Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SACRED HEART SCHOOL OF ANTIPOLO

3 Road 4 Phase 4 COGEO Village, Bagong Nayon, Antipolo City

Ikalawang Markahang Pagsusulit


Araling Panlipunan VI
Pangalan: _______________________________________________________ Petsa: _______________
I. Bilugan ang hindi kabilang sa bawat pangkat ng mga salita sa ibaba.
1. Sergio Osmena Manuel Roxas Manuel Quezon Emilio Aguinaldo
2. Batas Jones Batas Tydings – McDuffie Batas Hares - Hawes - Cutting Fairfield Bill
3. 1922 1902 1923 1924
4. Francis Burton Harrison Leonard Wood Warren Harding William Howard Taft
5. Benito Legarda Jose Laurel Manuel Quezon Ramon Fernandez

II. Isulat ang salitang fact sa patlang kung nagsasabi ng katotohanan ang pahayag at fake naman
kung hindi ito katotohanan.
______ 1. Umanib si Aguinalado sa mga Amerikano sa pag – aakalang pagtulong ang hangarin ng mga
dayuhan sa mga Pilipino.
______ 2. Nakipagtulungan ang mga Pilipino sa mga Amerikano na itaboy ang mga Espanyol.
______ 3. Nagwakas ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Amerikano nang mahuli si Aguinaldo.
______ 4. Pinatawad ng mga Amerikano ang mga Pilipinong sumuko.
______ 5. Ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano ay nagwakas nang matapos na ang
pakikidigma nila sa mga Pilipino.
______ 6. Maraming Pilipino ang nabulag sa pakikipagkaibigan ng mga Amerikano, lalo na ang mga
mayayaman at edukado.
______ 7. Tinulungan ng mga Amerikano ang mga Pilipino na pamahalaan ang bansa ayon sa
kakayahan ng huli.
______ 8. Nagtayo ng base militar ang Estados Unidos sa Pilipinas upang mapangalaan ang kanyang
kolonya kasama na ang mga mamamayan nito.
______ 9. Ang Kasunduan sa Paris ay naging daan upang lumitaw ang tunay na layunin ng mga
Amerikano sa Pilipinas.
______ 10. Isang taon lamang ang itinagal ng Digmaang Pilipino – Amerikano.

III. Pagsunod – sunurin ang mga nakatalang kaganapan. Isulat sa patlang ang A bilang unang
kaganapan hanggang O bilang huling kaganapan.
____ 1. Kasunduan sa Paris
____ 2. Pagbabalik ni Emilio Agunialdo sa Pilipinas
____ 3. Pagtatag ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Pilipinas
____ 4. “Mock Battle” sa Maynila
____ 5. Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite
____ 6. Pagbaril ng Amerikanong sundalo sa isang Pilipino sa panulukan ng Kalye Silencio at Kalye
Sociego sa Sta, Mesa, Sampaloc, Maynila
____ 7. Inatasan ni Theodore Roosevelt si Commodore George Dewey na salakayin ang Pilipinas kung
sisiklab ang digmaan sa pagitan ng Espanya at Amerika
____ 8. Pagbitay kay Macario Sakay sa Old Bilibid Prison
____ 9. Namuong alitan sa pagitan ng mga Espanyol at mga Amerikano
____ 10. Proklamasyon ng Benevolent Assimilation
____ 11. Pagtatag ng Pamahalaang Diktatoryal ng Pilipinas
____ 12. Pagkamatay ni Gregorio del Pilar sa Pasong Tirad
____ 13. Pagpapasabog ng barkong USS Maine
____ 14. Pagdakip kay Emilio Aguinaldo
____ 15. Pagtatag ng Unang Republika ng Pilipinas

IV. A. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
__________ 1. Ito ay kilala rin sa tawag na “Philippine Autonomy Act of 1916.”
__________ 2. Ito ang sangay ng pamahalaan na tagapagpaganap ng mga batas.
__________ 3. Siya ang unang pangulo ng pamahalaang Komonwelt.
__________ 4. Siya ang naihalal na pinuno ng higit na nakararaming kasapi sa Asamblea ng Pilipinas.
__________ 5. Ito ang 10 – taong malasariling pamahalaan.
__________ 6. Ito ang paglalagay ng mga Pilipino sa mga nabakanteng posisyon ng mga Amerikano sa
pamahalaan.
__________ 7. Ito ang sangay ng pamahalaan na gumagawa ng mga batas.
__________ 8. Siya ang nahirang na pangulo ng kumbensiyon sa pagbabalangkas ng Saligang Batas ng 1935
__________ 9. Siya ang pangulo ng Estados Unidos na lumagda ng Saligang Batas ng 1935.
__________ 10. Siya ang naihalal na Speaker of the Assembly ng Asamblea ng Pilipinas.

IV. B. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
__________ 1. Ito ang kautusang naglalayong bigyan ng titulo ang mga lupain at magkaroon ng katibayan ng
pagmamay – ari.
__________ 2. Ito ang kautusang nagbigay ng pahintulot sa mga produktong Pilipino na maipasok sa Estados
Unidos.
__________ 3. Siya ang kauna – unahang punong mahistrado ng Kataas – taasang Hukuman ng Pilipinas.
__________ 4. Ito ang institusyong inatasang maglinang ng kaalaman sa larangan ng literature, pilosopiya,
agham, at sining.
__________ 5. Sila ang mga sundalong sakay ng barkong USS Thomas na naging mga unang guro ng mga
Pilipino.
__________ 6. Ito ang batas na nagbabawal sa mga Pilipino na maglabas ng mga pahayagan, literature, at
iba pang mga akdang tumutuligsa sa mga Amerikano.
__________ 7. Ito ang batas na naglalayong ilipat sa kabayanan ang mga mamamayang nasa pook rural
upang mas madali silang makontrol at hindi na makapagbigay ng suporta pa sa mga rebeldeng
tumutuglisa sa pananakop ng mga Amerikano.
__________ 8. Ito ang kautusang nagbabawal sa paglahok ng mga Pilipino sa mga rebeldeng pangkat.
__________ 9. Ito ang pamantasang inatasang magsanay sa mga Pilipinong nagnanais maging guro.
__________ 10. Sila ang mga natatanging mag – aaral na ipinadala sa Estados Unidos upang mag – aral
at pagbalik ay maglilingkod bilang mga guro o kawani ng pamahalaan.
IV. C. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
______ 1. Siya ang nag – uwi sa bansa ng Batas Tydings – McDuffie na nagbigay ng mas malinaw na
direksiyon sa pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Amerikano.
______ 2. Siya ang naging pangulo ng kumbensiyong konstitusyonal na gumawa ng Saligang Batas ng 1935.
______ 3. Siya ang pangulo ng Estados Unidos na lumagda sa Konstitusyon ng 1935.
______ 4. Siya ang nakalaban ni Sergio Osmena bilang pangalawang pangulo ng bansa.
______ 5. Siya ay kilala bilang ang “Dakilang Lumpo” na tumulong kay Gregorio Aglipay sa pagtatag ng
simbahang Pilipino.
______ 6. Ito ay nagbigay ng hindi bababa sa 25 taong transisyon tungo sa pagtatamo ng bansa ng Kalayaan
at sariling pamamahala.
______ 7. Sila ang namuno sa unang misyong pangkalayaan na ipinadala ng Pilipinas sa Estados Unidos.
______ 8. Kilala siya bilang mahigpit na gobernador ng bansa ngunit sa panahon niya ay maraming batas na
naisakatuparan para sa mga Pilipino.
______ 9. Ang kanyang kaso ang naging dahilan ng “krisis sa gabinete.”
______ 10. Ito partido politikal ng bansa na maituturing na maka – Amerikano.

You might also like