kailangan ko pang dumalaw sa puntod ng aking

Maria: Oh ito bulaklak. Laalay mo ito sa puntod ng iyong ama, at ikaw humayi na

Ibarra: Maraming salamat mahal ko

Maria: Mag-ingat ka paalam

(Scene 7)

Sepultolerol: Napakaselang naman ivan kitang kita ko na dumudugo pa ang ating hinuhukay.

Sepultoler02: para ka naman hindi sepultolero niyan. Kailangan mong masanay sa gantong gawain.

Sepultolerol: Bakit ba kasi kailangan nating hukayin ito?

Sepultoler02: Otos ito sa atin at ito ang trabaho natin kung kaya’t gawin mo nalang. Noon nga ay ipinahukay sa a kin
na dalawampung araw palang naiilibing.

Sepultolerol: Talaga? Anong nangyari?

Sepultoler02: Gabi noon at umuulan At umuulan. Dahil narin sa kabigatan ay itinapon ko nalamang ito sa lilog

Sepultolerol: Sino ba ang nagutos sa iyo at kailangan mo pang gawin iyon?

Sepultoler02: Sino po ba? Edi ang kurang malakil

(Scene 8)

Utusan: Pasensya na po at hindi ako nakadalaw dahil ako ay nagkasakit. Nasa paanan ng malaking krus nakalibing ang
iyong ama

Ibarra: Di..dito ba?

Utusan: Opo. Pero bakit wala na rito ang krus?

Ibarra: Manongl Nasaan ang bangkay na nakalibing dito?

Sepultoler02: Ipinahukay itosa akin at ipinalilipat sa libingan ng mga tsino ngunit maulan noon at sa kabigatan nadin
nang bangkay ay itinapon ko nalamang itosa ilog

Ibarra: Anol Sino ang nag-utos sayo nito? Sepultoler02: Pe..pero inutos lamang itosa akin ng kura
(Umalissi ibbara at pinuntahan ang kura)

Ibarra: Ano ang dahilan mo upang gawin iyon sa labi nang aking amal

Padre salvi: Ano? Anone labi? Hindi ako ang may kagagawan niyan, kundisi padre Damaso

(Scene 9)

Basilio: Hitakin mo ang kampana Crispin bilisl

Crispin: Sana akoay nagkasakit nalang at nasa tahanan nalang tayokasama ahg ina upang rrualagaan ako at hindi na
makaranas nang pannaakit ng sakristan mayor at kurp, Kung babayarpnko nalang kaya ang sinasabing ninakaw ko
upang tayo ay maka•uwi na?

Basilio: Hindi ivan maari sapagkat sapatlarñêngang ating kinikita sa pane araw•araw nating gastusin. At kung hindi
tayo magtratrabaho ay wala tayong kakainin.

Crispin Kung ninakaw ko nalang talaga iyon ay nakabili pa tayo ng mga gusto natin bilin.

Basilio: Ako na nga ang magpapatunog ng kampana.

Crispin: Baka magalit si ina kung malalaman niyane pinagbibintangan akong nagnakaw kung kava’t sabihin mo
nalamang na ako ay may sakit at hindi makaka-uwi

Sakristan mayor: Basiliol Ikaw ay pinagmumulta dahilsa maling pagpapatugtog ng kampanal At ikaw naman Crispin ay
hindi makakauwi maliban kung ibabalik mo ang iyong ninakaw.

Basilio: Ngunit hinihintay kami nang aming ina ngayong ikawalo ne gabi

Sakristan mayor: Ikaw ay makakauwi lamangsa ganap na ikasampu nang gabi

Basilio: Ngunit bawal ng lumabas ngganoong oras at malayo pa ang amine lalakbayin pauwi

(Scene 10)

Sisa: Magandang umaga po, saan ko po maaaring ilagay ang mga jto?

Tagaluto: Ilagay mo kung saan mo gusto!

Sisa: Maari ko po bang malaman kungmaari ko po bang makausap ang pari?

Tagaluto: Hindi maari dagil siya ay may sakit

Sksa: Kung ganoon po ay maari ko nalamang po bang malaman kung nasaan ang anak kong si crispin?

Tagaluto: Hindi ba’t tumakas ang iyong mga anak at anumang oras ay huhulihin na siya ng mga guwardiya sibil.
Marahil ito ay nagmana sa kanilang ama!

Sisa: An…

(Pinigilan ng tagalutong magsalita at tinulak palabas)

Tagaluto: Umalis ka na nga! At baka magising mo pa ang pari

(Scene 11)

KABANATA 21- KASAYSAYAN NG ISANG INA

S1: Hoy! Ina ng mga batang magnanakaw!

S1: nasaan na yung pera? Hah?

S2: 00 nga?!

SISA: huh? Pe.. pera?

S1: tsk, tsk. Tsk. Wag ka na kasing magsinungaling

S2: 00 nga!
*mainis nayung s1 kavababatukan nva yung kasama*

S1: ugok ka talaga. *hihimasin ni S2 yurng batok nya sabay ngiti* *tiingin naman ang S1 kay sisa para ituloy yung
sinasabi nya* nandito kami para arestuhin yang mga anak mong magnanakaw. Nakatakas yung mas

Malaki. Kaya ilabas mo na. mas lalo lang madadagdagan ang atraso mo pag mas lalo kang magsisinungaling.

S2: saan mo itinago yung mas maliit? Hah? Saan?

Saan?!

SISA: *malungkot* ni hindi ko nga po nakita ang bunso

Kong anak. Ilang araw na rin po yun. Nung pinuntahan ko lang sya sa kumbento para kamustahin, *mailyak

*magddrama* itinaboy lang nila ako.

S1:hay nako ganto nalang

S2: oo nga! Ibigay mo nalang kaya kung ayaw mo ng gulo!

SISA salapi?! Kahit halughuhgin nyo pa ang aming bahay ay wala kayong mahahanap kahit isang sentimo!

S1:Bigay mo nalang ahg salapi.

S1: aba!

SISA: hindi porket mahirap kami ay gagawa na kami ng kasalanan tulad ng pagnanakaw *madrama basta, nag-iinarte*
kahit mahiral lang kami ng mga anak ko ay alan kong naming hinding hindi sila magnanakaw! “madramaaa* kahit na
mamatay na sila sa gutom, hinding hindi pa rin sila magnanakaw.*madramang sigaw* walang inuwWI Si Basilio na
salapi. *nagmamakaawa* *IIYAK” hindi

S1S2:naiyak dahil sa magaling na pag-arte ni sisa

“papalakpak “pero agad ding babalik sa kanilang

Rolesss*

S1: kung ganon sUmama ka sa amin. Doon mo sa bayan patunayan na wala kayong kasalanan ng mga anak mo.

S2: 00 nga!

*NABABALIW NA SI SISA*

*malungkot nitong tatahakin ang kalsada, walang

Pakialam sa ibang tao*

*makakarating sya sa dampa. Tas pupuntahan ang bahay ni tasyo. Kakatok sya ng kakatok pero wala na palang
nakatira don.*

SISA: BASILIO!! CRISPIN!!! MGA ANAK KOOO!!

NASAN KAYO?! BASILIO! CRISPIN! Mag-liyak ito”

*habang naglalakd sa kalsada

SISA: basilio? Crispin? Mga anak? BASILIO! CRSIPIN!

“Uungol ng uungol

KINABUKASAN

Masayang gumising si Sisa. Hinabul-habol nya yung

Buterflyyyy^

YAY! HAHAHA

(Scene 13)
KABANATA 34 – ANG PANANGHALIAN

“Kilala na ninyo marahil ang mga Indiyo. Natuto lang ng kaunting letra sa alpadeto ay sasabihin ng doktor sila. Ang
mga ulol na nagpunta sa Eiropa ay hindi man lang natutongmagpahid ng sipon.”

“Nguni’t makinig kayo,Reberensya,” pakli ng gobernador na hindi mapakali sa patuloy na pagsasalita ng prayle.

“Malalagay sila sa dapat nilang kalagyan!” wika ng pari.

“Hahatulan sila ng Diyos. Bulag lang Ang hindi makakita. At dito sa lupa, ang mga ama ng mga ulupong na iyan ay
napaparusahan at namatay sila sa kulungan! At ni wala man lamang…”

Hindi pa man natatapos ni Padre Damaso ng sasabihin ay nagpupuyos sa galit si Ibarra at agad itong tumayo nang
marinig ang pangungutya sa kanyang ama. Nilundag nito ang kura at binayo sa ulo hanggang bumagsak ang pari.

Nabigla at natakot ang lahat. Ni wala man lamang naglakas-loob na mamagitan.

“Huwag kayong lalapit!” sigaw ng galit na galit na si Ibarra. Kinuha niya ang isang punyal habang inaapakan nito ang
leeg ng pari na nagkamalay na. “Huwag kayong lalapit kung ayaw ninyong masaktan,”

“Waring baliw si Ibarra sa labis na galit sa pari. Nanginginig ito at nanlilisik ang mga mata.Nagpilit tumayo si Padre
Damaso nguni’t sinunggaban siya sa leeg ni Ibarra at malakas na niyugyog. Napaluhod sa lupa ang pari.”

“Ginoong Ibarra! Ginoong Ibarra!” waring sigaw na pakiusap ng ilang naroroon.

Nguni’t wala man lamang lumapit upang awatin ang binata. Maging ang komandante ay di nagtangkang lumapit
nang makita ang nangingislap na patalim.

“Makinig kayong lahat! Palagi na lamang nakatikom ang inyong bibig sa nakaraan.

Pagkakataon ko na ngayong magsalita! Pilit ko siyang iniwasan nguni’t Diyos ang naglapit sa amin. Ngayon, bayaan
natin ang Diyos ang humatol.”

Humihingal ang binata nguni’t mahigpit pa rin niyang hawak ang Pransiskano na nais

Namang makawala sa mga kamao ni Ibarra.

May mahinahon akong puso nguni’t mayroon ba sa inyong hindi nagmamahal sa kanyang ama? Mayroon bang
namumuhi sa kanyang alaala? Ang paring itong dapat na maituring na alagad ng Diyos ng kapayapaan, na ang bibig ay
puspos ng kabanalan at pananampalataya ngunit ang puso ay puno ng kaimbihan! Maaaring wala kang nakilalang ama
kaya’t hindi mo man lang nagunita ang sarili mong ama. Wala kang kasing-aba!”

Maya-maya’y dahan-dahang lumuwag ang pagkakadaklot ng mga daliri ng binata, nalaglag ang patalim na hawak nito
at binitiwan ang pagkakasakal sa Pransiskano hanggang nagmadaling nilisan ang mga naroon.

(Scene 14)

Tiyago: Magandang umaga sa inyo Dr. Tiburcio at Donya Victorina

Victorina: Magandang umaga rin sa inyo Kapitan Tiyago. Ito nga pala si Don Alfonso Linares De Espadaña ang aming
pinsan na kamaganak ng bayaw ng kura.

(Dumating si padre salvi at tinanong ni Linares)

Linares: Magandang araw sa inyo Padre Salvi

Salvi: Magandang araw

Linares: Maari ko bang malaman kung nasaan si Padre damaso at kung maaari ko ba siyang makita?

Salvi: Oo, Mamaya ay pupunta siya rito

(Pumasok sila sa kwarto ni Maria Clara)

Tiburcio: Maria ito ang iyong iinuming gamot upang ikaw ay gumaling

Victorina: Ito nga pala si Linares ang aming pinsan na kamaganak ng bayaw ng kura

Linares: Binibini lubos ngang nakakamangha ang iyong ganda, Malas ko lamang na ikaw ay may sakit ng ikaw makilala
Salvi: Ito na pala si padre damaso

(Dali daling pumasok si padre damaso sa kwarto ni Maria Clara)

Damaso: Anak ko hindi ka mamamatay!

(Umalis dahil sa hiya nang pinagtinginan ng mga tao sa silid)

Victorina: Magandang umaga sa inyo Padre Damaso, Ito nga po pala si Linares.

(Iniabot ni linares nag sulat)

Damaso: Hindi ko lubos na maunawaan ang nasa sulat maaari mo nalang bang sabihin kung sino ka?

Linares: Ako ang pamangkin ng iyong bayaw na si Carlicos

Damaso: Oh! Ano nga pala ang iyong pakay

Linares: Tulad po ng nakalagay sa sulat “trabaho at mapapangasawa”

Damaso: Madali ang una ngunit ang ikalawa ay mahirap. Halika at puntahan natin si kapitan Tiyago tungkol diyan.

(Scene 15)

KABANATA 44- ANG PANGUNGUMPISAL

Isang hapon.Habang binabantayan nina Sinang at Victorina ang nagpapahingang dalaga ay mauulinigan ang usapan
sa silid-kainan.

“Malilipat si Padre Damaso sa Tayabas. Tiyak na ikalulungkot niya ito.”

“Marahil ay ipagdaramdam din ito ni Maria Clara. Batid ninyong parang ama na kung ituring ni Maria Clara si Padre
Damaso,” (malungkot na wika ni Kapitan Tiyago.)

Ngapukol ng masamang tingi si Padre Salvi kay Kapitan Tiyago.

“Napagod siya sa pista kaya siya nagkasakit,” diin ni Kapitan Tiyago.

“Mabuti’t hindi ninyo pinahintulutang makipag usap kay Ibarra ang maysakit.”

“Magpasalamat tayo sa asawa ko, kung hindi’y baka nasa langit na ang anak ninyo.”

Tumango lamang si Kapitan Tiyago.

“Sandali lang. Higit nating pasalamatan ang pangungumpisal ni Maria Clara. Ang malinis na budhi ay pinakamabisang
gamot,” diin ni Padre Salvi.

“Kung higit na makagagaling ang pangungumpisal, bakit hindi ninyo pangumpisalin ang asawa ng alperes?” tanong ni
Donya Victorina.

“Donya Consolacion ay malala na nguni’t kung siya’y mangungumpisal tiyak na maiilagan niya ang buntal at sipa ng
kanyang asawa,” sagot ni Padre Salvi.

“Wala ng ginagawa ang babaing iyan sa simbahan kundi tingnan ako. Hindi maitatatwang higit akong maganda sa
kanya. Tatanungin ko na nga sana siya noong Linggo kung may nakikita siyang mali sa suot ko nguni’t nagpigil lang
ako. Inisip ko na lamang na mas mataas ang pinag-aralan ko sa kanya.”

Tumingin ai Padre Salvi kay Kapitan Tiyago upang mapigilan si Donya Victorina sa pagsasalita.

“Pakisa mo kay Isabel,Santiago na ihanda si Maria Clara sa pangungumunyon bukas. Mamayang gabi ako babalik
para sakanyang pangungumpisal.”

“Ngu…nguni’t Padre Salvi, baka akalain ni Maria Clara na malubha siya,”

“Huwag kang mabahala. Marami na akong kinumpisalan at nangumunyong gumaling.”

Nakita nilang pumasok si Tiya Isabel sa silid ng maysakit. Samantala, binabantayan pa rin ni Siang ang dalaga.
“Inumin mo pa itong isang pildoras,”himok ni Sinang. Nguni’t ang kinuha ni Maria Clara ay ang gamot na itinago niya
sa kanyang bulsa.

“Hindi ba siya sumulat man lang?”

“Marami siyang inaasikaso.”

“Wala ba siyang anumang ipinagbilin?”

“Pupunta raw siya sa Antipolo upang asikasuhin ang kanyang pagiging ekskomunikado.”

Natigilan ang pag-uusap ng magkaibigan nang lumapit si Tiya Isabel. Sinabi nitong maghanda ang dalaga sa
pangungumpisal.

“Kakukumpisal lamang niya noong isang linggo. Ako na walang sakit ay hind naman nagkakasala, si Maria Clara pa
na may karamdaman.”

“Akala n’yo lang iyan. Sabi nga ni Padre Salvi, may pito tayong kasalanang nagagawa na hindi natin namamalayan.”

Samantala,habang kumukuha si Tiya Isabel ng upuan para sa kurang magninigay ng kumpisal, ibinulong ni Maria
Clara kay Sinang na sibihin sa kasintahan na limutin na siya.

“Ano limutin ka na?”may pagtatakang tanong ni Sinang sa dalaga.

Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang lumapit na si Tiya Isabel.

Binuksan ng tiyahin ang maliit na aklat-dasalan. Binasa muna ni Tiya Isabel ang Sampung utos. Marahan niyang
ibinasa ito sa pamangkin upang maunawaan daw ng dalaga at nang makapagtika na rin. Natutuwa si Tiya Isabel kapag
nakikitang lumuluha nguni’t nanlalaki naman mata nito kapag nakikitang naghihikab ang pamangkin.

Pagkaraang gabayang makapagsuri sa sarili ang pamangkin, tumayo na si Tiya Isabel. Napansin naman nitong
nagtirik ng malaking kandila si Kapitan Tiyago para sa Mahal na Birhen ng Antipolo at dalawang maliit namang kandila
para sa Nuestra Senora del Rosario at Nuestra senora del Pilar.

Madilim-dilim na noon nang dumating si Padre Salvi. Sinamahan siya ni Tiya Isabel sa silid ng maysakit. Natanaw ng
matnda na pinagmamasdan ng pari ang maamong muka bi Maria Clara habang ito ay nangungumpisal. Namumutla
ang mga labi ng kura habang gumagaralgal ang tinig. Butil-butil ang pawis sa kanyang noo. Marahil ang makasasaksi
nito ay magsasabing, baka ang kura ang nangungumpisal sa dalaga at hindi ang maysakit.

Nakahinga lamang ng maluwag si Tiya Isabel nang tumayo na ang pari at nagpaalam na ito. Bago lumabas ay
lumingon pa ito sa dalagang ma

(Scene 16)

Kabanata 47- Ang Dalawang Doña

Doña Victorina: Hindi ko malaman kung paano sila nabubuhay ditto? Kailangan ngang maging Indio. Mga walang
pinag-aralan at mapagmalaki pa. Biruin mo, nakakasalubong natin ay di man lamang nagpupugay. Paluin mo nga ng
sombrero Tiburcio at turuan ng urbanidad.

Doña Victorina: (kay Doña Consolacion) Ngayon, ano ang nangyayari sa inyo Doña? Bakit ba ako’y tinitingnan ninyo ng
ganyan? Naiinggit ba kayo sa akin?

Doña Consolacion: Ako? Naiinggit sa iyo? Oo nga, naiinggit ako sa inyong kulot na buhok.

Don Tiburcio: Tara na at wag mo ng pansinin

Doña Victorina: (tatabigin ang asawa) Bayaan mong turuan ko ito ng magandang asal.

Doña Victorina: Kilalanin ninyo ang inyong kausap. Huwag ninyong ibilang na ako’y taga lalawigan! Sa aming bahay sa
Maynila ay hindi nakakpasok

Ang mga alperes; sukat na sila’y mag-antay sa pinto.

Doña Consolacion: Aba! Escelentisima Señora Puput! Hindi nakakapasok ang mga alperes, ang nakakapasok ay ang
mga pilantod
Doña Victorina: (mang iinsulto) Hoy Doña Consolacion! Ako’y nakukutayang makipag-usap sa inyo, ang mga taong
mararangal. Gusto niyo bang labhan ang damit ko? Kayo’y babayaran ko ng mahal. Para naming hindi ko alam na
kayo’y isang labandera

Doña Consolacion: Akala mo ba’y hindi ko alam kung sino kayo at kung sino ang inyong kasama? Nasabi na yata iyan
ng aking asawa!

Doña Victorina: Bumaba ka dito! Bumaba ka ditto!

DARATING ANG ALPERES, AAWATINANG ASAWA, SUSUNOD NA DAATING SI PADRE SALVI

SA BAHAY NI DON TIBURCIO

Doña Victorina: Ngayon din ay luluwas tayo sa Maynila at haharap sa Kapitan Heneral! Pagkat ikaw ay hindi isang
lalaki! Sayang ang pantaloon mong isinusuot!

Don Tiburcio: Ngunit ako’y isang pilay.

Doña Victorina: Dapat mo siyang hamunin ng rebolber o sable! (titingnan ng Doña ang pustiso ng asawa at bigla itong
hinablot sa bibig ng asawa

PAPASOK SA EKSENA SI LINARES

Doña Victorina: (Kay Linares) Pinsan, hamunin mo ngayon din ang alperes ng duwelo. Maglaban kayo sa pamamagitan
ng rebolber.

Linares: Bakit? (gulat

Doña Victorina: Basta! Hamunin mo siya sa isang paglalaban ngayon din! At kung hindi ay ipagtatapat ko sa lahat dito
kung sino ka!

Linares: Ngunit Doña Victorina?

Doña Victorina: Akalain mo! Tayo’y hinahamak ng alperes at ipinahayg kung sino ka! At itong si Tiburcio, pinabayaang
siya’y maalipusta! Parang di lalaki! Ngayon din ay luluwas kami ng Maynila! Ikaw Linares ay maiiwan upang hamunin
mo sa pakikipaglaban ang alperes. Kapag hindi mo ito nagawa, ipagtatapat ko kay Don Santiago na kasinungalingan
ang lahat ng mga pinagsasabi mo sa kanya.

Linares: Ngunit Doña victorina, maghunos dili kayo. Huwag ninyong ipaalala sa akin yan.

PAPASOK SA EKSENA SI KAPITAN TIAGO

Doña Victorina: Don Santiago, ang alperes ay hahamunin ni Linares sa pakikipaglaban’ narinig ninyo? Kung hindi!
Huwag ninyong ipakasal ang inyong anak sa lalaking ito, pagkat siya’y duwag at di marapat na mapangasawa ni Ma.
Clara.

Elias: Nariyan ba ang inyong senyorito?

Utusan: Nasa kanya pong aklatan.

Sinadya ni Elias si Ibarra sa aklatan ng huli na noon ay nagpapalipas ng oras upang hindi mainip sa oras ng pagdalaw
niya kay Maria Clara.

Ibarra: Ikaw pala, Elias.Nakalimutan kong itanong kahapon ang pangalan ng Kastilang may bahay ng

Tinirahan ng iyong lolo.

Elias: Hindi ako naparito para sa aking pansariling kapakanan.

Ibarra: Masadan mo ito.” Patulay ni Ibarrang hindi pansin ang pag kabalisa ng kaharap.

Mayroon akong natuklasan. Ang kawayang ito ay hindi na susunog.

Elias: Hindi mahalaga ang kawayang iyan ngayon. Tipunin niyo ang lahat ng iyong mga dokumento at umalis kayo
agad.

May pagtatakang tiningnan ni Ibarra si Elias at nang mapuna niyang hindi ito nagbibiro ay nabitiwan niya ang kanyang
hawak.
Elias: Sunugi ninyo ang anumang makapagdudulot ng kapahamakan sa inyo. Magtungo kayo sa isang ligtas na lugar sa
loob ng isa oras. Itago ninyo ang lahat ng mahahalagang bagay. Sunugin ang lahat ng papeles na isinulat ninyo o
ipinadala sainyo. Ang mga ito ay maaring gamitin laban sa inyo.

Ibarra: Bakit?

Elias: Natuklasan ko ang balak na pag-aalsa at kayo ang pagbibintangan at mapapahamak.

Ibarra: Isang pag-aalsa nino?

Elias: Hindi ko na nagawang alamin pa kung sino ang may pakana. Kanina lamang ay kausap ko ang isang taong
binayaran para sumama sa pag-aalsa. Hindiko na siya nahimok umurong.

“Sinabi ba niya kung sino ang nagbayad sa kanya?”

“Opo. Nngako akong ililihim ito. Sinabi niyang kayo ang nagbayad.’

“Diyos ko!” usal ng nahintakutang binata.

“Magmadali na kayo. Huawag na nating sayangin ang panahon. Maaring maganap ang pag-aalsa mamayang gabi.

Sapo ng mga kamay ni Ibarra ang ulong tila hindi na naririnig ang mga sinabi ni Elias.

(Scene 17)

KABANATA 49- TINIG NG PINAG-UUSIG

Elias: (gulat na gulat, halos di makapaniwala) Ginoo, sinasabi po ba ninyo na walang utang na loob ang mga
mamamayan?

Elias: Nung tayo’y nasakop ng mga misyonero, ano ang nangyari sa lupaing ito?

C.Ibarra: Ngunit pinaniniwalaan din po ba ninyo na dahil sa mga prayle ay mapapamalagi ang kapanatagan ng bayan?

Elias: Opo, dahil ito ang paniniwala ng lahat ng tao sa Pilipinas. Hindi ko po akalaing magkakaroon kayo ng ganyang
napakaabang palagay ukol sa pamahalaan at bayan. Isang bayang sumusunod pagkat dinaraya, at isang pamahalaan
na kaya nakapag-uutos ay dahil na rin sa pandaraya.

Patawarin ninyo ako ginoo. Pero may palagay akong ang pamahalaan ang mang mang at imbi sapagkat ikinasisiya ang
gayon. Pinasasalamatan ko po ang inyong kagandahang-loob. Saan ko po kayo ihahatid?

C. Ibarra: Huwag po. Kailangang magpatuloy tayo ng pagtatalo upang malaman kung sino ang may katwiran.

Elias: Ipagpatawad po ninyo. Hindi po ako mahusay manalita upang kayo’y mapaniwala ko. Kung ako man ay nakapag-
aral ng kaunti, ako naman ay isang Indio. Ang aking pagkatao ay kahina-hinala; ganon din ang aking pangungusap. Ako
ngayon ay nag-aalinlangan na sa aking mga sariling pananalig at naniniwalang maaari ngang namamali. Aking
sasabihin sa mga sawimpalad na ang pagbibigay- tiwala sa mga tao ay ilipat na sa Diyos. Muli pinasasalamatan ko kayo
at sabihin ninyo kung saan ko kayo ihahatid.

C. Ibarra: Elias, ang inyong pangungusap ay umabot sa aking puso at nagbibigay sa akin ng alinlangan. Hindi ako
nakapag- aral sa piling ng ating bayan. Ako’y sa kolehiyo ng mga Jesuita nag- aral ng elementarya. Ako’y sa Europa
lumaki. Sa mga aklat ko hinubog ang aking pag- iisip. Gayunman, tulad ninyo ay iniibig ko ang aking bayan. Utang ko sa
kanya ang aking kaligayahan.

Elias: At ako naman, utang ko’y aking kasawian…

Ibarra: Opo kaibigan, alam kong kayo’y nagtitiis dahil kayo’y sawimpalad, at dahil dito’y madilim ang inyong nakikita sa
hinaharap…

Elias: Pero ang kasawian ko po ay may ibang pinagbubuhatan. Kung alam kong ito’y magbibigay ng kaunting katuturan
ay isasalaysay ko sa inyo.
C. Ibarra: Siguro magbabago ang aking pag- aakala kapag nabatid ko ang nasabing kasawian. Tandaan ninyo, ako’y
nag- aalinlangang maniwala sa mga likhang- isip pagkat lalo akong nananalig sa mga nangyayari

(Scene 18)

KABANATA 54- ANG SABWATAN

“Nariyan ba ang inyong senyorito?” tanong ni Elias sa isang utusan.z

“Nasa kanya pong aklata.”

Sinadya ni Elias si Ibarra sa aklatan ng huli na noon ay nagpapalipas ng oras upang hindi mainip sa oras ng pagdalaw
niya kay Maria Clara.

“Ikaw pala, Elias.Nakalimutan kong itanong kahapon ang pangalan ng Kastilang may bahay ng tinirahan ng iyong lolo”

“Hindi ako naparito para sa aking pansariling kapakanan.”

“Masadan mo ito.” Patulay ni Ibarrang hindi pansin ang pag kabalisa ng kaharap.

“Mayroon akong natuklasan. Ang kawayang ito ay hindi na susunog.”

“Hindi mahalaga ang kawayang iyan ngayon. Tipunin niyo ang lahat ng iyong mga dokumento at umalis kayo agad.’

May pagtatakang tiningnan ni Ibarra si Elias at nang mapuna niyang hindi ito nagbibiro ay nabitiwan niya ang kanyang
hawak.

“Sunugi ninyo ang anumang makapagdudulot ng kapahamakan sa inyo. Magtungo kayo sa isang ligtas na lugar sa
loob ng isa oras. Itago ninyo ang lahat ng mahahalagang bagay. Sunugin ang lahat ng papeles na isinulat ninyo o
ipinadala sainyo. Ang mga ito ay maaring gamitin laban sa inyo.”

“Bakit?”

“Natuklasan ko ang balak na pag-aalsa at kayo ang pagbibintangan at mapapahamak.”

“Isang pag-aalsa nino?”

“Hindi ko na nagawang alamin pa kung sino ang may pakana. Kanina lamang ay kausap ko ang isang taong binayaran
para sumama sa pag-aalsa. Hindiko na siya nahimok umurong.”

“Sinabi ba niya kung sino ang nagbayad sa kanya?”

“Opo. Nngako akong ililihim ito. Sinabi niyang kayo ang nagbayad.’

“Diyos ko!” usal ng nahintakutang binata.

“Magmadali na kayo. Huawag na nating sayangin ang panahon. Maaring maganap ang pag-aalsa mamayang gabi.”

Sapo ng mga kamay ni Ibarra ang ulong tila hindi na naririnig ang mga sinabi ni Elias.

(Scene 19)

Maria: Inay…. Ako po ay inyong gabayan at ang itay ay tulungan

(Tumingin sa bintana at nakita si iibarra na sakay ng isabg bangka)

Ibarra: Ako ay pumarito upang tuparin ang sinumpaang pangako sa iyong ina ngunit ano ang iyong ginawa?!

(Ininigay ang sulat)

Ibarra: Ano ang nilalaman ng sulat na ito at nagawa mong ipagpalit sa aking sukat?

Maria: Dito nakalahad ang lahat ng sikreto at aking pagkatao. Si padre Damaso ang aking tunay na ama.

Ibarra: Ano! Ngunit paano nangyari iyon?

Maria: Sinubukan ipalaglag ng aking ina ngunit hindi natuloy. Aking ipinalit ang sulat upang mapangalagaan ang mga
natitirang ala ala nv aking ina, upagkakapari ng aking tunay na amang si Padre Damaso at ang malinis ng pangaln ng
tumayong ama sa akin si kapitan tyago

(Scene 20)
KABANATA 61- ANG HABULAN SA LAWA

IBARRA;” Ano ba sa palagay mo ang dapat kong gawin, Elias?”

ELIAS; “Kung mapaparito ninyo,itatago ko kayo sa bahay ng isa kong kaibigan sa Mandaluyong. Ang mga salapi at
alahas na itinago ko sa tabi ng puno ng balite na nasa libingan ng inyong mga ninuno ay huhukayin. Umalis na kayo at
mangibang-bansa sa lalong madaling panahon.”

IBARRA:” Ako, mangingibang-bansa?”

ELIAS:” Kayo ay mananahimik sa ibang lupain.Kinikilala kayo sa pagiging mayaman at maraming kaibigan sa Esapanya.”

IBARRA:”Elias, ang kasawian mo ay sanhi ng angkan ko. Ipinapayo mong mangibang-bansa ako.Bakit hindi ka sumama
sa akin? Ituring mo akong kapatid. Pagsaluhan natin ang kayamanang dapat sana ay pinagpapasahan ng ating mga
ninuno.

IBARRA:”Ang kasawian po ng aking angkan ang nag-udyok sa aking upang maranasan ang pagdadalamhati ng mga
kapuspalad. Dahil higit na marami sila kaya’t mas liligaya po akong makasama sila sa pagdurusa.”

IBARRA:”Ngu….nguni’t bakit gusto mong ako’y mangibang-bansa”

ELIAS:”Doo’y maaari kayong lumigaya. Hindi po kayo ipinanganak upang magtiis.”

IBARRA:”Marami na rin akong ipinagtiis at ipinagdusa.”

ELIAS:”Pagtitiis dahil sa mga mahal ninyo sa buhay. Tulad po ng pagtitiis na hindi ninyo nakita ang inyong ama sa
kanyang pagkamatay sa bilangguan. Tulad po ng pastitiis na ipakasal ang inyong kasintahan sa iba nitong manliligaw.
Nguni’t ako po, bukod sa pagdurusang dinanas ng aking mga mahal sa buhay ay naging bahagi ng maraming hinaing
ng mga kapuspalad. Ang kalungkutan po nila ay ipinagdurusa ko at ang kamatayan nila ay libingan ko. Ako po at ang
mga mahihirap na mamamayan ay iisa.”

IBARRA:”Pinangarap ko ang pagtatayo ng paaralan para sa kagalingan ng mga mahihirap na mamamayan.

ELIAS:”Ang lahat ay ginawa ninyo sa bayan sapagka’t namulat kayo sa ama ninyong nagpapahalaga sa kagalingang
panlahat.”

IBARRA:”Totoo iyan. Mapalad ako sa pagkakaroon ng isang amang nagbigay pagpapahalaga sa dignidad ng
tao,matanda man o bata,mayaman man o maralita.”

ELIAS:”Mapalad din naman po ako at nakadaupang palad ang mga maealitang itinakwil ng ng marangyang lipunan.
Higit kopo silang naunawaan sapagka’t kami ay nagkasalo sa iisang pinggan, natutulog sa iisang higaan at sama-sama
sa pakikibaka laban sa mapang-aping pamahalaan.”

IBARRA:”Tama ka,Elias,tama ka.

ELIAS:”Natutuwa po ako at naniniwala kayo. Iba na ang pananaw ninyo ngayon kung ihahambing sa pananw ninyo
noong una tayong mag-usap sa bangka ring ito.”

IBARRA:”Ang mga butil ng palay ay naihiwalay ko na sa ipa. Nabulaganako noon. Nakita ko ngayon ang nagnaknak na
kanser na sumisira sa lipunan. Ang simbahan at pamahalaan ang nagtulak sa akin upang maging pilibustero. May
tatlong daan taon na tayong nagyuyuko ng ulo. Yumakap sa kanila. Tinawag tayong kapatid. Nguni’t itinuring ba
tayong kaibigan man lang? nililibak pa nila tayo sa halip na yakapin o kamayan man lang noon, naniniwala ako sa
kasabihang,’Hindi tayo pababayaan ng Diyos’ nguni’t ngayon, akma lang na sabihing,’Pagtulungan nating itayo ang
tunay na kahulugan ng kalayaan!’”

ELIAS:”Mapapadako po tayo sa tapat ng palaso ng Kapitan-Henera. Gulong-gulo ang lahat ng guardia civil. Paikot-ikot
ang maraming sundalong nakakabayo. Magtago kayo sa ilalim ng dami. Mgmadali kayo. Daraan tayo sa nakabantay na
guwardiya. Nakatitiyak akong alam na ng lahat ang pagtakas ninyo.”

GUWARDIYA CIVIL:”Para saan iyang mga damong iyan?Saan ka galing at saan ka pupunta?”paninita ng guwardiya civil
nang mapatapat si Elias dito

ELIAS:”Para po iyan sa mga alagang kabayo ng mga konsihal at kura. Galing po ako ng Maynila.”

GUWARDIY CIVIL:”Nakita mo ba ang isang mestisuhing binata na kahawig ng nasa larawang ito.”

ELIAS:”Hi…..hindi po!”
GC:”Pakibalitaan mo na ang sinumang makahuhuli sa kanya ay gagantimpalaan.”

ELIAS:”Salamat po at paalam.”

(Pagkatapos ng pagtatanong ng guwardiya, ang binatang natatakpan ng damo ay pinalabas na ni Elias. Pumasok ang
bangka sa Ilog Beata at idinaong sandali ni Elias ang bangka.Ibinababa nito ang mga damo at nagpasama kay Ibarra sa
pagputol ng kawayan.)

(Pagkatapos pumutol ng kawayan ay muling binagtas ng dalawa ang damong daan. Ang mga nagkalat ng bayong at
kawayan ay dinala nila upang iba naman ang makitang hakut-hakot nila.)

(Sinipat-sipat sila ng guwardiya nang mapadaan ang dalawa sa Malapad na Bato. Tinanong kung ano ang mga dala
nila. Sinabi nilang ipagbili nila sa mga Intsik ang kawayan at bayong.

Pinalagpas nila ng guwardiya.)

ELIAS:”Malayo na po tayo sa guwardiya nguni’t may lantsang dumarating sa bandang kanan. Humiga kayo sa bangka
at tatakpan ko kayo ng bayong. Bilisan ninyo! Sinusundan nila tayo!

IBARRA:”Sino sa palagay mo ang mga sumusunod,Elias

ELIAS:”Mga konstabularyo po.Ikinakasa nila ang kanilang mga riple. Mukhang tayo ang patatamaan. Umisip tayo ng
paraan.

IBARRA:”Ano ang gagawin natin, Elias? Kailangang lumaban na tayo.”

ELIAS:”Wala po tayong sandata man lang. Huawag kayong gagalaw diyan.Sisisid ako sa ilog para iligaw sila.”

(Hinubad ni Elias ang kanyang kamiseta at lumundag siya sa tubig. Sunod-sunod na putok ang pinakawalan ng mga
guwardiyan. Sa tuwing ililitaw ni Elias ang ulo sa tibig ay binabaril siya ng mga sundalo. Samantala,inaanod naman ang
bangkang sinaksakyan ni Ibarra. Sinikap ni Elias na lumangoy palayo sa bangkaupang hindi tamaan si Ibarra nguni’t
handa na ring mamatay si Ibarra.)

(Pagal na pagal ang katawan ni Elias sa paglalangoy nguni’t sinikap niyang makarating sa pampang. Malapit na sana
siyang makarating dito nang bigla syang barilin at tamaan ng konstabularyo. Nakita ng mga humabol sa bangkero ang
pamumula ng ilog. Natuwa at nagsigawan ang mga ito.)

“Patay na ang pilibustero!”

“Mabuhay ang nakabaril sa kanya!”

“Mabuhay!”

“Para sa iyo,pilibusterong Crisostomo Ibarra, dugo ng kamatayan!”

“Nguni’t sarhento,pumula nga ang ilog,nguni’t ang bangkay”

“Oo nga, nasaan ang bangkay?”

(Scene 21)

“(Nakatingin si Maria Clara sa pahayagan na nagbabalitang nalunod si Ibarra.Ang isip ay nasa kawalan ng sandaling
iyon.

Dinatnan siya ni Padre Damaso sa ganoong kalagayan.)

Padre Damaso: Natakot ka ano? Hindi mo inaasahan ang aking pagdating. Nandito ako para masaksihan ang kasal mo.

(Inabot ang kamay para hagkan ng dalaga) May sakit ka na naman ba, anak? Bakit namumutla ka?

[Walang imik si Maria Clara]

Padre Damaso: Wala ka na bang tiwala sa akin na inaama mo? Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari sa’yo.

Maria Clara: Mahal pa ba ninyo ako? (lumuhod sa harap ni Padre Damaso) Tulungan ninyo ang aking ama para di

Matuloy ang aking kasal! Noong buhay si Ibarra, gusto kung lumaban, umasa at manalig. Ibig kong mabuhay para
Marining kahit paano ang mga bagay tungkol sa kanya pero ngayon patay na siya. Bakit pa ako mabubuhay at
magtitiis?

Padre Damaso: Hindi hamak na nakahihigit si Linares kay…

Maria clara: Maaari akong magpakasal kaninumang noong nabubuhay pa si Crisostomo. Wala namang gusto ang ama
ko

Kundi malalaking ugnayan sa mga nasa poder. Pero ngayong patay na siya, walang sinumang tatawag sakin ng asawa.

Kumbento o sementeryo lamang ang aking pagpipilian.

Padre Samaso: Anak ko patawad. Hindi ko sinasadya ang kalungkutan mong ito. Ibig ko lang mabigyan ka ng mabuting

Kinabukasan, ng kaligayahan. Ito’y dahll mahal kita.

Maria Clara: Mahal mo palay ako’y wag mong hayaang ako’y malungkot habambuhay. Patay na siya. Ibg ko na ring

Mamatay o maging madre.

Padre Damaso: Isang madre! Isang Madre! Hindi mo lamang alam, anak ko, ang buhay na misteryong nakakubli sa
mga

Pader ng kumbento. Matanda na ako, Maria. Hindi na kita mapangangalagaan, pati ng kaligayahan mo. Humiling ka ng

Iba pa. Mahalin ang binata kahit sino man sya.. wag lang ang kumbento.

Maria Clara: Ang kumbento o ang kamatayan!”

“Padre Damaso: Diyos ko! Diyos ko! Pinarurusahan mo ako. Pagpalain mo ang anak ko! (sigaw ni Padre Damaso)
Ayokong Mamatay ka… magmamadre ka! Diyos ko! Talagang narito ka nga nagpaparusa ka. (umalis nang malungkot)”

(Scene 22)

KABANATA 63 -ANG NOCHE BUEN

(Pagtaas ng ulo ni Basilio ay nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Lumapit sa kanya ang lalaki at
tinanong siya nang pabulong.)

HINDI KILALANG LALAKI:”Ikaw ba ang anak niya?

(Tumango si Basilio.)

HINDI KILALANG LALAKI:”Ano ang balak mong gawin.

BASILIO:”Ilibing siya.”

HKL:”Sa sementeryo?”

BASILIO:”Wala po kong pera, saka hindi ako papayagan ng kura.”

HKL:”Kung gayo’y….

BASILIO:”Kung matutulungan po ninyo ako…”

HKL:”Nanghihina na ako,”(tugon ng di kilalang lalaki na unti-unting nabubuwal hanggang sa itukod niyon ang
dalawang kamay sa lupa.) “sugatan ako. May dalawang araw na akong hindi kumakain at natutulog. May naparito ba
ngayong gabi?”

(Minasdan ng lalaki ang bata.)

BASILIO:”Makinig ka,” patuloy niyang wika habang nanghihina ang tinig.”Mamamatay na rin ako bago mag-umaga.
Dalawampung hakbang mula rito, sa kabilang pampang ng sapa ay may malaking bunton ng panggatong. Ibunton mo
rito at ipatong mo ang aming mga katawan. Takpan mo kami at sunugin hanggang kami’y maging abo.”

(Matamang nakikinig si Basilio.)

HKL:”Kung walang darating ay humukay ka rito. Marami kang gintong matatagpuan. Iyo nang lahat iyon. Mag-aral ka!”

(Unti-unting humihina ang tinig ng lalaki.)


HKL:”Kunin mo na ang mga kahoy.”

(Umalis na si Basilio. Ibanaling ng lalaki na walang iba kundi si Elias ang mukha sa silangan at pabulong na tila
nagdarasal.

ELIAS:”Walang malalabi sa akin…. Mamamatay akong hindi mamamalas ang pagsikat ng araw sa aking bayan. Kayong
makakakita sa pagbubukang-liwayway, malugod ninyo siyang tanggapin at inyong gunitain ang mga nabuwal sa dilim
ng gabi.”

(Tumingala siya sa langit. Kumibot ang mga labing waring nagdarasal hanggang dahan-dahang lumugmok.)

NARRATOR: Ipinasok si Maria Clara sa kumbento ng Santa Clara. Si Padre Damaso naman ay nagpalipat sa Maynila
ngunit naatasang malipat sa lalawigan. Ngunit isang araw, nakita na lamang na siya’y patay na marahil sa pagkaipit ng
ugat, bangungot, o altapresyon. Si padre Salvi nama’y maiimit na nagmimisa sa Sta. Clara. Si Kapitan Tiyago ay
minabuting mamuhay nang mag-isa. Nalulong siya sa sugal, sabong, at paghithit ng opyo. Hindi na rin siya nakikitang
nagsisimba. Pinauwi niya si Tiya Isabel sa bahay sa Malabon. Si Donya Victorina ay lalong umastang siya’y taga-
Europa.Siya ay nagsalamin at nahilig Magpatakbo ng karwahe. Lagi namang nakikita ang asawa nitong si Don Tiburcio
na walang pustiso.Ang alperes ay bumalik sa Espanya at doo’y naging komandante. Iniwan na niya ang asawang si
Donya Consolacion, na lalong nalulong sa alak at tabako. Kinatakutan ang donya hindi lamang ng mga bata kundi
maging ng matatandang babae.

May usap-usapan naman na isang gabi ng Setyembre habang umuulan nang malakas na may kasamang pagkulog at
pagkidlat, dalawang sundalo ang sumilong sa isang gusali malapit sa kumbento ng Sta. Clara. May nakita ang isang
sundato na hugis ng babae (si Maria Clara) sa itaas ng kumbento na tila humihingi ng saklolo sa langit. Sa muling
pagkidlat. Nakita niya ang magandang mukha ng babae. Kailangan daw nilang iulat sa kinauukulan ang nakitang
madre.

Kinabukasan ay iniulat nila sa madre superyora ng kumbento ang nangyari. Pinaharap sa isang awtoridad ang madreng
basangbasa ang suot. Nagpapatulong ang madre sa awtoridad na ilabas siya ng kumbento. Ngunit ayon sa superyora,
ang babae’y baliw.Samantala, ang ilan pang mga tauhan sa San Diego ay maaaring nakasama sa pagsabog ng bapor
Lipa.

You might also like