Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kalinisan: 2

Kompleto: 3
ARELLANO UNIVERSITY Malikhain: 2
Jose Abad Santos Campus Nilalaman: 8
Basic Education Department – Senior High School Kabuuan 15
3058 Taft Avenue Pasay City

Pangalan: _____________________________________________________
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________
Petsa: ________________________________________________________
Guro: ________________________________________________________

Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Akademik Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Fil sa

Piling Larangan
Paksa: Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat Uri ng Gawain: Concept Notes
Layunin: Gawain Bilang: 2
- Nakikilala ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat
- Nailalahad ang kahalagahan ng wika bilang pangunahing instrumento sa pagsulat.

Mga Gamit / Pangangailangan sa Pagsulat

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat

1. WIKA - Magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, kaisipan, damdamin,
karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumula. (Mahalagang
matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maiakma sa uri ng taong
babasa ng akda, komposisyon o pananaliksikna nais mong ibahagi sa iba. Mahalagang
magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak at payak na paraan.)
2. PAKSA- Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. (Ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging
malaman, makabuluhan at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.)
3. LAYUNIN - Ito ang magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
4. PAMAMARAAN NG PAGSULAT
A. Impormatibo - Naglalayon itong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa. Ito ay nakabase sa katotohanan at mga datos
kaya’t hindi nito masasalamin ang kaniyang pabor o pagkontra sa paksa.
B. Ekspresibo – Naglalarawan ito ng damdaming personal, saloobin at paniniwala. Ang sariling
karanasan at palagay sa mga bagay na nangyayari sa paligid ng manunulat ang
nakapaloob dito
C. Naratibo - isinusulat batay sa magkaka-ugnay at tiyak na mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-
sunod. Ang pinakalayunin sa pagsulat nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga
kaganapan.
D. Deskriptibo - isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama. Ginagamit ang
mga pandama upang malinaw na mailahad ang nais ng manunulat. May layuning
ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao ideya, paniniwala at
iba pa. Kilala rin ang tekstong ito bilang tesktong naglalarawan.
E. Argumentatibo - ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong ito, ang
manunulat ay kailangang maipagtanggol ang kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-
uusapan.

5. KASANAYANG PAMPAG-IISIP – Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o

magsuir ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat
isama sa akdang isusulat. Maging lohikal upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o
pangangatwiran.
6. KAALAMAN SA WASTONG PARAAN NG PAGSULAT
- Isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika particular sa wastong paggamit
ng malaki at maliit na titik, wastong pagbabaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang
pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan.
7. KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN
- Kakayahang mailatag ang mga kaisipan sa isang maayos, organisado at masining na pamamaraan mula sa
panimula hanggang sa wakas.
Gawain Bilang 1
Panuto: Ayusin ang mga salita ayon sa porma. Ibigay rin ang kahulugan nang naayos na salitan at mga
halimbawa.

1. O B I T A T N E M U G R A –

Kahulugan:________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.

Halimbawa: ______________________________________________________________________

2. I T P I R K S E D O B –

Kahulugan:________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.

Halimbawa: ______________________________________________________________________

3. A R A N O B I T –

4. P S K E O B I S E R –

5. M I O B I T A M R P O –

Kahulugan:________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.

Halimbawa: ______________________________________________________________________

Gawain Bilang 2
Panuto: Gamit ang pamamaraan ng pagsulat na Deskriptibo. Bumuo ng isang sanaysay na nagbibigay larawan
sa iyong sarili bilang isang mag-aaral sa panahon ng pandemya. Maaaring gumamit ng Karaniwan o masining
na paglalarawan. Ang sanaysay ay binubuo ng tatlong talata: Simula, gitna at wakas.

Pamantayan:
Nilalaman-----50
Malikhain-----25
Kalinisan------25
Kabuuan------100

Gawain Bilang 3
Panuto: Magsalaysay ng iyong karanasan sa panahon ng “Enhanced Community Quarantine (ECQ).”

Pamantayan
Nilalaman---------------------------------- 8
Tamang gamit ng mga gramatika--- 4
Kalinisan-------------------------------- 3
Kabuan---------------------------------- 15

You might also like