Professional Documents
Culture Documents
Korupsiyon Sa Pilipinas
Korupsiyon Sa Pilipinas
Noong 2012, ang Pilipinas ay may ranggong 105 na may 3.4 CPI sa talaan ng
Transparency International na rumaranggo ng 176 mga bansa at teritoryo batay sa kung
kaagano silang katiwali ayon sa publikong sektor. Ang Pilipinas ay karanggo ng mga bansang
Algeria, Armenia, Bolivia, Gambia, Kosovo, Mali, at Mexico. Ang mga 30 % ng pambansang
badyet ng Pilipinas ay iniulat na nawawala dahil sa graft at korupsiyon kada taon. Ito ay
karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal
na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang
kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan.