Professional Documents
Culture Documents
Week 6 SLK in Fil 10 - Q4
Week 6 SLK in Fil 10 - Q4
Self-Learning Kit
Filipino
Quarter 4 - Week 6
ANIE T. MERLO
Manunulat
Filipino – Grade 10
Self-Learning Kit
Quarter 4– Week 6
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Self-Learning Kit na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Self-Learning Kit na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
i
Paalaala sa Mag-aaral
Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito ay ginawa para malinang ang iyong
kakayahan batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Filipino 10,
Quarter 4, Week 6. Ito ay ginawa sa simpleng paraan para madali mong
maunawaan ang aralin sa linggong ito. Ito ay binubuo ng mga sumusunod na
bahagi:
ii
Aralin o
Nilalaman
El Filibusterismo
Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta
Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika
Kabanata 39: Ang Katapusan
Kasanayang • Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda
Pampagkatuto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang
pangyayari sa kasalukuyan.
• Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang
hiram sa wikang Espanyol.
• Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang
pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng
nobela sa pamamagitang ng pagbibigay ng
halimbawa.
MELC Code F1PB-IVh-i-92, F10PT-IVg-h-88, F10PT-IVb-c-83
1
4. Ang lugar kung saan naglalayag ang Bapor Tabo na lulan nito ang mga
kilalang personalidad.
A. Manila Bay B. Marikina River C. Ilog Pasig D. Laguna Bay
5. Bakit mataas ang tingin ng mga tao kay Simoun?
A. Dahil alam nila na siya ay si Crisostomo Ibarra
B. Dahil siya ay mayaman na mag-aalahas.
C. Dahil alam nila na naiimpluwensiyahan niya ang Kapitan Heneral.
D. Dahil siya ay matapang at handa ng maghigante.
6. Bakit kay Padre Florentino nagtungo si Simoun kahit na siya ay sugatan?
A. Iminungkahi ito ng isang kaibigan na walang ibang lugar na ligtas.
B. Naniniwala si Simoun na si Padre Florentino lamang ang higit na
makakaunawa sa kanya.
C. Wala siyang ibang nakikitang matutuluyan.
D. Wala siyang pagpipilian, kaya dumiritso na lamang siya.
7. Ano ang taglay na hiwaga ng malungkot at mapangutyang ngiti ni
Simoun nang mabatid niyang siya ay darakpin kinagabihan?
A. Buo na sa isipan niya ang pagpapatiwakal.
B. Alam niyang hindi siya mahuhuli.
C. Hindi siya matutunton ng mga guwardiya sibil.
D. Wala sa nabanggit
8. Bakit nagtakip ng mukha si Padre Florentino nang maipagtapat ni
Simoun ang tunay niyang pangalan?
A. Hindi siya makapaniwala sa ibinunyag ni Simoun.
B. Hindi niya inakalang tama ang kanyang paghihinala.
C. Ang pagtatapat ni Simoun ay itinuring niyang isang pangungumpisal
kaya, hindi siya mapipilit ng sino mang makapangyarihan na
ibunyag ito.
D. Palatandaan ito na itoý isang lihim na ibabaon hanggang sa
kanyang huling hantungan.
9. Ano ang ikinamatay ni Simoun?
A. Siya ay nabaril ng mga guwardiya sibil.
B. Hindi inaasahang aksidente habang nakikipaglaban.
C. Umiinom ng lason
D. Lahat ng nabanggit.
10. “Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng
kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng
kanilang bayan? Ito ay winika ni____________.
A. Simoun B. Basilio C. Juanito D. Padre Florentino
2
Aking Madudugtong
Balikan……….
Handa ka na ba?
Aking Malalaman
apellido – apelyido
cuenta – kwenta
siempre – siyempre
labios – labi
3
lunar – nunal
fiesta – pista
muňeca – manika
toalla – tuwalya
Matalinghagang Pahayag
Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang pahayag.
Naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor Tabo isang umaga ng Disyembre. Patungo ito
sa Laguna at lulan sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya
Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun.
Mataas ang tingin ng mga tao kay Simoun dahil na rin alam nila, lalo na ng mga
tao sa Maynila, na naiimpluwensiyahan nito ang Kapitan Heneral.
Ngunit hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang naturang suhestyon dahil nadidiri
siya sa balot.
4
Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika (Physics)
Buod:
Ang silid ng klase ay taluhaba. Ang upuan ay parang hagdan na tatlong baytang
at ito nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro at
ang nasa likod ay ang pisarang may nakasulat na Viva! na naroon na mula pa
nung unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti o ano man ang
mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika ngunit ito ay nakalagay
sa isang aparador na may salamin at nakasusi at kung gamitin man ay ipinakikita
lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita
lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa
ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga
Pilipino ay dahil katutubo ang walang-katalinuhan.
Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo itong tumugon ng
isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing.
Pinatigil ng guro ang estudyante. Pinilosopiya ang musika. Kung kalaing, metal at
bubog daw ang salamin ano raw uri ang kahoy na may makintab na barnis o
marmol na binuling maigi? Di tinugon ng estudyante ang tanong. Ipinagpatuloy
ang isinaulong aralin na parang plakang natigil at muling pinaandar sa
ponograpo. Pinatigil uli ang estudyante, muling tinanong sa sampay bakod na
kastila.
Binulungan ito ni Pelaez. Mali ang idinikta. Sinunod nito. Natawa pati ang guro
matapos insultuhin ang estudyante. Binigyan uli ng tanong sa bahagi ng salamin.
Kung ano ang ibabaw ay siyang salamin, bale wala ang harapan; ang
mahalaga’y ang nasa likuran. Di ba? Nalito ang estudyante. Lahat ay sumesenyas
na sumang-ayon na siya at nadiktahan siya ni Pelaez nang Concedo, Padre,
(sang-ayon Padre). Iyon ang itinugon ng estudyante.
Tanong uli ng prayle: Kung katkatin ang asoge sa likod at palitan ng bibingka, ano
mayroon?
Sabi po ng aklat.
Nalito si Placido. Inulan ng mura si Placido. Nagtawanan ang klase. Itinanong ang
pangalan ni Placido. Napalatak na patuya ang kura. Anito: Placido Penitente
lalong angkop ang Placido suplado. Lalapatan kita ng penitencia. Hinanap sa
mahabang talaan ang pangalan ni Placido. A labinlimang pagliban! Isa nalang at
aalisin ka na sa klase.
Napatindig si Placido. Aapat daw ang liban niya at ikalima ang pagkahuli niya.
Himig intsik na nanuya ang guro. Bihira akong bumasa ng talaan kaya’t sa bawat
isang huli ay limang liban ang inilalagay ko. Makaikatlo kitang nahuli kaya’t
labinlima. Kung ang limang liban mong inamin ang susundin ko, may utang ka
pang 10. At bibigyan kita ng masamang marka sa masamang sagot mo ngayon.
Ngunit Padre, hindi dapat na ang isang wala sa klase ay makabigkas ng mali sa
aralin, tanong ni Placido.
Nagpanting ang tainga ni Placido. Tama na, Padre. Maaring markahan ninyo ako
nang ano mang marka nguni’t wala kayong karapatang umaglahi sa akin! Inyo na
ang inyong klase! At siya ay umalis nang walang paalam .
Natigagal ang klase. Di nila akalaing magawa iyon ni Placido. Nagsermon ang
pari. Nagsuwail daw si Placido sa mga tumataguyod sa paaralan ng kastila.
6
Nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya. Naglabasan
ang may 234 na estudyanteng di pumapasok nang walang nalaman at lumabas
nang sa gayon ding kalagayan.
1. Si Padre Millon:
Tugon
Tugon
Ang mga principle ni Rizal sa pagtuturo ay hindi naluluma hanggang ngayon. a.) di
dapat maging malaki ang bilang ng mag-aaral sa isang klase b.) di dapat
inaaglahi at kinagaagalitan o hinihiya ang estudyante k.) ang guro ay di lang
dapat matalino at saklaw ang kanyang itinituro kundi dapat ay may malasakit o
lugod siya sa pagtuturo at sa asignaturang itinuturo d.) ang maraming bakasyon ay
nakakatabang ng pag-aaral at nakahihikayat sa pagliban.
4. Ano ang masasabi natin kay Placido, sa ugali niyang inilalarawan sa kabanata?
Tugon
8
Nguni’t bakit sa kanya pinili ni Simoun na makituloy? At darakpin na lamang nang
patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti nang pakutya. Inisip ni Padre Florentino
kung paano maililigtas ng isang paring Pilipino si Simoun gayong noong
kapanahunan nito ay humamak sa kanyang pagkamahabang-uri ng pagkapari at
pagka-indiyo.
Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang buwan ang
nakalilipas upang tulungang makalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun ang gumawa
ng mga kaparaanan upang mapadali ang pagaasawa ni Paulita kay Juanito na
lubos na ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga kapwa tao. Nilimot ni
Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang pagliligtas kay Simoun.
Nguni’t parang walang pagnanasang mailigtas ni Simoun ang sarili.
Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Halos nasindak ang pari.
Malungkot na ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at
tumungo upang makinig. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay. Labintatlong
taon siya sa Europa. Nagbalik siyang puno ng pangarap at pag-asa.Pinatawad
ang mga nagkasala sa kanyang ama pabayaan lamang siyang mabuhay nang
payapa. Ngunit mahiwagang mga kamay ang nagtulak sa kanya sa isang
kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay nawala sa kanya.: pangalan, yaman,
pag-ibig, kinabukasan, kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong
ng isang kaibigan. Tinika niyang maghiganti. Nangibang bansa siya dala ang
bahagi ng kayamanan ng kanyang magulang at siya’y nangangalakal. Nakilahok
siya sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya roon ang kapitan heneral na noon ay
kumandante pa lamang. Pinautang siya. Naging kaibigan matalik dahil sa
kawalanghiyaan ng kapitan na si Simoun ang nakaalam. Sa tulong ng salapi ay
nakuha niyang maging kapitan heneral ang kaibigan at naging sunud-sunuran sa
kanya dahil sa katakawan sa salapi.Inupatan niya ang kapitan sa paggawa ng
maraming kabuktutan.
9
Mahaba ang pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos. Sandaling naghari
ang katahimikan. Inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun at
hiniling niya kay Simoun na igalang ang kalooban ng Diyos. Mahinahong
nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin.
Ang sagot ng pari ay dahil masama ang kanyang pamamaraan. Hindi maililigtas
ng krimen at kasamaan ang mga dinumihan ng krimen at kasamaan. Ang poot ay
walang nalilikha kundi mga panakot; ang krimen ay mga salarin ang nalilikha.
Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay
kabutihan; ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig
Tinanggap ni Simoun ang lahat na sinabi ng pari. Inamin niyang siya ay nagkamali.
Ngunit naitanong niya ng dahil ba sa magkakamaling iyon ay ipagkait na ng Diyos
ang kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang napakaraming higit pang salarin
kaysa sa kanya. Ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis nang ang
mga adhika nila ay makilala at lumaganap. Ang nararapat na gawin ay magtiis at
gumawa ang tugon ng pari.
Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa.
Nagbuntunghininga si Simoun. Higit na mahabang katahimikan.
Nangilid ang luha sa mga mata ng pari. Binitawan ang kamay ni Simoun. Lumapit
sa durungawan. May kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na ng
10
ilawan. Sa tulong ng isang lampara ay tinanglawan si Simoun. Hinipo ito; nabatid
na ito ay patay na. Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino.
Sagot
Sagot
Sagot
4. Ayon sa salita ni Padre Florentino, makatlong nabigo ang mga balak ni Simoun.
Alin ang una, pangalawa at pangatlong pagkabigo?
Sagot
11
Aking Masusubukan
A. Panuto: Basahin ang bawat pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot
upang mabuo ang diwa ng bawat pangyayari mula sa akda.
12
B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga malalapit na kahulugan ng mga
salitang Kastila na nakaitim o nakadiin sa piling bahagi sa Kabanata 13 ng El
Filibusterismo.
Aking Tatayahin
13
B. Panuto: Suriin kung ang bawat bahagi ng akdang nabasa ay nagsasaad ng
pagkamakatotohanan kung iuugnay sa mga pangyayari sa kasalukuyan.
Isulat ang MK kung ito ay nagsasaad ng pagkamakatotohanan at DMK kung
hindi.
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Padre Florentino
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
14
Aking Karagdagang Magagawa
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
B. Panuto: Ano ang pagkakatulad ng Bapor Tabo at ng ating Pamahalaan.
1.
2.
3.
4.
5.
15
Susi sa Pagwawasto
Aking
Masusubukan
Aking A.
Aking Karagdagang Magagawa
Nalaman 1. D
1. A 2. C Mga posibleng kasagutan sa Gawain.
2. B
3. C 3. C
A. Hindi solusyon ang paggawa ng masama at paghihigante sa
4. C 4. B paglutas ng isang problema kung ilalagay mo sa iyaong sariling
5. C kamay ang hustisya. Maging positibo at mananalig sa Diyos na ang
5. B lahat ng karanasan at pangyayari sa buhay ay may dahilan. Huwag
6. B
6. C lang tayong mawalan ng pag-asa.
7. A
8. C 7. B B.
9. C 8. B
10. D
9. A
10. A
B. 1. Ang takbo ng Bapor Tabo ay kasim-bagal
nag pag-usad ng pamahalaan.
11. C
12. D 2. Ang mayayamang nakasakay sa ibabaw ng
kubyerta ay kagaya ng mga
13. E makapangyarihang naloklok sa puwesto ng
14. A pamahalaan.
15. B 3. Ang ating pamahalaan ay di- gaanong
mabilis ang pag-unlad tulad ng inaasahang
takbo ng Bapor Tabo.
4. Bumubuga ng maitim na usok ang Bapor
kasing-itim ng budhi ng mga kurakot na
opisyal ng ating pamahalaan.
5. Higit na kawawa ang mga nakasakay sa
ilalim ng kubyerta na pawang mahihirap
kaysa sa ibabaw at mayayamang prayle at
politico.
16
Sanggunian
http://angelfilibusterismo.blogspot.com/2011/01/kabanata-xxxix.html
https://tl.wiktionary.org/wiki/Kategorya:Mga_salitang_Tagalog_na_hiniram_sa_Espanyol
https://www.tagaloglang.com/salitang-hiram-sa-kastila/
https://www.google.com/search?q=pagsasanay+sa+hiram+na+wikang+kastila&rlz=1C1VDKB_enPH
945PH945&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=jGYsSrbsXmlJqM%252CQXcdnOenw6954M%252C_&v
et=1&usg=AI4_-kR7I6SPVCmtvTrFk06hbFq0wtfEOw&sa=X&ved=2ahUKEwjv15rCluHwAhXP-
GEKHQOuAxQQ9QF6BAgIEAE#imgrc=jGYsSrbsXmlJqM
https://brainly.ph/question/9717158
https://tl.wikipedia.org/wiki/El_filibusterismo
https://brainly.ph/question/11661529
https://www.wattpad.com/227858792-el-filibusterismo-buod-pahiwatig-ng-bawat-
kabanata/page/2
https://quizizz.com/admin/quiz/5fa7e8522b16b1001be7677e/el-filibusterismo-aralin-11-20
https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-6-unang-markahan-filiorig
https://www.slideshare.net/kyung2/el-filibusterismo-quizzes
https://www.wattpad.com/222724698-el-filibusterismo-buod-pahiwatig-ng-bawat-kabanata
17