Ako Si Jocelyn P

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ako si Jocelyn p.

Garrido
Complinant

Isasalaysay ko po ang aking pag punta sa Saudi. Noong


September 20, 2019 at kung paano din ako nakauwi at ang sahod ko
para ko makuha kaya nag complaint ako. Noong July 2019 lumuwas
po ako papuntang Manila para po mag-apply ng mangibang bansa.
Nag-apply po ako sa Agency ng Eurasian quest at doon ang
nakausap ko ay si Maam Rose at si Maam Irene ang office po nila ay
nasa Vito Cruz estrada Street, Manila at dun din po ang accomodition
nila ang pinaka main office talaga ng agency nila ay nasa RMS 302
(3F) AND 402 (4F) FEMII BLDG A SORIANO AVE. INTRAMUROS
MANILA. Nag apply po ako sa kanila at after 3 weeks na complete na
mga documents ko lebre ang Training sa Tesda, PDOS, Medical.
Nakapag Flight po ako noong September 20, 2019 bali walo po
kaming sabaysabay na nag flight na araw na yon. September 21,
2019 kami dumating sa Airport ng Riyad ng Saudi Arabia. Sinundo po
kami nang driver ng agency sa Saudi na ang pangalan po ay LOLWA
ABDULAZIZ ALANGARI RECRUITMRNT OFFICE. Doon na po kami
sinundo ng kanya-kanyang Employer. Mabait naman sila mag-asawa
at mayroon dalawang anak. Pag kalipas ng dalawang buwan ay hindi
na mabuti ang pag trato sakin ng employer ko na babae isang beses
binato po sakin ang isang basket na labahan galit na galit na hindi ko
alam na kong ano ang kinagagalit sakin at dina ako binibigyan ng
pagkain ko. Gutom ang inabot ko. Isang araw po bigla po akong
nahilo at muntik na po ako matumba at nagdilim po ang paningin ko.
Dinala po ako sa Hospital ng Employer kong lalaki at nalaman ko po
na muntik na po ako mag-stroke kasi napakataas na po pala ang BP
ko. Binigyan naman po ako nang gamut para po bumaba ang Blood
Pressure at umuwi kami sa bahay ng Employer ko pilit po akong
pinagtratrabaho ng babae na employer kahit masama pa pakiramdam
ko. Pagka kinabukasan dinala uli ako ng employer ko sa ibang
Hospital naman pina check-up uli ganon parin po mataas ang BP ko
at dala na po result ng amo noong nasa beyahe kami ng employer ko
sinabihan ko siya na hindi ko napo kaya magtrabaho gusto kona po
umuwi sa Pilipinas at nag-usap po ang mag-asawa na employer ko at
pag kahapon po hinatid nila ako sa agency ang buwan noon ay
December 13, 2019. Galit na galit na sumalubong sa kin ang katiwala
sa agency ng Saudi na si Rowena bakit raw ako nagpabalik sa agency
eh alam naman niya na may sakit ako at nanginginig pa nga katawan
ko at nakita naman niya ang result ng medical ko tas sasabihin niya
na okey lang daw ang result nang medical eh hindi nga niya
mabasabasa kasi Arabic ang pagkasulat nito. Pagkakinabukasan
pinakita niya ang result ng medical ko UNFIT pala nakalagay don
UNFIT TO WORK na hindi na po ako pwedi magtrabaho. At dun
tinawag ako ni Rowena katiwala sa agency ng Saudi at Vinediohan
niya ako na magsabi sa agncy ko dito sa Pinas na bilhan nila ako ng
ticket para po ako makauwi mayroon papo akong video na nariyan sa
cellphone ko hanggang ngayon. Pinasa na ni Rowena ang Video na
yan sa agency ko dito sa Pilipinas. Ang nakausap niya po ay si Maam
Rose po at Si Maam Irene po at kinausap din nila ako at sinabi nila
sakin hindi daw ako pwedi umuwi at may gamot raw naman daw ako.
At pilit po nila akong hahanapan ng another employer kahit sinabi ko
na sa kanila na hindi ko na kaya mag trabaho. Pinabilis nila akong
hinanapan nang another employer kahit masama pa pakiramdam ko.
Pinag-mumura pa ako ni Rowena katiwala sa agency kapag hindi
maayos kami makipag harap sa mga kleyente nila. Isang gabi noong
December 22, 2019 nakuha na ako ng pangalawang employer ko na si
DR. ADIL-AMIN isa po siyang doctor at may asawa at isa po anak na
lalaki sobra 1 year old palang at buntis po amo kong babae
napakamarami po ang trabahoin ko all around sa bahay at bantay sa
bata at masaklap pa po ay pag pumupunta po kami ng amo kong
babae sa mga magulang niya ay pinapag linis po niya ako sa napaka
malaking bahay hanggang (4F) at pati sa bahay ng kapatid niya kasi
wala po ito kahit isang katulong kaya isang araw hindi po ako
makabangon sa higaan at panay dugo po ilong ko at lagi po akong bini
BP ng amo kong babae at doon mataas nanaman ang blood pressure
ko at dinala din ako sa hospital nang amo kong lalaki at driver nila at
tinawagan din ng employer ko si Rowena sa agency para ipalaam sa
kanya ang sitwasyon ko na hirap na akong bumangon sa higaan ko at
nahihilo ako nanginginig pa buong katawan ko. Pagkatapos nila mag
usap sa cellphone ung employer ko at si Rowena ay kinausap ako ng
employer ko sinabi ko rin sa kanya na diko na talaga kaya
magtrabaho dahil sa sakit ko naintindihan naman po ako nang
employer ko at tinawagan niya ung Driver at pinahatid po ako sa
agency at dun po ako inihatid at dinala ako sa accommodation ng
agency kinulong po ako sa kwarto at my kasama din ako na ibang
pinay, Bangladesh, kenya at dun hiningian ako ni Rowena pambili raw
nang ticket kasi ang sabi sakin ni Rowena wala na daw paki alam ang
agency ko dito sa Pinas pagkatapos lang nila ibinta sa employer ko at
pagkatapos nila akong pag perahan dahil sa mga nagging bayad nang
amo ko sakin. Ung pangalawa sana na employer ko ang bibili sakin
nang ticket paano hindi po nagbigay nang kapalit ko ang agency ko
dito sa pinas hindi po nagbigay nang kapalit ko sa employer kaya
nagalit ang employer ko nagbigay po ako kay Rowena na ung
katiwala sa agency sa Saudi 1,500 riyal po un pambili raw nang ticket
sabi po nila Rowena at agency dito sa pinas at pagkalipas nang ilang
lingo dami na nakakauwi pero ako wala pa po nauna pa po ako na
ibalik sa agency at ung nahuhuli yon pa ang na uuna nakakauwi sa
Pilipinas. Hindi po alam ni Rowena na hindi ko sinurrender sa kanila
ang cellphone ko noon paman na una kong balik sa agency o sa
accommodation kinukuha ang celphon at pera kaya tinago ko ang
cellphone ko at minsan naka connect ako sa loob ng accommodation
ng Wi-Fi sa CR lang po kami mga pinay ang nakakapag cellphone
kaya po naghingi po kami sa kaibigan po naming isa din po siyang
OFW lalaki at may kilala po siya sa POLO EMBASSY at sa kanya po
kami nag bigay ng report po para po sa embahada ng Pilipinas at sa
POLO EMBASSY at January 23 nakapagkuha ang kapatid ko sa POEA
MANILA ng repatriation at nandito parin yan sakin ang repatriation
ko. Tinawagan ang agency ko sa Saudi ng POLO EMBASSY para po
sabihin sa kanila na nakareport napo kami mayroon po akong kasama
na pinay at igkasi agency ko na Eurasian quest tatlo po kami
Eurasian quest ang agency at kasabay ko rin na inihatid ng katiwala
na Arabo sa agency LOLWA ABDULAZIZ ALANGARI RECRUITMENT
OFFICE. Hinatid po kami sa POLO EMBASSY ng Riyad at doon hindi
po binigay ang pera naming ung pera kopo ung sahod ko na bibili raw
ng ticket pero hinatid man kami sa POLO EMBASSY at nag stay kami
doon ng sobra 3 weeks hinintay po naming ang pera naming na ihatid
nila pero wala doon kami nag stay sa bahay-kalinga ng POLO
EMBASSY ng 3 weeks hanggang nakapag flight po kami noong April
28, 2020 ang totoo po government po ang bumili po nang ticket ko
hindi po agency dito sa pinas hindi po Eurasian quest ang aking po
nerereklamo ay ung 1,500 riyal ko na sahod na hindi binigay alam po
yan nang agency ng Eurasian quest na myroon po kaming mga pera
na sahod naming sa employer na hindi po nila binigay kaya po
responsibilidad niyo po yan. Ibigay sakin agency ko na Eurasian
quest dahil kayo po ang naging agency ko dito sa pilipinas.

Jocelyn p. Garrido
Complinant

You might also like