Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

9

NOT

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 20
Paghahambing ng Katangian

Department of Education ● Republic of the Philippines

i
Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 4, Wk.8 - Module 20: Katangian ng Isang Ina

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a
condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do
not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro Schools


Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Development Team of the Module

Author: Dixie June Y. Blasabas


Reviewers/Evaluators/Editors: Edarline E. Quiapo/Ara Tripon
Illustrator and Layout Artist: Irish S. Habagat

Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

ii
9
Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 20
Paghahambing ng Katangian

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


select teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of the
Department of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers and
other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division at
iligan.city@deped.gov.ph or Telefax: (063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

iii
This page is intentionally blank

4
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 6
Balikan ……………………………… 6
Tuklasin ……………………………… 6
Linangin ……………………………… 8
Suriin ……………………………… 10
Pagyamanin ……………………………… 11
Isaisip ……………………………… 13
Isagawa ……………………………… 13

Tayahin ……………………………… 14
Karagdang Gawain ……………………………… 16
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 17
Sanggunian ……………………………… 18

1
This page is intentionally blank

2
Modyul 20
Paghahambing ng Katangian
Pangkalahatang Ideya

Bilang pagtugon sa Pandemyang Covid -19, ipinatutupad sa buong bansa ang


tinatawag na New Normal.
Ang modyul na ito ay sinadyang edisenyo para sa mga mag-aaral na handa at sabik
nang bumalik sa eskwelahan ngunit may pag-aalinlangang bumalik sa dating set-up na
pormal na klase. Ganunpaman, ang kagustuhan ng isa’t isa na matuto at magpalawak ng
kaalaman ay hindi mahahadlangan ng anumang virus o pandemya bagkus ito ay malaking
hamon sa katulad mong may pagpapahalaga sa edukasyon.
Madalas nating marinig ang kasabihan sa Ingles na It Takes a Village to Educate a
Child kaya bilang tugon ng Kagawaran ng Edukasyon at Kagawaran ng Kalusugan at sa
tulong ng Lokal na Pamahalaan kasama, ng inyong mga magulang at ng komunidad ay
isinusulong ngayon ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-
aaral sa kabila ng banta ng COVID – 19. Kaugnay nito, bilang responsableng mag-aaral
ikaw ay inaasahan sa pagsagot sa mga nakahandang gawain sa modyul na siyang lilinang
sa iyong kakayahan sa isang matapat, mapagpuna at masusing paghahambing ng
dalawang karakter mula sa isang nobela at sa pangunahing tauhan batay sa napanood na
dulang pantelebisyon o pampelikula.
Tutulungan ka rin ng modyul na ito upang ganap mong mauunawaan ang ilang
kabanata ng Nobelang Noli Me Tangere na isinulat ng ating pambansang bayaning si Dr.
Jose P. Rizal.
Ang nobelang ito ay mabisang inilarawan ang sitwasyon ng Pilipinas bilang kolonya
ng Espanya. Ang pagtalakay nito sa mga kanser ng lipunan ay nananatiling makabuluhan sa
kasalukuyan dahil itinatampok nito ang maraming kontemporaryong suliranin. Ginamit na
lunsaran ng modyul na ito ang buod ng kabanata ng nobela tampok din dito ang mga
gawaing indibidwal na direktang aplikasyon ng araling pampanitikan.
Ngayon, handa ka na bang kilalanin si Sisa at alamin kung anong klaseng ina siya.

Nilalaman ng Modyul

May natatanging aralin ang iyong dapat tapusin:


 Aralin 1: NOLI ME TANGERE - Sisa: Larawan ng Isang Ina

Alamin
Learning Competency: Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa
kasalukuyan batay sa napanood na dulang pantelebisyon o pampelikula. (F9PD-IVg-h-59)
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Maisa-isa ang pagkakakilanlan ni Sisa

3
2. Nakabubuo ng isang pagsusuri tungkol sa mga katangian ni Sisa at ng sariling
ina
3. Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tauhang nabasa mula sa
nobela at napanood mula sa telebisyon o pelikula

Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.
Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa
Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

4
Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang
mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem na nasa ibaba. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot sa iyong activity notebook.

1. Sino ang tauhan na nakapag-asawa ng isang lalaking walang puso at


iresponsable?

a. Maria Clara c. Pia Alba


b. Sisa d. Selsa

2. Sino ang nagsilbing kaligayahan at nagbibigay ng pag-asa kay Sisa?

a. Crisostomo at Basilio c. Crispin at Basilio


b. Cripin at Basyo d. Tasyo at Maria Clara

3. Alin sa mga katangian ang taglay ng asawa ni Sisa?

a. Sabungero ngunit mapagmahal c. Iresponsableng haligi ng tahanan


b. Maalalahanin ngunit nanakit ng asawa d. Mapagmahal na asawa ngunit
pabayang ama

4. Ano ang trabaho ng mga anak ni Sisa?

a. Alipin c. Sakristan
b. Hardenero d. Sakristan Mayor

5. Sabik na sabik si Sisa sa pag-uwi ng kanyang mga anak kaya nagluto ito ng
masarap na pagkain. Alin sa mga sumusunod ang pagkaing inihanda niya para
sa mga anak?

a. Tuyo, kamatis at kamote


b. Tapa ng baboy-damo, tuyo, kamatis at kamote
c. Tapa ng baboy –damo, hita ng pato, tuyong lawlaw, kamatis at puting bigas
d. Tapa ng baboy –damo, hita ng pato, hipon, kamatis, puting bigas at labanog

6. Sino ang mabait na kapitbahay nina Sisa na nagbigay ng tapang baboy at isang
hitang patong gubat na gustong-gusto ni Basilio?

5
a. Alperes c. Pilosopo Tasyo
b. Tata Celio d. Kapitan Tiago

7. Anong katangian ang ipinapakita ni Sisa sa pagsisipag nitong paghahanda ng


hapunan ng masarap na hapunan, nang sa gayon ay mabusog ang mga anak
niya at mawala ang pagod nila?

a. Mabuti c. Pasensyosa
b. Matulingin d. Maalaga

8. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?


Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak.

a. Nalungkot c. Natakot
b. Napunit d. Nainis

9. Nagsimula ang paghihirap ni Sisa simula noong hindi naging mabuti ang
pakikitungo ng mga tao at ng kapalaran sa kanya dahil sa bintang na ginawa sa
kanyang mga anak. Ano ang tawag dito?

a. Babaeng mababa ang lipad c. Ina ng mga magnanakaw


b. Ina ng mga tulisan d. Erehe

10. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?


Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal na Birhen, nang gulantangin siya ng
malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.

a. Napasa c. Natakot
c. Nabigla d. Narinig

11. Bakit hindi ikinuwento ni Basilio sa kanyang ina ang kanyang napanaginipan?

a. Kasi ayaw niyang magalit ang kanyang ina


b. Kasi ayaw niyang matakot ang kanyang ina
c. Kasi ayaw niyang mag-alala ang kanyang ina
d. Kasi ayaw niyang maging masaya ang kanyang ina

12. Habang naghihintay si Sisa sa mga anak, kumanta siya ng isang kundiman.
Maganda ang boses ni Sisa, ngunit nang gabing iyon, pumiyok siya. Sa iyong
palagay, bakit pumiyok si Sisa sa pagkanta?

a. Nalulungkot siya dahil kinain ng kanyang asawa ang pagkaing inihanda para
sa mga anak.
b. Nakalimutan niya ang liriko ng kanta.
c. Nangilabot siya dahil dumaan sa kanyang harapan ang isang itim na aso na
umaalulong.
d. Kinakabahan siya para sa mga anak, lalo na sa kanyang bunsong si Crispin.

13. Anong kasabihan ang matutukoy sa pahayag na ito?


“Mabuti kayong ina … pero lumalabas na tulad sila ng kanilang ama … “

6
a. Kung ano ang itinanim, siyang aanihin.
b. Nasa Dios ang awa, nasa tao ang gawa
c. Kung ano ang puno, siya ang bunga
d. Kung di ukol, di bubukol
14. Kanino maihahambig si Sisa sa kasalukuyang panahon kaugnay ng pagdadala
niya ng mga gulay sa kumbento para sa prayle?

a. Mga Pilipinong interisado lamang sa mga opisyal ng gobyerno.


b. Mga Opisyal ng gobyernong handng paglingkuran ang bayan.
c. Ipinautang ng mga prayle ang mga Pilipino upang suklian ng kabutihan
d. Mga Pilipinong handang mag-alay o magbigay ng pabor para sa mga
taong nasa posisyon upang mapagbigyan ang kanilang mga kahilingan.
15. Sa iyong palagay, may pagkakaiba ba ang papel dapat gampanan ng mga ina
noon at ngayon?

a. Oo, dahil ang mga ina noon ay mahina at nasa bahay lamang.
b. Walang pinagkaiba sapagkat ang pagiging ina ay hindi lamang isang
responsibilidad kundi isang napakaimportanteng papel sa buhay na dapat
gampanan.
c. Oo, dahil malaki ang pagbaba ng estilo ng pamumuhay noon at
ngayon.
d. Walang pinagkaiba, kahit na may pagkakaiba ng estilo ng pamumuhay
at mas pinakikinggan.

7
Aralin
1 Paghahambing ng Katangian

Balikan

Binabati kita!

Matagumpay mong nalinang ang iyong mga kasanayan sa mga naunang


kabanata ng nobelang ito. Nakatitiyak akong masaya ang ating pambansang bayani
sa iyong ginawang pagsusumikap at pagtiyatiyaga sa inyong pag-aaral. Ang katulad
mo ang siyang patunay na ang kabataan ang pag-asa ng bayan!

Sa puntong ito, masusubok ang iyong matapat na pamumuna at obserbasyon


upang maihambing ng maayos na walang pagkiling ang dalawang tauhan mula sa
nobela at sa napanood na dulang pantelebisyon o pampelikula.
Tuklasin

GAWAIN 1. ITO ANG INA KO! (WEB ORGANIZER)

Ano-anong bagay ang maibabahagi mo tungkol sa iyong ina? Kopyahin ang


Web Organizer sa inyong activity notebook at punan ito ng inyong mga
impormasyon tungkol sa iyong ina. Gamitin bilang gabay sa pagbigay ng
impormasyon ang katanungangnasa loob ng kahon.

Gaano kayo kadalas


Ilan kayo sa pamilya? lumabas nang sama-
sama?

8
Ano o ano-anong mga Ano ang gusto mong
katangian ng iyong mabago pa o
nanay ang pinakagusto mapaganda pa tungkol
mo? sa iyong ina?

“Para sayo Ina”


Iginagalang siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak:
“Maraming babae na mabuting asawa, ngunit sa kanila’y nakahihigit ka”
-Kawikaan 31: 28-29

Sa bahaging ito ng modyul makikilala mo si Sisa sa tulong ng mga


nakabuod na kabanata na mababasa mo sa mga susunod na
pahina. Alamin ang kanyang naging buhay, itala ang mga
mahahalagang impormasyon sa inyong mga notebook upang
madali mong maihahambing ang mga katangian ng isang ina noon
at sa kasalukuyan batay sa napanood na dulang pantelebisyon o
pampelikula.
Tangere ni Jose Rizal. Inilalarawan si Sisa sa nobela bilang isang
magandang dalagang Pilipinang nasadlak sa kahirapan at kawalan
ng hustisya. Marami siyang naranasan na abuso at paghihirap sa
kanyang buhay mula sa kanyang asawa, mga guardia civil at kay
Dona Consolacion. Pinagbintanga din siya ng mga guardi civil na
ina ng magnanakaw na naging dahilan na pang-aalipusta sa
kanya.Ngnit si Sisa ay isang matatag na babae na natiis ang lahat
para sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya. Ngunit ang
pagkawala ng sentro na kanyang buhay, ang kanyang mga anak,
ang kanyang puso at isip ay nasuko sa kawalan at naging mitsya
ng kanyang pagkabaliw
Si Sisa ay ang isa mga “tragic heroines” ng nobelang Noli Me
Tangere. Ang kanyang karakter ay nagrirepresenta sa mga biktima
ng pang-aabuo at opresyon sa ating lipunan na siyang tumutulak
sa kanilang mawala sa sariling kaisipan.

SISA: Larawan ng Isang Ina

9
Ang kabanatang ito ay naglalarawan sa isang ulirang ina na nagngangalang
K Sisa. Siya ay may dalawang anak na nagngangalang Basilio at Crispin. Dahil sa
A pagkakaroon ng asawang iresponsable at sugarol na nagngangalang Pedro, ang
B buhay ng mag - iina ay naging kapus palad. Kadalasan, imbes na naglalaro ay
A nagtatrabaho ang magkapatid upang may makain. Ganun rin naman si Sisa. Wala
N
siyang tigil sa paninilbihan at paglalako ng mga pagkain upang matulungan ang mga
A
anak sa paghahanapbuhay. Sa kabila ng kahirapan ninais ni Sisa na matutong
T
A bumasa at sumulat ang dalawang anak kaya ipinsako niya ito sa kombento.
16: Ang gabing ito ay espesyal para kay Sisa sapagkat siya ay nakahingi ng
masarap na ulam para sa kanyang mga anak. Inihanda niya Tapa ng baboy –damo,
hita ng pato na gusting-gusto ng kanyang panganak na anak na si Basilio at limang
S tuyong lawlaw, kamatis at puting bigas na paborito ni Crispin. Ang ulam ay
I ipinagkaloob ni Pilosopo Tasyo. Kaya naman dali daling siyang umuwi upang ihanda
ang pagkaing inilaan para sa dalawang bata. Sa kasamaang palad, inubos ng
kanyang asawa ang lahat ng inihandang pagkain. Walang nagawa ang ina kundi
S
tumangis habang sinisinop ang mga natirang pagkain at nagluto ulit ng 3 tuyo at
I
naghiwa ng kamatis para sa dalawang anak. Batid niyang sa haba ng oras ng
S
A kanilang pagtatrabaho ay tiyak na gutom na ang mga ito. Habang tumatangis ay
narinig niya nag malakas na sigaw ng anak na si Basilio na lalong nagpaigting ng
kanyang nararamdamang lungkot sapagkat hindi niya kasama ang nakababatang
kapatid na si Crispin. 78
K Nagulat si Sisa nang dumating si Basilio na sugatan ang ulo. Ipinagtapat ni Basilio
A sa kanyang ina ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Hinabol siya ng guwardiya sibil at
B pinahinto sa paglalakad pero siya ay tumakbo ng mabilis sapagkat natakot siya na kapag
A siya ay nahuli ay paparusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Binaril siya dahil hindi siya
N huminto at nadaplisan siya sa ulo. Sinabi din niya na naiwan niya si Crispin sa kumbento.
A Pinakiusap ni Basilio na huwag sabihin ng ina kahit kanino man ang dahil ng kanyang
T sugat sa ulo at sahalip sabihin lamang ay nahulog siya sa puno.
A Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin at sinabi ni Basilio na
17: napagbintangan ito na nagnakaw ng dalawang onsa. Hindi niya sinabi ang parusa na
natikman ng kapatid. Napaluha si Sisa sa sinapit ng anak at sinabing ang mga katulad
lamang nilang dukha ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Dumating ang ama
S
nito at tumikim ng bugbog ang kanyang ina. Nabanggit ni Basilio na magiging mabuti ang
I
kalagayan nila kung sila na lamang tatlo at wala na ang ama.
Si Basilio ay binangungot na ang kapatid niya na si Crispin ay sinasaktan. Siya ay
B ginising ni Sisa dahil sa malakas na pag-ungol niya. Hindi sinabi ni Basilio sa ina ang
A kanyang panaginip ngunit sinabi nito ang kanyang balak sa kanilang pamumuhay. Sa
S pagsusuri ni Basilio, uunlad ang pamumuhay nila dahil siya ay magsisipag sa
I pagpapayaman habang si Crispin naman ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo. Si Sisa
L naman ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahi niyang mga damit. Nasiyahan si Sisa sa
I mga sinabi ni Basilio ngunit lihim na paluha din dahil hindi isinama ng anak ang kaniyang
O ama sa kanyang mga balak.
K Sadyang may mga tao na hindi iniisip kung sila ay nakakasakit ng
A kanilang kapwa. Hindi nila inaalintana kung ang damdamin ng kanilang
B kapwa ay nasaling. May mga tao kasi na walang preno magsalita lalo na
A ang kausap ay mahirap lamang.
N
Mababasa sa kabanatang ito kung paano nabulag ang mga tao sa
A
T
mga maling paniniwala tungkol sa kaligtasan ng mga kaluluwa mula sa
A Purgatoryo.
18: Matamlay na tinapos ni Padre Salvi ang tatlong misa na kayang
inalay. Dahil sa kanyang karamdaman ay hindi niya pinansin ang mga
M hermana at hermano mayor na naghihintay sa kanya upang siya ay
G kausapin. Bagkus ay dali-dali siyang nagtanggal ng kanyang sutana at
A tumuloy sa kanyang silid.

10
Hindi na lang kumibo ang mga debuto sa inasal ng pari. Karamihan
K sa mga ito ay mga matatanda na siyang naatasang mangasiwa para sa
A nalalapit na kapistahan. Sa gitna ng palitan ng kanilang mga kuro-kuro ay
L napag-usapan nila ang tungkol sa usapin ng indulhensiya.
U
Ayon sa kanilang paniniwala, ang taong maraming indulhensiya ang
L
U
siyang maliligtas ang kaluluwa papunta sa Purgatoryo. Nagmayabang ang
W bawat isa tungkol sa dami ng kanilang mga naipon para sa kaligtasan ng
A kanilang mga kaluluwa.
N Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay dumating si Sisa, ang ina ng
G magkapatid na Crispin at Basilio. Siya ay sumadya sa simbahan upang
tanungin si Padre Salvi tungkol sa anak na si Crispin na nagsisilbing
N sakristan ng pari. Marahan sa pagpanhik, nagbakasakali si Sisa na marinig
A ang munting tinig ni Cripsin. Wala siyang narinigna ano man, kaya
G nagtungo siya sa kusina. Nakita niya ang mga alila sinabihan siya nito na
H tumakas ang anak pagkatapos magnakaw ng maraming bagay. Tinakpan
I
ni Sisa ang kanyang mga tainga. Gumagalaw-galaw ang kanyang mga labi,
H
I
ngunit walang tinig na lumalabas. Halos ipagtulakan si Sisa, nakatakip ang
R panyo sa kanyang mukha at pilit na pinigilan ang pag-iyak. Pinagbulongan
A siya ng mga tao, nagpalinga-linga si Sisa pagdating sa lansangan
P hanggang mabilis na limakad palayo.

K Ang kabanatang ito ay tungkol sa mga pasakit na naranasan ni


A Sisa matapos na malaman ang dinanas ng mga anak laban sa mga
B guwardiya sibil. Sa labis na pag aalala ay hindi niya alam kung ano ang
A gagawin. Hindi niya rin alam kung saan hahanapin ang mga anak.
N Nagpasya na lamang siyang umuwi ngunit nadatnan ang mga guwardya
A sibil na hinahalughog ang kanilang kabahayan. Dahil walang nakita ang
T mga guwardya sibil na ebidensya ukol sa pagnanakaw na ibinibintang sa
A kanyang mga anak, kinuha nila si Sisa at pilit na isinama sa kuwartel. Sa
21: kabila ng kanyang pagsusumamo ay pilit pa rin siyang ikinulong at inusisa
M ukol sa dalawang onsa na ninakaw ni Crispin mula sa kura. Doon ay ipiniit
G siya sa loob ng dalawang oras. Kahit na gulo – gulo ang buhok at
A nalilimahid ang damit ay nanatili si Sisang tahimik sa isang sulok. Dala ng
P labis na awa ay iniutos ng alperes na palayain si Sisa. Sa kanyang
A paglabas ay tuliro at paulit – ulit na binibigkas ang mga pangalan ng
G dalawang bata.
D
Sa kanyang pagbabalik sa bahay ay paulit – ulit niyang hinanap ang
U
mga anak sa lahat ng sulok ng bahay. Hindi tumigil si Sisa hanggang hindi
R
makita ang mga anak. Hindi nagtagal, natagpuan niya ang duguang damit
U
ni Basilio. Dahil dito, lalong tumindi ang nerbiyos na naramdaman niya at
S takot na baka napahamak na ang kanyang mga anak. Nagpatuloy siya sa
A paghahanap sa kanyang mga anak sa labas ng kanilang tahanan. Kasabay
N nito ay unti – unti na rin siyang tinatakasan ng kanyang katinuan.
I Nagpalakad – lakad siya sa daan habang isinisigaw ang pangalan nina
S Basilio at Crispin. Mula ng araw na iyon ay tanging ang kanyang pag –
I iyak, pagsigaw, at paghagulgol ang tanging maririnig mula kay Sisa. Ang
S lahat ng mga taong kanyang nakakasalubong ay natatakot sa kanya.
A

11
GAWAIN 2: PAYABUNGIN MO

Kopyahin sa inyong activity notebook sa unang hanay ang mga salitang hindi ka
pamilyar mula sa akdang binasa. Ibigay ang kahulugan nito gamit ang diksiyonaryo o ang
konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit. Pagkatapos, gamitin sa makabuluhang
pangungusap.

Mga Bagong Salita para sa Akin Kahulugan Batay sa Pagkakagamit sa Akda

Makabuluhang Pangungusap

Suriin

Mahusay!
Napagtagumpayan mong sagutan ang mga tanong sa itaas. Sa mga susunod na
gawain, ito ay may kinalaman sa pagsusuri ng mga katangian ng mga tauhan at mga
mahahalagang impormasyon sa mga binasang kabanata. Malaking tulong ito upang
masagot ang isang character web at maihahambing ang katangian ni Sisa at ng sariling ina.
Halina’t suriin at paghambingin ang dalawa.

GAWAIN 3: PAG-UNAWA SA BINASANG TEKSTO


Panuto: Sagutan ang mga sumusunod:
1. Isa-isahin ang mga tauhan mula sa apat na kabanata. Sa tapat ibigay ang kanilang
pagkakakilanlan.
Mga Tauhan Pagkakakilanlan Mga Tauhan Pagkakakilanlan
a. d.
b. e.
c. f.
2. Paano inihanda ni Sisa ang mainit na pagsalubong sa kanyang mga anak?
3. Bakit nabago ang kanyang inihandang pagkain?
4. Bakit kinakailangang ipasok na sakristan ang dalawa niyang anak?
5. Bakit hindi sinagot ni Basilio si Sisa nang tanungin siya tungkol kay Crispin?
6. Sa iyong palagay, bakit hindi ikinukwento ni Basilio sa kanyang ina ang kanyang
napanaginipan?
7. Bakit umiiyak si Sisa nang umalis ng simbahan? Paghambingin ang damdamin ni Sisa
bago at pagkatapos niyang makapunta sa kumbento.
8. Paano ipinakita ng awtor ang kalupitan ng mga gwardiya sibil?

12
9. Bakit isinama ng gwardya sibil si Sisa gayong ang pakay nila ay sina Basilio at Crispin?
10. Sa iyong palagay, bakit pinawalang-halaga ng alperes ang kasong ibinintang ng kura?

GAWAIN : 4 Character Web


A. Kilalaning mabuti si Sisa sa pamamagitan ng pagbuo ng character web. Punan ang
bawat bilog ng mga katangian.

GAWAIN 5. NASUSURI ANG DALAWANG INA


Suriin at punan ang graphic organizer sa ibaba.

SISA (Pangalan ng aking Ina)

Pagkakatulad ng kanilang Katangian

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagyamanin
Magaling!
Matutuwa ako’t napagtagumpayan mong sagutan ang mga gawain. Naihambing mo
nang maayos si Sisa at iyong Ina gamit ang isang matapat at masusing paghahambing.
Sa puntong ito, manonood ka ng isang pelikula o isang teleseryeng pantelebisyon na
gagamitin mo sa paghahambing ng dalawang ina. Maaari ring panoorin ang teleseryeng

13
pantelebisyon na pinamagatang A Mother’s Story. Panonoorin mo ito upang magawa ang
panibagong gawain na susubok sa iyong natutunan upang higit na mapayaman ang iyong
pag-unawa sa paksang-aralin. Kung wala kayong telebisyon, maaari mo ring basahin ang
buod na nasa ibaba.
Handa ka na ba?

GAWAIN 6: PANONOOD NG PELIKULA A MOTHER’S STORY


Direktor: John D. Lazatin
Taon na Pinalabas: 2011

Tauhan:

Pokwang as Remedios “Medy” Santos


Xyriel Manabat as Queenie Santos
Rayver Cruz as King Santos
Nonie Buencamino as Gerry Santos
Beth Tamayo as Helen
Ana Capri as Celia
Jaime Fabregas as Edgar
Aaron Junatas as Young King
K Brosas as Neneng
Daria Ramirez as Choleng
Caitlin Cummings as Cherry
Justine Dee as Juan

Buod ng A Mother’s Story:


Nagsimula ito noong nagtatrabaho pa si Medy bilang isang makeup artist ng
isang concert star sa Pilipinas. Mayroon siyang dalawang anak, isang lalaki at isang
babae. Walang trabaho ang asawa niya. Pumunta siyang Amerika nang magka
concert doon ang concert star. Doon niya nakita ang dati niyang kaklase na si Helen.
Nakumbinsi si Medy na mas makakabuti ang manatili sa Amerika bilang isang illegal
migrant worker kasi mas mataas ang sweldo kumpara sa Pilipinas.
Nagtrabaho si Medy bilang isang front desk operator sa isang dance studio.
Agad naman ito nasanay sa trabaho niya at nagustuhan pa siya ng mga estudyante,
lalo na yung isang batang nagngangalang Cherry. Ipinapadala niya ang sweldo niya
sa pamilya niya, ngunit hindi na naging sapat ito nang magkasakit ang bunso niyang
anak.
Sinabihan siya ni Helen na magtrabaho na lang siya bilang isang stay-in
housekeeper sa isang pamilya. Sinunod niya ito. Pero nang magtrabaho siya doon,
wala na siyang ibang natanggap kundi abuso. Pinagbawalan siyang matawagan ang
kanyang pamilya at tinago ang passport niya. Nalalampasan lang niya ang buhay
niya doon dahil sa anak ng mga amo niyang si Cherry. Pinapadala niya ang pera sa
pamilya niya sa tulong ni Helen.
Makalipas ang 7 taon ay tumakas na siya sa mga amo niya. Tinulungan siya
ni Cherry na makuha ang pasaporte niya. Humingi siya ng tulong sa isang
abogadong nagngangalang Atty. Michael J. Gurfinkel na nagsabing may karapatan
siyang ipaglaban ang sarili niya at kasuhan ang pamilya. Nalaman din niya na hindi
lahat ng sweldo niya ay nakakarating sa pamilya niya.
Pag-uwi niya sa Pilipinas, nalaman niyang may iba ng kinakasama ang asawa
niya at iniwan niya ang mga anak nila sa nanay niya na si Choleng. Natuwa ang
anak niyang babae dahil nakilala din niya sa wakas ang nanay niya. Masama naman

14
ang loob ng panganay niya dahil sa tagal na nawala siya. Nag-file si Medy ng
annulment.
Naintindihan lamang siya ng pamilya niya noong ikinuwento niya ang hirap na
naranasan niya habang nasa Amerika. Nakatanggap din si Medy ng tawag mula kay
Atty. Gurfinkel na nagsabing nanalo si Medy sa mga kasong isinampa niya sa dati
niyang amo. Nakakuha din siya ng pera mula doon. Nagsilbi itong simula para sa
pamilya niya. Pagkatapos ng pasko ay umalis ang kanyang panganay para
magtrabaho sa ibang bansa para sa kinabukasan niya.

Maaring mapanood sa mga link na nasa ibaba:


https://www.youtube.com/watch?v=27cjRD8M2fc

Gabay sa Panonood
1. Itala ang mga mahahalang impormasyon. Tulad ng
sumusunod:
a. Mga Tauhan
b. Tagpuan
c. Suliranin
2. Kilatising mabuti ang galaw ng mga Pangyayari
a. Simula
b. Tunggalian
c. Kasukdulan
d. Wakas
e. Mahalagang eksenang Nakaantig sa iyong puso

Isagawa

GAWAIN 7. Batay sa iyong mga nalikom na impormasyon sa Gawain 6


isulat at isalaysay ang sariling paghahambing sa mga katangian ng isang ina
noon at sa kasalukuyan batay sa napanood na dulang pantelebisyon o
pampelikula. Suriin ng pagkakaiba at pagkakatulad ng napiling karaketer at
ihambing ito sa karakter ni Sisa gamit ang graphic organizer sa ibaba.

SISA Pangalan ng ina sa napanood mong pelikula

PAGKAKATULAD

PAGKAKAIBA

SAMAHAN NG PAMILYA

PAMUMUHAY
15
Isaisip
Muli, ika’y aking binabati dahil napagtagumpayan mo ang Gawain 4.
Sa bahaging ito, aalamin ang iyong mga natutunan batay sa paksa.
GAWAIN 9: 3-2-1 TSART. Panuto: Punan ng sagot ang inihandang 3-2-1 tsart.
Tatlong mga bagay na iyong natutunan sa aralin:
3 3.
2.
1.

Dalawang bagay na iyong naibigan sa aralin:


2 2.
1.

1 Isang tanong na iyong gustong linawin sa aralin:


1.

Buod:
Napakahusay!

Napagtagumpayan mong gawin ang lahat ng inaasahang gawain sa modyul


na ito. Si Sisa ang siyang naging dahilan upang matapos mo ang ilang
mahahalagang pangyayari sa nobelang isinulat ng ating pambansang bayani.
Gayundin, natutukoy, nasusuri at nagawa mo ang isang matapat na paghahambing
sa mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem na nasa ibaba. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot sa iyong activity notebook.

16
1. Sino ang tauhan na nakapangasawa ng isang lalaki na walang puso at
iresponsableng haligi ng tahanan.
a. Maria Clara c. Pia Alba
b. Sisa d. Selsa

2. Sino ang nagsilbing kaligayahan at nagbibigay ng pag-asa ng kanilang inang si


Sisa?
a. Crisostomo at Basilio c. Crispin at Basilio
b. Cripin at Basyo d. Tasyo at Maria Clara

3. Alin sa mga katangian ang taglay ng asawa ni Sisa?


a. Sabungero ngunit mapagmahal c. Iresponsableng haligi ng tahanan
b. Maalalahanin ngunit nanakit ng asawa d. Mapagmahal na asawa ngunit
pabayang ama

4. Ano ang trabaho ng mga anak ni Sisa?


a. Alipin c. Sakristan
b. Hardenero d. Sakristan Mayor

5. Sabik na sabik si Sisa sa pag-uwi ng kanyang mga anak kaya nagluto ito ng
masarap na pagkain. Alin sa mga sumusunod ang pagkaing inihanda niya para
sa mga anak?
a. Tuyo, kamatis at kamote
b. Tapa ng baboy-damo, tuyo, kamatis at kamote
c. Tapa ng baboy –damo, hita ng pato, tuyong lawlaw, kamatis at puting bigas
d. Tapa ng baboy –damo, hita ng pato, hipon, kamatis, puting bigas at labanog

6. Sino ang mabait na kapitbahay nina Sisa na nagbigay ng tapang baboy at


isang hitang patong gubat na gustong-gusto ni Basilio?
a. Alperes c. Pilosopo Tasyo
b. Tata Celio d. Kapitan Tiago

7. Anong katangian ang ipinapakita ni Sisa sa pagsisipag nitong paghahanda ng


hapunan ng masarap na hapunan, nang sa gayon ay mabusog ang mga anak
niya at mawala ang pagod nila?
a. Mabuti c. Pasensyosa
b. Matulingin d. Maalaga

8. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?


Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak.
a. Nalungkot c. Natakot
b. Napunit d. Nainis

9. Nagsimula ang paghihirap ni Sisa simula noong hindi naging mabuti ang
pakikitungo ng mga tao at ng kapalaran sa kanya dahil sa bintang na ginawa sa
kanyang mga anak. Ano ang tawag dito?

a. Babaeng mababa ang lipad c. Ina ng mga magnanakaw


b. Ina ng mga tulisan d. Erehe

10. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

17
Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal na Birhen, nang gulantangin siya ng
malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.
a. Napasa c. Natakot
b. Nabigla d. Narinig

11. Bakit hindi ikinuwento ni Basilio sa kanyang ina ang kanyang napanaginipan?
a. Kasi ayaw niyang magalit ang kanyang ina
b. Kasi ayaw niyang matakot ang kanyang ina
c. Kasi ayaw niyang mag-alala ang kanyang ina
d. Kasi ayaw niyang maging masaya ang kanyang ina

12. Habang naghihintay si Sisa sa kanyang mga anak, kumanta siya ng isang
kundiman. Maganda ang boses ni Sisa, ngunit nang gabing iyon, pumiyok siya.
Sa iyong palagay, bakit pumiyok si Sisa sa kanyang pagkanta, gayong maganda
naman ang kanyang boses?
a. Nalulungkot siya dahil kinain ng asawa ang pagkaing inihanda para sa anak.
b. Nakalimutan niya ang liriko ng kanta.
c. Nangilabot siya dahil dumaan sa harapan ang itim na aso na umaalulong.
d. Kinakabahan siya para sa mga anak, lalo na sa kanyang bunsong si Crispin.

13. Anong kasabihan ang matutukoy sa pahayag na ito?


“Mabuti kayong ina … pero lumalabas na tulad sila ng kanilang ama … “
a. Kung ano ang itinanim, siyang aanihin.
b. Nasa Dios ang awa, nasa tao ang gawa
c. Kung ano ang puno, siya ang bunga
d. Kung di ukol, di bubukol

14. Kanino maihahambig si Sisa sa kasalukuyang panahon kaugnay ng pagdadala


niya ng mga gulay sa kumbento para sa prayle?
a. Mga Pilipinong interisado lamang sa mga opisyal ng gobyerno.
b. Mga Opisyal ng gobyernong handng paglingkuran ang bayan.
c. Ipinautang ng mga prayle ang mga Pilipino upang suklian ng kabutihan
d. Mga Pilipinong handang mag-alay o magbigay ng pabor para sa mga
taong nasa posisyon upang mapagbigyan ang kanilang mga kahilingan.

15. Sa iyong palagay, may pagkakaiba ba ang papel dapat gampanan ng mga ina
noon at ngayon?
a. Oo, dahil ang mga ina noon ay mahina at nasa bahay lamang.
b. Walang pinagkaiba sapagkat ang pagiging ina ay hindi lamang isang
responsibilidad kundi isang napakaimportanteng papel sa buhay na dapat
gampanan.
c. Oo, dahil malaki ang pagbaba ng estilo ng pamumuhay noon at
ngayon.
d. Walang pinagkaiba, kahit na may pagkakaiba ng estilo ng pamumuhay at mas
pinakikinggan.

KARAGDAGANG GAWAIN

18
Pagsulat ng Malikhaing Reflective Journal

Panuto: Isulat sa isang malinis na long bond paper ang isang sitwasyon o
pangyayari sa iyong buhay na naging bayani o tagapangtanggol mo ang iyong
pinakamamamahal na ina. Sumulat ka ng isang tulang malay na hindi baba sa
tatlong saknong na may tatlong taludturan.

Susi sa Pagwawasto
Susi ng Pagwawasto sa Panimulang Pagsusulit

1. B
2. C
3. A
4. C
5. C
6. C
7. D
8. B
9. C
10. B
11. C
12. D

19
13. C
14. D
15. D

Gawain 1
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 2
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 3
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 4
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 5
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 6
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 7
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 8
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 9
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama

Susi ng Pagwawasto sa Pangwakas na Pagsusulit

1. B 9. C
2. C 10. B
3. A 11. C
4. C 12. D
5. C 13. C
6. C 14. D
7. D 15. D
8. B

20
Mga Sanggunian
Blasim, Hassan. The Abandoned Village. Literary Hub. https://lithub.com/theabandoned-
village/. (Kinuha noong Mayo 18, 2020).

Diwa ng Wika at Panitikan 9. Diwa Learning Systems Inc 4/f SEDCCO 1 Bldg. 120 Thailand
corner Legaspi Streets, Legaspi Village, Makati City, Philippines. Karapatang-ari 2014.

Gantimpala: Pinagsanib na Wika at Panitikan Baitang 9. Innovative Education Materials, Inc.


IEMI Building, 2356 Revellin St., Sta. Ana, Manila. Karapatang-ari 2015.

Buod ng Pelikulang A Mother’s Story.


https://angelatolentino.wordpress.com/2017/01/04/movie-review-a-mothers-story/

You might also like