Malikhaing Pagsulat12 - q1 - Mod9

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

aan I

al L
ah BI
Pa
m
BI
ar
i ng
AG
g-
a I N Senior High School
P a
I IP
N D
HI

Malikhaing Pagsulat
Unang Kwarter – Modyul 9
Pagsulat ng Tulad Gamit ang iba’t ibang
Elemento, Teknik, at Literary Devices

https://www.google.com/search?q=malikhaing+pagsulat+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjz4b-UlbbqAhXLAJQKHQldBpIQ2-
cCegQIABAA&oq=malikhaing+pagsulat+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEB46BggAEAUQHjoECAAQGFCsNFjMSWDzTWgAcAB4AIABmAGIAZwHkgEDNS40mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=l84BX
7O6AcuB0ASJupmQCQ&bih=688&biw=1477#imgrc=shEXrmr4Bx_JWM

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Malikhaing Pagsulat – Senior High School
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul 9: Pagsulat ng Tula Gamit ng iba’t ibang Elemento, Teknik, at
Literary Devices
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral


Manunulat: Maricar C. Ranara, Piolen C. Petalver, Johanna Vanessa C. Obedencio, Bonifacio N. Gegato Jr.,
Marben A. Oco, Ian Oclaman, Jean G. Jo, Dulce Amor S. Loquias, Mary Ann A. Maglangit,
Maria Concepcion A. Macalaguing, Lauro C. Nadayag, Celena J. Cabato, Dexie P. Dilag
Content Editor:
Language Editor:
Proofreader:
Mga Tagaguhit:
Naglayout:
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar, PhD, EPS I
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS I Filipino; Celieto B. Magsayo,
LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II; Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
Senior High School

Malikhaing Pagsulat
Unang Kwarter – Modyul 9
Pagsulat ng Tula Gamit ang iba’t ibang
Elemento, Teknik, at Literary Devices

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1

Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1

Mga Layunin ------------------------------------------------- 2

Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2

Subukin ------------------------------------------------- 3

Yugto ng Pagkatuto ------------------------------------------------- 5

A. Tuklasin

B. Suriin

C. Pagyamanin

D. Isaisip

E. Isagawa

Paglalahat ------------------------------------------------- 11

Tayahin ------------------------------------------------- 12

Sanggunian ------------------------------------------------- 15
ALAMIN

Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at tiyak na marami kang


makukuhang kaalaman sa bawat aralin. Kaya, pagsikapan mong mabuti na masagot
ang mga gawaing inihanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magiging
magaling ka sa larangan ng pagsulat ng tula.
Alam mo bang magiging maganda para sa iyo na mahasa ang iyong sariling
galing sa pagsulat ng tula?
? Sa araling ito, ang iyong pagiging malikhain sa larangan
ng pagsulat ay lalo mo pang mapapaunlad.
mapapaunlad Ang iyong mga dating karanasan at
pakiramdam ay may malaking ambag upang maisagawa ito. Hihimukin mo lang na
maisagawa ang mga gawaing inilaan para sa iyo.
Malaki ang tiwala ko sa iyo at alam
alam kong makakaya mong lampasan ang
hamong ito. Handa ka na ba? Simulan mo na.

MODYUL 9

PAGSULAT NG TULA GAMIT ANG IBA’T IBANG


ELEMENTO, TEKNIK AT LITERARY DEVICES

Markahan: Una Linggo: 9th

Araw: Isa (1) araw Oras: Dalawa (2


(2) na oras

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, magkakaroon ka ng sapat na panahon na magamit ang


iyong sariling karanasan at damdamin upang makasulat ng isang malikhaing tula
tula.
Ang mga kasanayang matututunan dito ay makatutulong nang malaki upang mas
lalo mo pang mabibigyan ng pansin ang mga bagay na may kaugnayan sa
pagpapalabas ng iyong mga iniisip at nararamdaman sa pamamagitan ng mga
maririkit na mga salitang iyong kakapitan.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral


mag ang pagsulat ng isang
malikhaing tula
ula gamit ang mga elemento, teknik at literary devices batay sa iyong
sariling karanasan.. Nakapaloob dito ang mga gawain, mga pagsasanay na iyong
1
sasagutan nang sa gayon ay masukat ang iyong kaalamang dapat malinang sa
modyul na ito nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at lipunan.

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo


ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

a. Nakasusulat ng tula gamit ng iba’t ibang elemento, teknik, at literary devices


(HUMSS_CW/MP11/12cf10)

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang
kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat
aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang
dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki
ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong
dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro ang susi sa
pagwawasto. Kung marami kang mali, huwag kang mag-alala. Tutulungan kang
linawin ito habang sinusuri mo ang paksang nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka
kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong
guro ang susi sa pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

PAGSULAT NG TULA GAMIT ANG IBA’T


IBANG ELEMENTO, TEKNIK AT LITERARY
DEVICES
2
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat
lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

Ang daigdig ay isang tanghalan


Ang ating gunita’y ibong nagbabalik
sa pinamugarang suyuang matamis;
muling tumutubo ang nalugong bagwis
nang sa karurukan, tayo’y makapanhik.
( Mga Tinik na Alaala, Aurelio G. Angeles)

1. Ang mga salitang nakasulat ng pahilig na hango sa saknong ng tula ay


halimbawa ng;
a. Simile
b. Pagwawangis
c. Metapora
d. Pagsasatao
2. Ito ay paggamit ng mga tayutay at simbolismo ng isang tula?
a. taludturan
b. talinghaga
c. tugmaan
d. kariktan
3. “O, tadhana, sadayang kay lupit mo.” Ito ay halimbawa ng ;
a. Pag-uyam
b. Onomatopeya
c. Pagtawag o panawagan (apostrope)
d. Pagmamalabis
4. “Kay ganda nga ng kanilang proyekto. Palibhasa, ang gumawa’y tatlong ulo.”
Ang nabanggit sa itaas ay halimbawa ng;
a. Pagpapalit-tawag
b. Analohiya
c. Pagmamalabis
d. Onomatopeya
5. “May kabilisan ang iyong pagtakbo, kaya’t naiwan ka ng mga kasama mo.” Ito
ay halimbawa ng ;
a. Pag-uyam
b. Panawagan
c. Analohiya

3
d. Pagpapalit-tawag
6. Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang
mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
a. Kariktan
b. Tugma
c. Talinghaga
d. Anyo
7. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
a. Anyo
b. Talinghaga
c. Tugma
d. Persona
8. Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan.
a. Tono
b. Persona
c. Anyo
d. Tugma
9. Pagpapalit-saklaw o paggamit ng bahagi sa halip na kabuuan, o kaya’y ang
kabuuan sa halip na bahagi.
a. Personipikasyon
b. Sinekdoke
c. Metonimya
d. Pangitain
10. “ Ang doon at dito’y ayaw maghimala pagkat magkalihis ang dulo’t simula!” ay
halimbawa ng ______________.
a. Pasukdol
b. Panawagan
c. Pahidwa
d. Pagsasatao

4
ARALIN 9

PAGSULAT NG TULA GAMIT ANG IBA’T IBANG


ELEMENTO, TEKNIK AT LITERARY DEVICES

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa pagsulat ng tula gamit ang iba’t ibang elemento,
teknik at literary devices.

YUGTO NG PAGKATUTO

Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang


paghahanda sa gawaing may kinalaman sa pagsulat ng tula gamit ang iba’t ibang elemento ,
teknik at literary devices.

A. TUKLASIN

Gawain 1

Panuto: Alamin sa mga sumusunod na tula ang mga pahayag na literal at mga
pahiwatig na tayutay.

Ironiya/ Pag-uyam

1. Mukha ni Inday lahat napapalingon


Angking kagandahang tigyawa’t na lipon
Batik-batik na mga mala-marmol
Kumikinang na mga rubing tuldok.

2. Buhok na may lambot, likas


Tirahan ng sanlibong bigas
Bawat hibla’y kumukupas
Sa “kulot salot” na alyas.

Hayperboli
1. Galun-galong pighati’t lungkot
Suliraning kanya umiikot
Isang kutsarang luhang hakot

5
Ng solusyong laging poot.

2. Maria Clarang malibog-kiri


Kagandahan ang pinahahari
Kabaong ng pakitang kimi
Pang-akit kindat sa lalaki.

Metapora
1. Tumigil man ng oras sa pagtikatik
Sa puso ko’y lagi kang nakatitik
Maagnas man ang bundok na nakatirik
Sa puso ko’y baon ka ng pagtangkilik.

2. Malalim na lihim
Mapagkalong damdamin
Lakip ang bulong kay lalim
Sa dasal ng takip-silim.

--- Kathlyn Kaye Vargas

Ironiya/ Pag-uyam Hayperboli Metapora

1.
2.
3.
4.
5.

B. SURIIN

MGA GABAY SA PAGSULAT NG TULA

Ito na ang mga tips kung paano sumulat ng magandang tula:

1. Humanap ng Inspirasyon – ito ang pinakamahalaga sa lahat.


Kung wala ito, hindi magiging kapanipaniwala ang iyong mga sulat.
2. Saan ba ako makakakita ng Inspirasyon? – Hindi sa lahat ng
pagkakataon ay makakakuha ka ng inspirasyon. Minsan mayroong
mga pangyayari o tao na bigla na lamang bibigay sayo ng napaka
tinding emosyon na para bang umaapaw. Pag nakita mo na iyon,
dapat handa ka ng mag sulat.

6
3. Magsimula sa Malayang Taludturan – Maraming pormal na
paraan ng pag sulat ng tula na gumagamit ng saktong sukat at
tugma. Pero, mas maganda pa rin na mag simula ka sa malayang
taludturan. Pagkatapos, maari mo nang pag-aralan ang iba’t ibang
uri ng tula tulad lamang ng haiku, tanaga, tanka at iba pa.
4. Siguraduhing Alam mo ang Sinusulat mo – Hindi magiging
kapani-paniwala ang iyong tula kung hindi mo ito lubos na alam.
Kung ang sulat mo ay tungkol sa korupsyon sa gobyerno, dapat
alam mo talaga kung anong nangyayari. Ganun rin pagdating sa
pag-ibig. Kung ikaw ay nasaktan na, gamitin mo ang karanasan na
iyon para maipahiwatig kung ano talaga ang naramdaman mo sa
pagkakataong iyon.
5. Magbasa ng Tula ng Iba – Hindi ka magiging mahusay na
manunulat kung hindi ka natututo sa iba. Sa pagbasa mo ng ibang
tula, maaring makakakita ka ng ibang paraan ng pag sulat na
puwede mong kunan ng inspirasyon.
6. Gumamit ng metaphor o simile kahit simple lamang ito – Ang
paggamit ng simile at metaphor ay isang paraan ng paglalarawan
sa mga pangyayari, tao, o bagay. Maaari ring gamitin ang
personipikasyon sa mga tula.

Halimbawa:

O sinta ko, kahit ang liwanag ng buwan,


Ay hindi makapantay sa iyong kagandahan.
Ang mga bituin naman ay lubos sa kaiinggitan,
Ikaw ay nasa puso, magpakailanman.

Ang aking minamahal


Sa puso ko’y ikaw lang
Ang tanging sinisigaw
Ikaw ay aking dasal.

Mabilis ang pagtakbo


Nang batang nasa kanto
Mukha siyang desperado
Na pumunta sa banyo

Dapat nating labanan


Ang korapsyon sa bayan
Upang tayo’y mag ahon
Sa ating kahirapan

Ngunit sa modernong panunulat, ang tagasulat ay pwedeng gumawa ng tula


sa kahit anong paraan na gusto nila. Ang estilong ito ay tinatawag na “free style
writing“.

7
Halimbawa:

Ang Aking Buwan

Ikaw ang liwanag sa gabi, O aking Sinta


Kahit mga bituin, sila’y tumitingala
Sapagkat ang ganda mo’y nakakasilaw
Kapag titingin sa langit, ika’y pinaka malinaw

Parang alon sa dagat na tulak at hila ng buwan,


Ang pagsasayaw mo na hindi ko kayang iwasan.
Sana naman mabigyan ng pagkakataon,
Upang makapunta sa ‘yong langit, kung saan ka nandoon.

Ano Ang Kapalit?

Sa daming nakukuha,
lumalangoy sa kayamanan
Ano ba ang kapalit?
Dapat ba itong pag-usapan?

Importante nga ba kung saan ito nanggaling?


Diba nga munting bata, ito’y laging hinihiling?
Saan ba kumukupit? Shhhh.. mag kang maingay
Ang daming tanong! Ayaw mo ba ng ganitong buhay?

Tanong ko sa’yo bata,


Ano ba ang kapalit?
Tanungin mo ang iyong sarili
Ikaw ba’y nagagalit?

Ikaw ba ay masaya
sa kayamanan mong nakuha?
Hindi noh? Ano ba’ng hindi na kita?
Tanungin ko ulit,
Ano ba ang kapalit?
Sa buhay na ito, saan ka ba kumakapi

https://philnews.ph/2020/02/20/paano-gumawa-ng-tula-paraan-ng-pagsulat-ng-magandang-tula/

8
Gawain 2

Panuto: Suriin ang mga tayutay na makikita sa tula at Isulat ito sa kahon.

Personipikasyon
1. Dahong kumakaway sa saya
Tampok mga pusong kumakanta
Mga sangang humaharang
Sa mag-irog bakas na andukha.

2. Mga ngiti namumutawi’t nangungusap


Sa landas na tinatahak anumang hirap
Mukhang salamin ng malagim na trahedya
Sa kapalarang nagsusumamo ng hustisya.

Simili/ Pagtutulad

1. Animo’y kalabaw na walang kapaguran


Kayod sa umaga’t maghapon man
At tulad ng langgam na kay liit
Tinatarok tirik ng ibong pipit.

2. Animo’y alapaap na kay sarap damhin


Ang pag-ibig na aking inangkin
Singhalimuyak ng rosas sa hardin
Ang tamis ng pagmamahal na sumasalin.

--- Kathlyn Kaye Vargas

Personipikasyon Simili/ Pagtutulad


1.
2.
3.

9
C. PAGYAMANIN

Gawain 3

Pagsusuri: Bumuo ng isang tula na may tatlong saknong, malayang taludturan at


pumili ng tema sa sumusunod batay sa Pamantayan sa Pagmamarka.

a. Pag-ibig b. Pamilya c. Kaibigan d. Pangarap

Pamantayan sa Pagmamarka
Kategorya Puntos
MALINAW NA MENSAHE
 Piling-pili ang mga salitang ginamit
 May Malinaw na Pagpapahayag ng 15 %
damdamin

MATALINGHAGA
 Malalim ang Kahulugan/ may simbolismo
 Malikhain at may tayutay na Pagpapahayag 20%
ng kaisipan
PAGSUNOD SA PANUTO
 May tugma
 Bilang ng saknong 15%
 May sukat
 Bilang ng linya sa 1 saknong
KABUUAN 50 %

D. ISAGAWA

Gawain 4

Natutuwa ako na natapos mo nang maayos ang mga gawain sa tatlong yugto
ng pagkatuto. Ngayon, inaasahan ko na may sapat ka nang kaalaman upang
maisagawa ang gawain 4.

Panuto: Kagaya ng mga naunang nasulat mong tula, sa pagkakataong ito, malaya
kang pumili ng iyong magiging paksa sa tulang iyong susulatin batay
sa iyong sariling interes. Huwag kaliligtaang gawing batayan sa
10
pagsulat ang Pamantayan na nasa ibaba at isulat ito sa sagutang
papel o notbuk.

Pamantayan sa Pagsulat ng Tula Marka


5 4 3 2
Wasto
 Baybay
 Bantas
 Balarila
Maayos
 Kaisahan
 Kaayusan
 Kabuuan
Panuto
 Anyo ng akda
 Anyo ng pagpasa
 Nasunod ang element ng tula
Pili ng salita
 Mahusay ang pagkakapili
 Masining ang pagkakasulat
 Mahusay ang pagkakabuo ng mga matalinhagang
pahayag

Istilo
 May sariling istilo

Simbolismo
 Mahusay ang pagkakapili ng simbolismo
 Angkop sa mambabasa

Paksa
 Angkop ang napiling paksa
 Mahusay ang pagkapili at angkop ang nilalaman
KABUUAN: 35

Ang Pagsulat ng isang malikhaing Tula


ula ay isang paraan ng pagpapahayag ng
iyong damdamin at isipan. Sinuman ay matatawag na isang makata batay sa sariling
istilo at mga karanasan sa buhay. Maaaring ilarawan ng mga makata ang kanilang
sarili bilang ganoon o mailarawan sila bilang mga makata
makata ng ibang mga tao. Ang
makata ay maaaring maging manunulat ng tula lamang o maaaring itanghal ang
kanyang sining sa mga tagapanood. Subalit ang ng gawa ng isang makata ay
mahalagang kaugnay ng komunikasyon alinman sa pagpapahayag ng mga ideya sa
literal na kahulugan,
ahulugan, gaya ng pagsusulat tungkol sa tiyak na pangyayari o lugar, o sa
matalinghagang pamamaraan. Kaya ipagpapatuloy mo lang iyan…
11
HULING PAGTATAYA

TAYAHIN
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat
lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

Ang daigdig ay isang tanghalan


Ang ating gunita’y ibong nagbabalik
sa pinamugarang suyuang matamis;
muling tumutubo ang nalugong bagwis
nang sa karurukan, tayo’y makapanhik.
( Mga Tinik na Alaala, Aurelio G. Angeles)

1. Ang mga salitang nakasulat ng pahilig na hango sa saknong ng tula ay


halimbawa ng;
a. Simile
b. Pagwawangis
c. Metapora
d. Pagsasatao
2. Ito ay paggamit ng mga tayutay at simbolismo ng isang tula?
a. taludturan
b. talinghaga
c. tugmaan
d. kariktan
3. “O, tadhana, sadayang kay lupit mo.” Ito ay halimbawa ng ;
a. Pag-uyam
b. Onomatopeya
c. Pagtawag o panawagan (apostrope)
d. Pagmamalabis
4. “Kay ganda nga ng kanilang proyekto. Palibhasa, ang gumawa’y tatlong ulo.”
Ang nabanggit sa itaas ay halimbawa ng;
a. Pagpapalit-tawag
b. Analohiya
c. Pagmamalabis
d. Onomatopeya
5. “May kabilisan ang iyong pagtakbo, kaya’t naiwan ka ng mga kasama mo.” Ito
ay halimbawa ng ;
a. Pag-uyam
b. Panawagan
c. Analohiya
d. Pagpapalit-tawag
6. Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang
mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
a. Kariktan
b. Tugma
c. Talinghaga
d. Anyo
12
7. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
a. Anyo
b. Talinghaga
c. Tugma
d. Persona
8. Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan.
a. Tono
b. Persona
c. Anyo
d. Tugma
9. Pagpapalit-saklaw o paggamit ng bahagi sa halip na kabuuan, o kaya’y ang
kabuuan sa halip na bahagi.
a. Personipikasyon
b. Sinekdoke
c. Metonimya
d. Pangitain
10. “ Ang doon at dito’y ayaw maghimala pagkat magkalihis ang dulo’t simula!” ay
halimbawa ng ______________.
a. Pasukdol
b. Panawagan
c. Pahidwa
d. Pagsasatao

SUSI NG PAGWAWASTO
13
Panimulang Pagtataya
1. C
2. B
3. C
4. A
5. A
6. A
7. C
8. B
9. B
10. C

Gawain 1
Ironiya—lahat napapalingon, mala-marmol, rubing tuldok, sanlibong bigas,
hiblang kumukupas, kulot-salot
Hayperboli—galun-galong pighati, kutsarang luha, pinahahari, kabaong-kimi
Metapora—bundok na nakatirik, bulong kay lalim

Gawain 2
Personipikasyon- dahong kumakaway, pusong kumakanta, sangang
humaharang, kapalarang nagsusumamo, ngiti’y namumutawi
Simili/ Pagtutulad—animo’y kalabaw, langgam kay liit, animo’y alapaap,
singhalimuyak ng rosas.

Gawain 3—nasa guro ang pagpapasya gamit ang rubrik


Gawain 4- nasa guro ang pagpapasya gamit ang rubrik

Panimulang Pagtataya
1. C

SANGGUNIAN
14
A. Mga Aklat

Gabriel, L. (1985). Sining Agham sa Pagtula. National Bookstore

Websites

https://www.tagaloglang.com/tula-puso-ano-ka/

https://blogadagdps.wordpress.com/2015/11/25/elemento-ng-tula-talinghaga/

https://brainly.ph/question/553953

https://www.wattpad.com/593781812-filipino-10-mga-elemento-ng-tula

https://philnews.ph/2020/02/20/paano-gumawa-ng-tula-paraan-ng-pagsulat-ng-magandang-tula/

https://www.scribd.com/presentation/427913879/Pagsulat-Ng-Tula

https://www.academia.edu/14888691/Diane

https://tl.wikipedia.org/wiki/Makata

15

You might also like