Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

an I

al
a
IL
m
ah IB
Pa B
i ng AG
aar
P IN
g-
P a II Senior High School
D
IN
H

Malikhaing Pagsulat
Unang Kwarter – Modyul 8
Mga Makabagong Teknik sa Pagsulat ng Tula

https://www.google.com/search?q=malikhaing+pagsulat+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjz4b-UlbbqAhXLAJQKHQldBpIQ2-
cCegQIABAA&oq=malikhaing+pagsulat+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEB46BggAEAUQHjoECAAQGFCsNFjMSWDzTWgAcAB4AIABmAGIAZwHkgEDNS40mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=l84BX
7O6AcuB0ASJupmQCQ&bih=688&biw=1477#imgrc=shEXrmr4Bx_JWM

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Malikhaing Pagsulat – Senior High School
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul 8: Mga Makabagong Teknik sa Pagsulat ng Tula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral


Manunulat: Maricar C. Ranara, Piolen C. Petalver, Johanna Vanessa C. Obedencio, Bonifacio N. Gegato Jr.,
Marben A. Oco, Ian Oclaman, Jean G. Jo, Dulce Amor S. Loquias, Mary Ann A. Maglangit,
Maria Concepcion A. Macalaguing, Lauro C. Nadayag, Celena J. Cabato, Dexie P. Dilag
Content Editor:
Language Editor:
Proofreader:
Mga Tagaguhit:
Naglayout:
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar, PhD, EPS I
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS I Filipino; Celieto B. Magsayo,
LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II; Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
Senior High School

Malikhaing Pagsulat
Unang Kwarter – Modyul 8
MGA MAKABAGONG TEKNIK SA PAGSULAT
NG TULA

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1

Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1

Mga Layunin ------------------------------------------------- 1

Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 1

Subukin ------------------------------------------------- 10

Yugto ng Pagkatuto ------------------------------------------------- 11

A. Tuklasin

B. Suriin

C. Pagyamanin

D. Isaisip

E. Isagawa

Paglalahat ------------------------------------------------- 16

Tayahin ------------------------------------------------- 19

Sanggunian ------------------------------------------------- 20
ALAMIN

Panimulang Ideya

Kumusta ka na mahal kong mag-aaral?


mag ? Isang malaking karangalan para sa
akin ang makasama ka sa pag-aaral
pag aaral mo ng bagong aralin. Tiyak na kawiwilihan mo
ang bagong araling inihanda ko para sa iyo. Panibagong kaalaman na naman ang
magpapayaman sa iyong isipan at karanasan na magagamit mo sa pang pang-araw-araw
na gawain. Ang modyul na a ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang
kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga
gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuha
magugustuhan mo ang
kaalaman hinggil sa mga makabagong teknik sa pagsulat ng tula.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang
dating kaalaman ay maiuugnay
ugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay
maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan
tulungan kang muli ng mga inihandang gawain.
gawain. Alam kong makakaya
mong g sagutin ito. Kaya mo to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

MODYUL 8

Ang Malikhaing Pagsulat: Mga Makabagong Teknik sa Pagsulat


ng Tula

Markahan: Unang Linggo: 8th

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang pagkakaroon


karoon ng kaalaman hinggil sa mga
makabagong teknik sa pagsulat ng tula.. Ang mga kasanayang matutuhan dito ay
makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa
pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

1
Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga makabagong teknik sa


pagsulat ng tula kung saan ay pagsasamahin ang mga piling salita na may tugma,
sukat, talinghaga at kaisipan.
Layunin ng Modyul
Sa modyul na ito, inaasahan sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang
kasanayang pampagkatuto:
 Nakatutuklas ng mga makabagong teknik sa pagsulat ng tula
HUMSS_CW/MP11/12c-f9

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
may kinalaman sa malikhaing pagsulat. Makikita naman sa bahaging pagyamanin
ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong may kinalaman sa
malikhaing pagsulat na lilinangin sa aralin.Pagpapahayag ng sariling ideya o
kahulugan naman ang isaisip. Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang
mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga
kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo
ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung
susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong
dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang
mali huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang
paksa na nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang huling pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at
kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi
sa pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

2
ANG MALIKHAING PAGSULAT: MGA MAKABAGONG
TEKNIK SA PAGSULAT NG TULA

Ang Pagsulat ng Tula ay isang paraan ng paglalahad ng kaganapan sa buhay


ng isang tao, may larawang diwa, gumigising ng damdamin at pinapagalaw ang
guniguni ng mambabasa.

https://www.google.com/search?q=Mga%20makabagong%20teknik%20sa%20pagsulat%20ng%20tula&tbm=isch&hl=fil&hl=fil&tbs=rimg%
3ACVDstLT_1uga1YQ-
ukLepqprg&rlz=1C1RLNS_enPH901PH902&ved=0CBwQuIIBahcKEwiokJilqL_qAhUAAAAAHQAAAAAQBg&biw=1349&bih=657#imgrc=d0vnH
X66j9JgPM

3
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga katanungan at isulat ang titik katumbas
ng tamang sagot.

1. Makabagong paraan ng panulaan na tinatangkilik ng mga kabataan sa kasalukuyan.


a. Spoken Words Poetry
b. Flip Top
c. Rap
d. Balagtasan

2. Sa pamamagitan nito’y maaring makakakita ka ng ibang paraan ng pag sulat na


puwede mong kunan ng inspirasyon.
a. Paghingi ng opinion sa iba
b. Magbasa ng tula ng iba
c. Humanap ng inspirasyon
d. Siguraduhing alam mo ang isinulat mo
3. Ang mga manunulat ay nagsisimula sa paglalahad ng kanilang personal na
karanasan. Ang paglalahad ng sariling opinyon ay mahalagang puhunan sa
pagsusulat.
a. Nais sabihin sa iyong sarili
b. Nais sabihin sa lipunan
c. Nais sabihin sa mga tagapagtangkilik
4. Lahat ng nagsisimulang magsulat ay may pangarap na balang araw mabasa ng lahat
ng tao ang kanilang mga isinusulat. Sa ganitong punto, lumulutang ang tatlong
senaryo sa buhay ng manunulat, maliban sa:
a. Dahil gusto niyang makilala sa lahat ng tao
b. Dahil gusto niyang makaimpluwensya sa iba
c. Dahil gusto niya lamang sumikat
d. Dahil gusto niyang yumaman
5. Bilang nagsisimulang manunulat, tinatantiya natin ang panlasa ng mga magbabasa o
makakapagkinig ng iyong piyesang inihanda. Kailangan buo rin sa isipan mo kung
ano ba ang nais mong sabihin sa kanila.
a. Nais sabihin sa iyong sarili
b. Nais sabihin sa lipunan
c. Nais sabihin sa mga tagapagtangkilik

6. Eto ang pinaka importante sa lahat. Kung wala ito, hindi magiging kapanipaniwala
ang iyong mga sulat.
a. Magsimula sa malayang taludturan
b. Magbasa ng tula ng iba
c. Humanap ng inspirasyon
d. Siguraduhing alam mo ang sinulat mo
7. Ang sumusunod ay maaaring mapagkunan ng inspirasyon maliban sa:
a. Maaari kang makakuha ng inspirasyon sa mga tao sa iyong paligid.
4
b. Maaari ka ring makakuha ng inspirasyon mula sa mga nababasa at
napakikinggan.
c. Maaari ring makakuha ng inspirasyon mula sa minsan ng pagkabigo
d. Maaari ka ring makakuha ng inspirasyon mula sa sarili mong karanasan
8. Hindi magiging kapani-paniwala ang iyong tula kung hindi mo lubos na alam ang
paksang tinatalakay.
a. Gumamit ng metaphor o simile
b. Siguraduhing alam mo ang sinulat mo
c. Humanap ng inspirasyon
d. Magbasa ng tula ng iba
9. Ang hindi importante sa pagsusulat, ang importante lamang ay pagpahiwatig ng
iyong karanasan at damdamin.
a. Pagkatao
b. Estado
c. Edad
d. kasarian
10. nagsimula sa isang tula na nilagyan lamang ng himig.
a. Awit
b. Korido
c. Epiko
d. Liriko

5
ARALIN 8
ANG MALIKHAING PAGSULAT: MGA
MAKABAGONG TEKNIK SA PAGSULAT NG
TULA

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa mga makabagong teknik sa pagsulat ng tula.

YUGTO NG PAGKATUTO

Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang


paghahanda sa gawaing may kinalaman sa malikhaing pagsulat.

A. TUKLASIN

MGA MAKABAGONG TEKNIK SA PAGSULAT NG TULA

https://www.google.com/search?q=pagsulat%20ng%20tula&tbm=isch&hl=fil&hl=fil&tbs=rimg%3ACTb_1Dt844vcQYYUGjBZJIJzr&rlz=1C1R
LNS_enPH901PH902&ved=0CB4QuIIBahcKEwj47ejC2L_qAhUAAAAAHQAAAAAQDQ&biw=1349&bih=657#imgrc=gZcByEPFcP2yZM&imgdii=
PMk8X3aBQ480mM

6
Gawain 1

Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling


pagpapakahulugan ng salitang nakasulat sa loob ng kahon. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

MGA MAKABAGONG
TEKNIK SA PAGSULAT
NG TULA

B. SURIIN

Tip sa Pagsulat ng Tula

Ang pagsulat ng tula ay hindi birong gawain. Nangangailangan ito ng mga


pamantayan na susukat kung ito ba ay magiging masining o hindi. Sa kasalukuyang
panahon kung saan lubos na tinatangkilik ng kabataan ang makabagong paraan ng
panulaan na tinatawag ding Spoken Words Poetry, hindi maitatatwa na mahusay ang
pagpapalutang ng sining sa mga akdang nalilikha nito. Maski ang mga awitin ay nagsis
nagsisimula
rin sa isang tula. Ito’y nilalapatan lamang ng himig upang maawit at maitanghal o maiparinig
sa mga tagapagtangkilik ng sining na ito.
Sang-ayon
ayon na rin sa kasaysayan, ang sinaunang mga pamayanan ay nagtatanghal
ng kanilang mga oral na tradisyon gaya ng pag-awit
awit ng mga epiko, mga elehiya, pagbigkas
ng tanaga at diona, at marami pang iba na sumasalamin sa mayamang tradisyon at kultura
ng mga Pilipino bago pa man tayo masakop ng mga kanluranin bansa.
7
Ngunit paano nga ba sumulat ng tula?

Lagi’t laging binabanggit na sa pagsulat ng anumang akdang pampanitikan, mahalaga ang


pagkakaroon ng inspirasyon. Dito tinataya o tinitimbang kung ano nga ba ang nais mong
isulat, at kung para kanino o para saan ka ba magsusulat? Ano ang layunin mo sa pagsulat?
Saan ka ba maaaring kumuha ng inspirasyon?

 Maaari kang makakuha ng inspirasyon sa mga tao sa iyong paligid. Ang


pakikipagkuwentuhan patungkol sa mga kaniya-kaniyang karanasan ay
makatutulong upang mapalawak mo ang iyong imahinasyon. Maaari ka ring
makapulot ng mga aral sa buhay mula sa karanasan ng ibang tao.

 Maaari ka ring makakuha ng inspirasyon mula sa sarili mong karanasan. Ang first-
hand experience ay laging nagdudulot ng kongkretong reaksiyon mula sa mga
bagay-bagay na iyong naranasan.

 Maaari ka ring makakuha ng inspirasyon mula sa mga nababasa at napakikinggan.


Ang pagiging expose sa mga pagtatanghal ng sining ay magdudulot sa iyo ng
malaking impluwensiya. Kung nanaisin mong pasukan ang mundo ng panitikan at
sining, maiging buong puso mo muna itong tangkilik.

Ano ba ang gusto mong sabihin?

Tandaan, ikaw lang ang nakaaalam kung ano ba ang gusto mong sabihin, kung ano
ang nais mong isulat. Kung sa tingin mo ay nakahanap ka ng inspirasyon sa iyong
pagsusulat, dapat mo namang intindihin ang mensahe na iyong isusulat. Ano ba dapat ang
lamanin nito?

Nais sabihin sa iyong sarili. Halos lahat ng manunulat ay nagsisimula sa paglalahad ng


kanilang personal na karanasan. Mula rito maaaring magsanga-sanga ang iba’t ibang
perspektiba na magpapaunlad sa kakanyahan sa pag-iisip ng isang tao. Ang paglalahad ng
sariling opinyon ay mahalagang puhunan sa pagsusulat.
Nais sabihin sa mga tagapagtangkilik. Bilang nagsisimulang manunulat, tinatantiya natin
ang panlasa ng mga magbabasa o makakapagkinig ng iyong piyesang inihanda. Kailangan

8
buo rin sa isipan mo kung ano ba ang nais mong sabihin sa kanila. Kailangang maging
maingat ka sa bahaging ito sapagkat anumang isusulat mo ay maaaring makaapekto o
makaimpluwensiya sa pag-iisip, maging sa pamumuhay ng iyong mga tagapagtangkilik.

Nais sabihin sa lipunan. Lahat ng nagsisimulang magsulat ay may pangarap na balang


araw mabasa ng lahat ng tao ang kanilang mga isinusulat. Sa ganitong punto, lumulutang
ang tatlong senaryo sa buhay ng manunulat, (1) dahil gusto niya lamang sumikat, (2) dahil
gusto niyang yumaman, (3) dahil nais niyang makaimpluwensiya sa iba. Ano’t ano man ang
dahilan ng kaniyang pagsulat kinakailangan na makapagpapakilos ito o makapagpapabago
sa kaisipang namamayani sa isang partikular na lipunan.

Ngayong mayroon ka nang paunang balangkas para sa iyong pagsulat ng tula


(layunin at mensahe), piliin mo naman kung anong uri ng panulaan ang nais mong sulatin.
Mahalaga rin ang bahaging ito dahil ito ang nagdidikta sa kabuuang atake mo sa pagsulat.
Mayroong mga tinatawag na “dagliang tula” na binubuo lamang ng ilang taludtod ngunit may
mensaheng nilalaman. May ilan naman na “mahahabang tula” na siyang itinatanghal, gaya
ng Spoken Words Poetry at mga awitin. Maaari kang pumili kung tradisyonal, blangko berso,
o malayang taludturan na uri ng tula.

Dapat tandaan na ang pagsulat ng tula ay laging nakadepende sa iyong layunin sa


pagsulat. Kailangang tayahin mo ang mensaheng nais mong sabihin sa makakapagbasa o
makakapakinig sa iyong piyesa. Ang mga akdang pampanitikang ito ay nagdudulot ng
impluwensiya sa kaniyang mga tagapagtangkilik kaya naman nagiging responsibilidad ng
manunulat ang damdamin at perspektibang lalamanin ng kaniyang isusulat.

Tandaan ninyo, kahit sino ay puwedeng sumulat ng tula. Hindi importante ang edad
sa pagsusulat, ang importante lamang ay pagpahiwatig ng iyong karanasan at
damdamin.

https://kape-at-utak.blogspot.com/2017/09/tip-sa-pagsulat-ng-tula.html

9
Gawain 2
Panuto: Gamit ang Venn Diagram paghambingin ang tradisyunal na teknik at makabagong teknik sa
pagsulat ng tula.

Tradisyunal na Makabagong Teknik


Teknik
Pagkakatulad

https://www.google.com/search?q=venn+diagram+template&rlz=1C1RLNS_enPH901PH902&sxsrf=ALeKk02sCyE0J7255Td7PSbi4yMvNLqvyw:1594297918542&tbm=isch&source
https://www.google.com/search?q=venn+diagram+template&rlz=1C1RLNS_enPH901PH902&sxsrf=ALeKk02sCyE0J7255Td7PSbi4yMvNLqvyw:15942 97918542&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=1dlHkn3JDOzibM%252CJ4h
WRw09mTTkxM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kR2JZaZQgMZpTKVKDLY4l1YfnwpUg&sa=X&ved=2ahUKEwiv5ObIlsDqAhUbfd4KHSJQCBwQ9QEwAnoECAoQIA&biw=1366&bih=657#imgrc=1dlHkn3JDOzibM
kR2JZaZQgMZpTKVKDLY4l1YfnwpUg&sa=X&ved=2ahUKEwiv5ObIlsDqAhUbfd4KHSJQCBwQ9QEwAnoECAoQIA&biw=1366&bih=657#imgrc=1dlHkn3JDOzibM

10
C. PAGYAMANIN

Heto na ang mga tips kung paano sumulat ng makabago at magandang


tula:

Humanap Ng Inspirasyon – Eto ang pinaka importante sa lahat. Kung wala ito, hindi
magiging kapanipaniwala ang iyong mga sulat.

Saan ba ako makakakita ng Inspirasyon? – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay


makakakuha ka ng inspirasyon. Minsan mayroong mga pangyayari o tao na bigla na lamang
bibigay sayo ng napaka tinding emosyon na para bang umaapaw. Pag nakita mo na iyon,
dapat handa ka ng mag sulat.

Magsimula sa Malayang Taludturan – Maraming pormal na paraan ng pag sulat ng tula na


gumagamit ng saktong sukat at tugma. Pero, mas maganda pa rin na mag simula ka sa
malayang taludturan.
Pagkatapos, maari mo nang pag-aralan
pag aralan ang iba’t ibang uri ng tula tulad lamang ng haiku,
tanaga, tanka at iba pa.

Siguraduhing Alam mo ang Sinusulat mo – Hindi magiging kapani-paniwala paniwala ang iyong
tula kung hindi mo ito lubos na alam. Kung ang sulat
sulat mo ay tungkol sa korupsyon sa
gobyerno, dapat alam mo talaga kung anong nangyayari.
Ganun rin pagdating sa pag-ibig.
ibig. Kung ikaw ay nasaktan na, gamitin mo ang karanasan na
iyon para maipahiwatig kung ano talaga ang naramdaman mo sa pagkakataong iyon.

Magbasa ng Tula ng Iba – Hindi ka magiging mahusay na manunulat kung hindi ka


natututo sa iba. Sa pagbasa mo ng ibang tula, maaring makakakita ka ng ibang paraan ng
pag sulat na puwede mong kunan ng inspirasyon.

Gumamit ng metaphor o simile kahit simple lamang


lam ito – Ang paggamit
ng simile at metaphor ay isang paraan ng paglalarawan sa mga pangyayari, tao, o bagay.
Maaari ring gamitin ang personipikasyon sa mga tula.
Halimbawa:

O sinta ko, kahit ang liwanag ng buwan,


Ay hindi maka pantay sa iyong kagandahan.
Ang mga bituin naman ay lubos sa ka inggitan,
Ikaw ay nasa puso, magpakailanman
https://www.academia.edu/33959901/Ang_Dapat_Mabatid_ng_Sinumang_Tutula_O_Magtuturo_ng_Pagsulat_ng_Tula
https://www.academia.edu/33959901/Ang_Dapat_Mabatid_ng_Sinumang_Tutula_O_Magtuturo_ng_Pagsulat_ng_Tula

Gawain 3 11
Panuto: Gamit ang mga makabagong teknik sa pagsulat ng tula, Bumuo ng isang magandang
pamagat para saa isang makabagong tula at ipaliwanag kung paano at bakit nabuo ang pamagat.

Nabuong Pamagat:

Paliwanag:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

D. ISAISIP

Ang mga ito ay mahalaga sapagkat ito ang bumubuo


bumubu sa istraktura ng isang tula
tula.
1. Sukat- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
2. Saknong- Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya
(taludtod).
3. Tugma- Ito ang nagbi-bigay
bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
4. Kariktan- Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa
gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
5. Talinhaga- Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
tayuta
6. Anyo- Porma ng tula.
7. Tono/Indayog- Diwa ng tula.
8. Persona- Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlo

https://brainly.ph/question/553953#readmore

12
Ang Malikhaing Pagsulat (Ingles: creative writing) ay ang anumang pagsusulat na
lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang prupesyunal, pampamamahayag, pang-
akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa
pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pangpagsasalaysay,
pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga pampanitikan aspeto. Samakatuwid ang
pagsulat ay isang proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may layuning
makabuo ng mga salita. Ang mga kaalaman na nabasa at narinig na naisusulat din kaya
ang tahasang pagsasanay ay dapat na gawin upang malinang nang husto ang kasanayan
sa pagsusulat. Bago magawa ito, mahalaga na magkaroon muna ng kaalaman sa iba't
ibang pananaw sa proseso ng pagsusulat.

TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga katanungan at isulat ang titik katumbas
ng tamang sagot.

1 Makabagong paraan ng panulaan na tinatangkilik ng mga kabataan sa kasalukuyan.

e. Spoken Words Poetry


f. Flip Top
g. Rap
h. Balagtasan

2 Sa pamamagitan nito’y maaring makakakita ka ng ibang paraan ng pag sulat na


puwede mong kunan ng inspirasyon.

e. Paghingi ng opinion sa iba


f. Magbasa ng tula ng iba
g. Humanap ng inspirasyon
h. Siguraduhing alam mo ang isinulat mo

3.Ang mga manunulat ay nagsisimula sa paglalahad ng kanilang personal na karanasan.


Ang paglalahad ng sariling opinyon ay mahalagang puhunan sa pagsusulat.

d. Nais sabihin sa iyong sarili


e. Nais sabihin sa lipunan
f. Nais sabihin sa mga tagapagtangkilik

13
4.Lahat ng nagsisimulang magsulat ay may pangarap na balang araw mabasa ng lahat
ng tao ang kanilang mga isinusulat. Sa ganitong punto, lumulutang ang tatlong senaryo
sa buhay ng manunulat, maliban sa:

e. Dahil gusto niyang makilala sa lahat ng tao


f. Dahil gusto niyang makaimpluwensya sa iba
g. Dahil gusto niya lamang sumikat
h. Dahil gusto niyang yumaman

5.Bilang nagsisimulang manunulat, tinatantiya natin ang panlasa ng mga magbabasa o


makakapagkinig ng iyong piyesang inihanda. Kailangan buo rin sa isipan mo kung ano
ba ang nais mong sabihin sa kanila.

d. Nais sabihin sa iyong sarili


e. Nais sabihin sa lipunan
f. Nais sabihin sa mga tagapagtangkilik

6. Eto ang pinaka importante sa lahat. Kung wala ito, hindi magiging kapanipaniwala ang
iyong mga sulat.
e. Magsimula sa malayang taludturan
f. Magbasa ng tula ng iba
g. Humanap ng inspirasyon
h. Siguraduhing alam mo ang sinulat mo
7.Ang sumusunod ay maaaring mapagkunan ng inspirasyon maliban sa:
e. Maaari kang makakuha ng inspirasyon sa mga tao sa iyong paligid.
f. Maaari ka ring makakuha ng inspirasyon mula sa mga nababasa at
napakikinggan.
g. Maaari ring makakuha ng inspirasyon mula sa minsan ng pagkabigo
h. Maaari ka ring makakuha ng inspirasyon mula sa sarili mong karanasan
8.Hindi magiging kapani-paniwala ang iyong tula kung hindi mo lubos na alam ang
paksang tinatalakay.

e. Gumamit ng metaphor o simile


f. Siguraduhing alam mo ang sinulat mo
g. Humanap ng inspirasyon
h. Magbasa ng tula ng iba

9.Ang hindi importante sa pagsusulat, ang importante lamang ay pagpahiwatig ng iyong


karanasan at damdamin.

i. Pagkatao
j. Estado
k. Edad
l. kasarian

10.nagsimula sa isang tula na nilagyan lamang ng himig.


14
m. Awit
n. Korido
o. Epiko
p. Liriko

SUSI SA PAGWAWASTO
15
Gawain 1,2,3, (Iwasto ng guro ang sagot ng mag-aaral)

Panimulang Pagatataya at
Panghuling Pagtataya

1. A
2. B
3. A
4. A
5. C
6. C
7. C
8. B
9. C
10. A

16
SANGGUNIAN
Website

https://www.google.com/search?q=tip&rlz=1C1RLNS_enPH901PH902&sxsrf=ALeKk00DCpHVcInVRZ
TU1QT4-
_jI0SKkYA:1594285637218&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjros7o6L_qAhVMeXAKHSC
RCoYQ_AUoAXoECA8QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=INsgECPUtJOWjM

https://philnews.ph/2020/02/20/paano-gumawa-ng-tula-paraan-ng-pagsulat-ng-magandang-tula/

https://www.google.com/search?q=pointing+finger+emoji&rlz=1C1RLNS_enPH901PH902&sxsrf=ALe
Kk00jO-
Uo2bC6Jyai_YcoZKh0RDQ6Yg:1594295171183&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=ovGvl1Vt7uq34M%
252CXzP6Z6w1sYW55M%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kTP5liHUXxeDuk56Utm9UbjUhgMeQ&sa=X&ved=2ahUKEwiupOGqjMDqAhXCMN4KHTFeCs0Q9QEw
BHoECAoQJA&biw=1366&bih=657#imgrc=ovGvl1Vt7uq34M&imgdii=QrcdQUUTiWySiM

17

You might also like