Professional Documents
Culture Documents
Filipino10 q1 Mod6 Forprint
Filipino10 q1 Mod6 Forprint
Filipino
Unang Markahan – Modyul 6:
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
(Tulang Liriko-Pastoral Egypt)
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (Tulang Liriko-Pastoral Egypt)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at MTB
Subukin
Malaman kung ano na ang natutuhan mo. Basta maging matapat ka lang sa
iyong sarili sa pagsagot sa pagsusulit na ito. Magsimula na tayo………
Panimulang Pagsusulit:
Panuto: Bilugan ang tamang sagot / salita ayon sa iyong pang-unawa.
1. Ito ay genre ng panitikan na nababasa sa isang upuan lamang.
A. Nobela B. Dula C. Maikling kuwento D. Tula
2. Binubuo ito ng mga taludtod at saknong.
A. Dula B. Tula C. Nobela D. Maikling kuwento
3. Akdang pampanitikan na isinasagawa sa isang entablado.
A. Maikling kuwento B. Tula C. Dula D. Nobela
4. Ito ay lundayan ng kultura, salamin ng idealismong Pilipino.
A. Panitikan B. Maikling Kuwento C. Alamat D. Dula
5. Tahas o nakatagong kahulugan ng isang tula. Paglalarawan ng malikhaing gunuguni.
A. Tula B. Tayutay C. Talinghaga D. Taludtod
6. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.
A. Pastoral B. Elehiya C. Soneto D. Dalit
7. Uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay at
malayang paggamit ng mga salita sa iba’t ibang estilo.
A. Sanaysay B. Nobela C. Tula D. Maikling Kuwento
8. Pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
A. Sukat B. Tugma C. Talinghaga D. Kariktan
9. Isang uri ng tulang pamamanglaw na madaling makilala ayon sa paksa gaya ng
kalungkutan, kamatayan at iba pa.
A. Pastoral B. Elehiya C. Soneta D. Dalit
10. Ano ang tawag sa kaugalian na tinatangkilik at pinapahalagahan ng bawat
mamamayan Pilipino man o dayuhan?
A. Tradisyon B. Ugali C. Kultura D. Gawi
1
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Aralin
(Tulang Liriko-Pastoral Egypt)
1
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Balikan
Matandang Panahon.
Panahon ng
mga Kastila na Ang panahong ito ay
nagmula noong nagsimula noong unang
taong 1521
pagdating ng mga
hanggang sa
taong 1876. Negrito o Aeta hanggang
sa taong 1521.
2
ANG PANULAANG PILIPINO Ang panulaan ay binubuo ng mga
bugtong, salawikain at kasabihan, tanaga,
tulang pambata, bulong, awiting bayan, at
epiko.
Ang mga ito'y nakasulat din ngunit
ng dumating ang mga Kastila marami ang
sinunog na mga literatura at saka dahil
marami ang nakasulat sa mga kahoy at
dahon ito ay natunaw pagkalipas ng
maraming taon.
Bagamat magkakaiba ang
lengguaheng gamit ng mga sinaunang tao
ang kanilang panitikan ay may iisang
mensahe at layunin.
Ang epiko ay mahabang tula na
inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa
mahiwagang pangyayari at kabayanihan ng
isang mamamayan.
Tuklasin
TULA AT EPIKO
Ang tula ay isang akdang pampanitikan na dapat maikintal sa puso at isip ng
bawat mag-aaral. Dito nakaugat ang kultura ng bawat bansa. Magkakaiba man ito
subalit magaganda. Ang tradisyunal na porma at istruktura ng tula ay kailangang
maingatan, mapangalagaan at panatilihing buhay. Ito ang kahalagahan ng panitikan at
tula sa ating kasaysayan. Ang ating bansa ay hindi dapat ipagsawalang bahala. Ito ang
nag-uugnay sa tao at pamilya, pangkat at lipunan, bansa at buong daigdig.
Pagkakaiba-iba at Pagkakatulad ng mga Tulang Pandaigdig
1. Ang bawat tula ay may angking katangian at kabuuan. Lumilikha ito ng sariling
daigdig.
2. May karapatan at kalayaan ang makata sa estruktura ng kanilang tula.
3. Gumagamit ang makata ng sarili nilang mga salita.
4. Ang tula ay may iba’t ibang dimensyon: paningin, pandinig, pandama, panlasa
5. Ang kagandahan ng tula ay mapayayabong sa pamamagitan ng iba’t ibang
pagpapakahulugan dito.
Ang tula ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay batay sa guniguni
kaisa ng ating damdamin at ipinapahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.
https://www.tagaloglang.com/epiko/
3
Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’
ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
Mga Epiko ng Pilipinas: Biag ni Lam-ang, Hudhud at Alim, Ullalim, Ibalon,
Maragtas, Hinilawod, Agyu, Darangan, Tulalang
Mga Epiko sa Ibang Bansa: Iliad at Odyssey (Gresya), Siegried (Alemanya),
Kalevala (Finland), Ramayana (India), Kasaysayan ni Rolando (Pransiya), Beowulf
(Inglatera), El Cid (Espanya), Sundiata (Mali), Epiko ni Haring Gesar (Tibet)
Ating tunghayan ang mga tula ng kabayanihan sa panahon ng digmaan laban
sa Pandemya. https://www.facebook.com/hfajarda/posts/2537844829803577
Mga Tula ng Makata ni Herbert Fajarda
Pandemya
Suriin
Uri ng Tulang Liriko
Ang Tulang Liriko ay nagtataglay ng mga karanasan, guni-guni, kaisipan at mga
pangarap tungkol sa pag-ibig, ligaya lungkot, hinanakit atbp. Karaniwan itong maikli
at payak. Itinatampok dito ng makata ang kaniyang sariling damdamin.
4
Sa panahon ng pandemya marami ang tinaguriang bayani. Marami ang sumubok
magtanim upang hindi na umasa sa ayuda. Ito’ y humikayat sa maraming tao na muling
subukan kahit na sa kanilang bakuran lamang. Pinalakas pa ito ng programa ng ating
pamahalaan na “Balik Probinsiya.” Halika ka, samahan mo akong basahin ang tulang
ito.
Pagyamanin
Nais kitang bigyan ng mga karagdagang paliwanag para sa ating bagong aralin,
upang hindi ka mahirapan at maging madali sa iyo ang lahat.
Ang mga panandang pandiskurso ay maaaring maghudyat ng pagkakasunod
sunod ng mga pangyayari / kilos o di kaya’y maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng
diskurso. Karaniwan nang kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig. Oppsss….
Sandali lang may salitang bago sa iyo? Bigyan muna natin ito ng kahulugan nang hindi
ka mahirapan.
MAGHIMATON - ipahiwatig, palatandaan
DISKURSO - Pagsulat at pagsasalita na may katagalan o kahabaan.
Mga hudyat;
Sa Pagsisimula;
Una, sa umpisa, noong-una, unang-una
Sa gitna;
Ikalawa, ikatlo, ikaapat …………….
Sumunod, pagkatapos, saka
Sa wakas;
Sa dakong huli
Sa huli
5
C. Muli, kasunod, din/ rin
Halimbawa: Ang mga Igorot ay hindi lang mahilig sumayaw, sila rin ay mahusay
umawit.
D. Bilang paglalahat, sa kabuuan, samakatuwid
Halimbawa: Bilang paglalahat, masasabing mahusay talaga ang mga Pilipino sa
anomang diskarte sa buhay.
E. Pagtitiyak o Pagpapasidhi - Siyang tunay, walang duda
Halimbawa: Walang dudang likas na mahuhusay ang mga mag-aaral sa
pagbuo ng isang robotics.
F. Pagbubukod o Paghihiwalay -Maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa
Halimbawa: Bukod sa kanyang sinabi, isinulat niya pa ito sa isang papel.
G. Pagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan - Tuloy, bunga, nito, kaya, naman
Halimbawa: Bunga ng lockdown nahirapang sumunod ang ilang kababayan
natin.
H. Pagsasaad ng kondisyon o Pasubali - Kapag, sakali, kung
Halimbawa: Sakaling lalabas ka ng bahay, isipin mong mabuti kung ito ay
makakatulong sa iyo.
TANDAAN:
1. Kapag ang pinagsunod-sunod ang mga pangngalan, gumamit ng mga pang-uring
pamilang na panunuran o ordinal.
Halimbawa: Una si Doris, pangalawa si Mario, Pangatlo si Anna………..
2. Kapag pinagsunod - sunod ay proseso o paraan ng pagsasagawa ng isang bagay
tulad ng pagluluto, pag -e email, pagsasagawa ng power point at iba pang
bagay o tinatawag na tekstong prosidyural.
Halimbawa: Una, kasunod, panghuli at iba pa.
3. Paggamit ng mga salitang hakbang + pang-uring pamilang o Salitang step, , ,
Halimbawa; Step 1, step 2, step 3
Unang hakbang, ikalawang hakbang, ikatlong hakbang
Panuto: Basahin at pagsunod-sunurin ang mga pahayag sa tulong ng paglalagay
ng bilang 1-5.
_____A. At sa huli, marami na ang nagpapasalamat dahil sa malaking tulong na
naibigay ng programang Maka-tulong ng ating lungsod.
_____B. Samakatuwid, kailangan lang pala nating maghintay nang kaunti dahil
hindi ganun kalaking halaga ang pakakawalan ng pamunuan mula sa kaban
ng yaman ng ating lungsod.
_____C. Sa umpisa. Waring nagugulumihanan ang mga komon tao, sa tila piling
pamimigay ng ayuda sa ating siyudad. Kinukwestyon bakit nauna ang mga
mag -aaral gayong sinasabi nila na hindi lang naman mga mag-aaral ang may
bibig.
_____D. Sa kabilang dako, kumikilos na pala ang pamunuang lungsod ng Makati
para sa napipintong pagbigay ng limang libong pisong ayuda para sa lahat.
_____E. Sumunod namang nakatanggap ay ang mga senior citizen muli,
makaririnig ka ng mga reaksyong: “Paano naman kami?”
Isaisip
1. Ang epiko ay isang anyo ng tula na nagsasalaysay ng kabayanihan ng mga
pangunahing tauhan.
2. Ang panulaang Pilipino ay masasalamin ang kabayanihan at kadakilaan ng mga
bayaning nakipaglaban sa panahon ng iba’t ibang uri ng digmaan na hinarap
ng sambayanan.
3. Tinatawag na “macro-epic” yaong mga epiko na napakahaba na kinakailangan
ang higit sa mga isang daang araw para ikuwento. Napakaloob sa macroepic ang
4. https://www.youtube.com/watch?v=dD4V3jAcIBc halimbawang vidyo ng
spoken poetry ng kabayanihan sa panahon ng pandemya.
6
5. Halimbawang akda sa panahon ng kabayanihan
Padayon Lang sa Pag-akda
Textula ni Joel Costa Malabanan
Ika-2 ng Hunyo, 2017 sa PNU
Wala na ngang bagong huhukaying paksa Bulok na sistema: hangad na langgasin
Lahat, nagalugad nitong manlilikha Kaya ang magsulat ng para sa bayan
Salansan na lamang ng mga salita Kahit retorikang paulit-ulit lang
Ang siyang magbibihis sa alinmang akda Palaging may angkin pa ring kabuluhan
Ngunit ang damdamin kayang paalabin Kapag hinahawan ay ang kalayaan!
Ang angas at tapang kaya pang gisingin Palaging hulmahin ang sukat at tugma
Pag nakikibaka ang mga sulatin Upang ang katwira'y isalang sa digmaan
Isagawa
Sa tingin ko dahil sa kakaiba ang sitwasyon natin sa ngayon kayang-kaya mong magpasaya ng
ibang tao. Narito ang mga paksa na maaari mong pagpilian.
Gawain 1: Pumili ng isang paksa at subukang gumawa ng isang tula na maaring tumalakay sa
ilang mga isyu ng ating lipunan. Isulat sa iyong kwaderno o sagutang papel ang iyong
ginawang tula.
a. Frontliners ...Bayani sa COVID-19
b. New Normal na Pag-aaral Handa Ka na ba?
c. Pananampalataya Ang Sagot sa Problema
d. Kalayaan, Bayanihan Tungo sa Bansang Ligtas
Gawain 2: Suriin ang mga larawan sa ibaba tungkol sa mga isyung pandaigdig. Paano mo
maiuugnay ang iyong sarili, ang buhay ng isang Pilipino? Ipahayag ang iyong pananaw.
Pandemic
PANDEMIC GLOBALISASYON
Globalisasyon
7
Tayahin
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Ilagay ito sa sagutang papel.
______1. Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o
Aeta hanggang sa taong 1521.
A. Panahon ng Amerikano C. Matandang Panahon
B. Panahon ng Kastila D. Panahon ng Pambansang Pagkamulat
______2. Nag-umpisa noong taong 1898 hanggang sa pagkatapos ng panahon ng
digmaan
A. Panahon ng Amerikano C. Matandang Panahon
B. Panahon ng Kastila D. Panahon ng Pambansang Pagkamulat
______3. Ito ay may paksa ng pagmamahal o pag-ibig, pagmamalasakit at
pamimighati.
A. Tulang Pastoral B. Awit C. Elehiya D. Soneto
______4. Ang akdang ito ay halimbawa ng tulang pastoral na ang persona ay umibig.
A. Pandemya C. Republikang Basahan
B. Ang Tinig ng Ligaw na Gansa D. Padayon Lang sa Pag-akda
______5. Ang mga epiko na napakahaba ay kinakailangan ang higit sa mga isang
daang araw para ikuwento ay tinatawag na____________.
A. Macro-epic B. Epic C. Micro-epic D. Micro
Karagdagang Gawain
Pumili ng isang pelikula o nobela na iyong napanood o nabasa at gumawa ng isang
pagsusuri.
Dekada ’70 Hunchback of Notredame
Harry PotterRomeo at Juliet
Pamantayan
I. Suring-basa / Pelikula/Nobela (30 puntos)
a.Mabisang Panimula ……………………. 5 puntos
b.Pagsusuring pangnilalaman …………… 10 puntos
c.Pagsusuring Pangkaisipan ……………… 10 puntos
d.Buod ………………………………………… 10 puntos
II.Pagbabahagi (20 puntos)
a.Kahandaan ……………………………… 5 puntos
b.Pagbabahagi ng impormasyon …………. 5 puntos
III.Lalim ng pagsusuri ………………………. 10 puntos
Kabuuang Puntos 50 puntos
Interpretasyon
Napakahusay: 45-50 puntos
Mahusay: 35-44 puntos
Mahusay-husay: 25-34 puntos
Dapat pang paghusayan: 24 puntos-pababa
Binabati kita sa matagumpay mong pagtuklas ng karunungan at pagpapaunlad ng
iyong mga kasanayan. Ipinakita sa iyo ng mga natalakay na akdang pampanitinikan sa
Modyul 1 kung gaano kahalaga ang kultura ng bawat bansa at kung paano ito
nakaaambag sa pag-unlad ng paraan ng pamumuhay ng iba’t ibang bansa na
naiimpluwensiyahan nito. Ihanda ang iyong sarili sa paglalakbay sa mga akdang
pampanitikan ng mga bansang Kanluranin tulad ng Brazil, Carribean, Amerika,
Iceland, Portugal, at Inglatera.