Malikhaing Pagsulat12 q1 Mod2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Senior High School

Malikhaing Pagsulat
Unang Kwarter – Modyul 2
Ang Malikhaing Pagsulat: Esensiya, Katangian
at Kabuluhan

https://www.google.com/search?q=malikhaing+pagsulat+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjz4b-UlbbqAhXLAJQKHQldBpIQ2-
cCegQIABAA&oq=malikhaing+pagsulat+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEB46BggAEAUQHjoECAAQGFCsNFjMSWDzTWgAcAB4AIABmAGIAZwHkgEDNS40mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=l84BX
7O6AcuB0ASJupmQCQ&bih=688&biw=1477#imgrc=shEXrmr4Bx_JWM

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Malikhaing Pagsulat – Senior High School
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul 2: Ang Malikhaing Pagsulat: Esensiya,Katangian at Kabuluhan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:

Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral


Manunulat: Maricar C. Ranara, Piolen C. Petalver, Johanna Vanessa C. Obedencio, Bonifacio N. Gegato Jr.,
Marben A. Oco, Ian Oclaman, Jean G. Jo, Dulce Amor S. Loquias, Mary Ann A. Maglangit,
Maria Concepcion A. Macalaguing, Lauro C. Nadayag, Celena J. Cabato, Dexie P. Dilag
Content Editor: Desiree E. Mesias
Language Editor: Louella Jane B. Mariano
Proofreader: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar, PhD, EPS I
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Inilimbag sa Pilipinas
Members:
Kagawaran Neil A. Improgo, PhD,
ng Edukasyon EPS-LRMS;
- Sangay Bienvenido
ng Misamis U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Oriental
Erlinda G. Don
Office Address: Dael,Apolinar
PhD, CIDVelez
Chief;Street,
Sally S.Cagayan
Aguilar, PhD, EPSCity,
de Oro I Filipino;
9000 Celieto B. Magsayo,
LRMS
Telephone Nos: Manager; Loucile L. Paclar, Librarian
(088) 881-3094 | Text: 0917-8992245II; Kim Eric G. Lubguban, PDO II
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
Senior High School

Malikhaing Pagsulat
Unang Kwarter – Modyul 2

Ang Malikhaing Pagsulat: Esensiya, Katangian


at Kabuluhan

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1

Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1

Mga Layunin ------------------------------------------------- 1

Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 1

Subukin ------------------------------------------------- 10

Yugto ng Pagkatuto ------------------------------------------------- 11-14

A. Tuklasin

B. Suriin

C. Pagyamanin

D. Isaisip

E. Isagawa

Paglalahat ------------------------------------------------- 15

Tayahin ------------------------------------------------- 16

Sanggunian ------------------------------------------------- 17
ALAMIN

Panimulang Ideya

Kumusta ka na mahal kong mag-aaral? Isang malaking karangalan para sa


akin ang makasama ka sa pag-aaral mo ng bagong aralin. Tiyak na kawiwilihan mo
ang bagong araling inihanda ko para sa iyo. Panibagong kaalaman na naman ang
magpapayaman sa iyong isipan at karanasan na magagamit mo sa pang-araw-araw
na gawain. Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang
kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga
gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang
kaalaman hinggil sa kasanayang pasulat. Alam mo bang mahalaga ang
ginagampanang papel sa pag-unawa sa kasanayan sa pagsulat? Ngunit dahil lagi
tayong abala, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito. Natural na
lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang
dating kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay
maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong
sagutin ito. Kaya mo to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

MODYUL 2

Ang Malikhaing Pagsulat: Esensiya, Katangian at Kabuluhan

Markahan: Unang Linggo: 2nd

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa


kasanayang pasulat at higit sa lahat ang pagkamit ng batayang kaalaman sa pagsulat
ay makakamit lamang ang pangangailangang ito sa pamamagitan ng pagpapalinang
ng inyong kasanayan sa pagsulat.. Ang mga kasanayang matutuhan dito ay
makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa
pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

1
Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang pag-aaral at pag-unawa sa


kasanayan sa pagsulat upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at
kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng
iyong komunidad at lipunan.
Layunin ng Modyul
Sa modyul na ito, inaasahan sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang
kasanayang pampagkatuto:
➢ Naiuugnay ang mga ideya mula sa mga karanasan*
HUMSS_CW/MP11/12- Iab-2;

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong may
kinalaman sa malikhaing pagsulat. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang
mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong may kinalaman sa
malikhaing pagsulat na lilinangin sa aralin.Pagpapahayag ng sariling ideya o
kahulugan naman ang isaisip. Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang
mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang
natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga
natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit
na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o
tuntunin sa paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong
dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na
nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang huling pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at
kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi
sa pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

2
ANG MALIKHAING PAGSULAT: ESENSIYA,
KATANGIAN AT KABULUHAN

“Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang


kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip.”
– Kellogg -

https://www.google.com/search?q=creative+writing+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwj8q_HBjbrqAhUUxIsBHXTKBjoQ2-
cCegQIABAA&oq=creative+writing+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMggIABAHEA
UQHjIGCAAQCBAeMgYIABAIEB46CAgAEAgQBxAeUJ8CWMwRYO4laABwAHgAgAHhA4gBmxSSAQkwLjIuMS40LjGYAQCgAQG
qAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=cd8DX7yvKZSIr7wP9JSb0AM#imgrc=z7HBm4tElh0ScM

3
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi
wasto ang ipinahihiwatig nito. Isulat lamang ang mapipili mong sagot sa hiwalay na
papel o notbuk.

_______ 1. Ang pagsulat ay ang pagsasatitik ng naiisip at nararamdaman

gamit ang wika.

_______ 2. Ang pagsulat ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti ayon kay

Bernales .

_______ 3. Ang sulatin ay maaring pampersonal at pang-akademiko.

_______ 4. Ang sosyo-kognitib na pananaw sa pagsulat ay isang paraan

ng pagtinging ito ay kapwa isang mental at sosyal na ugnayan.

_______ 5. Malikhain o masining ang pagsulat kung ang pokus nito ay ang

imahinasyon ng manunulat.

_______ 6. Ang pag-aaral ng pagsulat ay may bentahe para sa isang kapaki-

pakinabang na indibidwal.

_______ 7. Ang pagsulat ay personal na gawain na may layunin panlipunan o

kung nasasagkot sa pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan

_______ 8.Ang pagsulat ay transaksyunal sapagkat ginagamit ito sa

pagpapahayag ng naiisip o nadarama.

_______ 9. Ang pagsulat ay mahalaga sa pagrereserba ng ating kasaysayan,kultura

at kalinangan.

_______ 10. Tinatawag ding persuasive writing ang impormatibong pagsulat.

4
ARALIN 2

ANG MALIKHAING PAGSULAT: ESENSIYA


KATANGIAN AT KABULUHAN

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa mga konseptong may kinalaman sa kakayahan ng pagsulat.

YUGTO NG PAGKATUTO
Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang
paghahanda sa gawaing may kinalaman sa malikhaing pagsulat.

A. TUKLASIN

https://www.google.com/search?q=creative+writing+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwj8q_HBjbrqAhUUxIsBHXTKBjoQ2-
cCegQIABAA&oq=creative+writing+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMggIABAHEAUQHjIGCAAQCBAeMgYIABAIEB46CAgAE AgQBxAeUJ8CWMwRYO4laABwAHgAgAHhA4gBmxSSAQk
wLjIuMS40LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=cd8DX7yvKZSIr7wP9JSb0AM#imgrc=z7HBm4tElh0ScM

5
Gawain 1

Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling


pagpapakahulugan ng salitang nakasulat sa loob ng kahon. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

MALIKHAING
PAGSULAT

B. SURIIN

Alam mo ba? Ang pagsusulat ay isa sa pangunahing gawain


ng mga mag-aaral. Dito naipapahayag ng mga mag-aaral ang
kanilang mga naiisip. Sa araling ito, ating bibigyan ng
kahulugan ang pagsulat at ating aalamin kung bakit ito
mahalaga.

Ano ang Malikhaing Pagsulat?

Ang Malikhaing Pagsulat (Ingles: creative writing) ay ang anumang


pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang prupesyunal,
pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan, na
pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o
kasanayang pangpagsasalaysay, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga
pampanitikan aspeto. Dahil sa kaluwagan ng kahulugan, maaari para sa pagsusulat
na katulad ng mga tampok na kwento upang maituring bilang malikhaing pagsulat,
bagaman nakapailalim ang mga ito sa pamamahayag dahil sa ang nilalaman ng mga
tampok ay tiyakang nakatuon sa pagsasalaysay at pagpapaunlad ng tauhan. Ang mga
akdang kathang-isip at hindi kathang-isip ay kapwa sumasailalim sa ganitong
kategorya, kasama na ang mga anyong katulad ng mga akdang-buhay, mga
talambuhay, mga maikling kwento, at mga tula. Sa kapaligirang pang-akademiya,
ang malikhaing pagsusulat ay karaniwang pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring
6
kathang-isip at panulaan, na may pagtutuon sa pagsusulat na nasa estilong orihinal
na salungat sa paggayang dati nang umiiral na mga henerong katulad ng krimen o
katatakutan.
KATANGIAN NG MALIKHAING PAGSULAT
Paano naiiba sa karaniwang pagsulat ang malikhaing pagsulat? Ang
malikhaing pagsulat ay kilala rin sa tawag na panitikan o literatura. Sa malikhaing
pagsulat, hindi sapat ang basta maintindihan lamang. Hindi sapat ang maunawaan
lamang tayo ng ating kinakausap. Bagaman maunawaan ang pangunahing layunin ng
komunikasyon.Maintindihan ang pangunahing inaasahan sa lahat ng anyo at uri ng
komunikasyon. Sa malikhaing pagsulat, may kahingian o requirement na higit sa basta
maunawaan lamang. Dalawang bagay, bukod sa pangangailangang maunawaan, ang
pinakapayak na requirement ng pagsusulat upang maituring na malikhain: Kailangan
nitong maging mapagparanas at makintal. Sa Ingles, ibig sabihin ng mapagparanas
at makintal ay evocative at impressive.
Sa pamamagitan ng pagsulat, napapalaya natin ang mga pangarap, panaginip,
at imaheng nakatahan sa ating puso at isip. Nagsusulat tayo hindi lang dahil inuutusan
tayo, dahil trabaho natin ito, o dahil napipilitan tayo, nagsusulat din tayo dahil may
mga bagay o nararamdaman tayong hindi natin mabigyan ng tinig sa pamamagitan
ng pagsasalita ngunit mas naipahahayag dito ang isang bahagi ng ating pagkatao.
Maaaring makita ito sa mga paksang gusto nating sulatin, sa paraan ng pagsulat natin,
sa anyo ng panitikan na ginamit natin, sa estilo, o sa kung kalian at saan tayo madalas
na nakapagsusulat. Karaniwan sa malikhaing pagsulat kaakibat mo rito ang masining
na paglalarawan na mas makahulugan ang nilalaman ng paksa dahil binubuhay nito
ang bawat kahulugan ng bawat detalye.
Halimbawa:
Ang kutis niya ay kasing kinis ng labanos.
Tulad ng isang gitara ang kanyang katawan.
Hugis garabucho naman ang kanyang nguso.
https://www.rexestore.com/books/1877-malikhaing-pagsulat.html
Basahing mabuti at unawain ang tula. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong
sa ibaba.

TULA: Alay sa mga Frontliners


sa COVID-19
ni: Malou Tiangco

Sa inyo aming alay


Kayong nagliligtas ng buhay
Meron din kayong pangamba
Sa bagsik na dala ni Corona

7
Kayong humaharap sa nakaambang panganib
Nanaig ang katapatan sa sinumpaang katungkulan
Kahit nasa bingit ng kamatayan
Usal na dasal makaligtas sana.

Gapiin ang kamandag ni Corona


Huwag magwagi bagsik ni Corona

Naririnig namin usal ninyong hiling


Taimtim na panalangin
Matapos na sana, salot ni Corona
Matigil na ang mga palahaw ng mga naulila

Matigil na ang salot na dulot


Matigil na bumabalot na lungkot!
Naririnig namin, taimtim ninyong panalangin
Mailigtas ang buhay, ‘di na madagdagan dumaragsang
bangkay…

Naririnig namin taimtim ninyong panalangin


Matapos na
Magapi na
Kamandag ni Corona

Upang makauwi naman


Makapiling mga mahal sa buhay!
Dalangin ninyo, tumatagos sa hangin
Dalangin ninyo, aming naririnig

Sinasabayan namin inyong panalangin


Sana’y makamtan nga inyong hinihiling…
Matapos na
Magapi na
Kamandag ni Corona
Matigil na bumabalot na lungkot
Matigil na takot na dulot
Matigil na…!

https://www.mindanews.com/arts-culture/2020/04/tula-alay-sa-mga-frontliners-sa-covid-19/

8
Gawain 2

Panuto: Sa pamamagitan ng talakayan sa suriing bahagi, tukuyin at sagutin ang mga


tanong sa ibaba.

1. Sino ang nagsasalita sa tula?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano ang paksa ng tula?


__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano kaya ang nag-udyok sa makata na sulatin ang tula?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Gamit ang karaniwang paglalarawan, ilarawan ang karanasan mo ngayon habang


nakaquarantine dahil sa COVID 19. Iugnay ang iyong karanasan sa tulang binasa.
May pagkakaiba at pagkakatulad ba? Ano ang mga ito? (Naiuugnay ang mga ideya
mula sa mga karanasan HUMSS_CW/MP11/12- Iab-2)

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

9
C. PAGYAMANIN

KABULUHAN NG MALIKHAING PAGSULAT


Ang malikhaing pagsulat ay isang pagtuklas sa kakayahang pasulat ng sarili
tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal (Arrogante, 2000). Sa pamamagitan ng pagiging
mayaman ng imahinasyon ng isang manunulat na mayroon siyang kakayahang
napagalaw ang isip at damdamin ng mambabasa. Ang tuon ng naturang layunin ng
pagsulat ay ang mismong manunulat. Malikhaing pagsulat ay ginagawa ng mga
manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng katha, nobela, tula, dula at iba pang
malikhain o masining na akda. Kadalasan, ang pangunahing layunin ng awtor ay
pagpapahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o
kumbinasyon ng mga ito.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT


Ayon kina Bernales et al., (2002), may tatlong pangunahing hakbang sa
pagsulat.
1. Pre-writing – ito ang paghahanda bago magsulat. Pangangalap ng
impormasyon tungkol sa paksa na iyong sinusulat. Ginagawa rito ang
pagpili ng paksang isusulat at pagpili ng tono at perspektibong gagamitin.

2. Actual writing – ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Isinaalang-alang


ang tamang pagkakabuo ng pagsulat. Partikuar ang pagbaybay, gramatika
at kaayusan. Nakapalob dito ang pagsulat ng draft o burador.

3. Re-writing- dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng sulatin mula


sa gramatika, bokabulari at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika.
Ang isang sulatin ay hindi magiging epektibo kung hindi dadaan sa editing
at rebisyon. Mahalagang Makita ang mataas na uri ng pagkakasulat sa
isang obra upang maging kapanipaniwala ito sa mga mambabasa at maging
mahusay na batayan ng ibapang impormasyon.

https://www.slideshare.net/RoseldaFhae/retorika-pagsulat

Gawain 3
Panuto: Masining na Paglalarawan sa paksang napili. Gumawa ng
talahanayan sa inyong notbuk kagaya ng modelo sa ibaba. Sa unang kolum, isulat
ang paksang napili. Sa ikalawang kolum naman, isulat ang angkop na impormasyon
sa paksang napili kung saan nakapaloob dito ang tamang baybay, gramatika,
kaayusan sa pamamagitan ng masining na paglalarawan at sa ikatlong kolum,
magbigay ng maikling paliwanag bakit iyan ang napiling paksa.(Naiuugnay ang mga ideya
mula sa mga karanasan* HUMSS_CW/MP11/12- Iab-2;)

10
PAKSANG PAGPIPILIAN
1. Pinakamasarap na sisig sa Cagayan de Oro.
2. Ang dulot ng COVID-19 sa buhay ng iilang Pilipino.

PAKSA IMPORMASYONG NAKALAP ACTUAL WRITING


(PRE-WRITING)
Hal: Hal: Hal:
Paksang Masining na Paglalarawan: Pagbubuo ng isang Malakas na Pamilya
napili: Ano ang kahulugan ng pamilya para sa Ano ang kahulugan ng pamilya para sa
inyo? May ilang taong naniniwalang ang inyo? May ilang taong naniniwalang ang isang
Pagbubuo isang pamilya’y tulad ng isang pamilya’y tulad ng isang magandang kahong
ng isang magandang kahong puno ng mga bagay na puno ng mga bagay na gusto nila: pagmamahal,
Malakas gusto nila: pagmamahal, katuwaan, katuwaan, pagkakaroon ng kasama
na pagkakaroon ng kasama (companionship) (companionship) at iba pang magagandang
Pamilya at iba pang magagandang bagay; isang bagay; isang kahong mabubuksan kailanma’t
kahong mabubuksan kailanma’t nais nila ng nais nila ng mga bagay na ito. Marahil, mas
mga bagay na ito. Marahil, mas nakakatulad ng isang walang lamang kahon ang
nakakatulad ng isang walang lamang kahon pamilya. Nagiging maganda at makabuluhan ito
ang pamilya. Nagiging maganda batay sa kung ano ang ginagawa rito ng mga tao.
at makabuluhan ito batay sa kung ano ang Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao
ginagawa rito ng mga tao. Kailangang bago may makuhang anuman mula rito. Kung
sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating
may makuhang anuman mula rito. Kung mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo
nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa
ating mga pamilya, kailangang magtanim isa’t isa. Ang mga ito ang nagpapatigib sa kahon.
muna tayo ng Ang paglalabas ng higit sa isinilid natin ay
pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa magpapabasyo sa kahon sa malao’t madali.
isa’t isa. Ang mga ito ang nagpapatigib sa Matatagpuan sa buong mundo ang
kahon. Ang paglalabas maraming matatag na pamilya. Maaaring
ng higit sa isinilid natin ay magpapabasyo mayaman o mahirap sila. Maaaring iba-iba rin
sa kahon sa malao’t madali. ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina,
ama, at mga anak, o isang ina na may isa
o higit pang anak, o mga lolo’t lolang kasama ng
kanilang mga anak at apo, o mag-asawang
walang anak.
Matatatag na pamilya ang pundasyon ng
lahat ng dakilang bansa. Tumutulong
silang humubog ng mga taong nagiging katulad
natin. Kung kailangan
nating lumaking malulusog at maliligaya ang
mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo
ng matatatag na pamilya.

Pamantayan sa Pagwawasto:
Nilalaman (45%)
Kasiningan (30%)
Paggamit ng Salita (25%)
Kabuuan: 100

11
D. ISAISIP

ESENSIYA NG PAGSUSULAT
Ayon kina Alejo et al. (2008), Ang pagsulat ay gawa ng isang manunulat o
anumang pagpapahayag na gamit ang mga letra ng alpabeto. Ang pagsulat ay may
letra o mga simbolo na nakasulat o nakalimbag sa ibabaw ng papel para katawanin
ang mga tunog at ang mga salita ng isang wika. Ang pagsulat ay isang proseso ng
pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may layuning makabuo ng mga
salita.

IBA'T IBANG PANANAW SA PROSESO NG PAGSUSULAT

1. Sosyo- Kognitibong Pananaw sa Pagsusulat


Ayon kay Kellogg (1994), ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga
kasanayang pampag-iisip na lumikha, magmanipula at makipagtalastasan
sa iba ng personal na simbolo ng isip. Ganito rin ang sinabi ni Gilhooly
(1982,p.1) na ang pag-iisip bilang set ng mga proseso, ang mga tao ay
bumubo, gumagamit at nagbabago ng panloob na simbolikong modelo.
2. Ang modelong kognitibo nina Bereiter at Scardamalia (1987) ay nagbigay
ng
dalawang panukala sa pagbuo ng pagsulat. Ang isang modelo ay nakatuon
sa baguhang manunulat na isinusulat lamang ang nalalaman gaya ng
simpleng pagsasalaysay at ang ikalawang modelo ay nakatuon sa mga
bihasang manunulat na ang layunin ay mailipat ang nalalaman gaya ng
ekspositoring pagsulat. Nagkaroon din ng problema rito kung paano
maipakikita ang proseso ng pagsulat at kung kailan nagsisimulang magsulat
ang manunulat.
3. Sa sosyolinggwistika at edukasyonal na modelo ni Halliday noong 1980.
Binatikos niya rito ang mga estratehiya o pamamaraan sa proseso ng
pagsulat dahil nakaligtaan daw sa mga prosesong ito ang aspektong
panlipunan. Binigyang-diin ng kilusang pang-edukasyon sa Amerika na ang
mga manunulat ay hindi kumikilos ng isahan bilang indibidwal bagkus kasapi
ng isang pangkat na pangkultural at panlipunan.

12
Gawain 4
Panuto: Gumawa ng hugis kahon sa inyong notbuk kagaya ng modelo sa ibaba
at sagutin ang hinihingi sa nakapaloob sa kahon.

Mga dapat kong tandaan sa pagsulat (Maaari ring sabihing paano


mapahahalagahan ang mga konseptong natutunan)

1.

2.

3.

4.

5.

E. ISAGAWA

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:

a. Kahalagahang Panterapyutika

Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas


lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang
pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na
dalahin.

b. Kahalagahang Pansosyal

Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na
siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung
nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang
iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang
sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin
tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

13
c. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita
ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat
at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.
d. Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at
ang mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na
henerasyon.
https://study-everything.blogspot.com/2014/06/kahulugan-at-kahalagahan-ng-pagsulat.htm

Gawain 5

Natutuwa ako na natapos mo na nang maayos ang mga gawain sa limang


yugto ng pagkatuto. Ngayon, inaasahan ko na may sapat ka ng kaalaman upang
sagutin ang tanong na ibibigay ko sa iyo sa gawain 5.
Panuto: Gumawa ng isang saknong na tulang may malayang taludturan kung
paano maiwasan ang COVID-19 gamit ang natutunan na ideya sa malikhaing
pagsulat. (Naiuugnay ang mga ideya mula sa mga karanasan* HUMSS_CW/MP11/12- Iab-2;)Pamantayan
sa Pagwawasto: (10) Magaling (8) Katamtaman (6) Nangangailangan ng pagsasanay (4)
Napakalalim at makahulugan ang kabuuan ng tula. Malalim at makahulugan ang kabuuan ng tula.

14
Ang Malikhaing Pagsulat (Ingles: creative writing) ay ang anumang pagsusulat na
lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang prupesyunal, pampamamahayag, pang-
akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa
pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pangpagsasalaysay,
pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga pampanitikan aspeto. Samakatuwid ang
pagsulat ay isang proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may layuning
makabuo ng mga salita. Ang mga kaalaman na nabasa at narinig na naisusulat din kaya ang
tahasang pagsasanay ay dapat na gawin upang malinang nang husto ang kasanayan sa
pagsusulat. Bago magawa ito, mahalaga na magkaroon muna ng kaalaman sa iba't ibang
pananaw sa proseso ng pagsusulat.☺

TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi
wasto ang ipinahihiwatig nito. Isulat lamang ang mapipili mong sagot sa hiwalay na
papel o notbuk.

_______ 1. Ang pagsulat ay ang pagsasatitik ng naiisip at nararamdaman

gamit ang wika.

_______ 2. Ang pagsulat ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti ayon kay

Bernales .

_______ 3. Ang sulatin ay maaring pampersonal at pang-akademiko.

_______ 4. Ang sosyo-kognitib na pananaw sa pagsulat ay isang paraan

ng pagtinging ito ay kapwa isang mental at sosyal na ugnayan.

_______ 5. Malikhain o masining ang pagsulat kung ang pokus nito ay ang

imahinasyon ng manunulat.

15
_______ 6. Ang pag-aaral ng pagsulat ay may bentahe para sa isang kapaki-

pakinabang na indibidwal.

_______ 7. Ang pagsulat ay personal na gawain na may layunin panlipunan o

Kung nasasagkot sa pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan

_______ 8.Ang pagsulat ay transaksyunal sapagkat ginagamit ito sa

pagpapahayag ng naiisip o nadarama.

_______ 9. Ang pagsulat ay mahalaga sa pagrereserba ng ating kasaysayan,kultura

at kalinangan.

_______ 10. Tinatawag ding persuasive writing ang impormatibong pagsulat.

SUSI SA PAGWAWASTO

10. Mali
9. Tama
8. Mali
7. Tama
6. Tama
5. Tama
4. Tama
3. Tama
TALASANGGUNIAN
2. Tama
1. Tama
tayahin
Gawain 1,2, 3, 4 & 5 Iwawasto ng guro ang paliwanag ng bata Subukin at

16
SANGGUNIAN

A. Mga Aklat

Garcia, Fanny A. at Festin, Rowena. Malikhaing Pasulat. 109 Sen M Cuenco Sr,
Quezon City, Metro Manila: Rex Publishing House, 2016.

Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.
2000. Sining ng pakikipagtalastasan: Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya
Publishing House Inc.

Webster’s new colligiate dictionary. 1961. Springfield, A: G and G Merriam

Grospe, Alas A. 1999. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio
sa pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP
Diliman.

Nolasco, Ma. Ricardo. 1998, Hunyo. Ang panglinggwistiks na pagsasalin sa wikang


pambansa. Lagda, 12-20.

B. Websites

Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style.

http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content2

https://www.freepik.com/free-vector/research-background-design_1028140.htm

https://www.google.com/search?q=malikhaing+pagsulat+clip+art&tbm=isch&ved=2a
hUKEwjz4b-UlbbqAhXLAJQKHQldBpIQ2-

https://www.google.com/search?q=creative+writing+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUK
Ewj8q_HBjbrqAhUUxIsBHXTKBjoQ2-

https://www.rexestore.com/books/1877-malikhaing-pagsulat.html

https://www.slideshare.net/RoseldaFhae/retorika-pagsulat

https://study-everything.blogspot.com/2014/06/kahulugan-at-kahalagahan-ng-pagsulat.htm

17

You might also like