Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY


NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Banghay-Aralin sa Fil 201 Sanaysay at Talumpati


Inihanda ni: Kent Jayrald D. Lim , BSED Filipino 3-A
I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nauunawaan ang konsepto ng sanaysay bilang anyo ng literatura.
B. Nakakagawa ng isang sanaysay na tungkol sa pangarap na iyong minimithi.
C. Naisasapuso ang aral na napulot sa sanaysay na tinalakay

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pangarap ng Kabataan
ni Pablo R. Glorioso
B. Sanggunian: Dr. Maribelle E. Arib, Sanaysay, Talumpati, at Debate
(Isang Kagamitang Pampagtuturo)
C. Kagamitan: Larawan ng batang nangangarap, isang pop-up book,
visual aids, sipi ng tatalakaying sanaysay, at laptop.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

a. Panalangin

Bago tayo magsimula sa ating Ama, maraming salamat po sa mga biyaya na


tatalakayin sa araw na ito. iyong ipinagkaloob sa amin, salamat po sa
Inaanyayahan ang lahat na tumayo para buhay at panatilihin mo po kami maging
sa panalangin na pamumunoan ni G. positibo at masigla upang malampasan namin
Erjelou Basa ang lahat ng mga pagsubok na aming
mararanasan………Amen.

b. Pagbati

Magandang Umaga, klas! Magandang Umaga rin po, G. Lim

c. Pasasaayos ng silid

Umupo na ang lahat, pakiayos ng (Gagawin ng mga Mag-aaral)


inyong upuan at sarili, pulutin ang mga
kalat.

d. Pagtatala ng lumiban
(Sagot ng mga mag-aaral)
Sino ang lumiban sa klase.

B. Pagbabalik-aral

Klas, noong nakaraang pagkikita natin, Ang kontemporaryong Anyo ng sanaysay ay


ang ating tinalakay ay tungkol sa binubuo ng Ulat pagsisiyasat, panayam, jornal
Kontemporaryong Anyo ng Sanaysay. Ano o Estilong Jornal, Ulat Paglalakbay,
ulit ang Kontemporaryong Anyo ng talambuhay, ulat teknikal, pagsusuri at photo
Sanaysay? essay o sanaysay ng larawan.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Tama!

Kung gayon, upang matukoy ko kung


naunawaan at naalala niyo pa ang iba’t-
ibang anyo ng kontemporaryong sanaysay.
May inihanda ako na mga larawan.

(Ipakita ng guro)

Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng


kontemporaryong sanaysay at isulat ang tamang Mga Posibleng Sagot:
sagot sa pisara..

1. 1. Ulat pagsisiyasat
2. 2. Panayam
3. 3. Estilong Jornal o Jornal
4. 4. Ulat pagtatalakay
5. 5. Talambuhay
6. 6. Ulat Teknikal
7. 7. Pagsusuri
8. 8. Photo Essay

(Tatawag ang guro ng ilang estudyante para (Sinimulan ng sagutin ng mga estudyante ang
sagutin ang katanungan.) katanungan.)

Okay klas, maraming salamat sa mga sumagot at Opo. Sir


nararapat lamang na ating iwasto ang kanilang mga
isinagot, Diba?

(Iniwasto ng guro ang mga sagot ng kanyang mga


mag-aaral.)

Mukhang naunawaan at naalala pa ninyo ang (Nagpalakpakan)


itinalakay nakaraang pagkikita natin, dahil diyan
dapat kayong bigyan ng isang masigabong
palakpakan.

C. Pagganyak

Magpapakita ng isang larawan ng isang batang


nangangarap.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Mga Posibleng Sagot:

Naglalarawan po sa isang batang nangangarap!

Klas, ano ang nahihinuha ninyo sa unang larawan?

Opo sir!

Mahusay!
Opo sir!

Sa inyo bang palagay, mayroon bang kaugnayan


aking pinakitang larawan sa bagong paksang
tatalakayin natin ngayong araw?

Magaling!
May malaking kinalaman ang larawan na aking
ipinakita sa inyo sa paksa na ating tatalakin sa araw
na ito!

Handa naba kayo?

D .Paglalahad ng Banghay Aralin


Ngayong umaga ay tatalakayin natin ang
sanaysay na pinamagatang Pangarap ng Kabataan,
na isinulat ni Pablo R. Glorioso.
E. Paghahawan ng Sagabal

Ngayon klas ay bibigyan natin ng mga


kahulugan ang mga salitang maaaring makasagabal
sa daloy ng ating talakayan.

Panuto: Mayroon akong inihandang dalawang


hanay, hanay A at hanay B dahil may mga salita sa
ating tatalakin sa araw na ito na maaring magdulot
ng sagabal sa ating talakayan. At ang nais ko ay
isulat niyo sa hanay B ang kasingkahulugan ng
mga salita na nasa hanay A. Pagkatapos ninyong
maisulat nais kong bumuo kayo ng isang
pangungusap batay sa salita na inyong sinagot.
HANAY A

ALALAONG HANAY B

ALIWANG
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

KAPARARAKANG

PAGSAMYO

MABINING

MAKAPUPONG

PAGMAMANGKAW

PAGLALAGALAG

SALIMISIM

MANAGHILI

KASIBULANG

KINAPAL

NILULUNGGATI

MAKAIGPAW

PAGHIHIKAHOS

F. Pagbasa ng Seleksyon

Babasahin ko ang aking inihandang sanaysay, at (Gagawin ng mga mag-aaral)


ang nais ko ay kayo ay makinig ng mabuti,
unawain at isapuso ang aral na maari ninyong
mapulot sa sanaysay na ito.

Maliwanag ba, klas? Opo sir!

PANGARAP NG KABATAAN

Pablo R. Glorioso

Nasa mataas na paaralan pa lamang ako nang aking


mapatunayang mangarap ay isang malusog na
libangan ng kabataan. Kahit sinong bata, sa (Nakinig ang mga mag-aaral.)
palagay ko, ay nagdaraan sa gulang sa kanilang
buhay na hindi maiiwasan ang paglalakbay ng
guni-guni. Alalaong baga'y naglalayag ang
kanilang diwa sa dako pa roon ---kung saan pang-
araw-araw na buhay na siyang pangarap. Ang
pagkapatunay ko sa aliwang ito ay hindi sa aral ng
aking mga guro, ni ng aking mga magulang, ni ng
pari sa simbahan. Sa katutuhanan ay inililingkod
ko sa kanilang lahat ang pinaglalagay ko noong
kabaliwan ng kabataan. Natitiyak ko noong
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

sasabihin nilang ako'y tamad, mapag-aksaya sa


walang kapararakang bagay. Ano nga naman ang
mapapala ng isang bata na humimlay sa damuhan
kung lumulubog ang araw at naghihintay na
sumikat ang bituin?O kaya'y maglalakad ng walang
tiyak na patutnguhan maliban sa pagsamyo ng mga
kakaibang simoy? O kaya'y walang likat na
tumunghay sa mabining agos ng ilog? Walang
mapakikinabang ang isang bata sa gayong
pagpapalipas ng mga sandali. Makapupong,
makabubuti sa kanya ang maglaro kung wala nang
tiyak na gawain sa kanilang tahanan. Ipinalalagay
ng matatanda na makasasama sa isang bata ang
laging pag-iisa, ang laging pamamanglaw, ang
laging pag- iwas sa mga kasama.

Datapwa't natuklasan ko sa pagbabasa na likas pala


na malusog na kabataan ang mangarap. Hindi pala
katakatakang danasin ng isang bata ang paminsan-
minsang paglalagalag ng diwa sa daigdig ng
salamisim. Sa pagbabasa ko nga naiharap sa aking
ama ang isang matibay na matuwid sa napupuna sa
aking "pagkawala" kung minsan. Hiniling ko sa
kanyang muling ikuwento sa aming magkakapatid
ang buhay ni "Jose Bendido" ganyan ang dinig ko
sa kanya noon. Nito na lamang nakabasa ako ng
maraming aklat at natutong magpunu-puno ng mga
salita saka ko napagsiyang ang tinutukoy niya ay
walang iba kundi ang magandang buhay ni Jose na
ipinagbili ng kanyang mga kapatid sa Ehipto. Kahit
sinong bata ay nakarinig o nakabasa na nito, na
hango sa banal nakasulatan. Ang ibig sabihin ni
Ama noong ako'y bata pa ay "Huseng Ipinagbili".

Maraming pagpapakahulugan sa talinghagang ito


ang buhay ni Jose. Datapwa't sa mga nabasa ko ay
higit na nakatutugon sa aking pangangailangan ang
isang magandang sanaysay ni A.C. Benson na may
pamagat na "Behold, this Dreamer Cometh!" Ang
tinutukoy niyang mapangarapin ay dili iba't si Jose
ang ipinagbili. Sa kuwento ay matatandaang si Jose
ay laging pinagtatawanan ng kanyang mga kapatid
dahil pangarap niya. At ang mga panaginip ay
binibigyang kahulugan sa tunay na pangyayari.
Kaya nanaghili ang kanyang mga kapatid. Ang
katapusan ng kuwento ay isang magandang aral sa
mga taong ayaw maniwala o tumanggap ng mga
pangitain. Alalaong baga'y mga pangitaing hindi
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

sanhi ng mga maligno kundi ang mga katotohanang


nabasa sa lakad ng panahon.

Halimbawa ko lamang ito. Ang panahong


binabanggit sa banal na kasulatan ay may malaki
nang pagkakaiba sa panahon natin ngayon.
Datapwa't ang pangangarap ay isa pa ring malusog
na libangan ng kabataan. Naiiba na nga lamang ang
uri. At ang pagpapakahuhulugan ay naiibang
paraan. Ang isang tandang nakaaangat sa
karaniwang kinapal ang isang batang nasa
kasibulang gulang ay ang pangyayari may adhika
siya sa buhay. Hindi siya nagkakasiya sa
pamamalagi sa pinagkamihasnang pamumuhay.
Nais niyang makapagtanghal ng mga
kababalaghan, o isa man lamang kababalaghan.
Nilulunggati niyang makasapit sa rurok na
tagumpay. At ang palatandaan ng pagnanasa
niyang makaigpaw sa karaniwang pamumuhay ay
ang pangangarap na mag-isa.

Sa gayo'y dumadalaw sa kanyang guniguni ang


magagandang larawan ng buhay na kaaya-aya.
Nakikintal sa kanyang diwa ang isang ulirang
pamumuhay na karaniwang siya ang bayani.
Minsa'y mabuo ito sa isang paligsahan ng
palakasan na siya ang nagwagi sa takbuhang isang
daang metro, dili kaya'y siya ang may
pinakamaraming naipasok sa larong basketbol. Sa
isa namang kababatang ang hilig ay sa sining o
panitikan ay nagkakahugis ang ganitong pangarap
sa pagkakalikha ng isang maningning na tula o
isang nobelang pinag-aagawan ng mga mambabasa
sa aklatan o tindahang-aklat. Kung minsan naman
sa isang kabataang lumalaki sa paghihikahos at
tanging pangarap ang maging mariwasa sa buhay
ay napapanaginip niya, maging gising o tulog, ang
pagkapulot ng maraming Salapi na nakakubli
lamang sa mga ugat ng kahoy. Ano pat sang-ayon
sa bawat hilig ang pagpukaw ng pangarap ng
kabataan. Ngayon ay huwag pagkamaling
magkakatotoong lahat ang bawat pangarap ng
kabataan. Ang karanasan ng isang tao ay hindi ang
nangyayari sa kanya, kundi kung ano ang kanyang
ginagawa sa mga nangyayari sa kanya. Alalaong
baga'y masusukat ang katangian niya sa
pagbibigay-bisa ng kanyang mga pangarap sa
buhay. Kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

G. Pagtatalakay

1. Ano sa palagay ninyo ang mensahe o nais


ipahiwatig ng sanaysay na ating itinalakay?

2. Paano o sa anong dahilan ang Sanaysay bilang


anyo ng literatura?

3. Sumasang-ayon ba kayo kasi sa linyang ito?


"Ang karanasan ng isang tao ay hindi ang
nangyayari sa kanya, kundi kung ano ang kanyang
ginagawa sa mga nangyayari sa kanya."

- Sagot ng mga mag-aaral


4. Naranasan niyo bang mangarap na may
pagkakataong, kayo ay nagdadalawang isip o
nangangamba na makakamit niyo ang inyong
pinapangarap? - Sagot ng mga mag-aaral

5. Ano ang pangarap niyo?


- Sagot ng mga mag-aaral

- Sagot ng mga mag-aaral

- Sagot ng mga mag-aaral

H. Pangkatang Gawain

Ngayon ay papangkatin ko kayo sa anim (6) na


grupo. At may

Ngayon, ang gagawin ng unang pangkat ay


pagsusuring Teoryang Humanismo.

Teoryang Humanismo- ang pukos ng teoryang ito


ay ang tao.

- Ang tao ang sentro ng daigdig.

-Binigyan pansin ang kakayahan o katangian ng tao


sa maraming bagay.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Ikalawang pangkat - Sanhi at Bunga

Ikatlong pangkat - pagkakapareho at pagkakaiba ng


nanay niyo at ni Pinkaw.

Ika-apat na pangkat - Sulat para sa mga nanay.


Pamantayan sa presentasyon na ginawa ng bawat
pangkat.

PUNTOS DESKRIPSYON PAMANTAYAN (Pupunta sa kanya kanyang pangkat)


9 - 10 Napakahusay Lubos na
makatotohanan
ang mga
detalying
ipinahayag.
Naipapaliwanag
ng maayos ng
taga-ulat ang
kanilang ginawa.
7-8 Mahusay Nakapagbigay
ng detalye
bagamat hindi
gaanong
naipaliwanag ng
taga-ulat ang
kanilang
ginawang
gawain.
6-5 Di-gaanong Kulang ang mga
mahusay detalying
inilahad at hindi
gaanong
naipaliwanag ng
maayos ng taga-
ulat ang kanil
ang ang ginawa.
4-1 Hindi mahusay Kulang ang
inilahad na
detalye at hindi
naipaliwanag ng
taga-ulat ang
kanilang ginawa.

Presentasyon ng bawat grupo


(Gagawin ng mga mag-aaral)
Unang Pangkat (Papalakpak ang mga mag-aaral pagkatapos ng
presentasyon)
Ikalawang Pangkat

Ikatlong Pangkat

Ika-apat na Pangkat
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Nasaksihan na natin ang presentasyon ng bawat


grupo. Magaling ang inyong ipinakitang
presentasyon. Ngayong, ating bigyan ng
pagkakataon ang bawat pangkat na kung ano ang
masasabi sa presentasyon ng bawat isa.

Sa Unang pangkat ano ang masasabi ng ikalawa,


ikatlo at ika-apat na pangkat sa kanilang
presentasyon.

Sa ikalawang pangkat ano ang masasabi ng una,


ikatlo at ika-aapat na pangkat sa kanilang
presentasyon.

Sa ikatlong pangkat ano ang masasabi ng una,


ikalawa at ika-apat na pangkat sa kanilang
presentasyon.

Sa ika-apat na pangkat ano ang masasabi ng una


ikalawa, at ikatlong pangkat sa kanilang
presentasyon.

I. Paglalapat

Pwede ba kayong magbahagi ng karanasan na


kasama ang nanay ninyo at kayo ay masaya?

- Ako po siguro iyong pinakamaganda at


masaya na pangyayari sa buhay ko kasama ang
mama ko ay iyong palaging kasali ako sa mga
patimpalak andyan po siya palagi at todo
suporta po sa akin. Proud po sa akin ang mama
ko sa lahat ng gagawin ko. Hindi lang po ang
mama ko ang nandoon kundi pati ang buong
Magaling Karina! Tama iyon. Ang hirap ng mga pamilya ko po. Kaya po bilang ganti sa kanila
magulang natin, lalong lalo na ng mga mama natin lalong lalo na po sa mama ko, pinagbubutihan
kailangan nating suklian iyon kahit na sa simpleng ko po ang aking pag-aaral at pinapakita ko rin
bagay lamang. Kagaya ng ginawa ni Karina. Dahil po kung gaano ko siya kamahal.
kahit ito ay simpleng bagay lang malaking bagay
na ito para sa ating mga magulang.

Okay klas! May natutunan ba sa kwento ni


Pinkaw?

May katanungan pa ba kayo, klas?

Mahusay kung ganoon! Sana may natutunan talaga


kayo. Mamaya pag-uwi ninyo yakapin at halikan Opo ma'am!
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

ninyo ang inyong mga nanay maging ang inyong


tatay. Magpasalamat at sabihan niyo sila ng mahal
niyo sila. Malaking bagay na sa kanila iyon. Wala na poma'am!

J. Paglalahat

Ang ating magulang ay mahalaga kaya dapat


nating mahalin, sundin, at pahalagahan kung
anuman ang kanilang sinasabi sa atin bilang mga
anak. Dahil ang pagmamahal ng magulang ay
walang katapusan sa Ingles ika nga "Their love are
Unconditional".
(Babasahin ng mga mag-aaral ng sabay-sabay)

IV. Ebalwasyon

Panuto:

Sa tatlong(3) pangungusap lamang, Gawan ng wakas ang kuwentong Si Pinkaw. Isulat sa


kalahating papel pahalang. (10 puntos)

V. Takdang Aralin

Panuto: Magdala ng larawan ng inyong Ina at isulat sa likod nito ang limang(5)
magandang katangian niya na wala sa ibang Ina.(20 puntos)

You might also like