Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR

LIGAS I ELEMENTARY SCHOOL

DAILY LEARNING PLAN


9:30-10:10-Mapagbigay
10:10-10:50- Mapagmahal
11:00-11:40-Masayahin
1:00-1:40-Maalaga
1:50-2:30- Masintahin
1, Ikaanim na Linggo, Unang
QUARTER Grade Level 5
araw
DATE Lunes, Oktubre 9, 2023 Learning Area ARALING PANLIPUNAN
LAYUNIN:
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa kasanayang pang
Pamantayang heograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang mapahalagahan
Pangnilalaman ang konteksto ng lipunan/pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at kanilang ambag sa
pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas.
Naipapamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino
Pamantayan sa gamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at mahahalagang konteksto ng
Pagganap kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo
ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino.
Nasusuri ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga Pilipino
a. sosyo-kultural (e.g. pagsamba (animismo, anituismo, at iba pang ritwal,
pagbabatok/pagbabatik ,paglilibing (mummification primary/ secondary burial
MELC
practices), paggawa ng bangka e. pagpapalamuti (kasuotan, alahas, tattoo, pusad/
halop) f.pagdaraos ng pagdiriwang
b. politikal (e.g. namumuno, pagbabatas at paglilitis) (AP5PLPIg-8)
1.Natatalakay ang sosyo-kultural na pamumuhay ng mga Pilipino katulad ng kasuotan,
alahas,at paglilibing.
Batayang 2. Nasusuri ang ang sosyo-kultural na pamumuhay ng mga Pilipino katulad ng
Kasanayan kasuotan, alahas at paglilibing.
3. Napahahalagahan ang sosyo-kultural na pamumuhay ng mga Pilipino katulad ng
kasuotan, alahas, at paglilibing.
PAKSANG - ARALIN
PAKSA Sosyo kultural na pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahong Pre Kolonyal.
Sanggunian PIVOT module week 6, pahina 6-8
KAGAMITAN Projector,larawan at laptop
Valuing Pagpapahalaga sa kultura
INNER:AP2 Q1- Nailalarawan ang sariling komunidad batay sa pangalan nito,
lokasyon, mga namumuno, populasyon, wika, kaugalian, paniniwala, atbp.
Integrasyon ACROSS: MAPEH5 Q1- Designs an illusion of depth/distance to simulate a3-
dimensional effect by using crosshatching and shading techniques in drawings (old
pottery, boats, jars, musical instruments).
PAMAMARAAN:
III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
Daily Learning Plan | Araling Panlipunan 5 Unang Markahan | SY 2023-2024
1
1.Panalangin

2.Pagbati/Pagliban

3. Balitaan
Tatawag ng isang mag-aaral para magbalita.

4.Pagtatama ng Takdang Aralin

5.Balik-Aral

Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at malungkot ☹na mukha
kapag mali ang isinasaad ng pangungusap sa panahon ng Neolitiko. Gawin ito sa Show Me Board.

1.Nagsimula silang umalis ng yungib ang magsimulang tumira sa tabing dagat


2.Ang ikinabubuhay ay pangangaso at pagkalap ng pagkain
3. Natutu silang pakinisin o hasain ang mga bato.
4.Nagkaroon sila ng espesyalisayon sa panahong ito.
5. Hindi nila naisip ang irigasyon para sa pagtatanim ng palay sa panahong ito

B.PANLINANG NA GAWAIN

1.Pagganyak
Pagmasdan ang mga larawan

1.Ano ang nakikita sa larawan?


2. May pagkakaiba ba sa pananamit ng mga tao noon sa panahon ngayon?
3. Anong mga klaseng damit ang nauusong sinusuot ng mga kabataan?
4.Mahalaga ba na alam natin ang tamang pagnanamit?
2.Gawain (Aktibiti)
Hanapin sa word Puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa Sosyo Kultural na pamumuhay ng mga
Pilipino bago dumating ang mga mananakop.

K U L T U R A Q T U Y K L
A K L O P U T Y U I O P I
P A N I N I W A L A V B M
Q W R T Y U U I P O M N B
K A U G A L I A N B N M D

Daily Learning Plan | Araling Panlipunan 5 Unang Markahan | SY 2023-2024


2
A S D F G H J K L B N M C
P A G P A P A H A L A G A
R E L I H I Y O N C V B N

3.Paglalahad

Ang Sosyo Kultural at Politikal na Pamumuhay ng mga Pilipino


Noong unang panahon nagkaroon na ng mayamang kultura at kabihasnan ang mga Filipino. Makikilala mo
ang ating sinaunang paniniwala at tradisyon na nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga sinaunang
Filipino. Lumaganap din ang relihiyong Islam sa Pilipinas.Makilala mo rin ang wika, pagsulat, at edukasyon
ng ating mga ninuno at pati na ang sining na hanggang sa ngayon ay maipagmamalaki mo ito sa
kasalukuyan.

MGA KAUGALIAN NG MGA SINAUNANG FILIPINO


Maraming natatanging kaugalian ang mga sinaunang Filipino:
A. Pananamit at Palamuti
Kanggan- ito ay ang pangitaas na kasuotan ng mga lalaki.
Bahag- ito ay ang pang–ibabang kasuotan ng mga lalaki.
Putong- ito ay tela na nakabalut sa kanilang ulo. Pulang putong ito ay tanda na ang taong nagsusuot nito
ay nakapaslang nang isang
tao, samantalang ang burdadong putong naman ay may pitong tao
na ang napaslang.
Baro- ay ang pang-ibabang kasuotan ng mga kababaihan.
Saya- ay ang pangibabang kasuotan ng mga kababaihan.
Patadyong- pang-ibabang kasuotan ng mga kababaihan sa Bisaya.
Tapis- ito ay karaniwang din nilang isinusuot sa baywang.
Pomaras- isang alahas na hugis rosas.
Ganbanes- isang uri ng gintong pulseras na isinusuot sa braso at binti.
Hikaw- isinusuot ng mga kababaihan ang kalalakihang Bisaya.
Ginto- inilalagay din ito sa kanilang ngipin.
Pintados- ang tawag ng mga Espanyol sa mga Filipinong may tato sa
katawan.

B. Kaugaliang sa Pagpapangalan
Karaniwang noong unang panahon ang mga ina ang nagbibigay ng pangalan sa kanilang mga anak.
Maliuag- nangangahulugang “mahirap na pagluluwal ng sanggol”. Wala silang apelyido noon. Ang mga
magulang ay tinatawag sa pangalan ng kanilang panganay na anak. Ama ni Maliuag at Ina ni Maliuag.
Nakikita rin ang kaibahan ng pangalang sa lalaki at babae sa pamamagitan ng pagdugtong ng katagang
“in” sa pangalan. Ilog sa lalaki at Iloguin sa babae.

C. Kaugalian sa Paglilibing
Inihahanda ng mga sinaunang tyao ang kanilang yumao para sa kabilalng buhay sa pamamagitan ng
paglilinis, paglalangis, at pagbibihis ng magagarang kasuotan sa bangkay. Pinabaunan nila ang mga yumao
ng mga kasangkapan tulad ng seramika at mga palamuti upang may magamit ito sa kabilang buhay.
Dalawang Bahagi ng Paglilibing:
Inililibing ang yumao sa lupa kasama ang ilang kasangkapan. Matapos matuyo ang mga labi ay hinahango
ito mula sa libingan at isinisilid sa loob ng banga o tapayan.
Bangang Manunggul- natagpuan ito ng pangkat ni Dr. Robert Fox noong
1962 malapit sa labi ng Taong Tabon. Ang dalawang pigura ng tao sa ibabaw ng takip nito ay sumisimbolo
sa paghahatid ng yumao sa kabilang buhay.

4 Pagsusuri (Analisis)
1.Ano-ano ang mga pananamit ng mga sinaunang Pilipino?
2.Ano ang ibig sabihin nang kanilang tattoo?
3.Sino ang karaniwang nagbibigay ng pangalan sa mga anak?
4.Paano nila pinapangalanan ang kanilang mga anak?

Daily Learning Plan | Araling Panlipunan 5 Unang Markahan | SY 2023-2024


3
5. Paano ang paraan ng paglilibing ng ating mga ninuno?
6.Ano ang dalawang bahagi ng paglilibing?
7.Ano ang ibig sabihin sa ibabaw ng takip ng Manunggul jar?
8.Bakit sa isinasagawa ito ng ating mga ninuno?

5. PANGWAKAS NA GAWAIN
A.Paghahalaw (Abstraction)
A.1. Paglalahat
Paano ang kaugalian ng mga Pilipino sa pananamit, pagpapangalan at paglilibing noong unang panahon?

A.2. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral paano mo mapapahalagahan ang ating kultura?

A.3. Paglalapat (Aplikasyon)


ANONG SAY MO!
Pagkumparahin ang Pananamit ng mga sinanunang Pilipino sa panahon ngayon.

IV.Pagtataya
Tama o Mali. Isulat ang T kung tama ang ipinapahayag sa pangungusap. Kung mali isulat at salitang M sa
patlang sa iyong kuwaderno.

1. Ang bawat bansa ay may sariling kultura.


2. Ang putong sa ulo ng isang lalaki ay sumisimbolo sa kanyang katapangan.
3. Ang mga Filipino noong ay mahilig sa pagsusuot ng alahas tulad ng purselas, kwintas at hikaw.
4. Ang ama ang kalimitang nagbibigay ng pangalan sa kanilang mga anak.
5. Ang patadyong ay pangibabang kasuotan ng mga babae

V.Kasunduan

Magtanong sa mga nakakatanda tungkol sa mga pamahiin o paniniwala na alam nila. Isulat ito sa iyong
kwaderno.

Mapagbigay Mapagmahal
5x = 5x =
4x = 4x =
3x = 3x =
2x = 2x =
1x = 1x =
0x ____= _____ 0x ____= _____

Masayahin Maalaga
5x = 5x =
4x = 4x =
3x = 3x =
2x = 2x =
1x = 1x =
0x ____= _____ 0x ____= _____
Daily Learning Plan | Araling Panlipunan 5 Unang Markahan | SY 2023-2024
4
Masintahin
5x =
4x =
3x =
2x =
1x =
0x ____= _____

Reflection:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Daily Learning Plan | Araling Panlipunan 5 Unang Markahan | SY 2023-2024


5

You might also like